Chereads / Every Rose Has Its Thorn / Chapter 4 - Chapter Four

Chapter 4 - Chapter Four

Imbes na sa ibang mesa sana ako't solo‚ heto't kasama ko ang dalawa na kay sarap hambalusin ng salumpuwit—kanina pa ako nagtitimpi‚ oo. Nais ko na lamang manghiram ng headphone no'ng lalaki sa kabilang mesa at magpatugtug nang napakalakas upang hindi ko lang maririnig ang nakadidiring palitan nila ng mga cringe word.

"Unang kita ko pa lang sa iyo noon‚ alam kong ikaw na." nahihiya kunong sabi ni Paul‚ ipm ninyo iyan uy.

"I love you‚ beh!" nakangiti pang sabi ni Ading‚ pabebe ang babaita.

"I love you even more‚ beh!" nah‚ wala na‚ finished na.

Cringe ninyo‚ beng! No'ng pinagbubuntis ba ang mga ito'y sinalo ng mama nila ang kacringehan sa mundo? Ayaw ko na lang sa earth!

"Baka may dalawang nilalang na masasaksak ko nitong tinidor." pagpaparinig ko habang tinatap iyong hawak kong tinidor sa mesa.

Napatingin ang dalawa sa akin at huminto sa kanilang garampagatan. Pansin kong napalunok si Paul‚ HAHAHA bahag ang buntot ng iri.

"S-Seryoso ba siya?" bulong nito kay Ading pero rinig ko naman‚ malakas 'ata ang pandinig ng marilag na iri.

"Nagbibiro lang iyang si Law‚ huwag mo na intindihin kasi ganiyan talaga iyan." tugon naman ni Ading dito.

"Nagbubulungan pa kayo‚ rinig ko naman." ani ko sa dalawa. Pareho pa silang napakamot—compatible 'ata ang dalawang ito?

"Hi Law‚ I'm Paul." pagpapakilala nito habang inabot sa akin ang kanan niyang kamay.

"I know‚ nice meeting you‚ again." pakikipagkamay ko sa kaniya kasi kung tatanggihan ko baka kako iisipin niya na wala akong modo't respeto. Guro pa naman.

"Nagkita na tayo noon?" gulat pang tanong nito‚ lalaking ito parang hindi kaklase noon—sampalin ko kaya at baka nananaginip pa ang iri.

"Hindi mo ako natatandaan?" tanong ko sa kaniya habang nakataas ang kaliwang kilay‚ "ako lang naman iyong palagi mong pinapahiran ng iyong kulangot noong highschool pa lamang tayo at higit sa lahat‚ ako iyong nilagyan mo ng bubblegum sa bangs‚ 'yong nagmukhang kambing. Ngayon‚ tanda mo na ba ako?" hinanakit ko ang mga iyon sa kaniya‚ sa tanang buhay ko siya lang ang naglakas-loob na gawin iyon sa akin.

Natutup nito ang sariling bibig at lumaki yaong mga mata niya. Lakas ng trip nito noong highschool‚ siguro nagbabagong-buhay na ang iri kaya nalimutan na ang lahat ng kagaguhang ginawa‚ pero ako‚ kailanma'y hindi ko iyon malilimutan. Ipapaukit ko pa sa aking lapida sa panahong hihimlay na yaong ako.

"Gulat ka noh?" tanong ko sa kaniya.

"Hehehe‚" nagkamot ulit ito sa ulo‚ may kuto 'ata ang lalaking iri.

"Kutuhan mo rin iyan minsan‚ Ading‚ nagkakamot oh baka kako may sandamakmak na kuto na iyang si Paul." suhestiyon ko sa kaniya‚ 'cause why not ulit.

"Nako! Sobra ka naman‚ Law‚ wala kaya." tanggi nito.

"Sus‚ hiya ka pa‚ pati garapata rin mayroon ka. Aminin mo na uy." biro ko sa kaniya.

"Isa na lang talaga‚ Law‚ hahampasin na kita ng platito." sabat naman ni Ading. Gigil ka girl?

