Chereads / MY FAKE NERD GIRLFRIEND / Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14 - Chapter 14

"What is this Blessie?!" nakatiim bagang na tanong ni Luis sa kanya. Halos mapapikit ng mata si Blessie sa lakas ng sigaw ni Luis.

Tumunghay ng ulo si Blessie. Malungkot na tumingin sa mga mata ni Luis. "I'm sorry. Hindi ko naman alam na dinala ako ng pinsan mo sa condo niya," pagdadahilan ni Blessie

"Hindi mo alam?! Kung 'di sana tinawagan mo ako. Sana alam ko na andoon ka sa bar at sinamahan kitang mag inom. Kahit magpakalunod ka pa, Blessie! Hindi iyong gagawa ka ng bagay na gusto mo lang. Pagkatapos hindi mo sasabihin sa akin!"

Napabuga ng hangin ni Luis. Saka nakapamaeywang na nakaharap kay Blessie. Halatang pinipigilan ang galit. Tinititigan lang niya ang dalaga. Halata ang takot sa mga mata mga mata ni Blessie.

"I want you to file a resignation! I want it, now! Ayoko nang magtrabaho ka pa ulit sa kompanya ni Marius! Ayoko nang makita kapang kasama ng pinsan ko. Sundin mo naman ako, please. Kung mahal mo ako. Sundin mo ang gusto kong mangyari," dagdag na sabi ni Luis.

Nanlaki ang mata ni Blessie. Nang makahuma ay napayuko siya. Tumango ng ulo at sumang ayon sa gustong mangyari ni Luis.

"Gusto kong marinig ang sagot mula sayo," may diing sabi pa ni Luis.

"Okay," Blessie stutter.

"I want you to make your resignation letter as soon as possible. At ako mismo ang magdadala kay Marius tomorrow. Ayoko nang muli pa kayong magkita. Maliwanag ba?" napasinghap si Blessie sa gulat dahil sa sobrang lakas ng boses ni Luis. Wala din siyang ibang ginawa kundi ang tumango ng ulo at sumang ayon sa sinasabi ni Luis.

Inihatid ni Luis si Blessie sa bahay nila. Pagkababa ni Blessie sa sasakyan ni Luis ay walang lingon na pumasok sa loob nang bahay nila. Naabutan ang Mama at Papa na naghihintay sa kanya sa sala.

"Blessie, puwede ka ba naming makausap nang Mama mo?" tumango ng ulo si Blessie ng ulo at tahimik na umupo.

"Gusto ko lang malaman kung may relasyon kayo ni Sir Marius?" dire-diretsong tanong ni Jose.

Umalma si Blessie. "Wala po kaming relasyon," sagot niya sa Papa niya.

"Pero gusto mo siya?"

Nahihiyang tumango ng ulo si Blessie. Napabuga ng hangin si Jose.

"Hanggang maaga pa kalimutan mo na ang nararamdaman mo sa batang Centeno. Kay Luis na lang sana. Napakabait nang batang si Luis. Mahal na mahal ka niya. Nakita namin ng Mama mo kung gaano niya siya nag alala sayo kagabi. Alam mo bang maaga pa andito na siya. Gusto sana niyang malaman kung nasaan ka. Kagabi ka pa niya kino-contact. Pero hindi mo sinasagot pati na ang mga tawag namin" mahabang litanya ni Jose.

"Alam ko po, papa. Ramdam ko naman po at nakikita ko ang lahat ang mga ginagawa ni Luis para sa akin. Hindi ko po iyon babalewalain dahil sa gusto ko si Sir Marius. Pero naguguluhan po ako. Gusto ko pong magpakatotoo sa nararamdaman ko. Ngsyon lang po ako naging masaya. Kahit na mali. Masaya pa din po ako," bumagsak na ang luha na pinipigilan niya kanina pa. Gusto niyang maging totoo sa sarili niya. Kung sino ang mahal niya. Ngunit hindi puwede. Maraming bagay na kailangan isipin bago ang sarili niyang kaligayahan. Bakit may tama at mali sa pag-ibig?

