Iniisip pa din ni Marius ang mga sinabi ni Luis. Hindi kaya— Totoo iyon? Hindi naman siguro magpapakalasing si Luis ng todo kung walang nangyari ng hindi maganda.
Si Blessie lang ang makakasagot ng mga tanong niya. Bukas na bukas ay aalamin niya ang nangyari. Kung sila pa ba ni Luis?
Hindi dinalaw nang antok si Marius sa sobrang pag-iisip. Sa kaiisip kay Blessie. Ngayon palang nasasabik na siyang makausap si Blessie. Hindi na siya makapaghintay sa umaga na muling makikita si Blessie. Sana lang ay bumalik siya sa kompanya at muling maging sekretarya niya. Kapag nangyari na bumalik si Blessie. Laking tuwa niya kapag nakita niyang muli si Blessie sa loob ng opisina niya.
Maaga lang nagising si Blessie. Simula nuong maghiwalay sila ni Luis. Hindi na siya nakakatulog nang maayos. Palaging bumabalik sa isipan niya ang tagpong iyon nina Luis at Sarah. Naiimagine niya ang lahat. Sobrang trauma ang naiwan nito sa kanya.
Pagkababa ni Belinda sa sala ay nadatnan na niya si Blessie na nagkakape sa sala. "Good morning, Anak. Ang aga mong nagising. Nagugutom ka na ba?"
"Good morning din po, Ma. Huwag niyo po akong alalahanin. Hindi po ako nagugutom."
"Kumain ka na ba? Kaya hindi ka nagugutom. Saka, alas singko pa lang ng umaga. Natulog ka ba, Blessie?" sunod-sunod na mga tanong ni Belinda sa anak.
"Hindi po ako dalawin ng antok, Mama."
Malungkot na tumingin si Belinda sa anak. Iyo ang ayaw niyang sapitin ng anak. Kapag natutong magmahal. Dalawampung taon at apat niyang inalagaan. Iningatan at minahal. Pagkatapos ay masasaktan ng sobra dahil sa isang lalaki. Ngunit ang mga ganitong pagsubok ang magpatatag sa anak. Lalo at si Blessie ang nag-iisa nilang anak na babae ni Jose.
Nilapitan ni Belinda ang anak. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Anak, andito lang ang Mama. Lumaban ka. Alam kong kaya mo ito." puno ng damdamin na pinalalakas ni Belinda ang loob ng anak.
Inihilig ni Blessie ang kanyang ulo sa balikat ng ina. Saka doon umiyak nang umiyak. Hinagod hagod ni Belinda ang likod ni Blessie. "Mama, ang sakit-sakit po. Hindi ko po akalaing si Sarah pa po ang loloko sa akin. Sila pong dalawa ni Luis." umiiyak na parang nagsusumbong si Blessie.
"Sshhh... Tahan na. May dahilan ang lahat. Kung bakit nangyayari ito. Andito lang kami ng Papa mo. At ng mga Kuya mo. Mahal na mahal ka namin." mas hinigpitan ni Belinda ang yakap kay Blessie.
Nag-uusap ang mag-asawang Belinda at Jose. Maluha-luhang ikinuwento ang napag-usapan nila kanina ni Blessie. Hindi niya makayang tingnan na ganoon ang ikinikilos ng anak. Si Blessie na masayahin ay napuno ng kalungkutan.
"Jose, baka puwedeng dalhin muna natin si Blessie kina Nanay? Ang sakit bilang isang ina na nakikitang ganoong ang anak natin. Ako ang nahihirapan." hinawakan ni Jose ang kamay ni Belinda.
"Ma, may tiwala ako kay Blessie. Sa anak natin. Makakaya niya ang lahat nang ito. Lahat naman ay dumaan sa ganito ang relasyon. Andito lang tayo para gabayan siya at palaging nasa tabi niya." ani Jose.
Pinunasan ni Belinda ang mga luha niya. "Hindi ko na kasi alam kung paano ibabalik ang dating si Blessie. Namimiss ko na ang anak natin. Iyong masayahin at madaldal. Hindi ako sanay na ganyan siya kalungkot at tahimik." patuloy pa din ang iyak ni Belinda. Hinagod na no Jose ang likod ng asawa.
"Kahit ako, Mama. Hindi ko kayang makita na ganyan ang anak natin. Nasa tamang edad na si Blessie. Alam na niya ang gagawin niya. Kapag ganitong nasasaktan na siya. Pinalaki natin siya at tinuruan ng kabutihang asal. Kaya dapat maging matatag tayo para sa anak natin. Makakabangon din si Blessie, Belinda." saad ni Jose sa asawa.
Kinagabihan ay dinalaw ni Marius si Blessie sa bahay nito. Nahihiya man at hindi alam ang unang sasabihin ay desidido siyang gusto niyang makausap si Blessie.
"Good evening po, Mr. Magsino. Andiyan po ba si Blessie? Gusto ko po sanang makausap siya." sabi ni Marius. Mataman na nakatingin si Jose sa binata.
