Madami nang naiinom na alak si Blessie. Pero ayaw pa din niyang tumigil. Tequila pa ang nilaklak niya. Lalag naman ang panga ni Sarah na nakatingin lang sa kaibigan niya. Akala mo tubig kung inumin ang tequila. Walang pakundangan din ito na kumukuha ng asin. Saka lalaklakin ang tequila. Ngayon lang niyang nakitang ganito si Blessie. Nag iinom sila. Pero hindi ganito kawild. Akala mo wala nang bukas kung uminom.
Talagang iniisip pa din ng kaibigan niya ang amo niyang si Marius. Hindi na siya magtataka. Crush ni Blessie si Marius. Nuon pa man. Ngayon nahahati si Blessie. Ang boyfriend ba niya o ang ulimate crush niya? Kahit siya magiging tuliro din. Sa dalawang guwapo at binata ang nasa pagitan niya
"Blessie, tama na 'yan. Lasing ka na!" saway ni Sarah sa kanya. Hinawakan na niya ang baso na dinadala na ni Blessie sa bibig niya. Lumingon si Blessie sa kanya. Saka ibinaba ang baso sa table. Tinanggal niya ang salamin at inilapag din sa lamesa. At muling tumingin sa kaibigan niya.
"Shhhh... Huwag ka ngang maingay. Gusto ko pang uminom. Uminom pa tayo," wala sa sariling tugon ni Blessie. Dahil sa kalasingan.
"Hoy! Sinong magbabayad ng mga ininom mo. Takte ka! Puro tequila ang nilalantakan mo!" iritadong bulalas ni Sarah.
Ngumisi si Blessie.
"Don't worry, my friend. Sagot ko. Pati ang mga ininom mo ako na din ang magbabayad," turo niya sa sarili.
Umirap lamang si Sarah at inikot ang mga mata sa inis. Hindi na nakatiis pa si Sarah. Tumayo siya at pumunta sa likuran ni Blessie. Binuksan ang bag ni Blessie at hinanap ang phone ng kaibigan niya. Nang makuha ay palihim hinanap sa contacts ang phone number ni Luis.
"Hi Luis," bati ni Sarah sa kabilang linya.
"Babe?" malambing na sagot ni Luis.
"N-no. It's Sarah. Friend ni Blessie. Do you remember?"
"Ah, yes. Bakit gamit mo ang phone ni Blessie? Kasama mo ba siya?" may himig na pagtataka si Luis sa boses.
"Yes. Blessie is with me. At lasing na lasing na siya. Hindi ko siya kayang dalhin sa kotse ko. You know, mabigat ang girlfriend mo. Nakakahiya naman kung ipabuhat ko ito sa bouncer ng bar," sagot ni Sarah.
"Okay. I know what you mean. Nasaan kayo?"
"We are at Pub's Bar along Quezon City."
"Okay. I'm coming. Huwag mo ng painumin si Blessie," nagmamadaling sabi ni Luis at agad na pinatay ang tawag.
Ibinalik ni Sarah ang phone ni Blessie sa loob ng bag. At muling bumalik sa upuan niya.
"Sinong tinawagan mo?" tanong ni Blessie.
"Wala. I just check my phone," pagsisinungaling na sagot ni Sarah. Pero kay Blessie ang hawak niyang phone.
"Huh? Phone ko ang gamit mo. Anong you just check my phone?" nasabi na lamang ni Blessie. Hindi na lang sumagot si Sarah para hindi na madugtungan ang usapan nila. Hihintayin na lamang niya si Luis na dumating.
"Naiihi ako," bulalas ni Blessie. Naiinis naman na tumayo si Sarah. At iniakbay niya sa kanya ang lasing na si Blessie. Para maalalayan niya ito sa paglalakad. Pero dahil sa babae ay hindi niya makontrol ang mga galaw ni Blessie. Para tuloy siyang lasing din. Habang pagewang gewang ang lakad nilang dalawa.