"Ang sa amin lang Blessie. Kung saan ka mas mapapabuti. Huwag mong isipin na ayaw namin kay Sir Marius. Iba lamang ang ugali ni Sir Marius. Alam mo 'yun. Ayaw ka naming makita na nasasaktan," sabi naman ni Belinda.

Umayon na lang din si Blessie. Dahil hindi matatapos ang usapan nilang ito tungkol kay Marius. Nagpaalam na siya sa mama at papa niya na pupunta na sa kuwarto niya.

Pagkapasok sa loob ng kuwarto niya at ibinagsak niya ang katawan. Tinanggal ang salamin niya sa mata. Pinunasan ang mga takas na luha.

"Bakit mo hinayaan? Alam mo na mangyayari ito. Bakit hinayaan mong magkagulo ang lahat? Kasalanan mo ito, e! Kasalanan mo lahat ito" sinisisi niya ang sarili kung bakit nangyari ito. Sobrang nang naging komplikado ang lahat. Ngayon kailangan na niyang umalis sa MMC. Gumaan man lang ang lahat.

Matamlay na paalis si Blessie para pumunta sa MMC at para ipasa na din ang kanyang resignation letter. Pumayag si Luis na siya na ang personal na mag-abot kay Marius.

Pagkarating sa floor kung nasaan ang opisina ni Marius. Agad niyang pinuntahan. Kumatok si Blessie sa pinto. Narinig niya ang pagsagot ni Marius sa kabilang pinto.

"Blessie," mabining sambit ni Marius. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Yayakapin sana siya ni Marius. Pero umiwas siya.

"Hey, what's wrong?" malambing na tanong ni Marius.

"Puwede ba, Sir Marius? Huwag kang umaktong may relasyon tayong dalawa. Dahil wala naman talaga. May boyfriend ako at si Luis iyon," may diing wika ni Blessie.

"Di ba, nag-usap na tayo tungkol dito? What did I do? Bakit ganyan ka?"

"Sir, magreresign na ako. And effective today! I want you out of my life! Ayoko nang gawing komplikado pa ang buhay ko. Dahil lang sa pagsama sayo. Mahal ko si Luis. Kaya please lang tumigil ka na."

"What about me, Blessie? I love you. Bakit hindi na lang ako? I know I sound desperate. Pero gusto kita talaga kita. Mahal kita."

"Hindi nga tayo puwede. Bakit ba hindi mo maintindihan ang sitwasyon ko? Sinabi ko nang hindi tayo puwede! Hindi tayo puwede! Magreresign na lang ako para matapos na ang lahat ng ito. Makakalimutan na kita. Ikaw din," umagos ang luha ni Blessie.

Marius heaved a very heavy sighed. "Okay. For you, I will accept your resignation. Ayokong nakikita kang nahihirapan. Kaya tatanggapin ko. Kahit masakit, Blessie," tumalikod si Marius para itago ang pag-iyak.

Ibinaba ni Blessie ang letter at mabilis na lumabas ng opisina ni Marius. Nagtatakbo siya sa exit at bumaba mh hagdan. Doon siya nag-iiyak. Masakit na masakit sa kalooban niya ang ginawa niya. Mahal niya si Marius. Pero hindi puwede. Siguro tama ang mga ginawa niya. Simula sa araw na ito kakalimutan na niya si Marius. Ibabaon na niya ang lahat ng naramdaman niya para sa dating amo.

Naiwan si Marius. Marahas niyang hinawi ang mga gamit niya sa table niya. Nagkalat angva papel sa sahig. Pabagsak na umupo sa swivel chair niya.

Nakaalis na si Blessie nang MMC. Sakay ng taxi. Panay pa din ang pagtulog ng mga luha niya. Papunta siya ngayon kay Sarah. Gusto niyang may mahingahan ng mga problema.