"Pinaglalaban mo‚ pero pinaglaban ka ba?" tanong ko kay Ading.

"Oo‚ kaya nga naging kami‚" sagot nito.

"Weh? O baka naman napanalo ka lang dahil sa bola?" prangka kong sabi sa kaniya‚ "maipaglalaban kaya ni Paul ang relasyon ninyo sa harap ng iyong‚ Papa?" oo‚ strikto ang Papa ni Ading kaya walang naglakas ng loob na manligaw rito pero may mga nakasintahan ito noon‚ ngunit patago nga lang—kawawang nilalang.

Tumingin si Ading kay Paul at hinawakan nito ang kamay ni Ading. Pigilan ninyo ako‚ baka maputol ko ang kamay ng mga iri.

"Ehem‚ hinay-hinay lang kayo baka uuwi kayong walang kamay‚" sabi ko habang humigop ng kape.

"Haharapin ko ang kaniyang Papa nang buong puso‚" parang seryoso si Paul

"Kung gano'n‚ kapag kayo'y ikinasal—ako na ang gagastos para sa lechon." ani ko.

"Tatandaan ko iyan‚ Law—limang lechon dapat." sabi naman ni Ading.

"Lechon lang naman 'yong sinabi ko hindi mga lechon kaya ibig sabihin ay isa lang—huwag mong pasobrahan kasi hindi ka special." pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Sabi ko nga‚ isa lang." pamimilosopo nito sa akin at umirap‚ "nga pala‚ ayaw mo ba talaga kay Sir Albert?" ang tinutukoy nito ay ang maliligaw kong co-teacher na singkuwenta y singko na yaong edad.

"Marami na akong pera kaya hindi ko kailangan ng glucose guardian." ani ko sa kaniya.

Kumibit-balikit lang ang iri‚ "baka nais mo igrab si Sir?" biro ko sa kaniya.

"Susmaryosep‚ Law‚ sa tanang buhay ko hindi ko pinangarap na magkaroon ng sugar daddy." hysterical nitong sabi‚ masyadong oa ah.

"Mauna na ako sa inyo kasi may importante pa akong gagawin." sabi ko't inubos ang inumin.

"Saan ka na naman ba magpupunta?" mausisang tanong nito.

"Mag-aayos ng papeles papuntang abroad‚ bibisatahin ko lang sina Inang sa Canada at para naman makasama ko sila ngayong pasko." inayos ko ang aking suot at tumayo na.

"Isama mo naman ako‚ parang hindi kaibigan."

"Ayaw kong magsama ng aso‚ kayo na lang ni Paul oh." sabi ko—masyado niyang sinasayang ang aking oras‚ "sige‚ enjoy at madapa nawa kayo." lumabas na ako sa naturang coffee shop‚ masyadong matabil ang babaeng iyon at baka matagal kong matapos ang pag-aasikaso.

Ala sais na ng gabi ako naka-uwi‚ daming prinoseso parang ayaw ko na umulit. Tapos na rin akong maligo at nakahilata na ako ngayon sa kama habang nagmumuni-muni‚ ang tahimik sa bahay and I like the way it is—walang hustle‚ hindi magulo. I love this house; dami kong memories dito kahit ako lang mag-isa. Mga kabaliwan ko gaya na lamang nang magco-concert ako ng mag-isa‚ magfa-fashion show‚ magspo-spoken poetry‚ magda-drama at nagsasayaw kahit hindi ako gifted sa bagay na iyan‚ lalo na iyong pagsusulat ko—where I can find tranquility from this chaotic world; a home. My parents already migrated sa Canada‚ three years ago‚ and at the end of this month‚ ready to go na ako to pay them a visit.

Last day for Christmas break‚ kapapasok ko palang sa classroom and I noticed na napakabahave ng mga estudyante ko—himala‚ sign na siguro ito na magpapamisa ako.

"Wala 'ata tayong kagaguhan ngayon ah?" pagbibiro ko sa kanila at inilapag ang phone ko sa table.