"Blessie, umayos ka nga maglakad!" naiinis na saad ni Sarah. Pilit niyang inaayos ang tayo ni Blessie. Pero hindi siya nagtagumpay. Hindi naman siya pinansin ng kaibigan. Nakayuko na ang ulo si Blessie. At nakapikit ang mga mata.
Matutumba na silang dalawa na magkaibigan. Sisigaw na sana si Sarah ng may kamay na pumulot sa beywang ni Blessie. Tiningnan ni Sarah ang mukha ng lalaking umaalalay na kay Blessie.
Napaawang ang labi ni Sarah. "Sir Marius?!" nanlalaki ang mga mata na tawag ni Sarah.
"Bumalik ka na doon. Ako na ang bahala kay Blessie," sabi ni Marius. Habang si Blessie ay nakatulog na. Hinawakan ni Marius sa baba si Blessie. Piilt niya itong ginigising.
"Pero dadating po si Luis. Susunduin niya si Blessie," tanggi ni Sarah. Nag aalala siya kapag naabutan ni Luis si Marius na dala si Blessie.
"Just say anything. Ako na ang bahala kay Blessie," maawtoridad na sagot ni Marius.
Nagkibit balikat na lamang si Sarah. At bumalik sa mesa nila. Naiwan ni Blessie ang bag niya sa upuan. At kinuha iyon ni Sarah.
"Blessie!" tawag ni Marius sa dalaga na nakapikit.
"Hmm," Blessie hmm and faced Marius.
"Sino ka? Si Luis ka na ba?" mga tanong ni Blessie. Nakapikit pa din ang mga mata niya. Hinawakan pa niya ang pisngi ni Marius.
Napatitig naman si Marius sa labi ni Blessie. Napalunok at napakagat labi siya. Sobrang lapit ng mga mukha nila.
"Don't tease me, honey," nasabi na lamang ni Marius sa sarili.
"Naiihi na ako," tumalima kaagad si Marius at inalalayan si Blessie papunta sa C.R.
Nagmamadali si Luis sakay ng kanyang kotse. Papunta na siya sa bar kung nasaan sina Blessie. Hindi niya na ihatid pauwi si Blessie dahil may pinuntahan siyang importante.
Nakarating na si Luis ng bar. Pagkapark ng kotse niya at lumabas na kaagad siya ng sasakyan kotse niya. Pinindot ang automatic lock key. Saka nagmamadali na pumasok sa loob ng bar.
Maingay, madilim at amoy usok sa loob. Nagpalinga linga si Luis at hinahanap ng tingin ang puwesto nina Blessie at Sarah. Naaburido na siya. Hindi niya sila makita. Nagpasya na siyang tawagan si Blessie. Nakailang ring na pero hindi sinasagot ni Blessie ang tawag niya. Nang hindi sinasagot ni Blessie ang tawag niya ay nagpasya na siyang magpatuloy sa paghahanap sa girlfriend sa loob ng bar.
"Patay na. Lagot ako nito," nag aalalang usal ni Sarah sa sarili. Nakita niyang papalapit na si Luis sa kanya. Nilagok ni Sarah ang natirang tequila ni Blessie. Gumuhit ang pait nito sa lalamunan niya. Kaya napaubo siya.
"Sarah!" malakas na tawag ni Luis. Kinabahan na lalo si Sarah nang makita siya ni Luis.
"Si Blessie?" dagdag na tanong ni Luis nang makalapit ito sa kaibigan ng nobya.
"Ah.. E...," hindi malaman ni Sarah ang isasagot kay Luis.
"Nasaan na ang girlfriend ko? Diba sabi mo kasama mo siya?" mga tanong ni Luis. Nagpalinga linga siya. Hinahanap ng mata si Blessie.
"Let's go outside," biglang aya ni Sarah kay Luis. Bago pa mahuli nito si Marius na dala ang kaibigan niya.
Nagtataka naman si Luis at nagpaubaya kay Sarah nang hinatak na siya nito palabas ng bar.
