Chereads / Eros Love / Chapter 12 - Chapter 11

Chapter 12 - Chapter 11

Papunta na kami sa isang minor subject na ang assign room ay ang new likod sa Research building kasunod sa ROTC office. Tahimik naming tinatahak ang daan patungo doon. Napapasulyap ako sa taong pinaglalamayan na sa utak ko, ambilis nga naman kumalat ng paninira nya sa akin at umabot na nga sa mga tenga ko mismo.

I wonder how they managed to smile inspite of jealousy and ma-issue na mga bunganga. And I wonder how they sleep knowing na may sinisiraan silang taong walang ginawa kundi ang tulungan sila. Ayaw ko naman sana magtanim ng galit ngunit tinaniman nila agad at tila gustong sumubok makipagbungangaan sa akin. Kanina ko lamang narinig ang mga pinag pepyestahang mga putanginang bunganga na hindi ko batid saan ng galing ang mga paratang na iyon.

"Ang sarap nila tigbasin tig isa at pakuluan sa kumukulong mantika" animo'y pinipigilan din ni Michael ang hindi makapag labas ng salita na alam namin na ikakasakit ng mga putanginang plastik sa mundo.

"Kukuda na nga sa chismis pa, ni hindi magampanan ng maayos pag aaral suma-sideline pa sa pagiging immortal sa ugali" kahit saksakin pa sila ng masasakit na salita kung hindi kami satisfied ay maaaring totohanin namin ng saksak ang mga babaeng pabida.

Akala ko nasa jollibee lang ang bida, tinake-out pala kasabay sa ugali

"So whats the plan?" Nilingon ko si Ixxie na seryoso din ang titig sa groupo ng mga dyablo

"Ano bang balita?" Ito talaga ang hindi alam ang daloy ng mundo namin, bukod sa pagiging busy sa buhay ay huli palagi sa balita.

"Sa?"

"Radyo at Tv" dugtong ni Ixxie sa kay Michael

"Pinagkakalat nila na nilalandi ko na naman ay ibang lalaki na ang tinutukoy nila ay si Persues, ang sabi pa nga nila malanding higad daw tapos meron na butnis daw ako sa kalandian" sagot ko sa mga tanong ni Jorrie

"Wow ah lakas makasabi ang mga dyablo, sino ba nag hatid sa inyo nyan"

Nginitian ko ito "Secret, my P.A na mataas ang tenga na abot buong campus"

"Anong plano?"

"Eh confront" dugtong ni Ixxie kay Jorrie

"No way makikipag open forum ka sa mga taong below your level of sense malamang di yan papatalo, hahanapan at hahanapan ka ng butas" aniya Michael na kabisadong kabisado na ang magaganap.

"Eh kung butasan na lang kaya natin tagiliran nila" inis kong saad

"Uy, pssshhh. Wag yan baka maaga silang kunin ni Lord"

"Ede mas masaya mapapaaga sila ng akyat sa empyerno" sagot ko kay Ixxie na tinititigan din ang direksyon kung saan naglalakad ang mga dyablo sa mundo.

The living piggy dyablo

"Chandra!" Napaigting ako ng may biglang sumulpot sa harapan ko, ayoko pang ma bad trip pero mukhang mababadtrip nga ako sa pagmumukha nito.

Kasalukuyan itong naka Black slacks at plain white t-shirt at white shoes, napaka lines tignan at astig pag ganitong pormahan ng lalaki pero ewan ko ba at hindi ako na aattract sa kanya, tila may naka takip sa isipan at damdamin kong ayaw ipakita ang totoong kahulugan ng salitang gwapo

"P-Persues" hindi ko mawari kung bakit ako nauutal, sa presensya nya ba o sa mukha nyang tila nababadtrip ako, hindi ko maintindihan.

"Papunta na kayo sa GEC UTS na subject diba?" tanong nito na hindi pa din naiaalis ang ngiti sa mukha

Tinaasan ko ito ng kilay "Oo bakit?" Ano na naman kaya ang binabalak ng lalaking ito sa akin mukhang masisira na talaga ang araw ko.

"Pinag defuse ang 3 sections sa subject nato" muli kong itinaas ang aking kilay

"Seryoso kaba?" Tanong ko

"Sayo?"

"Ha?" mukha yata akong nabingi sa narinig ko

"Sabi ko oo, seryoso ako sa pagsasabi sayo"

Napatango ako at tila na kumbinsi, mukhang kakailanganin ko ng linisin ang tenga ko dahil ako'y nabibingi na nga.

