"He likes you or he finds you attractive than the other girls he'd met"
Napakunot ako sa aking noo.
Walang saysay ang mga sinasabi niya Chandra huwag kang umasa sa mga magagandang salita niya dahil tiyak na nambobola lamang ito sa iyong sarili, pangungumbinsi ko sa sarili ko na para bang baliw
"I don't think so it applies to all man's out there"
Ngumiti ito na nagpakita sa malalim niyang dimples, infernes nakaka attract yong dimples niya pati na din ang medyo nawawala niyang mga mata kapag ngumiti.
"Siguro, pero trust me..na a-attract yon sayo pinipigilan nya lang"
Ng nasa ikatlong hakbang na ako sa hagdanan ng huminto ako at hinarap siya " Expert kaba para alam mo mga ganyan na bagay?"
"Sort of yes, or siguro?"
"Bat may or? Ewan ko sayo tara na nga" muli akong nagpatuloy hanggang sa makarating sa second floor.
"Ikaw ba nanliligaw doon?"
Taka ko itong nilingon "Pano mo nasabi?"
"Halata naman sayo at sa kanya"
"Paanong halata?" Tanong ko ulit.
"Na gusto mo sya"
I flip my hair "Ngi di kaya"
"Ikaw nga madalas makapuno ng basurahan doon sa front gate eh"
Nanlaki ang aking mga mata at napasapo sa aking noo.
Oo nga pala may history ako sa gate ng University nato, kilala na nga ako ng guard. Kilala bilang patapon ng bulaklak o mas kilala sa mayaman sa bulaklak dahil sa halos araw araw na pagtapon ni Renon dito. Nakakainis nga pero keri pa din naman ng bulsa hanggat may pag asa.
"So kilala moko?"
Tumango ito ng hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.
"Bakit kaba laging nakangiti?"
"Wala namang masama sa ngumiti Miss Chandra diba?"
Kung sabagay bakit ko nga ba iyon natanong sa kanya bobo literal.
"Wala pero ang weird lang"
"Make it more weird cause your Renon doesn't smile, am I right?"
"Sa akin lang, sa akin lang hindi"
"Gusto mo siyang pangitiin?"
Sinuklay ko ang buhok kong lumilipad sa hangin "Matagal ng gusto pero tila ayaw"
"Sauna lang yan mahirap pero subukan mo lang katukin ang batong damdamin nyan paniguradong bibigay din yan sayo"
"Paanong---" nahinto ako sa pagsasalita ng matanaw ko si Sir Flores na palabas galing sa Faculty office na agad nakakita sa amin at kumaway.
"Good Morning sir" masiglang bati ng aking kasama na muli ko itong nilingon at napamangha, ilang beses ko pa bang pupuriin ang lalaking ito ng dahil lamang sa pagkakaiba nila ni Renon.
"Good Morning Persues, zap dre" sagot ni sir na tila ba'y matagal ng close
"Close kayo sir?" Hindi ko mapigilan ang hindi magtanong dahil kung close na sila bakit magpapasama pa itong lalaking nagngangalang Persues sa akin?
"Under ko sya sa isa sa mga subject na handle ko dito sa M-Campus"
Napatango ako at nakumbinsi ang sarili na hindi talaga siguro nito ka close pa si sir gawa ng pangangailangan nito sa akin upang mahagilap si sir.
"Close mo Chandra? Or wag mong sabihin na boyfriend mo?"
Agad akong napailing "Hindi sir noh"
"Planning pa sir" Taka kong nilingon ito at pinandilatan na ikinangiti nito
"What are you talking about?"
"Akala ko pa naman ship kayo ni Renon pero mukhang may ibang nililigawan yon eh besides Persues is here" naantig bigla ang tenga ko sa narinig ko na may nililigawan si Renon
"May nililigawan na si Renon sir?"
Tumango ito "Yata? Pero hindi ako sure eh"
"Di pa naman sure may pag asa pa yan" muli kong nilingon si Persues
"May pag asa pang umasa at masaktan kamo"
"Kahit naman siguro ipagpapatuloy mo pa rin naman" tama nga naman ang sinabi ni Persues sa akin.
