Agad naman niyang inilabas ang mga supling ng Adult Four-Armed White Ape at maging ang halimaw na ito diretso sa isang malawak na Medicinal garden na kung saan niya itinanim ang mga medicinal plants.
Ang One-eyed Black Wolf naman ay inilagay niya sa kabilang espasyo ng medicinal garden na medyo may kaliitan lamang sa lugar ng harden ng Adult Four-Armed White Ape at ng mga supling nito. Inilagay niya sa maliit na harden ng One-eyed Black Wolf ang Twin Violet Lotus.
Matagal na oras ang ginugol niya rito upang maisaayos ang lahat. Kaya niya inihiwalay ang mga halimaw na ito dahil sa likas na teritorial ang mga ito kung kaya't baka magpatayan pa ang mga ito. Masasayang lamang ang lahat ng pinaghirapan ni Van Grego kungk kaya't napagdesisiyunan niya ang bagay na ito.
Ngayon ay hindi nababahala si Van Grego na makatakas ang mga ito, siya ang may kontrol ng Miniature House Artifact, imposibleng hindi niya malaman kung may anomalya rito. Isinasaalang-alang ng batang si Van Grego ang kanyang agam-agam ukol sa pagkakakilanlan ng Adult Four-Armed White Ape, upang maitago ito ay nagsagawa siya ng isang pambihirang technique na nahukay niya sa kaniyang isipan. Bawat Martial artist ay mayroong photographic memory kung kaya't hindi niya nalilimutan ang mga bagay-bagay na nakalagay sa kanyang isipan, ang kailangan niya lamang ay halukayin ito. Dahil sa dami ng nailagay na impormasyon sa utak ni Van Grego ng kanyang master ay natagalan siyang humanap ng pambihirang technique upang matakpan ang katotohanang sa kanya napunta ang Adult Four-Armed White Ape maging ang mga supling nito na magdudulot sa kanya sa hinaharap na mga problema o malaking delubyo. Upang mapigilan ito, masusi niyang ini-eksamin ang bawat technique na binabasa niya sa kanyang isipan. Hanggang ngayon ay nakapikit pa rin siya upang mapanatili ang kanyang konsentrasyon.
Ilang oras pa ang nakakalipas ay minulat ni Van Grego ang kanyang pares na nag-iitimang mata. Nakangiti siya ngayon at may kakaibang liwanag sa kanyang pares na mata. Isa itong indikasyon na nakahanap siya ng angkop na technique para sa problemang ito.
Agad na isinagawa ni Van Grego ang nasabing technique. Medyo may kahirapang gawin ang nasabing technique dahil mayroong trajectory points at nangangailangan ng buong konsentrasyon ang bagay-bagay sa pagsagawa nito. Kaibahan lamang dahil nangangailangan ito ng astral energy na siyang meron si Van Grego. Kaunting essence energy lamang ang mayroon ang katawan niya kaya napakaimposibleng makagawa siya ng isang technique na gumagamit ng malaking porsyento ng essence energy.
Maya-maya ay biglang lumabas ang napakaraming astral energy mula sa katawan ni Van Grego. Unti-unting nagkaroon ng kakaibang pagbabago sa astral energy at naging isang makapal na kulay abong ulap. Agad itong tumakip sa buong medicinal garden na kinaroroonan ng mga Four-Armed White Apes.
Agad niya ring itong itinago sa kawalan ang medicinal garden sa pamamagitan ng kanyang kontrol sa Miniature House Artifact.
"Hindi ko aakalaing napakasegurista mo bata, alam mo talaga kung paano umiwas sa mga ganid na mata ng mga Cultivators ang iyong itinatagong kayamanan. Ang iyong pamamaraan ay sobrang kahanga-hanga."
"Ginawa ko lamang iyon para sa ikatatahimik ng lahat at iwas gulo. Kung sa susunod na madiskubre ang sikretong ito, handa akong protektahan ito." Sambit ni Van Grego sa tapat na boses. Hindi siya sumang-ayon o tumanggi sa sinabi ni Master Vulcarian dahil alam niyang kahit anong pagsisiguro niya ay darating ang oras na hindi niya ito maitatago sa lahat.
"Limang araw mula ngayon ay hindi muna tayo mangangalap ng sangkap. Kailangan mong magpataas ng Cultivation Level mo sa Body Transformation Stage. Nag-ooverflow na ang iyong astral energy sa iyong katawan. Maaari kang pag-breakthrough ngayon dahil napakasolid ng iyong foundation ng katawan. Kapag nalampasan mo ang Diamond Rank ay saka mo na umpisahan ang totoong Cultivation System ng astral, essence at soul energy. Tapos na rin ang maliligayang araw mo dahil kung gusto mong maging unrivalled genius ng iyong henerasyon, kailangan mo ng tripleng sipag para maging napakalakas na Martial Artists sa hinaharap." Seryosong pagkakasabi ni Master Vulcarian. Alam nitong hindi biro ang mag triple Cultivation ngunit isa itong mabisang paraan para maipagtanggol nito ang kanyang sarili laban sa mga kalaban ng batang si Van Grego.
