Naawa ang puso ni Blessie. May malaking pitak din sa puso niya si Marius. Ito ang unang lalaking minahal niya nuon. Dito siya unang nagmahal at unang nasaktan. Ngunit iba na ang sitwasyon nila ngayon. Mayroong mga taong mas masasaktan kapag itinuloy ang anomang gusto ni Marius at ang idinidikta ng puso niya.
Nilapitan niya si Marius. Niyakap niya ito at hinaplos sa likod. Gumanti ng yakap na mahigpit si Marius sa kanya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Kapag ganito kalapit sa kanya ang amo. Ang kanyang first love at ang kanyang ultimate crush.
Bumitaw sa yakap si Marius at humarap kay Blessie. Tinitigan niya ang mukha ng dalaga. Wala itong suot na salamin sa mata.
"You're beautiful without glass. Puwede ka namang mag contact lense na lang kung nahihirapan ka sa mga mata mo?" sabi ni Marius na nakapagpakaba kay Blessie.
This is the first time that she hear coming from the mouth of Marius Martini Centeno. That she is beautiful. Pumalakpak ang mga tenga niya. Lumipad ang mga paro paro sa kanyang tiyan.
"Ganito pala ang pakiramdam nang pinuri ka ng lalaking sobrang hate na hate ka nuon. I feel like a rock star!" masayang ika ni Blessie sa isip.
Napasinghap si Blessie nang maramdaman ang kamay ni Marius sa beywang niya. Tumunghay siya sa lalaking dama niya ang init ng katawan sa kanyang katawan.
"Thank you. Pinasaya mo ako ngayon," sinserong bigkas ni Marius. Ngumiti ito nang napakalawak. Halos lampas na lampas sa mata.
"Let's eat," malambing na aya ni Marius kay Blessie. Nagpatinuod si Blessie sa aya ni Marius.
Ipinaghila pa siya ng upuan ni Marius at inalalayan na maupo. Nakahilig ang ulo si Blessie na nakatingin kay Marius. Habang paupo ito sa upuang katabi niya.
Tahimik lang si Blessie na kumakain. Ramdam niya nang magiging komplikado ang lahat. Once na pumayag siya sa mga gusto ni Marius. Kapag naniwala siya sa mga sinasabi nito sa kanya. He will never love her. She know that. Dahil ang mga gusto nitong mga babae, eh magaganda at pang coco cola ang katawan. Pasok siya sa katawan hindi sa mukha.
"Ang tahimik mo," basag na sabi ni Marius.
"Ah.. Wala lang. Iniisip ko lang sina mama at papa. Pagagalitan nila ako. Dahil hindi ako nakauwi kagabi. Ang masama pa. Lalaki pa ang kasama ko," pangongonsensiya ni Blessie.
"Hey, do you forget that I'm here. Hindi naman kita pababayaan. Ako na ang kakausap sa parents mo."
Napalingon si Blessie sa katabi.
"Mas lalo lang gugulo ang sitwasyon kung ikaw ang kakakusap kina mama at papa. Ako na lang, Sir Marius," tanggi ni Blessie.
"Don't call me sir, Marius na lang. Saka hindi naman puwede na pabayaan kita. Ako ang nagdala sayo dito. Siyempre dapat you're my responsibility. Kapag magpapaliwanag ka sa parents mo. Dapat nasa tabi mo ako." pamimilit ni Marius.
Napairap si Blessie. Hindi na talaga niya malaman ang gagawin. Napaka mapilit naman nitong amo niya. Hindi ba niya alam na istrikto ang papa niya. At hindi sila ganoong ka liberated ang isip. Importante sa kanila ang dangal. Lalo pa at nag iisang babaeng anak si Blessie at bunso pa.
"Baka kasi kung anong isipin nila. Isa pa iisipin din nila si Luis. May nobyo akong iba tapos inuwi mo ako dito sa condo mo. Isipan pa nilang may nangyari sa atin. Diyos ko! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano ko pa maipapaliwanag kina mama at papa na wala walang nangyari sa ating dalawa?"
"Hayaan mong ako ang magpaliwanag sa kanila, Blessie. Hindi naman ako aalis sa tabi mo. You will count me in. Kahit ano pa ang sabihin ng parents mo sayo. I will always on your side," seryosong sabi ni Marius at hinawakan ang kamay ni Blessie.
