Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 119 - Chapter 14

Chapter 119 - Chapter 14

"Magandang umaga sa inyong lahat, ngayon ay isang malaking okasyon ito para sa mga batang Martial Artists na gustong sumuong sa mga nakaambang panganib ngunit may kaakibat na mga biyaya para sa kanila. Maaari lamang makapasok dito ang may Cultivation level na Martial Warrior Realm pababa, ang sinumang susubok na pumasok sa Mystic realm na may mataas na Cultivation Level ay agarang mamamatay dahil sa kakaibang harang na nakapalibot sa lagusan. Ngayon ay opisyal ng binuksan ang Black Phantom Forest para sa lahat ng batang Martial Artists." Sambit ng nakaasul na roba. Hindi nito ipinakilala ang kaniyang pangalan upang hindi magdulot ng anumang impormasyon sa kaniyang katauhan maging sa kanyang pinagmulan. Dahil isa siyang kinatawan sa nasabing okasyon o aktibidad ngayon ay kailangan niyang maging patas sa lahat maging ang maaaring maging takbo ng kompetisyon sa loob ng Mystic Realm ay wala siyang papel upang manghimasok o paghimasukan ito alinsunod sa patakarang kanilang ipinatutupad.

Kasalukuyan siyang nakaharap sa maraming mga Martial Artists lalo na sa mga batang henerasyon ng mga iba't-ibang Cultivators. Mayroong mga Hybrid Cultivators at mayroon ding mga Human Cultivators. Sila kasi ay mayroong layunin para rito at ito ay suungin at diskubrehin ang nakatagong hiwaga ng Black Phantom Mystic Realm T iuwi ang mga kayamanan matatagpuan nila rito.

Maraming mga Martial Artists na may Cultivation level na Martial Warrior Realm pababa ang bigla na lamang tumakbo papunta sa lagusan ng Black Phantom Mystic Realm ang bigla na lamang nawala na parang bula na siyang nangangahulugang nagteleport ang mga ito sa iba't ibang parte ng Mystic Realm. Sumunod na din ang iba pang Martial Artists na natira maging si Van Grego ay humalo sa mga ito.

Ang mga may matataas na Cultivation Level ay nanatiling naghihintay sa labas ng lagusan ng Mystic Realm at ang iba ay pinili na lamang lisanin ang lugar na ito upang bumalik sa kanilang mga kinabibilangan na puwersa. Ang pagsara ng lagusan ay masyado ring matagal at ang mga lalahok ay mananatili rin rito ng ilang mga araw sapagkat dito sy masusubukan kung malakas ba sila o hindi o kung kaya ba nilang magtagumpay at manatiling buhay pagkatapos nito.

...

Agad na nakita ni Van Grego ang kanyang sarili sa isang malawak na parang ngunit may kasukalan din ito. Naalala niyang dito pala siya dinala ng mismong misteryosong abilidad ng Black Phantom Mystic Realm.

"Bata, anong tinutunga-tunganga mo diyan? Maraming mga kayamanang nakapaloob sa Mystic Realm na ito. Kung papalarin ka ay baka matagpuan mo ang parte ng buto ng mga dragon dito maging ang mga precious herbs ay naririto. Kaya huwag kang tatamad-tamad dahil hindi lamang ikaw ang nilalang na naririto at ituring mong kalaban ang lahat ng naririto. Dahil sa harap ng kayamanan, walang kaibi-kaibigan dito!" Sambit ni Master Vulcarian na puno ng paalala. Hindi niya aakalaing nararamdaman niya ang kapangyarihan ng dragon na namatay dito. Kung susuwertehin si Van Grego ay siguradong magiging mabilis ang Cultivation nito sa body transformation system. Ang kanyang katawan ang pinakaunang dapat palakasin nito at ang mga naiwang parte ng Dragon ay makakatulong ito ng malaki sa batang disipulo niya.

Tanging tango na lamang ang naging tugon ni Van Grego at mabilis na naghanap ng matataguan.

Maya-maya pa ay bumuo siya ng kaniyang magiging plano upang matakasan ang matinding panganib at iba pang sakunang maaari niyang masagupa.

Agad niyang ginamit ang kanyang movement technique upang makapaglakbay ng buong ingat sa kanyang paligid. Maya-maya pa ay nakita niya ang isang Martial beasts na may napakapangit na itsura at pakpak sa isang maputik na lupain.

"Black Wing Lizard!" Sambit ni Van Grego habang namamangha. Nalaman niya noon pa man na ang Black Wing Lizard ay may malakas na pangangatawan at regeneration ability na mahirap talunin kung lalabanan ito.

