Chereads / Every Rose Has Its Thorn / Chapter 7 - Chapter Seven

Chapter 7 - Chapter Seven

Hindi ko alam kung nanaginip lang ba ako na may naging kaniig ako kagabi? Iminulat ko ang aking nga mata't napagtantong hindi ito ang aking silid. I'm about to sit nang may makita akong brasong nakayapos sa akin. Kinakabahan ako‚ oo sobra! I check myself and found out that I'm naked‚ parang pinagsakluban ako ng mundo—masyado akong pabaya. I told myself na hindi ko dadamihan ang pag-inom since I'm in the foreign country yet I did the otherwise. And now‚ what have I done? Biglang kumirot ang pagitan sa aking mga hita‚ malayang lumagaslas ang tubig mula sa aking mga mata.

Tiningnan ko ang lalaking nasa aking gilid‚ 'lang 'ya ito ang lalaki kagabi. Sinabunutan ko ito ngunit hindi pa rin natinag sa pagtulog‚ pagod siguro ito sa kawalang 'yaang ginawa niya sa akin. Lord‚ paano ko ito eexplain sa mga magulang ko? Mabilis akong nagbihis at sinampal muli ang lalaki pero tulog pa rin ang demonyo‚ bangungutin ka nawa!

Kinuha ko 'yong lipstick sa bag at nagsulat sa dingding ng kaniyang silid‚ "YOU FILTHY ANIMAL! I'LL SUE YOU!" Amang‚ Inang‚ nawa'y mapatawad ninyo ako.

It's already the Christmas Eve pero nilihim ko pa rin sa magulang ko ang nangyari‚ but I already have a plan to. Simula no'ng kalapastangang iyon‚ hindi na ako lumabas ng bahay at lubos 'yon na ipinagtaka nina Inang and then again I lied about the reasons why.

We're in the middle of dinner when mother asked me‚ "kailan ang uwi mo?"

"Bukas po‚ since sa 28 ay kasal nina Ading at Paul." yeah‚ they already made up there mind nais na nilang lumagay sa tahimik.

"Paki-congrats ako sa kanila‚" sabat naman ni Amang.

"Ikaw 'nak‚ kailan ka lalagay sa tahimik?" parang nabilaukan ako sa tanong na iyon ni Inang.

Kibit-balikat lang ang tugon ko sa kaniya‚ "magni-ninang lang talaga ako‚ wala akong balak mag-asawa."

"Huwag kang magsalita ng tapos‚ Law." sabi nito sa akin. "Ganiyan din ako noon pero tingnan mo ngayon‚ mayroon kayo."

"Magkaiba kasi tayo ng pananaw‚ Inang. Magkaiba ang prinsipyong ating pinanghahawakan." sabi ko sa kaniya't pinunasan ang aking bibig.

Bumuntong-hininga na lang ito‚ "oh sya‚ mag-ingat ka sa biyahe ah."

"Palagi naman po‚ Inang nawa'y kayo rin dito." nakangiti kong sabi sa kanila.

2 𝗱𝗮𝘆𝘀 𝗹𝗮𝘁𝗲𝗿

Busy ang lahat dahil sa gaganaping sakalan este kasalan nina Ading at Paul. Siyempre nandito ako sa bahay nila upang tumulong sa preparasyon. Kasalukuyan kaming nagkukuwentuhan sa silid ni Ading kasama si Paul. Kita ko talaga sa matang ng dalawa ang purong pagmamahalan‚ the way they look at each other gives assurance; genuine.

"Hoy Law‚ 'yong lechon ah." sabi ni Ading at tinuro pa ako para naman akong nagmumukhang may utang nito.

"Naibigay ko na sa iyo ang pera‚ remember?" nakataas-kilay kong sabi sa kaniya.

"Oo nga pala‚" napakamot naman ito sa batok.

Napatingin ako kay Paul‚ napansin ko ang biglang pagpungay ng kaniyang mata at kumurap-kurap ito.

"Ayos ka lang‚ Paul?" tanong ko sa kaniya't napatitig sa akin nang matagal at ngumiti naman.

"Maayos lang ako‚ medyo napagod lang." pero iba ang ibig sabihin ng kaniyang mata.

"Nako‚ magpahinga na muna kayo ano. Tomorrow is your big day kaya have some rest." tumango lang ito.