Habang si Blessie ay nasa loob ng isa sa mga cubicle sa washroom
"Blessie, hindi ka pa ba tapos?" naiinip na tanong ni Marius. Nasa may pinto ito sa labas ng C.R. Hinihintay si Blessie na lumabas. Pero hindi sumasagot si Blessie sa kanya. Nag aalala na pumasok na sa loob ng C.R. si Marius. Isa isang binuksan ang mga pinto ng cubicle para hanapin si Blessie.
Nagulat siya nang makita si Blessie na nakaupo na sa sahig. Nakatalungko ang ulo at humihilik na. Tulog na tulog na ang dalaga.
"F*ck! Bakit ba nagprisinta pa ako?!" naiinis na wika ni Marius sa isip niya. Baka mahuli pa siya na may ginawa sa banyo? Kasama si Blessie.
Dinaluhan niya kaagad si Blessie. Agad niyang binuhat na pabridal. Saka diretso na lumabas ng banyo. Nagpasya na lamang si Marius na iuwi si Blessie.
Lulan na sila ng kotse ni Marius. Pasulyap sulyap siya kay Blessie na tulog pa din sa tabi niya. Napangiti siya bigla. Hinawakan ang kamay ni Blessie at dinala iyon sa labi. Hindi na niya binitawan ang kamay ni Blessie.
Maigi at tulog na tulog ang dalaga. Hindi makakapagprotesta si Blessie sa gusto niyang gawin dito. Hawak pa din niya ang kamay ni Blessie. At ayaw niyang bitawan. Habang ang isang kamay ay hawak ang manibela.
Dinala ni Marius si Blessie sa condo niya. Hindi niya ito puwedeng dalhin sa bahay nila. Ba magpanic pa ang Mommy niya kapag nakitang nagdala siya ng babae sa bahay nila. Ang malala pa doon ay sekretarya niya ang babae.
Bawat madaanan nila ay pinagtitinginan sila. Nagtataka siguro ang mga nakakakita na ang isang Marius Martini Centeno ay may buhat buhat na babaeng walang malay.
"Wala kayong nakita," babalang sita ni Marius sa kanila. Sabay sabay na tumango ang mga taong sinabihan ni Marius.
Mabilis na pumasok si Marius sa elevator. At pinindot ang numerong eight. Muli niyang binalingan si Blessie. Wala itong suot na salamin sa mata.
Nang tumunog ang ang elevator at bukas ang pinto ay dali daling niyang lumabas. At kinuha ang kanyang key card. Itinapat sa kanyang lock at nagbukas iyon. Agad siyang pumasok at dinala si Blessie sa isa sa tatlong kuwarto na mayroon siya sa kanyang condo.
Maingat na inihiga niya ang dalaga. Tinanggal ang suot na sapatos. At inayos ang higa. Pagkatapos ay pumunta siya ng cabinet at naghanap ng puwedeng ipalit na damit kay Blessie. Naisipan niyang tshirt niya at boxer short na hindi pa niya nasusuot ang kanyang kinuha. Muli niyang nilapitan si Blessie.
Napangiti si Marius nang makita ang payapang mukha ni Blessie. Hindi niya napigilan ang sarili na haplusin ang pisngi ng dalaga. Muli siya tumayo at pumunta ng banyo para kumuha ng tubig. Pupunasan niya ang dalaga para kahit paano ay naging maginhawa ang pakiramdam nito.
Nakapikit ang mga mata ni Marius na tinatanggal isa isa ang bitones ng suot ni Blessie na top. Ayaw niyang pagsamantalahan ang natutulog na dalaga. Nakahinga siya nang maluwag nang maisuot na niya ang tshirt niya kay Blessie. Isinunod naman niya ang jeans nitong suot. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang tinatanggal ang buttons nito.
"Shit!" napamura si John nang hindi niya mahila ang jeans ni Blessie pababa. Pinagpapawisan na ang kanyang noo sa sobrang init na nararamdaman.
