Umuwi si Blessie na umiiyak. Nadaanan niya ang Mama at Papa niya. Pero hindi niya binati ang mga ito.
"Blessie," tawag ng Mama niya sa kanya. Hindi pinansin ang pagtawag ng Mama niya. At dire-diretsong tumakbo si Blessie papunta sa kuwarto niya.
"Anong nangyari sa anak natin, Jose?" nag-aalalang sabi ni Belinda. Inalo naman ni Jose ang asawa.
"Hayaan mo kakausapin ko ang bunso natin," sagot ni Jose sa asawa.
Humahagulgol nang iyak na nakadapa si Blessie sa kanyang kama. "Niloko nila ako!" tinanggal ni Blessie ang kanyang salamin sa mata.
"Blessie, Anak. Pakibukas ang pintuan," katok ni Jose sa pinto ng kuwarto ni Blessie.
Agad na pinunasan ni Blessie ang mga luha niya. Saka pinuntahan ang pinto at pinagbuksan ang ama. "Papa, bakit po?"
"Puwede bang pumasok sa kuwarto mo?" pakiusap ni Jose kay Blessie. Niluwagan ni Blessie ang pagkakabukas ng pinto.
Pumasok si Jose at umupo sa kama. Tinapik nj Jose ang tabi niya. Senyas na umupo si Blessie sa tabi niya. Umupo si Blessie. At agad inakbayan ng ama.
"Anong problema? Nag-aalala ang Mama mo sayo sa baba. Nagtatakbo ka na agad dito sa kuwarto mo. Sabihin mo sa akin ang problema mo. Baka makatulong ako. Makagaan man lang diyan sa dibdib mo," sabay tanggal ng kamay niya sa balikat ni Blessie.
"Papa, nahuli ko po si Luis kanina. Magkasama po sila ni Sarah sa isang kuwarto. Hindi na po ako bata para hindi malaman ang ginawa nila sa loob ng kuwarto," muling bumuhos ang luha ni Blessie. Masakit na sabihin ang nakita niya.
Nagulat man si Jose ay nakabawi din kaagad. "Sa pagmamahal, anak. Dapat matapang ka. Malaking kasalanan ang ginawa ni Luis. At harapin mo. Kung kaya mong patawarin kaagad binatang si Luis. Walang pipigil. Kung masakit pa. Hayaan mong maghilom ang sugat. Saka mo patawarin. Maganda na habang maaga pa ay nasubukan na ang katatagan ng pagmamahalan ninyong dalawa ni Luis. Mabait na bata si Luis. Hindi natin alam kung anong tumakbo sa isip niya kaya niya nagawa iyon."
"Pero, si Sarah pa po. Bakit ang kaibigan ko pa po?"
"Mga mga bgay na dapat intindihin mo na lang. Nangyari na. Wala na tayong magagawa na palitan pa. Nasa iyo pa isn ng pasya, Blessie. Nasa iyo kung patatawarin mo sila. Ikaw, mahal mo pa ba si Luis ngayon na nagkasala siya sayo?"
Napatingin si Blessie sa Papa niya. Ano bang isasagot niya? Pilit niyang kinapa ang sarili. Mahal mo ba talaga si Luis?
"Sa ngayon po hindi ko pa po alam ang sagot," tumango ng ulo si Jose.
"Sige na. Magpahinga ka na. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mama mo," tumayo si Jose.
"Salamat po, papa" sabi ni Blessie at niyakap ang anak sa beywang. Tinapik ni Jose ang kamay ni Blessie na nakayakap sa kanya. Kusang bumitaw si Blessie. Saka lumabas ng kuwarto ni Blessie si Jose at nginitian pa muna ang anak bago isinarado ang pintuan.
Naiwan si Blessie. Napabuntong hininga siya. Humiga sa kanyang kama.
Sumapit ang tanghalian ay tahimik na nasa hapag sina Blessie. Panay ang tingin ng mag-asawa sa anak na halos hindi nagalaw ang pagkain. Hawak ang kutsara na nakatingin lang sa kanyang pagkain.
"Anak, matutunaw ang pagkain mo. Pero hindi ka mabubusog," sabi ni Belinda na binasag ang katahimikan ng anak na si Blessie. Napaiwas nang tingin si Blessie at pinunasan ang mga luha sa pisngi niya.
"Kung hindi mo pa kayang humarap sa tao. Dahil nasasaktan ka. Puwede ka namang sa kuwarto ka muna," hinawakan ni Belinda ang kamay ng anak. Awa ang nararamdaman ngayong nakikita ang bunso na nasasaktan at nagdurusa.
"Okay lang po ako, mama. Kaya ko po ito," sagot ni Blessie. Hinaplos pa ni Belinda ang braso ni Blessie.
Malalakas na katok ang pumukaw sa kanilang mag-anak. "Ako na ang titingin. Baka si Kulas 'yan. Nanghihingi na naman ng kanin." tumayo na si Jose at pumunta sa pinto.