"Maganda nga ding isipin nila 'yon," dagdag na sabi ni Marius na nangingislap ang mata. Binawi ni Blessie ag kamay niyang hawak ni Marius at pinalo sa balikar ang amo.
"Ikaw talaga. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo. May problema na nga ang tao. Nakuha pang magbiro," iritadong wika ni Blessie.
"Mahalin mo na lang kasi ako para hindi ka na maguluhan. At hindi ka na kabahan sa iisipin ng parents mo at ng lahat ng tao sa paligid ko," sabay kindat niya kay Blessie. Kung sana ganoon pang yun kadali ngayon.
Nang matapos silang kumain ay nagbihis na si Marius. Napilit na din niya si Blessie na ihatid sa bahay nila.
"Sir, huwag mo na lang ihinto ang sasakyan mo sa tapat ng bahay namin," bilin ni Blessie.
Tumaas ang kilay ni Marius. "At bakit naman? Ikinahihiya mo ba ako?" tanong ni Marius sa kanya.
"Hindi po. Ayaw ko lang nga na mag isip ng masama sina mama at papa," naiinis na siya na paulit ulit na lamang ang paliwanag niya dito.
"Kahit ano pa 'yang rason mo, honey. Sasamahan kita hanggang sa loob ng bahay niyo," may diing sabi ni Marius sa kanya.
Napatampal na lamang sa sariling noo si Blessie. Saka napiiling ng ulo. Wala na silang pinagkasunduan.
"Tayo na nga. Mauuna akong magkauban sayo. Sa sobrang kulit mo," naiirita na aya niya kay Marius.
Aalis na sana si Blessie nang hulihin ni Marius ang kamay niya. Tiningnan niya ang kamay ni Marius na pinagsalikop ang mga kamay nila. Saka tumingin sa mukha ni Marius.
"Ano ito?" sabay taas ng kamay nila. Hindi sumagot si Marius. At hinila siya palabas ng condo.
Hindi binibitawan ni Marius ang kamay ni Blessie. Hanggang sa makarating sa elevator. Makababa sa looby ay hawak nito ang kamay ni Blessie. Hiyang hiya si Blessie na halos itago ang mukha sa lahat ng tao na nakakasalubong nila. Habang si Marius ay prenteng naglalakad at walang pakialam sa paligid.
Sakay na sila ng kotse ni Marius. Si Marius ang nag ayos ng seatbelt ni Blessie. Kahit na anong pilit ni Blessie na huwag na ay ito pa din ang nasunod.
Hawak ni Marius ang isang kamay niya. At paminsan minsan ay dinadala sa labi para halikan. Habang tutok ang mata sa daan. Hindi naman makatanggi si Blessie. Sa totoo lang ay parang nagustuhan naman ito ni Blessie. May ganitong side pala ang amo niyang leon. Kilig na kilig siya sa mga ipinapadama ni Marius sa kanya.
Huminto ang sasakyan ni Marius. Nagtaka si Blessie na wala pala sila sa bahay nila. Nilingon siya muna ni Marius at binigyan siya ng isang matamis na ngiti saka binitawan ang kanyang kamay. Nagtanggal ng seatbelt at lumabas ng kotse niya.
Sinusundan ng tingin ni Blessie ang papaalis na si Marius. Doon lang niya napansin ang stall ng mga bulaklak. Ilang minuto pa ay bumalik na si Marius dala ang dalawang bungkos ng bulaklak
Inilagay ni Marius ang isang bungkos ng bulaklak sa likuran nila. Saka ang isa ay dala pa din niya. Pumasok na siya sa passenger seat.
"For you, honey" sabay lahad ng bulaklak kay Blessie.
"Sa akin?" tanong ni Blessie ay itinuro pa ang sarili. "Anong okasyon?" muli niyang tanong na puno ng pagtataka at pagkagulat.
"Kailangan bang may okasyon para bigyan kita ng flowers? I want to spoil you. Because you are so special to me," puno ng sinseridad na sagot ni Marius. Natutula pa din na kinuha ni Blessie ang bulaklak kay Marius.
Dumukwang si Marius at binigyan ng halik sa pisngi si Blessie. Napapikit si Blessie sa ginawang iyon ni Marius. Hinaplos pa nito ang pisngi niya. Kinikilabutan si Blessie.
