Chereads / Eros Love / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

Tulala sa kawalan at di mapigilan ang sariling hindi mapaisip habang nilalantakan ang malaking Piatos na bili ni Michael kanina. Naguguluhan ako kay Renon pero batid ko at ramdam na umuusad na ang pagtingin niya sa akin, hindi man niya aminin, hindi man nya masabi ngunit ramdam at halata sa kanyang mga kinikilos na meron ng kakaiba at hindi na tulad ng dati ang pag tingin niya sa akin. Ayoko man na mag assume pero nahahalata ko sa kanya na iba na.

Napatitig ako sa pinaororoonan nila Renon na seryoso itong nakikipag usap sa kanyang mga kaibigan, hindi ko siya nakitang lumingon man lang sa aking direksyon sapagkat tila umiiwas siyang mag tama ang aming mga mata, mukhang may tinatago na pilit ayaw ipaalam sa akin.

Napangiti ako sa kawalan.

Tila nakukuha ko na ang loob ni Renon, mahirap man sa una pero atleast man lang sa pagkakataon na ito may nagbago na sa kanyang pananaw.

"Silent mode ma'dear Chandra" dumukot ng ilang piraso ng piatos si Michael at isinubo sa kanyang bunganga, kahit tulala ako alam ko ilan kinuha niya sa pagkain ko. Binayaran ko naman ito mula sa kanya kaya dapat lang na matakaw ako charot

"Apat yon ah"

Tinaasan nya ako ng kilay na para bang ako pa ang may kasalanan "Excuse me? Ilan yon?"

"Apat" Confident kong sagot na nagpa O sa kanyang bibig.

"Grabe counted na counted ah, ayaw palagpasin"

"Ikaw ba madamot" saad ko at sumubo ulit ng dalawang Piatos

"Madamot na maganda ayos lang yan"

Inirapan ko ito at nagpatuloy sa pagtitig kay Renon. Ilang minuto siguro akong nakatitig sa kanya ng may biglang tumawag sa akin.

"Chandra!"

Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses pamilyar at bumungad sa medyo may kalayuan si Persues na may bitbit na dalawang box ng Pizza at limang Milktea na din, ng tuluyan ng makalapit sa akin si Persues ay agad tumayo si Michael.

"Para samin ba iyan? Ang sweet mo naman"

Putanginang yan, ang kapal ng mukha nakakahiya.

"Ah, oo para sainyo makikipag sabay sana ako ng snack" masiglang saad ni Persues na para bang galing nanalo sa loto at masayang masaya ang postura nito.

"Laki ng ngiti natin Brad ah" saad ko na manghahalungkat din naman ng chika kung bakit masaya ang mokong na ito

"Syempre buo na araw ko eh"

Tinaasan ko ito ng kilay "Bakit? Nakita mo crush mo?"

Umiling ito at kumuha ng isang Milktea at tinusok ang itim na straw na para dito at iniabot sa akin, nagtataka man ngunit tinanggap ko ito at sinipsip na ng tuluyan.

"Nakita ko ex ko" muli itong kumuha ng Milktae at nilagyan ng straw saka mabilin nya itong sinipsip

"Buti naman at nabubuhayan loob mo pagnakikita ex mo"

"Syempre naman buhay ko yon eh"

"Ngi, corny mo" muli kong sinipsip ang straw sa milktea "Ex na nga kikiligin pa"

"Bakit San ba dapa5 kiligin?"

"Sa taong gusto mo yong bago"

"So kikiligin na ba ako ngayon?" Taka ko itong nilingon

"Pinagsasabi mo dyan?"

"Wala, oh eto para talaga sa inyo to" binuksan na niya ulit ang isang box ng Pizza

Ang sarap ma'am.

"Anong kapalit naman nyan ha?" Baka at may gusto itong kapalit kaya nagbabait baitan, mahirap na kelangan natin maging sure.

"It's a thank you gift for you and to your friends since tinulungan mo ako kanina Chandra"

Inayos ko ang buhok kong pilit ginugulo ng deputang hangin, nakakainis para na akong lilipad sa medyo malakas na hangin. Hindi nga mainit pero mukhang magiging aswang naman ang hitsura ko nito ngayon.