"Bakit? Para saan pa ang pag-uusapan niyo? Kung para kumbinsihin si Blessie na muling tanggapin si Luis. Huwag na muna, Sir Marius. Masyadong nasaktan ang anak ko sa ginawa ng pinsan mo." may diing sambit ni Jose.
"Po? Wala na po sila ni Luis?" hindi makapaniwalang tanong ni Marius.
"Pinsan mo si Luis. Paanong hindi mo alam na wala na ang anak ko at ang pinsan mo?" tanong ni Jose.
"Baka po puwede munang pumasok sa loob ng bahay niyo?" pakiusap ni Marius.
Niluwagan naman ni Jose ang pagkakabukas ng pintuan. Dumiretso siya sa sala at iniwan si Marius. Sumunod din ang binata sa kanya sa loob ng bahay.
"Maupo ka." alok ni Jose kay Marius. Umupo si Marius.
"Sa totoo lang po. Gusto kong maging tapat sa inyo. We're not in good terms ni Luis. Dahil po sa inamin ko tungkol sa nararamdaman ko para kay Blessie. Nagalit si Luis sa akin. At naiintindihan ko po. Hindi po kami gaanong nag-uusap. Until last night po nuong sundiin ko siya sa bar. Naguguluhan po ako at hindi makapaniwala na wala na sila ni Blessie." mahabang litanya ni Marius.
"Sa ngayon, ayaw kong magsalita tungkol diyan. Ayokong pangunahan ang anak ko. Masakit lang sa amin ang makitang nasasaktan ang anak namin. Ayokong dugtungan ang lahat at baka may masabi pa ako na hindi maganda. Mas maganda na si Luis ang tanungin mo, Marius." saad ni Jose.
Tumango ng ulo si Marius.
"Pakiusap ko lang po na ipakausap niyo na lang si Blessie sa akin. Kahit sandali lang po. Gusto ko pong malinawan."
"Hindi nga puwede, Sir Marius. Masyadong komplikado na ang lahat. Ayoko nang makita pa ang anak namin na umiiyak."
"Kahit sandali lang po.. I promised na hindi ako magtatagal.. Sige na po." pamimilit ni Marius.
Napabuntong hininga si Jose. Tsaka, napilitang tumango ng ulo.
Nagliwanag ang mukha ni Marius. Tila nagrambol ang kanyang dibdib sa kabang nararamdaman ngayon na muling makakausap si Blessie.
"Sandali lang at tatawagin ko si Blessie." sabi ni Jose. Tango ang sagot ni Marius sa Papa ni Blessie. Tumalikod na si Jose at pinuntahan si Blessie sa itass.
Tahimik lang si Marius na nakaupo at hinihintay ang pagdating ni Blessie.
Maya-maya ay lumalapit na si Blessie sa kanya. Napatayo si Marius sa kanyang inuupuan. Titig na titig sa mukha ni Blessie. Ngayon, walang eye glass itong suot. Nakalugay ang mahabang buhok. Nakapambahay lang. Pajama at t-shirt ang suot. Walang make-up. Masasabi niyang sobrang simple ni Blessie. Ngunit may angking ganda siya.
"Sir Marius, gusto niyo daw po akong makausap. At para saan?" bungad na tanong ni Blessie sa kanya.
Tila natauhan naman si Marius. Umupo ito muli at tinititigan si Blessie na umupo din sa katapat na upuan niya.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Blessie, gusto ko lang malaman kung anong nangyari sa inyo ni Luis? I just got curious na naglasing si Luis nuong isang gabi."
"Bakit gusto mo pang malaman?" tanong ni Blessie.
"Answer me first. I'm the one who ask you."
Masusing tinitigan ni Blessie si Marius. "Bakit hindi mo na lang tanungin ang pinsan mo? Mas okay pa na sa kanya manggaling ang ginawa niya. Nang hindi naman na lumabas pa na ako ang masama."
Natigilan si Marius. Tama siya may pinagdadaanan nga ang relasyon ng pinsan niya at si Blessie. "Baka puwede kang bumalik ulit sa kompanya. Hindi ko na muling itatanong pa ang tungkol sa inyo ni Luis. Basta bumalik ka lang sa trabaho." iyon N lamang ang pakiusap ni Marius kay Blessie.
"Pag-iisipan ko." tipid na sagot ni Blessie.
"Okay. Kapag nakapag desisyon ka na. Pumunta ka kaagad sa kompanya, Blessie. Maghihintay ako." sabi pa ni Marius. Tango na lang ang sagot ni Blessie sa dating amo.
Tinupad naman ni Marius ang sinabi kay Jose. Nagpaalam din kaagad ito sa dalaga. Hinatid pa ni Blessie si Marius sa pintuan. At tinanaw ang amo na pasakay sa kotse nito. Kumaway pa at ngumiti si Marius kay Blessie. Ginantihan din ito ni Blessie ng kaway na ikinatuwa ni Marius.
Mabilis na pinaharurot ni Marius ang kanyang sasakyan. Pupuntahan niya si Luis. Gusto iyang malaman kung ano ang ginawa niya. Kung bakit ganoon na lamang ang galit ni Blessie sa pinsan niya.