"Naintindihan ko po Master, susundin ko pa inyong paalala." Sambit ni Van Grego. Agad niyang nilisan ang lugar na kinatatayuan niya at pumunta sa isa sa kanyang kwarto. Doon ay agad siyang nagcultivate ng kanyang Body Transformation System. Gamit ang kanyang astral energy ay unti-unti niyang nirevolve ito sa kanyang buong katawan upang patibayin ang kanyang katawan. Maging ang kanyang meridian, blood vessels at iba pa ay dinaanan ng rumaragasang astral energy. Bawat daanan ng enerhiya ay mas tumitibay at nagniningning na parang isang kristal. Maya-maya pa ay biglang bumuhos ang enerhiya sa kanyang meridian, naging marahas ang kilos ng astral energies sa kanyang katawan na siyang pagsuka ng dugo sa kaniyang bibig.
"Puakkk!" Biglang tumilamsik ang napakasariwang dugo kasama ang mga maiitim na likido na siyang impurities na nakabara sa kanyang katawan noon man.
Napakagat na lamang ng bibig si Van Grego ng kanyang mga labi upang pigilan ang sakit na naramdaman. Agad niyang pinagana ang Divine Nine Rotations True Essence, Divine Chronicles of Meridian Reverberation at Five Revolution Soul Enhancement. Ibinigay ni Van Grego ang lahat ng kanyang atensyon at konsentrasyon sa pagrevolve ng maayos ang astral energy.
Makalipas ang apat na araw, nagtagumpay sa Pag-breakthrough si Van Grego patungo sa One-star Black Gold Rank. Dito ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa katawan ni Van Grego. Ang kulay ginto na astral energies ay naging mas maitim na ginto ang kulay. Dito ay mas naging madami at makapangyarihan ang kanyang nagagamit na astral energies.
Ngayon ay iminulat ni Van Grego ang kanyang pares na mata. Nalaman niyang apat na araw pa lamang ang nakalipas kung kaya't hindi niya inaksaya ang nalalabing isang araw at nag-ensayo ng kanyang buong kaya. Pinag-aralan niya ang konsepto ng Space at Oras upang mas mapalawak pa ang kanyang kaisipan. Gusto niyang subukang gumawa ng Movement Technique ng sarili niya. Nanghalukay siya ng angkop na movement Technique para sa kanyang kasalukuyang lakas. Agad niyang nakita sa kanyang memorya ang Wingless falcon-style Movement Technique.
Gusto niyang subukan ang Wingless Falcon-Style Movement technique dahil na rin sa madali lamang itong unawain at maliit ang consumption rate ng kanyang enerhiya. Ang wingless falcon ay martial beast na isang uri ng ibon na hindi nakakalipad ngunit kilala itong mabilis at maliksi sa larangan ng pagtakbo. Ito ay dahil sa suporta ng matitibay nitong paa na kayang tumakbo ng sampong milya kada limang segundo. Pero hindi ito ang dahilan kung bakit pinili ni Van Grego ang ganitong klaseng technique upang matutunan kundi ay gawing basehan upang gumawa ng sariling bersyon ng teknik. Idi-decript niya ito upang matutunan ang pangunahing pinagmulan ng technique. Agad niyang isinagawa ito sa pamamagitan ng pag-unbind sa movement technique. Gamit ang divine sense ay ginalugad niya ang bawat structura ng nasabing technique. Isa itong low-level na movement Technique kung kaya't mabilis niyang naproseso ang bawat estraktura na bumubuo sa konsepto ng Wingless falcon-style Movement Technique.
Napangiti na lamang si Van Grego dahil nakita niyang hindi lamang niya natutunan ang nasabing technique kundi mas lumawak pa ang kanyang kaalaman sa konsepto ng space dahil na rin sa ang movement technique na ito ay isang escape movement technique lalo na kung sa isang masukal na gubat ang isang nilalang na gagamit nito. Napangiti na lamang si Van Grego sa kanyang mga naiisip na senaryo kung may hahabol sa kanya. Kahit na may mga pakpak ang kanyang mga kalaban ay hindi siya mahuhuli ng mga ito. Lalo na kung maraming mga baging ang nasabing kagubatan, malaki ang kanyang lamang at madali siyang makakatakas.
Agad na nag-ensayo si Van Grego ng kaniyang sariling bersyon ng Wingless falcon-style Movement Technique. Ang kanyang ginawang movement technique ay hinaluan niya ng kanyang sariling pag-unawa sa konsepto ng Space at Time. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanyang mga galaw at maging sa maliit na oras ay kaya niyang maglakbay sa Iba't-ibang direksyon animo'y nagkaroon siya ng teleportation ability ngunit sa maiikling lugar lamang. Bawat konsepto ay may 13 Levels ngunit kinokonsidera na taboo ang numerong 13, magkagayon man ay 12 lamang ang alam ng bawat indibiduwal na Martial Experts dahil na rin sa alamat lamang para sa kanila ang 13 Levels. Bawat level ng anumang konsepto ay napakahirap habang tumataas ang kanilang comprehension sa konsepto ngunit maituturing na malaki ang agwat ng bawat level. Kapag naglaban ang dalawang magkaiba ang lebel ng comprehension ay siguradong matatalo ang mababa katulad na rin sa Cultivation Level pero hindi lamang iyon ang basehan sa maging sa endurance, regeneration ability, flexibility, strength at iba pa ay dapat na ikonsidera ng bawat Cultivator dahil magreresulta ito ng kanilang agarang pagkatalo o pagkapanalo.
