Chereads / Eros Love / Chapter 13 - Chapter 12

Chapter 13 - Chapter 12

Kasalukuyan akong nasa panghuling silya at kalagitnaan banda dahilan upang makita ko ang likuran ng dalawang lalaking nakakabadtrip sa buhay ko. Kung hindi lang sana ako naiinis ngayon malamang kanina pa ako kinikilig kay Renon ngunit iba ang mood ko ngayon hindi ko mapilit na landiin siya ngunit batid kong bukas at samakalawa ay mawawala din ito sapagkat hindi naman ganoon kalalim ang aking pagkakainis ko sa kanya maliban na lang sa hampaslupang ex nitong Persues ang sarap balatan ng buhay, at kung magkakaroon ako ng pagkakataon malamang bugbog abot sa akin ng babaeng iyon, maswerte siya at may pasok pa, ngunit humanda siya pagka out na namin.

Kung madalas kung ipalampas ang mga salita noon ngayon hindi na, gusto niya ng siraan ibibigay ko sa kanya, dahil mukhang nangangailangan siya ng attention ko. Nakita ko ang pagsulyap ni Xhenelle kay Persues, batid kong ramdam nito ang mga titig ni Xhenelle ngunit tila hindi nito pinapansin at pinapadama na alam niya ito.

Tinanggal ko ang pagkakatali ng aking buhok, inilugay ko ito at hinayaang bumagsak sa aking mga bewang. Medyo may kahabaan na pala itong buhok ko simula nong napasukan ng ka abnormalan utak ko noon at pinutol hanggang sa bumaba na pinagsisihan ko naman matapos gawin ito. Sinuklay ko ang aking mga buhok gamit ang mga kamay lamang. Muli ay nakita ko na naman ang pagtitig niya kay Renon.

Ayan ang hindi ko palalampasin, dinampot ko ang ballpen, malakas at mabilis na ipinalipad papunta sa ulo ng babaeng malandi, napa aray ito dahil batid kong masakit talaga iyon ngunit nararapat na parangal sa mga babaeng linta at higad.

Masama niya akong nilingon kaya nginitian ko ito at tinaasan ng middle finger, pampadagdag inis. Bakas sa kanyang mukha ang salitang mamaya ka lang sa akin ngunit sino ba naman siya para ako'y matakot. Bukod sa tamad na estudyante, rason ng rason na hindi naman tugma sa reyalidad bobo nga talaga. Kahit isaman niya pa ang babaeng parang lola na sa katandaan ngunit parang new born pa ang utak. Ang gagaspang ng mga ugali nila, dinaig pa si satanas mukhang aagawan pa nila ng trono.

"Ms Chandra! I'm calling you twice already"

Napaigting ako ng muling maalala na nasa klase pa pala ako at kasalukuyan akong tinatawag, kahit saan talaga pahamak itong halipores na ito.

"Yes ma'am? I'm sorry but I'm thinking about your topic which gives me curiosity"

Nawala ang inis sa mukha ng instructor at tila ba namangha dahil sa aking naging rason

"Any thing you wanted to be clear?" Muli nitong tanong, syempre parang hindi mabuking kelangan ko mag isip ng mahirap na tanong na konekta sa Topic niya.

"About the Potential advantages of matrix structures ma'am,  is strategic management a line with the advantages of matrix?"

"Ah yes, class I forgot to put it, blah blah blah, blah"

Ewan ayoko ng makinig basta ba importante na lusutan ko ang tanong ni ma'am. Sa huli ay sa akin pa nag thank you si ma'am.

Halos inabot ng dalawang oras ang subject na ito, nakakainis man ngunit busog na busog ang aking mata kakatitig sa maangas na likod ni Renon. Batid kong pareho silang wala sa mood ngunit madalas ko pa din makita ang ngiti ni Persues kapag napapalingon ito sa akin.

Tumayo na lahat at nag close na din ako sa bag ko, ng tumayo na ako ay agad naman na dumaan sa harapan ko si Renon kasunod niya si Persues na kinindatan pa ako habang nakangiti, tila gets ko ng mag uusap sila. Hindi ko namalayan na panghuli na kaming lalabas sa room ngunit biglang humarang ang higad.

Sino pa ba? Ede si Xhenelle na bobong higad.