Agad na naipark ni Marius ang kanyang kotse sa harap ng malaking gate nang bahay nina Luis. Dahil kilala siya ay pinapasok kaagad siya ng guwardiya.
"Luis! Luis!" malakas na tawag ni Marius sa pinsan. Lumabas naman mula sa kusina ang Tita Joy niya.
"Marius, wala ka bang pasok?"
"Hindi po ako pumasok ngayon. Nasaan po si Luis?"
"Nasa kuwarto pa niya natutulog. Inumaga na nang uwi ang pinsan mong iyan hindi ko nga alam ang nangyayari kay Luis. Gabi-gabi na lang lasing." sagot ni Joy sa pamangkin.
"Wala na po sila ni Blessie. Gusto kong malaman mula kay Luis kung anong ginawa niya." mariing saad ni Marius.
"Huh? Hindi ko alam. Wala naman siyang sinasabi sa akin." sabi ni Joy. "Kaya siguro palaging lasing ang batang iyan. Puntahan mo na lang sa kuwarto niya. At kausapin mo." dagdag ni Joy.
Tumalima si Marius. Malalaki ang hakbang na umakyat sa hagdanan. Nang makarating sa tapat ng pintuan ng kuwarto ni Lus ay malakas niyang kinatok ang pinto.
"Luis, open the door." bulalas ni Marius. Habang kumakatok sa pinto ng kuwarto. Narinig niya ang pag bukas ng pintuan. Nakita si Luis na halatang bagong gising.
"What are you doing here?" bungad na tanong ni Luis. Nagtataka siyang makita ang pinsan.
"Can I come in? Sa loob na tayo ng kuwarto mo mag-usap." sabi ni Marius. Agad na niluwagan ni Luis ang pagkakakbukas ng pinto. Pumasok si Marius sa loob ng kuwarto ng pinsan.
"Anong ginawa mo? Why all of a sudden, galit na galit sa iyo si Blessie? Why did the two of you broke up?" sunod sunod na mga tanong ni Marius.
Napangisi naman si Luis. "Why you want to know? Nakikita mo na ba na may pag-asa ka na sa girlfriend ko?!"
"No!" at umiling ng ulo si Marius. "Gusto kong malaman kung bakit kayo naghiwalay. Iyon lang!"
"Reallly? Alam ko na kinausap mo na si Blessie. But I will tell you now, Marius. Hindi mo makukuha si Blessie sa akin. Nag-away lang kami. Alam ko na maayos namin ang relasyon naming dalawa."
"Then why did Blessie broke up with you? Tell me Luis. Nahihiya ka bang malaman ko ang dahilan ng paghihiwalay niyong dalawa? Hindi naman makikipaghiwalay sayo si Blessie. Kung walang mabigat na dahilan. Pinili ka niya. Kesa sa akin. Kaya kahit masakit. Tinanggap ko. Pero ang makitang nasasaktan si Blessie. Sisiguraduhin ko sayong makukuha ko si Blessie."
Matalim ang tingin na ipinukol ni Luis kay Marius. Itinulak ito." Kukunin mo si Blessie? Ngayon pa nga lang hindi mo na makuha. Nalaman mo lang na hiwalay na kami. Nagkainteres ka na naman sa girlfriend ko.!"
"Hindi mo na siya girlfriend ngayon. Wala na kayo. Kaya gagawin ko ang lahat para mapunta sa akin ang babaeng gusto ko. Kahit pa magkalimutan na tayo. Kung ano man ang nagawa mo. Tiyak na, kung alam ko iyon hindi kita mapapatawad, Luis."
"Wow! Ano ka ni Blessie? Ako, minahal ako ni Blessie. Ikaw, amo ka lang niya!" may pang uuyam na sabi ni Luis. Napataas ang sulok ng labi ni Luis.
"Kung ako ang pinili ni Blessie. Hindi ko siya sasaktan!"
"Ikaw pa, Marius! Ilang sekretarya na ba ang dinala mo sa kama mo? You're just like me. Isa ding manloloko."
Hindi nakahuma si Luis nang suntukin siya ni Marius. "Nuon 'yun! Kung si Blessie tinanggap lang ako. Mas mamahalin ko siya. Hindi ko siya lolokohin. Hindi ko siya paiiyakin kagaya ng ginawa mo! Because I love her so d*mn much! Kahit ano gagawin ko para sa kanya. Kahit na masaktan ako at ipaubaya siya sayo, Luis!" kumawala ang mga luha ni Marius sa kanyang mga mata.
Hawak ni Luis ang pisngi niya na sinuntok ni Marius. Natigilan sa nakikitang pagluha ni Marius sa kanyang harapan. Ang Marius na kilalang-kilala sa pagiging playboy at manggagamit.
"Mahal na mahal ko si Blessie, Luis. Si Blessie lang ang minahal ko. Siya pa lang. Iyong babaeng gusto ng puso ko. Sinaktan ako. Dahil hindi niya ako kayang mahalin dahil sayo." dagdag na bulalas ni Marius. Patuloy pa din itong umiiyak.