"F*ck! Youre giving me a hard on, honey," usal ni Marius nang madami nang kamay niya ang hita ni Blessie. Pigil na pigil at sobrang pagtitimpi ang ginagawa ni Marius. Nang makarating sa paa ni Blessie ang mga kamay ni Marius ay hindi na siya natiis. Hinawakan niya ang niya ang paa ng dalaga.
Ang kinis at ang lambot ng paa ni Blessie. Mga nasa isip ni Marius. Nakapikit pa din itong hinahaplos ang paa ni Blessie. Nang mahimasmasan ay kinuha niya agad ang kanyang boxer short at nagmamadaling isinuot iyon kay Blessie.
Ang bilis ng tibok ng puso niya. Akala mo hinahabol siya ng sampung aso sa sobrang bilis ng pintig ng puso niya. Pinunasan niya ang butil butil ng pawis sa kanyang noo.
Kinuha niya ang maliit na palanggana at binasa ang maliit na towel. Piniga niya at pinunasan ang mukha ni Blessie. Pati ang braso at mga kamay ng dalaga ay kanyang pinunasan. Pagkatapos niyang punasan si Blessie ay siya naman ang nagpalit ng damit. Siniguro niyang maayos si Blessie saka naglatag ng blanket sa sahig at doon na din siya matutulog.
Alas singko ng umaga. Nang magising si Blessie. Nag unat siya nang mga kamay. Pikit pa din ang kanyang mga mata. Naimulat niya ang kanyang mga mata.
Natigilan siya. Ibang kuwarto? Nasaan siya? Napansin niya ang suot niya. Tshirt? Tinaas niya ang kanyang Tshirt.
"Aahhhh—!" malakas na sigaw ni Blessie.
Agad naman napabangon si Marius. Dahil sa malakas na sigaw.
Nanlaki ang mga mata ni Blessie. Nasa condo siya ng amo niya? Paano?
"Anong ginagawa ko dito?! Anong ginawa mo sa akin?!" sunod sunod na tanong ni Blessie. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang mga damit niya sa sahig.
Tumayo si Marius. Akmang lalapitan niya sanang dalaga nang pigilan siya nito.
"Diyan ka lang. Huwag kang lalapit!" sinilip niya ang loob ng damit niya. May suot siyang bra. Nakahinga siya ng maluwag.
"Saan ang banyo mo?!" tanong ulit ni Blessie. Itinuro naman ni Marius ang pinto sa gilid.
Mabilis na tumakbo si Blessie papunta sa banyo. Nang makapasok sa loob ay agad niyang inilock ang pintuan.
Naiwan si Marius na kakamot kamot ng ulo. Iniligpit niya ang kanyang hinigaan. At lumabas ng kuwarto. Ipagluluto niya ng almusal si Blessie. Titimplahan na din niya nang kape. Dahil alam niyang may hang over pa ang dalaga.
Naayos na niya ang lamesa nang lumabas si Blessie ng kuwarto. Napansin kaagad siya ni Blessie.
"Ihahatid kita, pauwi. Kumain ka muna. Saka itong kape mo para mawala ang sakit ng ulo mo. May gamot din akong inihanda para sa hang over mo," litanya ni Marius. Dire diretso lang itong nagsasalita na hindi tinatapunan ng tingin si Blessie. Inaayos din niya ang pagkain ni Blessie.
"Okay lang. Kaya ko naman umuwi mag isa," tanggi ni Blessie. Tatalikod na si Blessie nang mabilis na nahabol ni Marius ang kamay niya.
"Kapag sinabi kong ihahatid kita pauwi. Ihahatid kita! Kapag sinabi kong kumain ka. Kumain ka!" galit na hila ni Marius kay Blessie papunta sa lamesa. Nakatunghay lang si Blessie kay Marius.