"Is this for real? Maybe I am dreaming," natitigilan na usal ni Blessie sa sarili. Hindi pa din siya makapaniwalang mahal siya ni Marius.
"Kurutin mo nga ako," wala sa sariling utos ni Blessie. Kumunot ang noo ni Marius.
"Why?"
"Basta, kurutin mo ako. Gusto ko 'yung masasaktan ako," sagot ni Blessie. Napailing ng ulo si Marius.
"Ayoko kitang saktan," tanggi ni Marius.
"Gagawin mo o magtataxi ako pauwi!"
Nanlaki ang mga mata ni Marius. Walang nagawa kundi sundin si Blessie. Isang pinong kurot sa braso ang ibinigay niya sa dalaga.
Napadaing si Blessie sa sakit.
"Totoo nga," nagugulantang na bulalas ni Blessie.
"What do you mean, honey? This is real and you're not dreaming. I am real. Here in front of you," ika niya. Humarap si Blessie kay Marius.
"I love you, honey. Please believe that if I say I love you. Dahil totoo 'yon," nakatitig sa mga mata ni Blessie na sabi ni Marius.
Naging tahimik ang buong biyahe nila. Hindi na muli lang kumibo ni Blessie pagkatapos sabihin iyon ni Marius. Palaging sinusulyapanni Marius ang dalaga na nakasandal ang likod sa upuan. Hinayaan na lamang niya ang dalaga na hindi magsalita. He cant force Blessie to believe on him. Ayaw niyang madaliin din ang lahat. Isa pa may nobyo si Blessie.
Kinakabahan na si Blessie. Iniisip pa niya kung anong idadahilan sa magulang niya kung bakit hindi siya nakauwi kagabi. Dumagdag pa si Marius sa magiging paliwanag niya.
Malayo pa ay tanaw na ni Blessie ang isang sasakyan sa harap ng bahay nila. Hindi siya maaaring magkamali. Kay Luis ang kotseng nakaparada sa harap ng bahay nila.
Napabuga ng hangin si Blessie. Sobra na ang tensyon na nararamdaman niya sa dibdib niya. Namamawis na at hindi mapalagay ang mga kamay niya.
Inihinto ni Marius ang kotse niya. Hindi kalayuan sa bahay ng dalaga. Mabilis na kinalag ni Blessie ang seatbelt niya. At nagmamadaling lumabas ng sasakyan ni Marius.
Napilitan na lumabas na din si Marius. May gusto pa sana siyang sabihin sa dalaga. Mukhang umiiwas na ito sa kanya.
Huminga ng malalim si Blessie. Saka Napahawak sa dibdib niya. Pakiramdam niya naninikip ang dibdib niya. Dahil sa sobrang nerbiyos.
Pumasok na si Blessie sa loob ng bahay nila at naabutan ang Mama at Papa niya nakausap si Luis. Napatayo si Luis nang makita siya. Lumapit siya sa Mama niya at humalik sa pisngi. Gayon din ang ginawa niya sa Papa niya.
Hindi maipinta ang mukha ng mag asawa. Masama ang loob nila sa bunsong anak. Hindi ito nagpaalam sa kanila na hindi uuwi ng bahay. Hindi din nila alam kung saan ito nagpalipas ng gabi. Nag aalala lang sila sa magiging kalagayan ni Blessie. Narinig pa nilang lasing na lasing ang anak nila kagabi.
Lumapit si Luis sa kanya. Nag alala itong hinawakan ang kamay niya. "Saan ka nanggaling? Alam mo bang nag aalala ako sayo? 'Yong phone mo naiwan mo sa bag mo na nadala ni Sarah. Noong bigla ka na lang umalis sa bar." Usisang tanong ni Luis.
Tumitig si Blessie sa mga mata ni Luis.
"I'm sorry," iyon lang ang nasabi ni Blessie at yumakap kaagad kay Luis. Doon na tuluyang umiyak si Blessie. Nagtataka naman si Luis na ipinulupot din ang kamay sa likod ng nobya.
Iyon ang naabutan ni Marius. Ang eksenang magkayap sina Blessie at Luis. Napakuyom siya ng kanyang kamao. Umigting ang panga. Wala siya sa lugar para magselos. Dahil hindi naman niya girlfriend si Blessie. Pero hindi niya mapigilan ang kanyang damdamin.
