Chereads / Eros Love / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

Nasa gate ako banda nakatayo at may inaantay na taong sisirain ang ganda ng umaga, paniguradong sira na naman ang araw nito sa akin dahil sa kabaliwan ko sa kanya. Ilang minuto ako bago natanaw ito na kasalukuyan na niyang eh pinark ang kanyang motor sa gilid.

Agad sumilay ang ngiti sa aking mga labi tila kay ganda ng aking umaga, siya talaga ang bumubuo sa araw ko kabaliktaran naman ang sa kanya dahil ako ang sumisira sa umaga niya.

"Good Morning mi amor"

Agad nawala lahat ng emosyon ni Renon pagkakita ng pagkakita nito sa akin na para bang pinagsakluban ng panahon at sakuna.

Mukha ba akong sakuna?

Yucks. Pisti.

"For you" inilahad ko sa kanya ang isang rosas na kulay pink na may ngiti sa aking mga labi kahit hindi man lang ito makangiti sa akin

Pisti.

Tinitigan lamang nito ang nakalahad na bulaklak na para sa kanya, ang sarap ihampas sa mukha nitong lalaking ito kung hindi ko lang ito gusto matagal ko na itong binugbog sa inis ko ba naman sa pagmumukhang ito.

"Nakakangalay tanggapin mo na" Bagot kong saad ngunit titig pa din lamang ang ibinigay sa akin

Putangina na lalaking ito arte arte.

"Why would i"

"Kasi para sayo to ano pa ba?"

"I never ask a flower to recieve to corny Chandra"

I rolled my eyes at ibinaba ang kamay "I don't care if it's corny or not basta para sayo ito"

"I'm not accepting any thing from you, never."

Nawala ang kanina kong malaking ngiti at napalitan ng pagbusangot

"Pag respeto lang na tanggapin, pinalaki ka namang marunong magpasalamat diba"

"If I say no maniniwala ka ba?"

"Hindi, bitbit ng bawat Filipinos ang pag respeto sa kapwa lalo na ang pagiging mapasalamatin kaya impossible naman sa iyo na hindi"

Nagsisitinginan ang dumaraan na mga studyante sa amin dahil tila minsan napalalakas ang aking boses dahil na din ito sa inis.

"Pag sinabi kong ayokong tumanggap ayoko" tigas niyang saad ngunit ipinilit ko pa talaga.

Itinaas ko muli ang aking kamay kung saan hawak ang rosas at iniabot sa kanya muli

Inayos nya ang kanyang kwelyo at marahas na kinuha ang bulaklak napangiti na sana ako ngunit padabog nitong inilagay sa basurahan kung saan nasa gilid lamang niya.

Agad nawala ang aking mga ngiti sa labi at napalitan ng inis. Singkapal talaga ng mukha ng mga marites itong lalaking ito.

"Una at huling beses kung sasabihin ito sayo, stop pursuing me and stop giving me stupid things"

Hindi na ako nakasagot sa mga sinabi niya dahil mabilis itong naglakad papasok sa campus. Sa una lang to ganto makukuha ko din loob nya balang araw.

"Malas naman tigil mo na kasi" biglang sulpot ni Michael sa aking harapan

"Sa una lang yan ganyan, tignan mo after ilang weeks o araw bibigay din yon sa akin"

"As if naman na kaya mo eh mukhang sya na mismo ang may ayaw at di ka binigyan ng chance na ipakita yong kagustuhan mo sa kanya"

"As if I care if binigyan ng chance o wala basta ba at gusto ko siya sapat na rason para magpatuloy" kinindatan ko si Michael bago pumasok na muli sa gate.

Sa pangalawang pagkakataon inantay ko na naman ang pagdating ni Renon sa gate at letter na naman ang aking bitbit. Ng matanaw ko itong nag paparking ng kanyang motor ay agad akong napangiti.

Buo na naman ang aking araw at sira na naman ang kanyang araw.

"Good Morning mi amor" masigla kong saad ngunit titig lang ulit ang ibinigay sa akin pero sanay na

"Para sayo" lahad ko sa kanya agad nitong dinampot at marahas na inilagay sa basurahan at masama ang tingin na ibinaling sa akin

"I hate letters"

Pagkatapos nyang sabihin yon ay naglakad na ito papasok sa campus, naiwan akong tila binagsakan ng mundo sa inis na naman. Hindi ko alam para bang nawawala unti unti ang pagkakagusto kapag pinagpatuloy nyang tratuhin ng ganto.