"Last day‚ Ma'am eh kaya dapat na mabait kami‚ 'di ba?" tugon ni Abner at sumang-ayon naman ang iba.

"Ma'am‚ may tanong ako. Bakit wala tayong Christmas party?" tanong naman ni Marikit.

"Hindi uso 'yang Christmas party‚ bawi na lang kayo next life." sabi ko sa kanila.

"Pangit mo kabonding‚ Ma'am." sabat naman ni Berting.

Natawa na lang ako sa reaksyon nila‚ "ano nais ninyo na pasalubong?" tanong ko na lamang sa kanila.

"Saan ka ba tutungo‚ Ma'am?" mausisang tanong naman ni Larya.

"Diyan lang sa gilid‚" ani ko.

"Huwag na‚ Ma'am‚ baka pasalubungan mo kami ng tae ng aso." nakangiwi namang sabi ni Berhelya.

"Sa Canada‚"

"Kahit ano‚ Ma'am‚ basta imported."

"Dalhan ko na lang kayo ng maple leaf‚ ayos na siguro iyon." biro kong sabi sa kanila.

"Iyan talaga ang tunay na souvenir." naka-thumbs up na turan ni Fundador.

"Sige‚ dalhan ko kayong lahat." sabi ko't ngumiti‚ "mamimiss ko kayo‚ ingat kayo ha."ani ko‚ magkikitang muli rin kami ng mga chikiting na ito.

"Mamimiss ka rin namin‚ Ma'am." sabi naman ni Abner na naka-rock n roll ang kamay habang naiiyak.

"Huwag ka maiyak‚ Abner‚ babalik pa naman iyan si Ma'am at tsaka‚ wala ako riyan sa tabi mo para punasan ang iyong mga luha." ito palang si Marites ay may tinatago na pagtingin ni Abner‚ nako!

"Ako na ang bahala sa taga kain sa kasal ninyo‚ iimbitahin ko ang buong mag-aaral sa paaralang ito." masyadong jollibee itong si Larya uy.

"Masyado kang makapal kung gano'n‚ hindi ka nga invited tapos mag-iimbita ka pa." awts pain‚ bakit kasi prangka itong si Marites?

"Parang hindi classmate‚" ani naman ni Lars na wari nagtatampo.

Mga batang talaga 'to‚ masyadong madaminf nalalaman. Dapat ko na bang ipa-salvage ang mga iri't tumahimik na? Kidding aside‚ mamimiss ko talaga ang mga ito.

"See you next year!" ani ko sa kanila't bago sila dinismiss.

Kay bilis ng panahon‚ parang kahapon lang eh na inosenteng nagsipagpasukan sa classroom na ito iyong mga batang 'yon‚ mag-gragrade 4 na ang mga iyon. Masakit isipin na hindi na ako ang magiging teacher nila‚ ako'y isang kawawang nilang 'pagkat iiwan na ako ng mga iri. Sana mabuntis si Ma'am Elle sa grade four at ako talaga ang papalit for temporary nga lang pero ayos lang naman iyon. Ang mahalaga'y makakapiling kong muli ang mga anak-anakan ko. Medyo advance akong mag-isip sa part na ito‚ oo pero ba't ba? Nais ko lang mag-extend 'yong bonding namin ng mga estudyante ko and create more memories together kahit purong kagaguha't kalokohan‚ as long as I'm with them‚ nothing else matter.

But actually‚ being an educator is kinda emotional to the point na‚ you already attached yourself to your students but‚ there's always a time for them to leave you‚ well not intentionally kasi they need to make themselves grow in order to pursue their dream professions‚ so they need to take another step. But the most saddest part is‚ when they tend to forget you along with the memories‚ fortunate na lang iyong teacher sa part na‚ maaalala pa siya ng mga estudyante niya‚ that they'll pay her/him a visit. And I hope that these students of mine won't forget the bond that we had‚ ayos lamang na makalimutan nila ako‚ though it's sad‚ basta as long as the memories were still there‚ it will be fine.