"Sigurado ka ba, Blessie? Nag-aalala kami ng Papa mo. Hindi mo dapat nararamdaman ito," umiyak na din si Belinda. Masakit ang maloko ng taong minamahal. Maswerte siya at kailanman ay hindi nagawa ng asawa niya ang pagtaksilan siya.
Pinunasan ni Blessie ang mga luha niya. At marahang tumango ng ulo sa ina. Hindi din naman niya maitatago ang sakit na nararamdaman niya.
"Blessie," sabay na napalingon sina Belinda at Blessie sa tumawag. Nakita nila si Luis na papalapit kay Blessie.
Agad na lumuhod ang binata sa harapan ni Blessie. "Please, forgive me, babe. I'm sorry. Ayokong mawala ka sa akin. Patawarin mo na ako." iniyuko ni Luis ang ulo niya at umiyak.
"Luis, umuwi ka na! Hindi pa kayang makipag-usap nang anak ko sayo. Niloko mo si Blessie. Akala ko hindi mo sasaktan ang nag-iisang prinsesa ko. Pero nagawa mo na. Hayaan mo munang makabangon si Blessie sa ginawa!" sabat ni Jose.
Walang reaksiyon si Blessie na pnay lang ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata.
"Tito, inaamin ko po. Nagkamali ako. Pero hiblndi ibig sabihin hindi ko mahal si Blessie. Mahal na mahal ko po siya. Natukso po ako. Patawarin niyo po ako sa kasalanan ko. Please," pagmamakaawa pa ni Luis sa magulang ni Blessie. Tumayo si Luis at humarap sa Papa ng mahal niya.
"Si Blessie ang magdedesisyon, Luis. Nasaktan mo si Blessie. Hayaan mo muna na makapag-isip si Blessie. Mas makakabuti sa inyong dalawa na huwag muna mag-usap sa ngayon. Hindi biro ang ginawa mo," untag ni Jose kay Luis.
"Paano po ako? Nasasaktan din po ako. Gusto ko lang pong maayos pa kami ni Blessie. Kasi hindi ko po kaya. I want, Blessie! I need her. I love her so much. Please. Kung papayag po kayo? I will marry Blessie. Even now! Basta huwag lang mawala siya sa akin."
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni papa? Sinabi nang ayoko na makausap ka! Ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo! Akala mo ba dahil sa alok mong kasal mababawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon! Hindi, Luis!" puno nang galit ang puso niya na nakatingin kay Luis. Panay pa din ang pag-agos ng luha niya. "Luis, akala ko niloloko kita. Dahil sa pinsan mo. Akala ko nasasaktan kita. Kaya sinunod kung ano mang hingiin mo sa akin. Kahit trabaho ko, na gustong gusto ko. Iniwan ko nang dahil sayo. Kasi mahal kita. Hindi mo alam kung gaano ko pinaghirapan ang trabaho ko sa MMC. Dahil sa selos mo. Nawala lahat ng pimagpaguran ko sa mahabang panahon. Hindi mo ako pinagkatiwalaan. Kahit na ilang ulit sinasabi sa akin ni Sir Marius na mahal niya ako. Alam mo ba kung sino ang naiisip ko? Ikaw! Ikaw lang ang palaging nasa isip ko. Kasi ayokong masaktan ka! Ayokong lokohin kita! I'm sorry. Mapapatawad kita pero hindi pa sa ngayon. Hindi ko pa kaya. Andito, o!" sabay turo ang tapat nang puso niya. "Iyong paulit-ulit kong nakikita ang mga ginawa mo sa akin.... Ninyo ni Sarah! I just wished na sana hindi ko na nakita lahat iyon. Hindi ko na sana na isipan na puntahan si Sarah nang araw na iyon. I just sana, puwede kong ibalik lahat-lahat. Kasi sobrang masakit na. Nakakadurog na. Kaya puwede ba umalis ka na! Umalis ka na sa harapan ko ngayon."
"Blessie, please." hahawakan sana ni Luis si Blessie nang umiwas ito. Saka itinulak si Luis. Palabas sa kusina. Hinuli ni Luis ang kamay ni Blessie. "Babe, I will do everything para mapatawad mo ako." umiling ng ulo si Blessie. Muli niyang itinulak si Luis sa bukas na pintuan. "I love you. Please, I'm begging you, babe." akma nang luulhod muli si Luis nang malakas na binalya ni Blessie ang pinto pasara.
Hingal na hingal na sumandal si Blessie sa pintuan. Saka muli na namang umiyak. Habang si Luis ay panay ang hampas sa pinto. Nagmamakaawa kay Blessie na pagbuksan ng pintuan.
Lugo-lugong nakayuko ang ulo si Luis nang umalis sa bahay nina Blessie. Hindi niya alam ang gagawin para mapatawad siya ni Blessie. Mali ang tinahak niyang desisyon. Kailangan na ba niyang sumuko? At hayaan na lamang si Blessie.
Maaga pa ay pumunta na kaagad nang bar si Luis. May bukas naman na mga bar sa araw. Gusto niyang uminom at makalimot. Iniwan na siya nang tuluyan ni Blessie. Wala na sila ni Blessie.
