Chereads / MY FAKE NERD GIRLFRIEND / Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11 - Chapter 11

Masayang nagkukumpulan sila na nakapalibot sa bonfire. Ang Mama at Papa ni Blessie ay parehong nakabalot ng iisang kumot habang si Sarah ay yakap ang sarili. Pero may suot itong jacket. Si Luis ay nakaakbay kay Blessie habang ang isang kamay naman nito ay nakapalibot sa beywang ng dalaga. Habang si Marius ay nakatingin kina Luis at Blessie na umiinom ng beer.

They tour around in Baguio. Nagpunta sila sa Burnham Park at Igorot Stone Kingdom. Bukas naman pupunta sila sa Botanical Garden. Ito ang unang trip ni Blessie. Kaya nag enjoy talaga siya sa pagkuha ng mga litrato. Souvenir sa mga napasyalan nilang lugar dito sa Baguio. Hindi humihiwalay si Luis sa kanya. Palagi itong nakahawak sa kamay niya o kaya ay nakaakbay.

Naghihimutok ang kalooban ni Marius. Dahil kanina pa siya kating kati na kausapin si Blessie. Hindi nilulubayan ni Luis si Blessie. Paano siya makakakuha ng tiyempo na makausap ang dalaga? Kung makabakod si Luis kay Blessie. Akala mo aagawin sa kanya si Blessie.

"Dammit it!" himutok ni Marius. Pagkatapos ay nilagok ang alak. Gumuhit ang pait sa lalamunan niya. Napaiwas ng tingin si Marius sa, dalawa.

"Blessie, papasok na kami sa loob at kami ay matutulog na ng Mama mo. Malamig na din masyado dito sa labas" paalam ni Mang Jose sa kanila.

"Blessie, ha. Yung bilin ko" sabi naman ng Mama ni Blessie sa kanya. Tumango ng ulo si Blessie bilang sagot sa ina. Pagkatapos ay umalis na ang mag asawa para pumunta sa kuwarto nila at makapag pahinga na. Napagod din sila sa maghapong pamamasyal.

"Lapit naman kayo sa akin" wika ni Sarah. May dala itong gitara. Tumayo silang tatlo at lumapit kay Sarah. Katabi ni Blessie si Luis. Napapagitnaan naman si Blessie nina Marius at Luis. Malapit si Sarah kay Luis.

"Kanta tayo, Blessie" ika pa ni Sarah. Nag thumbs up naman si Blessie na sumasang ayon kay Sarah.

Nagsimula nang nagtipa si Sarah sa kanyang gitara.

Itong awiting ito

Ay alay sayo

Sintunado man tong

Mga pangako sayo

Ang gusto ko lamang

Kasama kang tumanda

Sabay na kanta nina Sarah at Blessie. Ito ang isa sa libangan nila nuong nasa kolehiyo pa silang dalawa. Kapag walang klase o hindi pa nagsisimula ang klase nila ay palagi silang nasa tambayan nila para maggitara si Sarah at sabay silang kakanta.

Natulala si Marius at titig na titig kay Blessie habang kumakanta. Kumakalabog ang puso niya. He didnt know that she can sing well. O sadyang naging bulag siya na mas kilalanin pa si Blessie. Kaya wala siyang alam tungkol sa kanyang sekretarya. Naging busy siya na sigawan, bulyawan, alipustahin at ibully si Blessie. Ang sama niya para mabulag at tumingin lamang sa panlabas na anyo ng isang babae. He just hate his self for being a selfish man. And a bad person to Blessie.

Nilingon ni Marius si Luis. Titig na titig din ito kay Blessie. Ang kaibahan nila ay girlfriend ni Luis si Blessie. Kaya may karapatan itong purihin si Blessie at titigan ng ganoon ang dalaga. Samantalang siya ay hanggang ganito na lang. Hanggang tingin na lang. Maghihintay hanggang sa makuha niya ang loob ni Blessie.

Mas inilapit pa ni Luis kay Blessie ang kanyang katawan habang ito ay kumakanta. At binigyan ng pinong halik sa pisngi. Gumanti ng matamis na ngiti si Blessie kay Luis.