Agad na napatago si Van Grego sa isang malaking katawan ng isang puno. Agad niyang nilisan ang lugar na ito at agad na pumunta sa mga markang-paa ng halimaw. Maingat niyang Sinundan ang pinagmulan nito at nakita ang tinitirhan nito na gawa sa pinagtagpi-tagpi na mga bato na siyang napakagandang tingnan

Wala naman siyang nakitang bagay maliban na lamang sa dalawang maliliit na buto ng isang di kilalang halaman. Aalis na sana si Van Grego ng biglang nagsalita si Master Vulcarian.

"Hangal na bata, kung inaakala mong ordinaryong buto lamang iyan ng isang ordinaryong halaman ay nagkakamali ka. Ang buto/ binhi na iyan ay nabibilang sa mga profound Trees, ang Red Fury Profound Tree." Sambit ni Master Vulcarian na may pagmamalaki.

"Huh? Eh ang pangit ng binhi na ito eh, tsaka Red Fury Profound Tree? Eh hindi naman ito----!" Sambit ni Van Grego habang nagkakamot ng kanyang ulo.

"Hmmmp... Dahil mababa pa ang iyong Cultivation Level ay hindi mo nararamdaman ang nakatago enerhiya sa loob ng mga buto. Isa ito sa katangian ng mga Profound seedlings na hindi maisusuri gamit lamang ang divine sense  kundi ang husay mo sa konsepto ng apoy at masyadong minamaliit mo ang Red Fury Profound Tree, hindi mo ba alam na mismong ang Red Fury dragon mismo ang pinagmulan ng punong ito, isa ka talagang mangmang na bata!" Nanggagalaiting sambit ni Master Vulcarian na animo'y umuusok ang ilong.

"Red Fury Dragon? May ganon bang dragon? Nakakatawa hehe..." Sambit ni Van Grego na may pagtataka at di mapigilang mapangisi.

"Isa iyong Quasi-God Beasts bata, kapag narinig ng Red Fury Dragon ang iyong kawalan ng galang sa lahi nito ay agarang kamatayan ang iyong matatamo. Sa maliit na mundo na ito, isang galaw lamang ng dragong iyon ay mapupulbos ang mundong ito!" Sambit ni Master Vulcarian habang may kasamang babala sa batang si Van Grego. Hindi kasi nito alam ang kayang gawin ng mga malalakas na nilalang na ito maging ang mga dragon. Kung naririnig ito ng mga dragon lalo na ng Red Fury dragon ay malamang sa malamang ay patay ngayon ang batang ito.

Agad namang natauhan si Van Grego at pinagdikit ang kanyang dalawang kamay.

"Pasensya na po Master, hindi ko alam na napakalakas na nilalang pala ang gumawa ng binhing nasa aking kamay." Sambit ni Van Grego habang natakot sa maaaring gawin ng dragong iyon.

"Hmmp! Napakalakas nga ng dragong iyon pero sa harap ko ay isa lamang iyong basura na hindi ko kailangan tingnan ngunit sa harap ng mahihinang katulad niyo ay wala kayong magagawa sa mapangwasak nitong puwersa!" Sambit ni Master Vulcarian na animo'y wala siyang pakialam sa makapangyarihang dragon na iyon.

"Tatandaan ko po ito Master, salamat at binigyan mo ako ng impormasyon upang mapakinabangan ko ang pambihirang binhi na ito." Sambit ni Van Grego habang inilahad ang binhi ng Red Fury Profound Tree. Agad niya rin itong itinago dahil nararamdaman niya ang mga yabag ng Black Wing Lizard. Sigurado si Van Grego na busog na busog ang halimaw na ito dahil kapag gutom ito ay siguradong lilipad ito.

Hindi na hinintay ni Van Grego na bumalik pa ang halimaw sa lungga nito. Sigurado siyang delikado na para sa kanya ang manatili o makipaglaban sa halimaw na ilang lebel na mas mataas sa kanya. Ayaw niya ring hingin ang tulong ni Master Vulcarian dahil siguradong maniningil ito ng malaki na siyang sasama ang loob ni Van Grego. Ayaw niyang ibigay sa Master niya ang dalawang pambihirang binhi ng Red Fury Profound Tree.

Agad nitong isinagawa ang Falcon Wave Movement Technique upang lisanin ang lugar na ito. Agad rin siyang naghanap ng ligtas na lugar upang  maiwasan ang anumang hindi inaasahang aksidente na maaaring mangyari.