Pagkarating sa bahay ng kaibigan ay kaagad na lumabas si Blessie ng taxi. Pumunta sa pintuan nang bahay nina Sarah. Nagtaka siyang walang tao. Pero bukas ang pintuan.

"Sarah!" tawag ni Blessie sa kaibigan niya. Nasa sala siya at walang sumagot sa kanya. Nagpasya na siyang pumunta sa kuwarto nang kaibigan niya.

"Aahhhh...." mga anas na boses na naririnig ni Blessie. Naglakad siya papalapit sa pintuan ng kuwarto ng bestfriend niya.

"Ohhh... Yes... Ang galing mo.." dinig na ungol ni Blessie. Hindi siya sigura mapansin ng kaibigan dahil busy ito. Napailing ng ulo si Blessie.

"Bilisan mo pa, Luis... Ahhh.. I'm c*mming" nanlaki ang mga mata ni Blessie. Totoo ba ang narinig niya. Luis....

"I'm c*mming also. Sabay na tayo...!" malakas na sigaw ni Luis.

Napahawak sa dibdib niya si Blessie. Kilala niya ang boses na iyon. Hindi kaya... Si Luis iyon— Hindi. Umiling iling ng ulo si Blessie.

Bumalik siya sa sala at naupo. Hihintayin niyang matapos sila. Gusto niyang makita kung si Luis ang kasama ng kaibigan niya sa kuwarto nito.

Sa isipin pa lang na iyon ay panay na ang tulo ng mga luha ni Blessie. Panay din ang punas siya sa kanyang mga luha. Bakit nagawa ng kaibigan niya ito sa kanya? Of all people, si Sarah pa. Ang bestfriend pa niya.

Nang marating pareho nila Sarah at Luis ang langit ay agad na hinagkan ni Luis si Sarah sa noo. Ngumiti siya dito.

"Thanks. Sana ulitin natin ito" saka tumayo si Luis at isa-isang kinuha ang mga damit niya. Pagkatapos ay isinuot.

"Aalis ka na ba?" tango ang naging sagot ni Luis.

"Baka gusto mong dito na kumain. Ipagluluto kita."

"No need, Sarah. Pupuntahan ko pa si Blessie," mapait na tumingin si Sarah kay Luis.

Boyfriend ng bestfriend niya ang kaulayaw niya. Hindi nila inaasahan na mangyayari. Pero nasasaktan siya. Niloloko niya pa ang nag-iisang kaibigan niya.

"Okay," malungkot na sagot ni Sarah.

"We will meet soon. I'm sorry. You know from the start na mahal ko si Blessie. Girlfriend ko si Blessie." isang katotohanan na ayaw marinig ni Sarah mula kay Luis. "I'm going. Take care. Call me when you need something."

Tumango ng ulo si Sarah. Saka siya bumaba mula sa kama. At ibinalot ng kumot ang hubad na sarili. "Hatid na kita sa pinto."

Binuksan ni Luis ang pinto ng kuwarto ni Sarah. Bumungad sa kanya si Blessie na nakaupo sa sala. Natigilan siya at naestatwa.

"Anong nangyari, Luis?" nagtatakang tanong ni Sarah. Nasa likuran si Sarah ni Luis at hindi pa alam na nasa sala lang si Blessie.

"Anong ibig sabihin nito, Luis? Anong ginawa niyo ni Sarah sa saradong pintuan ng kuwartong 'yan ng bestfriend ko?!" mga tanong ni Blessie.

Nagulat si Sarah nang mapag sino ang nasa labas ng kuwarto. "Blessie...."

"Babe, let me explain," nilapitan ni Luis si Blessie. Pilit niyang inaalo ang nobya.

"No! Niloko muna ako, Luis! Niloko niyo ako ng bestfriend ko. Bakit? Bakit niyo nagawa sa akin ito?" umiiyak na bulalas ni Blessie.

"I'm sorry, Babe. Please listen to me. Please, nagmamakaawa ako," pagsusumamo ni Luis. Niyakap niya sa likuran si Blessie. Panay ang palag at tanggal ni Blessie sa braso ni Luis.