Loves na loves parin kita

Kahit bungi bungi ka na

Para sa akin ikaw parin

Ang pinakagwapong Oppa

O kay sarap isipin

Kasama kang tumanda

At nangangako sayo

Pag sinagot mong oo

Iaalay sayo buong puso ko

Sumangayon ka lamang

Kasama kang tumanda

Patuloy na kanta ni Blessie. Pinagdikit nila Luis at Blessie ang tungki ng mga ilong nila. At malawak na ngumiti sa bawat isa.

Gusto nang tumayo ni Marius. At hilahin si Blessie palayo kay Luis. Nagtitimpi lamang siya. Pero nagpupuyos na ang kalooban niya sa galit. Pero hindi niya iyon kayang gawin lahat. Una wala siya karapatan. Pangalawa, walang sila ni Blessie.

"Are you jealous, Marius?" tanong niya sa sarili. Napailing ng ulo si Marius na animoy may kausap. Kung totoo man na nagkakagusto siya kay Blessie ay imposible na maging sila. Nasaan na ang Marius na nagsabi na hinding hindi siya magkakagusto sa isang pangit na si Blessie? Na kahit ito pa ang babaeng matira sa mundo ay hinding hindi niya ito papatulan. Nagsasalita kasi ng tapos. Kinain mo ngayon ang sarili mong salita.

"Tss" umiiling iling ng ulo si Marius.

"No! I am not jealous! I don't like Blessie! Ayoko sa panget!" mariing tanggi niyang sagot sa sarili. Tumatanggi kahit huling huli na sa mga ikinikilos niya. Hindi niya lang matanggap na tuluyan na siyang nahuhulog kay Blessie. Sa panget na si Blessie.

Maaga pa ay nasa Botanical Garden na silang lahat. Kanya kanya sila ng kuha ng litrato. Lahat sila ay masaya. Except kay Marius. Mukhang biyernes santo ang mukha. Nakahiwalay lang ito sa kanila at panay ang hithit ng sigarilyo.

"Sir, sorry po bawal pong manigarilyo dito" sita kay Marius ng isang staff doon. Itinuro pa ang sign na "No Smoking".

Nagkibit balikat lang si Marius. Pinatay niya ang apoy ng sigarilyo sa pamamagitan ng daliri niya. Napakislot siya sa sakit niyon. At biglang itinapon ang sigarilyo sa basuhan malapit sa kanya.

Napansin ni Blessie iyon. Nang mapaharap sa amo. Lalapitan niya sana ito. Pero hawak ni Luis ang kamay niya. Nang maramdaman pa ni Luis na aalis siya ay mas hinigpitan pa nito ang hawak sa kamay niya. Walang nagawa si Blessie. Kundi ang magpatinood kay Luis. Nilingon niya si Luis at ngumiti ito sa kanya. Peke siyang gumanti ng ngiti kay Luis.

"Let's take a picture, Babe" sabi ni Luis sa kanya. Tumango siya ng ulo at pilit na ngumiti. Ang isip niya ay nasa amo niya. Alam niyang napaso ang daliri nito dahil sa ginawa sa sigarilyo. Nag aalala lang siya dahil sa paso sa daliri ni Marius.

Napatingin si Marius kina Blessie at Luis. Masayang magdikit ang mga katawan nila habang si Luis ang kumukuha ng litrato. Paskil ang mga ngiti sa mga labi nilang dalawa.

Umalis na lang si Marius dahil sa inis. Parang masakit ang mga mata niya ang nakikita.

Alas singko ng hapon. Uuwi na sila. Tahimik pa din si Marius. Wala ni isa sa kanila ang kinikibo nito. Sino naman ang makakausap niya? Naiinis lang siya na nakikita kina Luis at Blessie na hindi mapag hiwalay.

After that trip gulong gulo na si Marius. Pinag iisipan kung ano ba talaga ang nararamdaman niya for Blessie. Wala pang babae ang gumulo sa kanya. Sa kanyang pagtulog, sa kanyang pag iisip at pati na sa trabaho niya.

"Sh*t!" sabay hampas ng malakas ni Marius sa table niya. Wala pa ding pumapasok sa isipan niya kundi si Blessie.