"Speaking of Renon, he's here"
Nanlaki ang aking mga mata at nilingon ito ng kabado
"Mas importante pala ha" mahina nitong bulong na tila ba ako lamang ang nakakarinig, mukhang ako nga lang yata talaga dahil nakatuon sila kay sir Flores at kay Persues naman.
"Good Day sir" simpleng ngiti lamang ang ibinigay ni Renon kaya nanliit ang aking mga mata.
Pinagkakait sa akin ang ngiting pilit kung inaasam asam. Nakakainis.
"And miss Chandra, Good Day" bigla yatang huminto ang pag tibok ng aking puso ng masilayan ko ang matamis niyang ngiti.
Anong nakain ng lalaking ito at ngumiti sa akin?
"Same" tipid kung sagot, dahil kahit ngitian mo ako ngayon hindi ko makakalimutan ang pag ngiti mo sa ibang babae.
"I was looking for you sir to sign this sheet"
"Oh I see, I'll sign this later. You can come back here maybe 2 hours? May ginagawa pa kasi ako at may aasikasuhin pa din"
"Yes sir sure no probs ma'am Judy can wait daw po according to her earlier as what she instructed"
Tumango si sir.
"So let's go inside Persues para ma ayos na ang form mo" aya ni sir kay Persues na hanggang ngayon ay nakangiti pa din
"Yes sir, susunod ako"
Nauna ng pumasok si sir na tila busy sa cellphone at nagmamadali
"Aantayin mo pa ba ako o mauuna kana?" Tanong ni Persues sa akin
"Madali lang ba yan?"
"Siguro diko sure eh"
"Mauuna na sya may pag uusapan pa kami" biglang sabat ni Renon
"Excuse me? Si Persues ang kasama kong pumunta dito kaya dapat magkasama din kaming babalik sa gym" inis kung saad ngunit di mapigilan ang makaramdam ng kakaiba sa dibdib dahil sa unang beses ay nakipag usap na muli ng matino si Renon sa akin.
"Mas importante ang pag uusapan natin"
"Makakaantay naman siguro yan pre" sabat naman ni Persues na tiningnan nito ng blanko lamang at muling tumitig sa akin
"Decision" matigas nitong aniya
"Mamaya na lang tayo mag usap, may itatanong pa ako kay sir"
"No"
"Renon naman" alam kong talo na ako sa kanya sa mga oras na ito, ayaw nya na makisama ako sa ibang lalaki pero pag siya okey na okey lamang.
"Sige na Chandra, mauna ka na lang nasa Gym lang naman tayo today magkikita din tayo, hahanapin kita mamaya ah" nginitian ko Persues at tumango
"Sige" ng ibinalik ko ang tingin kay Renon ay masama na ang aking tingin sa kanya, tuluyan ng pumasok sa Faculty office si Persues.
"Choosing him over me ha, don't tell me sya na naman ang lalandiin at liligawan mo?"
Masama ang tingin ko sa kanya "Ganon ba ako kalandi sa paningin mo?"
"Sorry was not meant to offend you"
I rolled my eyes and fix my hair "Kung yan lang naman pala ang tingin mo sakin ede bakit pa ako magpapatuloy na mangulit sayo?"
"I was just joking"
"Joke mo mukha mo" tinalikuran ko na sya at nauna ng maglakad ngunit hinabol nya ako at hinila ang aking kabilang braso.
"Chandra let's talk please"
"Tungkol saan ba?" Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa aking braso
"Sa subject ko"
"Huh? Yan ba yong sinasabi mong importante? My god Renon! Mataas ang oras makakaantay yan"
"Pero ako hindi, and I hate it that I don't understand why I'm feeling like this"
Nag iba agad ang aking emosyon at napangiti "Gusto mo na ako noh?"
"What? Hindi ah"
"Sos, eh bakit ayaw mo akong pahintuin sa panlalandi sayo"
"Dahil ayokong gawin mo yon sa iba"
I raised my eyebrows "Kasi sayo lang tapos ni walang appreciation ganon ba gusto mo? Na mag mukha akong tanga?"
"I hate it"
"Na ano?"
"All your efforts because I feel like I don't deserved it"
"Pero diba gusto kita"
"Gusto nga ba o kailangan lamang?"
To Be Continue🖤