"Kailangan mo bruha?"

"Pinagsasabay na landiin ang dalawang lalaki" May diin sa bawat words na ginagamit niya. Hinawi ko ang aking buhok at ay lahat inilagay sa likod, feeling ready sa digmaan, pero wala pa akong balak mag eskandalo dito sa koob ng classroom at mas lalong wala akong balak ma guidance sa campus na ito.

Hindi ko sisirain ang pangalan ko para sa isang dugyot na babaeng chanak.

"Are you describing yourself Xhenelle? Kung may malandi sa ating dalawa, ikaw yon" turo ko sa kanya "Kung gusto mo makakita ng malandi manalamin ka"

Umirap ito na ikinangisi ko "Hindi mo lang maamin na malandi ka at nilalandi mo ng sabay ang dalawang lalaki, may galit ka nga din yata sa akin at pinag trippan mo si Persues bilang ganti"

Napataas ang kilay ko sa mga narinig ko sa kanya, ang galing niya talaga gumawa ng estorya pero bobo naman sa klase yucks "Bobo ka na nga, tanga kapa, our personal conflict will stay between us not into relationship, hindi ako bobo para gumanti gamit ang lalaki. Ikaw, kung gumanti ka noon gamit ang lalaki, tawag sayo bobita which means bobong tanga"

"Wala ka ng ibang masabi at kabobohan ko punterya mo?"

Humalukipkip ako, ramdam ang presensya ng aking mga kaibigan sa likod ko "Ikaw naman. Wala ka bang ibang masabi maliban sa gawa-gawa mong estorya sa akin?, Xhenelle wake up! we're not living in a happily ever after, kung galit ka dahil involve ang isa sa lalaking hanggang ngayon ay hindi ka maka move on, pwes hindi ko na yon kasalanan dahil unang una, matagal na kayong tapos"

"My past doesn't need to be used as your evidence for the present Chandra, anong gagawin mo kung ayoko talaga?"

Ngumiti ako "Pinagsasabi mo dyan, saka na ako magkakaroon ng paki sa disisyon mo kung mismo na sila ang pumalag ngunit dahil ikaw ang talak ng talak, kahit ubusan mo yang laway mo wala akong pake!"

"Sa ngayon pero babagsak ka din nakakasiguro ako nyan"

"Bagsak saan? Kay Renon, ofcourse! Pero pag ibang bagsak yan, ikaw na lang pass"

"Playing dumb" aniya nito na ikinairap ko.

"Dumb your ass, story maker but can't do essays ew"

Tuluyan ko na talaga siyang tinalikuran at nadatnan si Renon sa labas ng room na naghihintay. Parang yata tumalon ang aking puso sa kaba na may halong excitement nakakabaliw pero kelangan kong pig pigilan.

"Can you come with me Chandra?" Malumana6 ang kanyang mga boses na kahit ang isang sanggol ay makakatulog sa ganda ng kanyang boses.

"H-ha? Saan?" ewan ko ba at bakit ngayon na lang ako sinibulan ng kaba noong mga nilalandi ko si Renon hindi naman ganito ang nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag, dahil may halong kaba, takot at saya sa tuwing naririnig ko ang boses niya at sa tuwing nakikita ko siya, batid kong gusto ko siya  noong mga naunang araw ngunit bakit ngayon kakaiba at mas lalong lumalim ang aking nararamdaman.

"You still have your 30 mins. break right so please come with me"

Kahit kakaiba ang aking nararamdam sa mga oras na ito ay hindi ko pa din nakakalimutan kung paano maging masungit.

Talent ng mga magaganda ang pagiging masungit araw araw.

"Nag usap naba kayo?" pang iiba ko ng tanong

"Not yet, you commanded that we won't talk unless you're around Chandra"

Napangit ako, mga masunuring bata naman pala itong dalawa. "Eh saan kaba pupunta?"

"Sa mall" tipid nitong sagot

"Anong gagawin mo doon?" Dagdag ko pa ng tanong

"May bibilhin na importante"

"Anong importante?"

"Pwede ba Chandra, sumama ka na lang"

Naiinis na naguguluhan na ako sa lalaking ito "Eh bakit nga! Bakit nga ako?"

"Because I like you"

To Be Continue🖤