Tatlong araw na ang nakalipas nuong dalawang araw nilang bakasyon sa Baguio. Hindi pa din bumabalik ang sigla ni Marius. Laging tulala at malalim ang iniisip. Hindi din ito masyadong nag uutos kay Blessie. Iniiwasan nga niya ang dalaga. Pero pilit man iwasan ay hindi pa din niya magagawa. Lalo na at araw araw naman silang nagkikita sa opisina.

Katulad ngayon. Tumatakbo na lumalapit sa kanya si Blessie. Puno ng pag aalala sa mga mata ni Blessie.

Habang si Marius ay titig na titig sa mukha ni Blessie. Parang slow motion na umiikot ang paligid niya. Napahawak si Marius sa sintido niya. Ramdam niya ang pagsakit ng ulo niya.

"Fuck!" mura ni Marius na hawak pa din ang sintido niya. Mas lalo lang sumakit ang ulo niya ngayon malapit si Blessie sa kanya.

"S-sir may p-problema po ba kayo?" nauutal na tanong ni Blessie. Hinawakan niya sa balikat si Marius. Tumunghay ang amo niya sa kanya. At tiningnan ang kamay niya sa balikat ng binata. Bigla niyang binawi ni Blessie ang kamay na nakahawak sa balikat ni Marius.

Kinakabahan si Blessie ngayon sa mga nakikita sa mga mata ni Marius. Ewan niya. Parang kakaiba si Marius ngayon. Simula nuong umuwi sila galing Baguio.

Napahawak si Blessie sa dibdib niya. Ang lakas ng kalabog ng dibdib niya. Bakit ganito ang nararamdaman niya? Sa mga mata palang ng amo niya. Iba na.

"Gulong gulo na ako! Naiinis ako!" frustrated na sigaw ni Marius at sinabunatan ang sariling buhok. Nag iwas siya ng tingin kay Blessie. Habang tinititigan niya ang mukha ng dalaga ay mad lalo lang siyang nahuhulog dito.

Pilit na kinakalimutan ni Marius ang nararamdaman niya. Pero parang magnet na halos isinisiksik sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung tumuloy sa puso niya. Isa lang ang batid niyang nalalaman niya. It's love.

"Bullsh*t! This is cannot be happen! Walang ganoon. Walang nangyayaring iba sa akin" bulalas ni Marius sa isipan. Umiigting ang panga niya. Ang lahat ng ito ay nangyayari dahil kay Blessie. Dahil gusto niya si Blessie para maging fake girlfriend. Not his real girlfriend.

Nagtataka naman na nakatingin sa kanya si Blessie. Kita niya ang panginginig ng mga kamay ni Blessie.

Tumayo si Marius. At lumapit kay Blessie. Pagkalapit niya sa dalaga ay hinawakan niya ito sa balikat. Ramdam niya ang kaba ni Blessie. Tumitig siya sa mga mata ni Blessie.

Naglumikot ang mga mata ni Blessie.

"Why would I feel like this way? Bakit ako nagkakaganito, Blessie? Bakit hindi kita maalis sa isipan ko? Bakit ginugulo mo ang buong pagkatao ko? Can you answer me, please?" mga tanong ni Marius sa mababang tono boses. Hawak pa din niya ang kamay ni Blessie.

Napaawang ang labi ni Blessie. Hindi lang siya sanay na hindi sumisigaw ang amo niya sa kanya.

"Hindi ko po alam" natitigilan na sagot ni Blessie. Biglang niyang binawi ang kamay sa pagkakahawak ni Luis.

Natigilan si Marius. At tumalikod sa kanya.

Huminga ng malalim. And faced Blessie again.

"I think, I like you. No! I love you!" biglang pag amin ni Marius.

Naestatwa ni Blessie. Tama ba ang narinig niya? Baka hallucination niya lang ito. Panaginip lang siguro. Nagulat si Marius nang makitang biglang sinampal ni Blessie ang sariling mukha. Gusto lang niyang malaman na hindi panaginip ito. Ang pangarap niya nuon na mahalin din siya ni Marius ay nangyayari na.