Nagpatuloy pa sa pag-eensayo si Van Grego partikular na rito ang pagsagawa ng kanyang sariling movement technique na tinawag niyang falcon Wave Movement Technique dahil na rin sa bawat kilos ng kanyang paa ay nagkakaroon ng mga alon ng enerhiya sa bawat tapak nito sa lupa.
[Nagbabago po ang words ng mga Technique na kanyang natutunan habang lumalakas ang ating bida✔️ hope you understand po]
...
Ang limang oras na ibinigay ni Master Vulcarian ay natapos na. Kasalukuyang madaling umaga pa lamang ay biglang napabangon si Van Grego dahil sa isang boses na kanyang narinig.
"Gumising ka na bata, ngayon ay kaialngan mong mangalap muli ng medicinal plants. Kapag marami kang nahanap ay tuturuan kita ng isang Divine Rotation!" Sambit ni Master Vulcarian sa kasuwal na boses.
Nang marinig ito ni Van Grego ay halos lumuwa ang mata niya at nagwika.
"Hindi ba sabi mo tanda ah este Master kailangan kong matutunan sa sarili ko ang mga technique p----!" Sambit ni Van Grego na may pagtataka ngunit pinutol agad siya ni Master Vulcarian.
"Hahaha, makinig kang mabuti bata, kahit anong klaseng pag-aaral mo ng technique ay hindi mo ito matutunan agad-agad. Siyempre ito ay malalaman mo lamang kung natuwa ako sa iyong magiging performance maya-maya. Ayusin mo ang sarili mo at aalis tayo maya-maya." Sambit ni Master Vulcarian halatang isa itong importanteng paalala.
Agad na inayos at inasikaso ni Van Grego ang kanyang sarili. Agad siyang nagluto ng isang simpleng soup na puro mga medicinal herbs ang mga sangkap nito na may halong tubig. Mapait ito para sa panlasa ni Van Grego ngunit habang pumapasok ito sa kanyang tiyan ay nagiging purong enerhiya ito na siyang ikinatuwa niya. Upang lumakas ay kailangan niya rin ng suplay ng masusustansyang mga pagkain. Agad na rin siyang naligo sa isang batis at nagpalit ng damit na nasa cabinet na mismo ng kanyang kwarto. Halatang bago ang mga ito at maluwag ngunit agad niyang binago ang sizes nito at sinuot.
Ilang minuto pa ay natapos niya na ang kanyang gawain at agad na nilakbay ang daan papunta sa loob ng Black Phantom Forest.
"Kailangan mong pumasok sa pasukan ng kagubatan. Kahit na may mga nakaambang mga panganib ay hindi naman ito malala dahil bubukas ang isang mystic realm ngayon. Kung babagal-bagal ka ay pagsasarhan ka ng kagubatan. Babaguhin ko muna ang iyong itsura at anyo. Kailangan nating mag-ingat dahil maraming eksperto ang nandoon na kani-kanina pa." Sambit ni Master Vulcarian habang unti-unti nitong binabago ang anyo ng batang si Van Grego.
Agad na napalitan ang mukha ni Van Grego ng isang ordinaryong lalaki maging ang kanyang katawan ay tumikas na siyang katawan ng isang binata.
"Maaari ko lamang itong gamitin sa labas ng tarangkahan pero sa loob ng mystic realm ay hindi ito gagana. Mag-ingat ka sa maaari mong makasalamuha na kalaban sa loob ng Mystic Realm. Hanggang dito na lamang ang aking tulong at nakadepende na ang lahat sa iyo." Kasuwal na pagkakasabi ni Master Vulcarian.
"Masusunod po Master. Salamat po ng marami." Sambit ni Van Grego sa masayang tono. Walang nagong tugon si Master Vulcarian sa naging sagot ni Van Grego.
Maya-maya pa ay biglang lumindol ang lupa. Napahinto si Van Grego sa kanyang lokasyon ngunit mabilis niyang ginamit ang Falcon Wave Movement Technique upang makarating at humalo sa grupo ng mga Human Martial Artists na sobrang dami.
Maya-maya pa ay natigil ang nasabing lindol at biglang bumukas ang isang malaking lagusan.
Agad na lumitaw ang isang may edad na lalaki na naka-asul na roba. Ang Cultivation Level nito ay hindi nito itinago. Isa itong Martial Monarch Realm Expert na siyang nagpaalab ng pressure sa mga Martial Experts na naririto. Karamihan sa mga naririto ay mga bata, binatang mga disipulo ng mga nasabing mga Powerhouse.