"Pwede naman kasi siguro yon since iilan lamang kayo, gayon din kami almost 10? 7 to be exact tapos yong isang section 10 lamang sila"

Ang daldal ng lalaking ito, how I wish ganito din ka daldal si Renon. Kahit talakan pa ako non ng buong araw hinding hindi ako magsasawang pakinggan ang boses niyang mala lullaby sa sarap pakinggan, o sadyang malandi lang ako dahil ako lang ang nakakarinig ng ganoon sa kanya.

Ka abnormalan Chandra!

"Hindi ko din sinabing hindi impossible Persues" pagmamataray ko rito.

"I know but I just wanna shared info"

"Owkey sabi mo ah"

Inunahan ko na ng lakad si Persues ngunit bigla akong nahinto ng may naalala at muling hinarap ito

"Alam mo na ba ang balita?"

Taka niya akong tiningnan "Ang alin?"

"Ay so hindi ka aware? Pero pinagkakalat ng ex mo"

"What are you talking about Chandra?"

"Pinag pe-pyestahan na ang pangalan ko sa buong campus, pero bat pa ako mahihiya kung hindi naman totoo" humalukipkip ako sa harap niya, agad naman umiba ang emosyon sa kanyang mukha na tila for the first time in my life ngayon ko lamang nasaksihan ang seryosong mukha ni Persues o sadyang nasanay ako sa masiyahin at masiglang awra nito.

"Who did it?"

"Yong ex mo" seryoso kung sagot

"Xhenelle?" Tumango ako bilang tugon bago niya muling dinugtungan ang tanong "Pero paano mo nakilala na ex ko siya?"

"The campus is very small yet pakalat kalat na ang mga marites how can I not know?"

He smiled and biglang bumalik ang mood "Well, I'm not gonna question your power of news Chandra but let me talk to her later"

"Sama ako, sa ayaw at sa gusto mo"

"Naghahanap ka lang ng problema, kung hindi mo pinagsiksikan ang sarili mo sa kanya Persues malamang walang issue na mararating kay Chandra" bigla ay parang tumalon ang aking damdamin sa kaba ng marining ang boses na iyon.

"Renon" pagsusuway ko dito dahil mukhang pinag iinitan na naman niya si Persues hindi ko batid kung bakit siya ganyan lage, na para bang kumukulo ang dugo pag nakikita ang pagmumukha ni Persues. Wala man akong alam ngunit may nararamdaman akong hindi pagkakainawaan sa pagitan nilang dalawa.

"Kung makikipag usap ka sa ex mo, siguraduhin mong tatahimik ang bunganga nyan kung hindi, ako mismo magpapa close sa bunganga nya"

Napamangha ako ng saglit dahil tila kinikilig ang balonbalonan ko sapagkat pinagtatanggol at pinagtatakpan yata ako ng aking my love.

"Anong alam mo sa nangyayari sa amin ni Chandra Renon at makapagsalita ka ng ganyan"

Lumapit si Renon sa kanya at nakipagsapalaran ng tingin na para bang nakamamatay ang titigan ng dalawa, tila umiinit na ang tension nila ngunit heto ako nakatitig lang sa kanila. Dahil kung gusto nila ng away ako mismo bibigay ng suntok sa mga mukha nila.

"Anong alam mo din maliban sa mang agaw ng hindi sayo?"

Nakita ko ang pagtiim ng bagang ni Persues, hindi ako sanay sa ganyang awrahan ni Persues na weweirduhan ako sa kanya.

"At anong alam mo maliban sa mang iwan ng babae?"

"At anong alam ninyong dalawa kung paano ako magalit?" Sabat ko sa dalawa ng hindi na ako makapagpigil sa sarili kung inis. Sabay silang napatingin sa akin "Look, I don't fvcking care whatever past you two have but what I'm concerned is nasa whole way tayo, kung balak nyong dagdagan ang chismis ng mga dyablo ede sana kayo na lang maging ako"

"Chandra mag uusap lang kami ng kaming dalawa lang" aniya Persues na inirapan ko.

"Mag uusap kayo pagkatapos ng klase at mas lalong mag uusap kayo na kasama ako, wag kayong ilsyunado mga slapsoil"

They're getting into my nerves.

To Be Continue🖤