"What are you doing?!" pigil na tanong ni Marius. Nagtama ang mga tingin nila.

"Hindi puwede" nauutal na saad ni Blessie. Saka nagbawi ng tingin.

"Bakit? Bakit hindi puwede?!"

"Hindi ka puwede magkagusto sa isang katulad ko! Sa isang panget na katulad ko! Diba, nandidiri ka sa akin? Kaya hindi ako naniniwala sayo, SIR" ipinagdiinan ang salitang Sir.

Hindi pa din niya nakakalimutan ang mga pinaggagawa ni Marius sa kanya nuon. Ang mga nandidiri nitong mga tingin sa kanya. Ang mga malalakas na sigaw nito sa kanya. Ang mga pangungutya simula nuong maging sekretarya siya nito. Nasa utak pa niya lahat ng mga iyon.

Nameywang si Marius. Totoo naman iyon. Pero nuon 'yun. Nuong wala pa siyang nararamdaman for Blessie.

"That is true, Blessie. Because I just want to play around with girls. At hindi ikaw ang tipo kong babae. Napakalayo sa ideal girl ko. Pero bigla na lang nagbago iyon. Lahat ng gusto ko nag iba. Nag iba kasi ikaw na ang gusto ko"

Umiling iling ng ulo si Blessie.

"Sinasabi mo lang yan dahil gusto mong tulungan kita para maging fake girlfriend mo! You are just fooling me! Dahil nachachallenge ka. Dahil hindi ako kagaya ng mga babae mo na mabilis lang bumigay sayo!"

"No! I mean it. I like you, Blessie. Hindi ko alam kung paano nagsimula at kailan. I just woke up in the morning. Gusto na kita. Paniwalaan mo. Hindi ito isang patibong para makuha ko ang pagpayag mo maging fake girlfriend ko"

Parang hindi kilala ni Blessie si Marius. Malayo ng malayo sa Marius na nakilala niya nuong una. Mayabang, arogante, at bastos.

"I'm sorry. Pero may boyfriend na ako. Hindi tama na niloloko ko siya"

"Just give me a chance to prove it" sabi ni Marius at hinawakan ang kamay ni Blessie. Sinalag iyon ng dalaga kaya nabitawan ni Marius.

"Naglolokohan lang tayo, Sir Marius. Huwag mo akong igaya sa mga dating sekretarya niyo. Hindi ako bibigay sa mga mabulaklak mong salita! Ayokong matulad sa kanila na iniwan mo na lang basta!" mabilis na tumakbo si Blessie palabas ng opisina ni Marius.

Dumiretso siya sa banyo. At doon nag iiyak.

"Huwag mong paniwalaan lahat ng yun, Blessie. Gusto lang niyang makuha ang tiwala mo. Huwag kang bibigay" saway ng sariling utak niya sa kanya.

"Pero paano? Mahal ko si Marius nuon pa" nagulat siya sa sariling sagot. Naalala niya si Luis. Paano si Luis? Ang bait pa naman ni Luis at kitang kita niya na mahal na mahal siya ng binata.

Sumapit ang uwian walang Luis na dumating at tumawag sa kanya. Hindi na siya muling pumasok pa sa opisina ng amo niya. Hanggat maari ay kailangan niyang iwasan si Marius.

Kinuha ni Blessie ang phone niya. And dialed Luis phone number. Nakailang ring na pero wala pa ding sumasagot. She just type and send message to Luis. Hindi na siya magpapasundo at yayain ang kaibigan na mag night out.

Nagpasundo na lang si Blessie sa kaibigang si Sarah. Nasa loob na si Blessie sa kotse niya. Tahimik ito at hindi man lang siya binati.

"Mapapanisan ka ng laway kapag hindi ka nagsalita diyan" basag na biro ni Sarah sa katahimikan ni Blessie. Napalingon si Blessie kay Sarah.

"Wala lang. Nag iisip lang. Iniisip kung bakit ganoon. Bakit ngayon pa?" saka bumuntong hininga.

"Hmm. I smell something. Humuhugot ka"

"Ikukwento ko sayo mamaya" malungkot na ani Blessie.