"Blessie, anak. Anong nangyari sayo? Hindi ka man lang tumawag sa amin ng papa mo. Nag aalala kaming lahat sayo," untag ni Belinda sa anak.
Bumitaw si Blessie sa yakap ni Luis at humarap sa magulang niya. Pinunasan niya ang luha niya sa pisngi.
Lumapit si Blessie sa ina. "Patawad po, aama. Nawala po ako sa katinuan kagabi. Nalasing po ako ng sobra. Alam kong alam ninyong hindi ako ganon." hingi ng tawad ni Blessie.
"Kababae mong tao nagpapakalasing ka ng sobra. Hindi mo na inisip ang mararamdaman namin na magulang mo, Blessie. Hindi ka namin binanawalan sa lahat ng gusto mong gawin. Pero sana ilugar mo ang sarili mo. Umakto na tama sa edad mo. Hindi kana bata. Alam mo na ang tama at mali," pangangaral ni Jose sa anak.
"Ginabi ka sa daan. Hindi namin alam kung saan ka natulog. Kung may naholdap kaba? Kung nsagasaan ka? Sobra mo kaming pinag alala ng Mama mo" dugtong pang panenermon ng papa ni Blessie.
"Sorry po, papa," nahihiyang sabi ni Blessie. Tama lang naman na magalit ang papa niya sa kanya dahil may mali siyang ginawa.
Hindi na nagawa pang tingnan ni Blessie ang Papa niya sa mga mata. Nababanaag niya ang galit ng papa niya sa mga nito. Hindi niya nakayanan na tignan iyon. Ito ang unang beses na nagalit ito ng ganoon sa kanya.
Hindi nila napapansin si Marius na nasa may pinto lamang at nakininig sa lahat ng pinag uusapan nila. Hindi din nagawa ni Blessie maalala na kasama niya si John na pumunta ng bahay nila para ipaliwanag ang lahat sa magulang ng dalaga.
Kaya hindi na nakatiis pa si Marius at tumikim ito. Nagdulot iyon ng atensyon sa kanilang lahat. Napalingon ang magulang ni Blessie at si Luis sa kanya. Habang si Blessie au hindi magawa ng lingonin siya.
Matalim ang tingin na ibinigay ni Luis kay Marius. Nuon pa man ay ramdam na niyang gusto ng pinsan niya si Blessie. Hindi niya lang inakala iyon. Dahil iba ang tipo ni Marius na babae. At iba ang pakay nito sa mga babae. Sana lang ay hindi totoo ang kutob niya. Sana ay hindi magiging hadlang si Marius sa kanilang dalawa ni Blessie.
"Sir Marius?" naguguluhang sabi ni Jose. Nagtataka lang siya kung bakit nandito sa bahay nila ang anak ng amo niya.
Naglakad si Marius papalapit sa kanila. Ang mga mata niya ay na kay Blessie. Nanatili itong nakayuko. At hindi siya man lang tinatapunan ng tingin. Pumunta siya sa harap ng magulang ni Blessie. Nagmano siya sa mga ito bilang paggalang. Napaawang naman ang mga labi ng dalawang matanda sa ginawa ni Marius.
"Anong ginagawa niyo po dito, Sir Marius?" tanong ni Jose.
"Sir, huwag niyo na po akong tawagin sir. Hindi po ako ang amo niyo. Parents ko po," magalang na sabi ni Marius sa Papa ni Blessie.
Nagkatinginan sina Belinda at Jose.
"Marius, can you just leave? May pinag uusapan kami dito. At hindi ka kasali dito!" hindi na napigilan ni Luis na sumabat.
Hindi sumagot si Marius. Sa halip ay tumingin siya sa magulang ni Blessie.
"I'm sorry po. I'm the one who take Blessie in my condo. Doon ko po muna siya pinatulog dahil sobrang lasing na lasing siya. At hindi niya po kayang umuwi. Hindi ko naman po kayang dalhin sa inyo ang anak niyo na halos hindi makatayo. And dont worry po. I respect Blessie. I let her sleep in my room. Kaya huwag niyo pong pagalitan si Blessie. Ako po ang dapat na sisihin dito," mahabang paliwanag ni Marius. Napapikit si Blessie sa mga narinig niya mula kay Marius.