Iniwan ko ang dalawa para makapagpahinga sila. Pumanaog ako sa sala't natagpuan ko roon ang mga magulang ng ikakasal na nag-uusap. Ngumiti lang ako sa mga ito‚ alangan namang makikisawsaw ako sa kanila eh baka some personal matters 'yong pinag-uusapan; it would be rude if I do so.

Napunta ako sa mini garden‚ there were varieties of flowers here at napakagandang tingnan 'cause they're planted according to their colors. There were also pines trees‚ too and trimmed bushes; everything here is relaxing. I pluck one of the pink roses‚ it blooms so delicately. Well‚ ain't fond of flowers but I just have this urge to picked one. Pagkatapos itong samyuin ay inilagay ko ito sa flower vase rito.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga‚ my bestfriend's getting married tomorrow and I'm happy for them. This is what she've been waiting for.

"Mind if I'll join you?" nilingon ko ang may-ari sa baritonong boses na iyon. It was the best man.

"Nah‚ I won't mind—" sabi ko at umusog sa kinauupuan

"Refreshing‚" sabi nito habang nakapikit na sinasamyo ang hangin.

"Yeah‚ it really is." I agree.

"I'm Conrad‚ by the way" inilahad nito ang kamay sa akin.

"Law‚" tipid kong tugon at inabot ang kaniyang kamay.

"Nice name‚" tumango-tango lang ako sa kaniya.

"Paul's brother?" tanong ko sa kaniya medyo hawig kasi sila.

Tumawa ito‚ "no‚ we're cousins‚" pagtatama nito. "I don't know why people usually think that we're siblings."

"Because of the resemblance‚ I guess." sagot ko sa kaniya.

"Really?" mangha pa nitong tanong. Hindi ba siya na nanalamin? Parang timang.

"Hindi kita pinag-ooverthink‚ baka magkapatid talaga kayong dalawa?" sabi ko‚ tumawa lang ito.

"We're not‚ actually my mother and Paul's father are twins so I guess that's the reason why‚" pagpapaliwanag nito sa akin. Napatango-tango lang ako sa sinabi niya.

"So‚ I've heard that you're a school teacher." pansin kong he's legs were wide spread‚ this guy is interested to me.

"Yeah‚" tugon ko sa kaniya.

"For you‚ what's the most difficult part as a teacher?" tanong nito sa akin habang nakasalikop ang mga kamay.

"'Yong maka-encounter ka ng mga estudyanteng napakabagal magsulat‚ naka-uubos ng pasencya‚" I said.

Tumawa na naman ito‚ happy pill niya kaya ako?

"Mine's when I encounter slow-witted‚"

"Every child has his own capacity in terms of learning. Some were late bloomers‚ while some were fast learners; all you need to do is to guide and teach 'em. It's really an accomplishment when you see them trying just to cope up with the lessons because they don't want to be left behind but no pressure at all." seryoso kong sabi sa kaniya‚ natahimik naman ito bigla‚ "So‚ you're a teacher too?" tanong ko.

"Yes‚ I am." nakangiti nitong tugon.

"That's good‚" there's a suddenly silence‚ tanging alinduyog lamang ng hangin ang naririnig.

"So‚ I've heard from Paul na kababalik mo lang from Canada?" tanong nito sa akin.

"Yup‚" bigla akong natigilan‚ ilang araw na ang nakaraan simula no'ng mangyari ang kalapastangang iyon—napakapresko pa.

"You okay?" Nabalik ako sa huwesyo dahil sa tanong nito‚ kinabahan ako sa simpleng paglapat ng kamay niya sa balikat ko.

"Don't touch me!" madiin kong sabi sa kaniya.

"I'm sorry."paghingi nito ng patawad.

"Ayos lang‚" ani ko.

Pumalit ang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tanging tunog lamang ng hangin ang umaalingawngaw.

"Anyway‚ does Paul okay?" Ako na ang bumasag sa katahimikang pinaiiral kanina.

"What do you mean?" nakataas ang dalawang kilay nito.

"Nah‚ he looks pale and gloomy." sagot ko sa kaniya.

"Siguro dahil sa pagprepare nila sa kanilang kasal ni Madison." tugon naman nito.

"Siguro‚" tanging tugon ko. Ewan pero parang may iba sa kaniya.