Hanggang ngayon kumukulo pa din ang dugo ko sa pagmumukha ni Renon gayun paman hindi pa din umaalis ang pagkakagusto ko sa kanya. Nasa kabilang side sila naka upo ng Gym habang nasa ibang parte ng sulok din naman kami, masama ang tingin ko sa kanya.
Nagtatampo ang walang karapatang magtampo
Kahit sino naman, maiinis sa ganon. Pero di ko sya masisisi kasi una sa lahat ako yong may kagustuhan na gawin sa kanya yon, hindi nya ako inutusan.
"Kanina kapa tahimik ah, nagseselos ang walang karapatan?"
Tinaasan ko ng kilay si Michael, naiinis na nga ako dadagdagan pa nito. Sarap manampal ah.
"Sasampalin kita dyan isa pang joke mo"
Narinig ko ang mahinang tawa ni Ixxie at Jorrie nilingon ko ang mga ito at inikutan ng mga mata
"Isa pa kayo, baka gusto nyong sumali sa mga namahinga sa langit"
"Chill Chandra ang beauty natin dyan mawawala"
"You know what Ixxie hindi na ito madadala sa chill na chill kung nabwebwesit ako sa pagmumukha niya wala pa din ang chill na salita"
Nagkibit balikat si Ixxie bago sumagot "Kahit ako nga hindi kayang maka chill sa ganon buti nga di mo na sampal yong babaeng yon, haliparot"
"Wala naman sigurong kasalanan ang babae pero nakakainis pa din yong pagmumukha niya"
"Kahit ako maiinis din, sa effort mo ba naman na nag exceed sa limitations mo tapos pinaghihirapan mo kahit kunting ngiti niya tapos ngayon nakukuha lang ng iba ng madalian" sabat ni Jorrie
May point naman talaga siya dahil bawat bagay tungkol kay Renon ay pinaghihirapan ko ng lubos, halos ibenta ko na kaluluwa ko makuha lang gusto ko.
"Ayaw nya sa akin eh, sino ba naman ako para magreklamo ako yong namilit eh"
"Sure kapa ba talaga dyan sa lalaking yan, ang OA nya as in ang sarap sapakin" may bahid ng inis sa boses ni Ixxie hindi ko sya masisi sapagkat ako din ang naiinis sa lalaking iyan pero hindi ko mapigilan ang pagkagusto ko sa kanya, kung pwede lang naman sana ay tanggalan ng ulo ang lalaking iyan matagal ko ng ginawa.
Nakakainis to the bone
"Sure pa din kahit fifty-fifty na yong chance sa akin" sagot ko at inayos ang buhok na nililipad ng mga hangin
Muli kung tinitigan sila Renon kausap na niya ang babae tila seryoso ang pinag uusapan nila, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kirot sa dibdib, ako dapat ang andyan, ako dapat ang nakikipagchikahan sa kanya. Tama nga na sinulit ko yong sa nakaraang solong solo ko pa si Renon dahil hindi ko talaga hawak ang panahon, nag iba ang ihip ng hangin mas lalong lumayo ang loob ni Renon sa akin, naging mas mailap at madalang ko na lang siyang kausap ng mahaba. Kung nagkakausap man kami ay puro mapanakit na paraan ang pagkasagot niya sa akin.
"Titigil naba o susuko?"
Nilingon ko si Michael "Bakit wala sa pagpipilian ang magpatuloy?" Taas kilay kung tanong
Halatang ayaw na din kay Renon.
"Kasi may mga bagay na kelangan mong isuko at may mga bagay na dapat isuko Chandra"
"At wala sa bukabolaryo ko ang sumuko hanggat may nakikita pa akong pag asa sa amin"
"My golly, saan banda mo paba nakikita ang pag asa?"
"Sa mga mata niya, iba ang kinikilos nya kesa sa sinisigaw ng mga mata niya"
Napabuga sa hangin si Michael tila ba na s-stress na din sa buhay ko "Nahihibang kana talagang babae ka at may nakikita ka ng hindi namin nakikita"
"Naniniwala ako na kapag gusto mo paghirapan mo, ngunit kapag sinubukan mo wagkang magmadali just trust the process because the process takes time"
Pumalakpak sa hangin si Ixxie at Michael "Ka praningan at kahibangan sa iyo binibining Chandra"
"Nope, it's a choice to choose someone and it's also a choice to stay to someone"
"Banat ket walang pag asa, pag nasawi ka basta andon lang yong Bhingz Bar para sa atin"
Nilingon ko si Jorrie tsaka tinawanan "Kahit naman di tayo heartbroken galaan naman natin yan ah sos"
"Mas iba talaga yong thrill pag may sawi na gagala"
"Miss, you are Chandra right?" Bigla ay sabay kaming napalingon sa lalaking nagsalita
Unang tingin alam ko sinong magsasalita
"Miiiii, ang gwapo niya shet" bulong ni Michael sa akin na nagpangiti sa akin.