Biglang hinila ni Luis si Blessie palapit sa kanya. Sobrang talim ng tingin niya kay Marius.
"Why you didnt tell me? I am her boyfriend. Bakit mo pa dinala si Blessie sa condo mo?!" galit na mga tanong ni Luis. Hindi nakakibo si Blessie.
Nagitla sila Jose at Belinda sa sigaw ni Luis.
"Luis, huminahon ka," awat ni Jose sa binata.
"Tito, paano pong hindi ako magagalit? Pinsan niya po ako. Pero kinakatalo niya ako!" nagtitimpi na sagot ni Luis.
"Luis, I'm sorry. Hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko para kay Blessie." sabi ni Marius. Saka bumaling sa magulang ni Blessie. "Sir, gusto ko po ang anak niyo. Mahal ko po si Blessie" Sinserong amin ni Marius.
Nagulat ang mag asawa at tumingin sa anak nilang nakayuko lang ang ulo na nasa tabi ni Luis.
Gusto nang lumubog ni Blessie sa kanyang kinatatayuan. Ang pag amin ni Marius ang nagpapakaba at nagdudulot ng takot sa kanya. Takot para sa kanyang magulang. Takot din para kay Luis. Saka kaba sa kung ano ang kahihitnan ng lahat.
Nagitla ang mag asawa nang malakas na sinuntok ni Luis si Marius. Pati din si Blessie ay nagulat at hinawakan sa braso si Luis.
"Luis!" tawag ni Blessie sa binata. Habang si Marius at nakadapa sa sahig.
"Hayop ka, Marius! Hindi mo na nirespeto ang pagiging magkadugo natin. Gusto mong agawin ang nobya ko. Ang galing mo!" bulyaw ni Luis. And then he smirked.
"Luis, tama na," umiiyak na awat ni Blessie.
Tumayo si Marius na sapo ang pisngi. May dugo sa gilid ng labi niya dahil sa suntok ni Luis.
"Sir Marius, huwag mo namang paglaruan ang anak namin. Hindi naman tama na sabihin mo 'yan. Gayong may nobyo na si Blessie. Sana pinigilan mo na lang. Kung totoong mahal mo ang anak namin. Sana nagparaya ka na lang," sabi ni Belinda.
"Pasensiya na po kayo. I make a big mistake. By falling in love to Blessie. I'm sorry, Luis. Hindi ko sinadya. Sinubukan ko...," ani Marius. Namumula na ang mata niya at nagbabadya nang lumuha.
"Sinubukan ko talagang pigilin. Sinubukan kong dayain ang sarili ko. Alam ko na masama akong tao. Playboy, iba ang hsbok ko sa mga babae. And I want beautiful girls. But when Blessie came. And become my secretary. Ayaw ko sa kanya. Ayoko sa panget. Ayoko sa kanya. Kasi panget siya. But my worlds become ups and down because of Blessie," dagdag lang wika ni Marius. Yumuko siya ng ulo at hinayaan na tumulo ang luha niya.
It's a karma. Sa dami ng mga babaeng pinaglaruan niya at pinaasa. Ngayon niya naramdaman kung ano ang pakiramdam nang hindi ka kayang mahalin pabalik ng taong natutunan mo nang mahalin.
Napailing ng ulo si Luis. Saka hinapit sa beywang si Blessie.
"Tito, tita, lalabas lang po kami ni Blessie para mag usap ng masinsinan. Kung papayagan niyo po siyang sumama sa akin?" paalam na sabi ni Luis sa magulang ni Blessie.
"Okay lang, Hijo. Sana ay magkapaliwanagan kayong dalawa. Kung mahal mo ang anak ko. Sana ay maintindihan mo ang sitwasyon niya," sagot ni Jose. Tumango ng ulo si Luis. Saka iginiya si Blessie palabas ng bahay ng dalaga.
Naiwan si Marius na umiiyak pa din. Nilapitan ito ni Jose.
"Mama, pakidalhan naman ako ng tubig" malambing na utos ni Jose sa asawa. Tumalima si Belinda at pumunta ng kusina para kumuha ng tubig para kay Marius.
"Maupo ka, binata," alok ni Jose.
Umupo naman si Marius. Pero hindi niya kayang tumingin sa mga mata ng ama ni Blessie.