Iniupo ni Marius si Blessie sa upuan. Nakasunod lang ang mga mata ni Blessie sa binata. Umupo ito sa katabi niyang upuan.
Nilagyan ng pagkain ang plato niya.
"Sayang naman ang mga niluto ko kung hindi mo titikman. Maaga pa naman, Blessie. And weekend ngayon kaya wala tayo parehong pasok ngayon," sabi pa ni Marius. Nanatili naman na tahimik si Blessie
Napabuga ng hangin si Marius.
Kinuha niya ang kutsara at naglagay ng sinangag at bacon. Saka niya dinala sa bibig ni Blessie.
"Say ahh," malambing na utos ni Marius kay Blessie. Matalim naman tumingin si Blessie sa kanya.
"Open your mouth! Huwag mong hintayin na ako mismo ang mag bukas ng bibig mo sa pamamagitan ng bibig ko, Blessie!" nagtitimpi na banta ni Marius.
Napatakip naman ng bibig niya si Blessie.
"I said open your mouth! Naiinis na ako sayo, Blessie! I'm trying to be sweet to you. Kahit na hindi ko naman ginagawa ito sa kahit kanino na babae. Sayo lang! Pagkatapos hindi mo man lang na appreciate"
"Bakit sinabi ko bang maging sweet ka sa akin?! Hiningi ko bang gawin mo lahat ng yan, Sir Marius? Hindi naman, ah. May boyfriend ako para gawin sa akin lahat ng ito. Kaya hindi mo kailangan pang ipamukha sa akin ang mga ginagawa mo!"
Nag igting ang bagang ni Marius. Malakas na hinampas ang mesa ng kamao.
"Blessilda Magsino, I love you! Kaya ginagawa ko ang lahat ng ito. Alam kong mahirap paniwalaan lahat ng ginagawa ko. Ang nararamdaman ko para sayo. Pero totoong mahal kita. Hindi ko alam kung paano. Kahit sa sarili ko hindi ko maintindihan. Pero dinidikta ka ng puso ko. I want you. And I love you."
Napaawang ang labi ni Blessie. At tumayo.
"Sir, baka gutom ka lang? Hindi mo alam ang mga sinasabi mo. Hindi ako ang tipo mong babae. Ang gusto mo yung pang Miss Universe. Tipong pang muse ang ganda. Pang pagent. Wala ako sa kalingkinan ng lahat ng mga naging babae mo! Panget ako, Sir Marius. Hindi ako bagay sayo. Kaya puwede ba hayaan mo na akong makauwi?"
Ginulo ni Marius ang buhok niya. Saka muling tumingin kay Blessie.
"Mahirap ba talagang paniwalaan na mahal kita, Blessie? Kulang paba lahat ng ginagawa ko. Ano pa bang gusto mong gawin ko para maniwala ka na mahal kita?"
"Wala kang dapat napatunayan, Sir Marius. May boyfriend na ako. Si Luis. Tigilan mo na ito. Tigilan mo na ako! Huwag mo nang guluhin pa ang utak ko. Okay na ako. Maayos na ang relasyon ko kay Luis. Ayokong saktan siya. Ayokong lokohin si Luis." mga pakiusap ni Blessie.
Malungkot na tumingin si Marius kay Blessie. Nasasaktan siya sa mga iyon. Gusto man niyang pigilan ang sakit na nararamdaman sa kanyang puso ay hindi niya nagawa. Nanlalabo ang kanyang mga mata.
Sobrang pagkagulat ang naramdaman ni Blessie nang makita ang amo niya ngayon sa kanyang harapan. Panay ang pag agos ng luha nito sa kanyang mga mata. Hindi niya maintindihan. No, hindi siya puwedeng maawa. Hindi siya puwedeng bumigay sa mga ipinapakita nito sa kanya.
"Blessie, please. Huwag ka munang umalis. Gusto pa kitang makasama. Gusto kong iparamdam sayong mahal kita. Paniwalaan mo naman ako, oh," pagsusumamo ni Marius.