Umiiyak at panay ang hikbi ni Sarah habang nakasandal sa pader. Hindi niya kayang humarap sa kaibigan niya.

"Luis, ginive up ko ang trabaho ko para sayo. Akala ko kasi mahal mo talaga ako. Hindi pala. Sa bestfriend ko pa. Bakit? Hindi na ba kayang magtimpi niyang pagkalalaki mo?! At nagawa mong patungan ang kaibigan ko at ilabas ang init ng katawan mo!" sumbat ni Blessie. "Mga hayop kayo! Hayop kayo! Sarah! Lumabas ka diyan! Ngayon nagtatago ka!"

Lumabas si Sarah sa kuwarto niya. Hilam ng luha ang mga mata. Nilapitan ito ni Blessie. Binigyan niya ito ng isang sampal.

"I trust you! Ikaw lang ang kakampi ko sa eskwelahan. Nuong nagcollege tayo ikaw pa din ang kakampi. Pero anong ginawa mo ngayon, Sarah?! Boyfriend ko si Luis! Hindi ko akalain na magiging ugat nang paghihiwalay natin ay lalaki. Ang dami namang iba diyan. Bakit si Luis pa?!"

"I'm sorry, Blessie. Patawarin mo ako," iyon lang ang nasabi ni Sarah habang umiiyak.

"Hindi! Hindi ko kayo mapapatawad na dalawa." binalingan ni Blessie si Luis. "Ngayon wala na tayo, Luis." saka tumingin kay Sarah. "And you, mahal kong kaibigan. Sana masaya ka na nasaktan mo ako. At inahas mo ang boyfriend ko!"

Tumalikod si Blessie at akma nang lalabas ng bahay nang pigilan ito ni Luis. Nilingon niya si Luis. "No, Babe. Hindi ako papayag na maghiwalay tayo."

"Bitawan mo ako."

"Please, Babe. Pag-usapan natin ito nang maayos."

"Sinabi nang bitawan mo ako! Wala na. Tapos na ang lahat!" malakas na sinalag ni Blessie ang kamay ni Luis.

Nagtatakbo si Blessie. Panay ang tawag ni Luis sa kanya. Hindi na niya nilingon pa si Luis. At mabilis na tumakbo.

Hinawakan ni Sarah sa balikat si Luis. "Hayaan mo muna si Blessie. May kasalanan tayo sa kanya. Naiintindihan ko ang galit ng dating bestfriend ko."

"It's all you fault, Sarah. Not mine! Kung hindi mo ako dinala dito sa bahay mo. Hindi sana mangyayari ito," napasabunot si Luis sa kanyang buhok dahil sa frustration. Umupo sa sopa at iniisip si Blessie.

"Hindi ko mag-isa kasalanan ang lahat ng nangyari! Kung mahal mo talaga si Blessie hindi ka kakagat sa babaeng naghuhubad sa harapan mo. Kinagat mo ang pain, Luis. Kaya huwag ako ang sisihin mo!"

"Hindi mo alam kung anong ginawa mo! Mahal na mahal ko si Blessie. Now, Blessie left me. Dahil sayo iniwan ako ni Blessie." tuluyan nang napaiyak si Luis. "I really love her. I will not gonna lose her. No! Susuyuin ko pa din siya. Alam kong mahal niya ako. Patatawarin ako ni Blessie."

"Sumuko ka na, Luis. Hindi mo na makukuha muli si Blessie. Galit na galit na iyon sa atin. Why don't love you me too? Mahal na kita. I know masyadong mabilis ang lahat. Hindi lang init ng katawan ang nararamdaman ko para sayo. Mahal na kita."

"I don't love you. Si Blessie ang mahal ko," tumayo si Luis at iniwan si Sarah.

Naiwan si Sarah na sobrang nasasaktan. Dalawang tao ang nawala sa buhay niya. Si Luis na lalaking mahal niya at ang bestfriend niyang si Blessie.