Chereads / Eros Love / Chapter 16 - Chapter 15

Chapter 16 - Chapter 15

Kasalukuyan kaming tahimik na kumakain sa niluto ng Lola ni Renon. Napapasulyap ako kay Renon na seryosong seryoso kung makakain gayon paman ay hindi ko mapigilan ang mapangiti sa tago dahil sa nangyari kanina, batid kong kagustuhan nya din iyon ngunit mas lumalamang ang aking kagustuhan na mangyari iyon. Andon pa iyong gustong gusto kong maramdaman siya ng totoo

Charot kalandian Chandra!

"Ano nga ang iyong pangalan hija?" Agad akong napalingon sa Lola ni Renon ng ito'y magtanong sa akin. Ngumiti muna ako bago nagsalita.

"Chandra Ellize Felmentos po pero maaari nyo po akong tawagin bilang Chandra"

Muli itong ngumiti at ipinaglagyan ako ng macaroni salad at mango float sa plato.

"Thank you" I mouthed, paniguradong madami akong mauubos nito dahil hindi naman ito nakakabusog agad²

"Bagay sa iyo ang ngalan mo hija, panigurado madaming may ayaw sayo dahil sa angking galing mo sa mga bagay-bagay katumbas nito ang hindi nila pagkakaroon ng utang na loob sa iyo"

Napatitig ako sa kanya "True po yan, walang kasing kapal ang kanilang mukha, matapos tulungan kakalimutan ka na para bang hindi nakatulong, tapos mag ca-cause ng away out of nowhere tapos hindi mo G anong pinaglalaban ng botchi nila"

"Ganyan talaga pag ulyanin na babaeng may edad na"

"Nako! Hindi po, bata pa naman yon mga amoy putok lang yong mga utak, kala mong attorney maka paglaban sa dimo alam na dahilan"

Natawa ito "Parehas pala tayo ng naranasan" na realize ko na ang daldal ko talaga pala kahit saan.

"Syempre ganon talaga ang experience ng mga magaganda"

Sabay kaming natawang dalawa, nilingon ko si Renon tahimik lamang itong kumakain, tahimik na nakikinig sa usapan naming dalawa, tila walang balak makisali. Hindi ko siya masisi dahil hindi naman ito nakakarelate sa mga pinagsasabi namin.

"Ikaw hijo kamusta ang pag aaral mo?"

"It's good, but madalas akong talunin ni Chandra"

"Mas magaling pa pala siya sa iyo, ayan nakahanap kana ng iyong katapat" natatawang aniya nito

"Magaling naman yang apo ninyo Lola, ang kaso distracted yan sa beauty ko kaya ayon talunan palagi"

Mas lalo itong natawa "Sino ba namang lalaki ang hindi mahuhumaling sa iyong angking ganda sapagkat maliban sa iyong kagandahan ay napaka natural na kurbada ang iyong katawan hija"

"Nako po, maliit na bagay. Sa sobrang perfect ko po ay para na po akong hulog ng langit na diyosa ngunit ayaw naman saluhin ng apo ninyo"

Napa 'O' ang bunganga nito at masama ang tingin ng ibinaling kay Renon "Akala ko ba girlfriend mo na ito"

"Nako alam nyo po ba lola, ako yong nanliligaw sa apo nyo, ang swerte nga niya at niligawan siya ng magandang katulad ko"

Nakatanggap ng sapak itong si Renon galing sa kanyang lola gawa ng aking pagtawa. Heto na't magkakaroon na ako ng kakampi sa panliligaw ko sa lalaking ito.

"At bakit mo naman hinayaan na ang babae ang manligaw Renon?"

Kinamot ni Renon ang natamaan sa kamay ng kanyang Lola bago magsalita "Because it first I just thought I don't like here or I don't wanna be with her"

"Kalokohan!" muli nitong sinapak ngunit umilag ng mabilis si Renon

"Grandma naman, ganon naman talaga sauna ayaw natin"

"Kasinungalingan, matagal mo ng gusto siya, ngunit takot ka lang. Kelangan pag balik niyo dito ay kayo na, bago mo ipakilala sa Mommy at Daddy mo ngunit sasama ako alam natin parehas gaano ka OA yong mommy mo kaya nga ayoko sa kanya"

"Bakit ho? Hindi kayo goods ng mommy ni Renon?" Pakikipag sali ko sa usapan nila

Tumango ito "Hindi marunong makisama ng tao"

"Ngunit akala ko ay-" pinutol niya ang sasabihin ko

"Ako na mismo ang magwa-warning sa iyo hija, hindi mo magugustuhan ang ugali ng mommy nitong apo ko"

"Pero pag sakali ho, mabait naman ako konti pag ganon"

Natawa ito "Kaya saktong sakto ugali mo doon sa kanya, gusto ko iyang babaeng palaban"