Hindi nga ako nagkamali at talagang ibubulong niya ito sa akin
"Yes why?"
"Pwede magpa sama?"
Tinaasan ko ito ng kilay
"Para saan?"
"Para kay Mr. Flores sabi kasi nila ikaw lang tanging madalas makahanap kay sir sa hirap nitong mahagilap"
Napatango ako "Ah, kilala mo naman na sya diba?" Pang uusisa ko, literal na marites sa araw na ito
Napakamot ito ng ulo "No, bago lang ako dito"
"Transferee?" Pang uulit ko at baka magkamali ako ng pandinig
"Yes miss" sagot nito
"Sure, yon lang pala. Tara" inayos ko ang sarili ko at tumayo na
"Antayin nyoko dito sasamahan ko lamang siya kay sir Flores"
"Baka another target to pursue na naman Chandra ah"
I rolled my eyes "No way" humarap na ako sa lalaki na may katangkaran sa akin panigurado at Basketball player ito sa height ba naman nito, nakakahiyang lumapit nagmumukha akong duwende
Nauna sana akong maglakad sa kanya ngunit mabilis itong maglakad at nasabayan nya ako nilingon ko ito
"Anong pakay mo kay sir Flores?" Pang uusisa ko dito
"May ipapa pirma sana pero di ko sya mahagilap eh"
Napatango ako "Baka andoon sa 2nd Floor kung wala sa Faculty nasa 202 siguro yon
Ngumiti ito ng sakto lamang at tumango, medyo na antig puso ko doon. Hindi sya mahirap pangitiin infernes kaya bigla ay napaisip ako.
Kung madali lang pala ang ngumiti ngunit bakit si Renon ay hindi nya kaya?
Bigla ay naramdaman ko ang mainit na kamay sa aking bewang kasunod nito ang paghila sa akin. Nakalimutan ko nasa may gym pa pala kami at madaming tao. Muntik na akong makabangga ng professor.
"I'm sorry miss, if I touch you without asking a permission" napatingin ako sa kanyang kamay sa aking bewang at ng marealize nya ito ay agad nya itong tinanggal sa pagkakahawak
"Sorry"
Nginitian ko siya bago nagsalita "No its okey, Walang kaso yon. Lets--" agad naputol ang aking sasabihin ng may biglang sumambit sa pangalan ko
"Chandra"
Malamig na boses, hindi paman ako nakakalingon ngunit alam na alam ko na kung sino ito.
"Tara na" humawak ako sa braso ng kasama ko ngunit muling sinambit ang aking pangalan
"Chandra I'm calling you"
Napairap ako at hinarap ito
"Ano? Wala ako sa mood makipag landian sayo ngayon sa susunod na araw na lang" walang gana kung saad
"I just wanna ask if saan makikita si sir Bhens"
Tinaasan ko sya ng kilay "Aba'y malay mo bakit mo sakin tinatanong tsaka mamaya na tayo mag usap importante tong lakad namin"
"Gaano ka importante sakin?" Agad akong napatigil at tinitigan sya
"Malay ko sayo malaki ka naman kaya mo yan cheer pa kita eh, Tara na!" Hinila ko na talaga ang lalaki kong kasama na hindi ko kilala basta ha ayoko sa pagmumukha ni Renon nakakainis. Ni hindi kayang ngumiti sa akin pero ambilis makangiti sa iba.
"Who's that boy?" Bigla ay tanong nito sa akin ng kasama ko
"Ewan ko don, nakakainis na pagmumukha nakaka bwesit"
Narinig ko ang mahina nitong pagtawa "Your boyfriend?"
Natawa din ako sa sinabi niya "Ni hindi nga makangiti sa akin yon maging boyfriend ko naba, sa ka taas ng standard di yata ako pasok"
"If a man can't smile at you two things could be a reason"
Nilingon ko ito "Ano?"
"He likes you or he finds you attractive than the other girls he'd met"
To Be Continue🖤