"Busog na ang basurahan sa sweet letter mo mamsh" sulpot na naman ni Michael

"Buti nga sa basurahan eh" inis kung saad

"Asan paba eh dyan lang naman yan talaga napupunta tingnan mo bukas same scenario pa din"

"As if naman susuko, mukha na akong talo pag ganon" I rolled my eyes.

"Talo ang sumuko, habol pa mamsh kaya pa yan ng tuhod mo malaki kana naman"

"Ako pa ba"

At sa pang ilang pagkakataon na hihintayin ko muli si Renon sa gate, same ng kahapon malaki ang ngiti ko na sasalubong sa kanya ngunit kalaunan ay nawala ito ng sa basurahan ulit ang punta ng bulaklak na dala ko para sa kanya sana.

Nakakainis pero nakaka thrill, hindi alintana ang mga matang mapanghusga ng ibang mga studyante dito sa Campus, Matagal na akong nawalan ng pake sa opinion ng ibang mga tao, dahil hindi ko ikauunlad ang pag base sa mga sasabihin nila.

I'm minding my own business and they don't deserve my precious attention.

"Ilang bulaklak naba ang nasayang?" Pangangantsaw sa akin ni Ixxie

"Kulang pa yon, dapat mapuno ang basurahan in one week" sagot ko dito na ikanatawa nila

"Gastos lang yon, kapal ng mukha makalagay sa basurahan" aniya ni Jorrie

"Heller worth it pa din dahil nakikita ko araw araw si Renon kahit ang sarap nyang tikbasin pero okey na lang"

"Eh lebre mo na lang kasi samin yan ng Redhorse malalasing pa tayo kesa sa basurahan ang mabusog"

"Sa Friday gala tayo ano?"

"Sure ayan yong gusto ko!" Pumalakpak pa sa hangin sa galak at excitement

"Gagala tayo pero chip in ano kayo gold wala akong pera noh"

Agad bumagsak ang balikat nila

"Pag kay Renon meron samin wala gold talaga ang hayop na yon"

"Hoy wag kayong ganyan"

"Speaking off Renon look who's coming" napalingon agad ako ng dahil sa sinabi ni Michael.

Si Renon na naglalakad papapunta sa direksyon namin, andito kami sa may gilid ng Gym nag aantay ng next subject, chamba na papalapit sila sa pinaroroonan namin ngunit nawala ang ngiti ko ng makita kong sino ang kasama niya, isang babae at yong mga kaibigan niya pa din ngunit ang mas ikinainis ko ay nagtatawanan silang lahat ganon din si Renon.

Ang hirap hirap niyang pangitiin at patawanin pag ako, ginagawa ko halos lahat mapangiti lang siya tapos heto at napaka swerteng babae sa mundo andali daling napatawa siya.

May balat yata ako sa pwet.

"Hey guys" pambabati sa amin ng isa nyang kaibigan

Hindi ako kumibo, naiinis ako sa sarili ko at sa kanya. Halos pahirapan akong makakuha sa ngiting iyang tapos andali dali lang pala sa ibang babae.

Ang unfair.

"Ang dali lang palang tumawa at ngumiti Renon pero bakit pagdating sakin tila pinagkakait mo?" Seryoso kong tanong

"You already knew what's my answer"

"Hindi naman mahirap ngumiti at maging thankful ah" humawak si Ixxie sa braso ko batid niyang kakaiba ang tension na aking nararamdaman sa mga oras na ito.

"Mahirap, lalo na pag di ko gusto yong babaeng gustong magpangit sa akin, kahit bayaran mo pa ako mahihirapan kapa din"

"Ang unfair mo sa part na yan"

"Hindi yon unfair, sadyang ayaw ko lang sayo pero dahil makulit ka pinagpipilitan mo pa din"

"Hindi moko mauutusan na patigilin Renon"

"At mas lalong hindi moko mauutusan na gustuhin ka ng pabalik"

To Be Continue🖤