"Palaban po ako, para sa apo nyo po talaga ako, nabuhay ako sa mundong ito para sa apo nyo po wala ng iba" nilingon ko si Renon na napapailing dahil sa mga pinagsasabi ko, nahihiya siguro sa kanyang Lola

"Sana nga ay tumagal ka sa ugaling meron ang ina niyan, maaaring bibigyan ka non ng mga problema, pera ang gagamitin non. Susukatin gaano ka katatag. Ngunit batid kong kaya mo iyon"

Ibinaba ko na ang aking kutsara at inayos ang aking  plato "Hindi lang po ganda ang taglay ko, kaya ko din ipaglaban ang mga bagay na alam kong walang kasiguraduhan"

"Oh sya, akoy magliligpit muna at maghuhugas, maiiwan ko muna kayo at maglilinis din ako sa kusina maarin kayong maglakad lakad doon sa likod kung saan andoon ang harden maraming bulaklak na fresh doon, kuhanan mo si Chandra at bigyan mo ang bisita Renon"

"Yes Grandma, ako na maghahatid ng mga pigngan sa kusina"

Ngiti lamang ang isinagot muli nito sa amin at nauna ng pumasok sa kusina ganon din si Renon na bitbit ang mga pinggan. Madali lamang akong naghintay kay Renon dahil mabilis itong lumabas mula sa kusina. Lumapit ito sa akin at bigla-bigla ay iniabot sa akin ang kanyang kamay.

"Let's go?"

Napatitig ako sa kanyang kamay at napangit

"My sweet darling"

Tinanggap ko ito at ginawang lakas para tumayo, tahimik kaming naglalakad papunta sa likod ng harden na tinutukoy ng kanyang Grandma ngunit hindi ko mapigilan ang sarili na mapatingin sa aming mga kamay, naninibago ako kapag kasama kong solo si Renon dahil magkaibang magkaiba, Eto yong matagal ko ng pinagdadasal na maranasan sa kanya ngunit tila malapit ako sa puso ng diyos at nadidinig agad.

Masyado kong naituon at nasiyahan sa pagtitig sa aming mga kamay na magkahawak na nakalimutan kong papunta kami sa harden na tila mukhang nasa fairytale lamang makikita, nadaming klase klaseng bulaklak. Namangha ako sa ganda ng paligid, kasing ganda ng mood ko ang paligid, umaayon ito sa aking nararamdaman. Ang saya, ang saya saya ko.

"Ito yong matagal na inaalagaan nilang dalawa" pagbasag ni Renon sa katahimikan, nilingon ko ito ngunit nasa malayo ang kanyang titig.

"Ang ganda, kasing ganda ko"

Agad napalingon si Renon sa akin at natawa "Kahit kelan talaga hindi mo maiwan iwan ang kalokohan"

Ngumiti ako at lumapit sa kanya, ipinilupot ko ang aking kamay sa tiyan niya at dinama ang init ng kanyang katawan, naka side lamang akong nakayakap sa tiyan nya may banda.

"Malay ko kusa yong lumalabas eh"

"My classmates chatted, nag meeting daw mga Prof means wala na tayong pasok sa last subject"

Tumango ako, muntik ko ng makalimutan na may last subject pa dapat kami, nakakawala sa huwesyo itong lalaking ito pag nakakasama.

"Do you like Persues?"

Kumalas ako ng unti unti sa pagkakayakap ng patagilid sa kanya at hinarap siya "No, why?"

"He's sweet to you"

"At ikaw naman yong hindi"

"Because I don't want you getting into troubles just because of me"

Kinunutan ko siya ng noo "Anong troubles ba?"

"With mom"

"Bakit?"

"Almost girls she don't like, she don't want me getting into girls"

"Girl lang naman ako hindi girls, ayan kasi dami dami mong babae"

Umiling ito "No, what i mean is even in one girl"

"Kung hindi ka kayang ipaglaban ng ex mo noon ako kaya ko"

"But you don't know how mom can do"

"She doesn't know me too" seryoso kung saad "I can do anything for you" I coped his face using my two hands "I wanna fight and win you Renon please let me do it for you"

"I'll just hurt you"

Umiling ako "No, you won't. Please let me be your girl"

Tumitig ito sa akin "In the right time?"

Ngumiti ako "Promise? You'll court me?"

Umiling ito "I won't, you're already courting me Chandra"

"Eh ano yong right time?"

"Right time to be my girlfriend"

"Bakit hindi ngayon?"

"I'm still figuring out what do I really felt for you"

Somehow I felt sad, I was always proving him that I like him. Palagi kong pinapadama sa kanya yon araw araw pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi pa siya sigurado sa nararamdaman niya sa akin. Sa kabila ng paghalik niya ng pabalik sa akin hindi niya pa mawari ang nararamdaman sa akin.

To Be Continue🖤