"Dapat lang. Marami kang ikukwento sa akin. Sagot ko ang pulutan" saka ipinark ang kotse niya sa parking lot na nasa harapan ng isang bar.

Pagkapasok sa loob ng bar ay naghanap agad sila ng bakanteng upuan. Napili nila ang nasa sulok na table for two lang. Dalawa lang naman sila ni Sarah.

Nag order kaagad si Sarah ng pamababaeng inumin. While Blessie order teuqila. Nagulat si Sarah.

"Gusto mo bang malasing talaga?"

"Oo. Gusto kong makalimutan ang lahat" sagot ni Blessie. Nagulat naman si Sarah sa sinagot ng kaibigan niya.

"Bakit? Ano ba iyong kakalimutan mo? Share mo naman"

Seryoso ang mukha na tumunghay si Blessie kay Sarah.

"Promised mo muna hindi mo ako huhusgahan" sabi ni Blessie. Nag taas naman ng isang kamay si Sarah.

"I'm a cheater" saka nagface palm.

Nanlaki ang mga mata ni Sarah sa rebelasyon ng kaibigan. Napaawang ang bibig na gustong sumigaw. Pero pinigilan ito ni Blessie ay tinakpan ang bibig ng kaibigan.

"Huwag kang maingay" bulalas ni Blessie habang nakatakip ang isang kamay niya sa bibig ni Sarah. Tumango tango ng ulo si Sarah. Tinanggal ni Blessie ang kamay sa bibig ni Sarah.

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Sarah. Dumating naman ang order nila at tumahimik muna sila sandali.

Nang makaalis ang waiter ay nakita ni Blessie na bumuka ang bibig ni Sarah. Sisigaw naman. Pero bago sumigaw si Sarah ay maaga na sinubuan ang kaibigan ng fried chicken wings.

"Sinabi nang huwag maingay, eh!" nagbabanta ang mga tingin ni Blessie. Nag peace sign naman si Sarah sa kanya.

"Sino naman ang lalaking lumalandi sayo? Hindi ba niya alam may boyfriend kana?" mga tanong ni Sarah. Pilit niya iniintindi kung totoo ba ang mga sinabi ni Blessie.

"Si Sir Marius" walang prenong sagot ni Blessie. Nabilaukan si Sarah sa narinig. Agad na inabutan siya ni Blessie ng tubig.

"Sigurado ka?" tanong ni Sarah habang ibinababa ang baso.

"Diba, sabi ko no judgement. Bakit ngayon narinig mo lang ang pangalan ni Sir Marius ganyan na ang tanong mo? Bakit hindi ba puwedeng magkagusto si Sir Marius sa katulad ko? Alam kong pangit ako. Hindi ako kasing ganda ng mga idinadate niya. Kaayaw ayaw ba talaga ako?" hind na niya napigilan ang maghinanakit. Nagbabadya na ang luha sa kanyang mga mata. At dahil madilim ay hindi kita ang pamumula ng mata.

Alam na niya lahat yun. Isa siyang panget. At hinding hindi magkakagusto ang isang Prince Charming na kagaya ni Marius Martini Centeno. Suntok sa buwan yun. Ibig sabihin malabo pa sa tubig sa kanal. Hinding hindi mangyayari.

Inilapit ni Sarah ang kanyang upuan sa tabi ni Blessie.

"I'm sorry. Kung na offend kita, Girl. Hindi ko lang maisip na may gusto sayo ang amo mong chickboy. Dont get me wrong. Kilala mo yun. Mula ulo hanggang paa. Maybe there is hidden agenda. Why he is doing this"

"Yes. Dahil gusto niya akong maging fake girlfriend. Pero sabi niya hindi daw dahil doon. Kaya niya inamin sa akin iyon"

"Ah huh! Kaya you should be cautious. Iwasan mo ang Marius na yan. Or better resign as a secretary of Marius Martini Centeno na yan. Diba inaalok ka ng trabaho ni Luis. Tanggihan mo pa" suhestiyon ni Sarah.

Napaisip si Blessie. Magreresign na ba siya sa MMC? At tatanggapin na ba niya ang alok na trabaho ni Luis?