"Bongga ng Thank You ah, dapat pala araw arawin mo paghingi ng tulong kay Chandra, para maliban sa pagod ay busod ang katapat" dagdag ni Michael na tila ba walang hiya sa mga pinagsasabi, ang kapal talaga ng mukha.

"Sure ba, yon ay kung papayag si Chandra na samahan ako palagi" nilingon nila ako ng sabay sabay na at naghihintay sa isasagot ko

"Depende baka kasi mag selos ang baby ko"

Natawa bigla si Michael at muntik ng mabilaukan

"Ayan karma, tatawa tawa pa eh kahit walang nakakatawa"

"Ma'am wala ka pang baby wagkang echosera" aniya ni Trixie na puno na ang bunganga sa pagkain ng Pizza.

Inirapan ko din ito "Feel nyo lang wala pero meron talaga nararamdaman ko na ang pagtugon sa aking mga dalangin" napatingali pa ako sa ibabaw ng Gym, dilekado nato mukhang masisiraan na ako ng bait.

"Chandra eh kain mo na lang yan" dagdag ni Jorrie na kasalukuyan ng kumakain din

"Speaking of Renon, look at him matalim na yata ang tingin kay Persues mo"

Mas nauna kong sinamaan ng tingin si Ixxie dahil sa sinabi niya "Anong mo, di ko naman pagmamay-ari han"

"Ede sakin na lang, char"

"Oo buong buo sayo na" nilingon ko na si Renon at ramdam ko ang pag iwas niya ng tingin, nakipag usap ulit ito sa katabi niyang babae na kangitian niya kanina, sa sobrang inis ko ulit ay may naisip bigla ang aking utak.

"Persues upo ka muna dito sa tabi ko"

"Huh? Okey lang ba?" Nginitian ko ito, ngiti na para bang abot langit

"Yes ofcourse "

"Thanks Chandra"

Ngiti lamang ang ginanti ko sa kanya at muling nilingon sila Renon na ngayon ay tila ba nagtatawanan na, ito na talaga yong mas worst na tatawa na siya dahil hindi sya tumayo sa akin kelanman, yong kusa never.

"Mukhang kakaiba ang kinikilos ni Renon ah, halatang may pinapadusa"

"Sino?"

Sumipsip ito sa milktea niya "Diko alam baka nasa gilid gilid lang nga"

Napabusangot ako, muli ito na naman ang libo libong inis at puot sa damdamin.

"Mapaglaro talaga ng damdamin si Renon walang pinagkaiba"

May itatanong pa naman sana ako sa kanya ngunit ang isipan ko ay tila ba puno na talaga ng tanong at palaisipan kay Renon, ayoko na munang dagdagan.

"Walang pinagbago, ngunit batid kong dapat mag ingat si Renon sayo kesa sa ikaw ang mag ingat sa kanya dahil ramdam ko na mas matapang ka sa kanya"

"Wala naman akong pake sana kung matapang ako o hindi pero sana man lang sa effort"

"Tanggap nya ang effort mo pero hindi nya tanggap ang sarili niya para sayo"

Nilingon ko si Persues "Kaya nya madalas di appreciate ang effort ng isang tao ganon?"

"Appreciate nya yon, takot lang yan magpakita ng emosyon. He got a dark past lead him to be like that"

"I know lahat naman galing sa ganyan"

Umiling ito "Nope, hindi lahat"

"Di ka sure"

"Kaya din ayaw na ayaw niyang makapasok ka sa buhay niya dahil sa magulo na mismo, ginugulo mo lang lalo, mas lalong mahihirapan ka nito pag tuluyan ka ng nakapasok"

"Anong ibig mong sabihin?" Muli kong tinitigan si Renon at pinagmasdan.

"Magulo na buhay nyan, mas lalong gugulo pag papasok kapa, mapapanatili mo kaya ang sigaw ng puso kung sakali o sigaw ng isipan na para sa ikabubuti?"

To Be Continue🖤