Agad na umupo si Luis sa pang-isahan na upuan at tumawag nang waiter. Nag-order siya ng isang case na beer. Nang madala sa kanya at binuksan kaagad ang isang bote.
Nakakarami na din ng inom si Luis. Halos naubos na ang isang case ng beer n siyang mag-isa. "Blessie... Blessie...!" mga panaghoy ni Luis. Nakatalungko na siya sa lamesa at hindi na kaya pang tumayo.
Nagmamadaling hinanap ni Marius ang pinsan si Luis. May nagtip sa kanya na lasing na lasing ito. Kaya na pasugod siya at para maiuwi na din si Luis sa bahay.
"Luis." tapik ni Marius sa balikat ng pinsan. Nakayuko ito at halatang nakatulog. "Luis, wake up. Halika na. Iuuwi na kita."
"Hmm.." Luis hmm. Dahan-dahan inimulat ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya si Marius. Napangiti ito. "Marius" banggit sa pangalan ng pinsan niya. "What are you doing here?"
"Sinusundo ka na. Lasing ka na at iuuwi na kita," hahawakan na sana ni Marius si Luis nang tinabig ni Luis ang kamay niya.
"Nagpunta ka na dito para pagtawanan ako? Ano masaya ka na ba ngayon, Marius?" itinulal ni Luis si Marius. "Puwede ba umuwi ka na? Huwag mong ipakitang naawa ka sa akin. Dahil hindi pa tapos ang lahat. Sa akin pa din si Blessie! Sa akin lang!"
"Anong pinagsasabi mo? Wala akong maintindihan."
"Nagmamaang-maangan ka pa. Wala na kami ni Blessie! Nagpunta ka dito para tingnan ang kalagayan ko! At para makita kung paano ako nahihirapan. Umiiyak nang dahil kay Blessie! F*ck! I love Blessie so much. Pero nawala siya sa mga kamay ko. Nawala na ang pinakamamahal kong si Blessie."
"Ano bang pinagsasabi mo, Luis? Nagresign na ang girlfriend mo sa kompanya ko. Iyong-iyo si Blessie," ani Marius.
"Break na kami ni Blessie. At parang hindi ko kaya. Gustong gusto ko si Blessie. Siya lang ang babaeng minahal ko buong buhay ko. Please, ibalik mo sa akin si Blessie, Marius! Ibalik mo sa akin ang girlfriend ko!"
"What?! Hindi ko naman kinuha si Blessie. Ikaw ang mahal niya. Okay at hindi ako."
Umiling uling ng ulo si Luis. "Break na nga kami! Iniwan na niya ako," umiiyak na si Luis. Nahabag si Marius sa nakikita sa kanyng pinsan. Agad niyang inaalalayan na tumayo ito at iniakbay ang kamay ni Luis sa balikat niya.
Lumabas na sila nang bar at dinala ni Marius ang pinsan sa kanyang kotse. Ipakikuha na lamang niya ang kotse nang kanyang pinsan.
Sinalubong si Marius ng Tita Joy niya. Habang nakaalalay siya kay Luis. Nakatalungko ang ulo. "What happen to Luis, Marius?" nag-aalalang tanong ni Joy sa pamangkin.
"Naglasing po si Luis, Tita. Hindi ko po alam. Pero mukhang may kinalaman tungkol kay Blessie."
"Naku, itong batang ito, oh. Puwede mo bang ikaw na ang magpanhik sa kuwarto niya?"
"Sige po, tita." tugong sagot ni Marius.
Dinala na ni Marius si Luis sa kuwarto nang binata. Nang masigurong maayos ng nakahiga ang pinsan ay lumabas na din siya nang kuwarto ni Luis. Mabilis na bumaba sa sala si Marius para hanapin ang Tita Joy niya.
Nakita niya itong nagtitimpla nang kape. "Tita, I'm going." paalam ni Marius. Napalingon sa kanya ang Tita Joy niya.
"Ipinagtimpla kita ng kape, Marius. Mamaya na ka na umuwi," nilapitan siya ng Tita Joy niya at inabot sa kanya ang kape. Hindi ito natanggihan ni Marius.
"You know what, Marius. Luis is a pain in our chest. Alam mo ang buong istorya ng pagkatao ng pinsan mo. Kaya nga natuwa kamo ng tito mo. Nuong nakita naming ang pagbabago niya. Nagsimula ito nuong nakilala niya si Blessie." untag ni Joy sa pamangkin. "We never thought na magkakagusto si Luis kay Blessie. Look at Blessie. Hindi siya maganda. Pero nagustuhan pa din ng pinsan mo. I remember nuong umuwi si Luis nang gabi. Galing sa bahay nina Blessie. Masayang-masaya ang pinsan mo. Ang ngiti niya napakalaki. Thank you for bringing Blessie sa buhay ng pinsan mo." patuloy na sabi ni Joy kay Marius.
Hindi alam ni Marius ang sasabihin sa Tita Joy niya. Kung aaminin ba niyang mahal din niya si Blessie?