Just like what I've expected‚ sumugod nang maaga si Iren sa akin. Iren is my cousin from my father side and the one who posted those screenshots that became an issue right now. She's a highschool student.
"Ate‚ help me!" umiiyak nitong sabi sa akin‚ wala pa nga akong hilamos. Pinaupo ko siya sa couch at binigyan ng tubig.
"What have you done?" tanong ko sa kaniya.
"I just did the right thing." sabi nito't pinahid ang mga luha.
"You made a wrong click." seryosong sabi ko sa kaniya. "Sa tingin mo matutulungan ka niyang pagpost-post mo? You just makin' it worst!" litanya ko sa kaniya.
"Wala akong ibang malapitan." garalgal niyang sabi.
"Oh really? Then why are you here?" tanong ko sa kaniya‚ "Minsan gamitin mo rin iyang utak mo—matalino ka‚ Irin pero ano ginawa mo? Puwede ka namang pumunta sa women's desk ng paaralan ninyo." ani ko sa kaniya.
"At kung susuriin 'yong conversation ninyong dalawa ay may kasalanan ka rin. Alam mong may mali sa chats niya pero pinatulan mo—ikaw na lang sana ang umiwas tapos sasabihin mong ipopost mo? And unfortunately you did."
"I don't have any choice at para naman malaman ng mga tao ang kababuyan niya." naiinis nitong sabi.
"So kaya nga pinost mo‚ to gain sympathy? No‚ those people in the socmed just wanted an entertainment and you gave them‚ you made yourself as a clown." ani ko.
"So‚ kinakampihan mo ang malibog na iyon‚ ate?" kunot-noong tanong nito sa akin.
"I'm not taking sides here‚0 nasa gitna ako. Wala akong papanigan kasi pareho kayong may mali." paliwanag ko sa kaniya‚ "Puwede n'yo naman 'yon isettle privately with the help of the authorities‚ hindi 'yong ganiyan." dagdag ko sa kaniya pero bigla lamang itong tumayo at patakbong umalis.
Ang hirap kapag spoiled and stubborn‚ hindi marunong tumanggap ng mali.
Naligo na lang ako para mawala 'yong stress‚ oo ako 'yong nastress sa ginawa niya. Napakaganda sa pakiramdam ng malamig na tubig na malayang dumadaloy sa akin katawan—refreshing. Agad ko na ring tinapos kasi kumakalam na tiyan ko. Pagkatapos makapagbihis ng pambahay ay dumiretso na ako pababa sa kusina upang magluto ng agahan. Sausage and eggs lang muna ako ngayon kasi hindi ako nakapaggrocery simula no'ng dumating ako galing sa Canada. Matapos mag-agahan ay kinuha ko 'yong isa kong maleta‚ inilabas ko 'yong mga souvenirs para sa mga estudyante ko tapos 'yong chocolates at gummy bears ay nakatambak na sa aking fridge.
Magkapareho lang 'yong mga binili ko para walang lamangan o tampuhang magaganap. Inisa-isa kong inilagay sa mga souvenir bag and put some letters too‚ nais ko ring magpaiyak never ko pa kasing nakitang umiyak 'yong mga estudyante ko kaya this is it!
Busy akong nagsisilid ng mga souvenir ng may nagdoorbell. Doon ako sa mini gate lumabas‚ kita ko si Conrad na nakatayo sa harap ng main gate ko.
"Hey!" tawag ko sa kaniya.
Nakangiti naman itong lumapit sa akin‚ masaya yata gising ng lalaking ito.
"Good morning!" bati nito sa akin.
"Gano'n din‚" ani ko.
"Bakit ang tipid mong magsalita?" nakangiwing tanong nito sa akin.
"Pake mo?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.
Natatawa itong itinaas ang dalawang palad‚ "Don't get me wrong‚ I use those words when I'm kinda comfortable to someone." ani ko sa kaniya baka isipin niyang bastos akong tao.
"So you're comfortable with me?" tanong niri.
"Hindi gaano‚" tugon ko sa kaniya.
"Baka gusto mong papasukin ako sa 'yong bahay?" tanong nito na nakangiti.
"Nah‚ hindi ako nagpapasok ng lalaki sa bahay ko." sagot ko sa kaniya.
"Why?" kunot-noong tanong nito sa akin.
"Sikreto para bibo." ani ko na ikinatawa niya.
"Okay‚"
"Anyway‚ gising na sila Ading?" tanong ko at pasilip-silip kina Ading.
"Oo‚ katatapos nga lang magbreakfast namin." sagot nito.
"Hindi man lang ako pinuntahan ng babae." nakangiwi kong sabi.
"Nagbreakfast ka na?" He's leaning to the mini gate.
"Oo‚" ani ko habang palingon-lingon kina Ading.
"Ano ba sinisilip mo riyan? Nagmumukha kang magnanakaw." nakatawang sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
"Grabe ka naman‚" nakapameywang kong sabi rito.
"Just kidding." nagpeace sign ito.
"Hoy!" Alam kung si Ading ito.
"Nag-asawa ka lang nanunulak ka na." mataray kong sabi kay Ading.
"Nako‚ umagang-umaga mainit na iyang ulo mo." sabi nito at sumubo ng orange—ganiyan siya kapag matapos kumain‚ orange talaga ang nilalantakan.
"Misis ka na ngayon‚ kumusta ang pulot gata?" sinundot ko siya sa tagiliran.
"Wild pala si Mister sa kama‚ HAHAHAHA ang sakit nga ng balakang ko." nakatawang sabi nito sa akin at hinampas pa ako pero nguya pa rin ng nguya.
"Punan mo pa para mabali na iyang balakang mo." ani ko sa kaniya.
"Ang sama mo talaga sa akin." kunot-noong sabi nito sa akin.
"Para ka namang just now." nakangiwi kong sabi sa kaniya.
"Doon tayo sa loob ng bahay mo magkuwentuhan." suhestiyon nito.
"Sige‚" ani ko sa kaniya kasi nangangalay na rin ako.
"Uy‚ Conrad baka gusto mo ring pumasok?" tanong ni Ading‚ nalimutan nandito rin pala si Conrad.
"Hindi raw siya nagpapasok ng lalaki sa bahay niya." ani nito‚ good.
"Sus‚ pumapasok nga papa niya rito." ani ni Ading at hinila si Conrad papunta sa loob—pinanlakihan niya lang ako ng mata.
Walang-hiya talaga itong si Ading‚ sa susunod hindi ko na siya papasukin dito. Nagmamaktol akong sumunod sa kanila‚ nakita ko si Ading na nagbukas ng fridge at naglabas ng gummy bears.
"Huwag mo iyang pakialaman‚ para sa mga anak ko iyan." patakbo ko siyang pinuntahan.
"Nakatatampo‚ Law bakit ayaw mo akong bigyan?" nakasimangot nitong tanong.
"Sabing sa mga bata iyan eh." pagpapaliwanag ko sa kaniya.
"May anak ka na?" gulat na tanong ni Conrad sa akin.
"Wala‚ dalaga iyan. Iyong mga tinutukoy niyang anak ay 'yong mga estudyante niya." paliwanag ni Ading dito.
"Ahh‚" ani nito.
"Bakit wala akong pasalubong?" nagtatampo kuno nitong sabi.
"Tumahimik ka nga‚ ililibre na lang kita sa linggo." ani ko sa kaniya at bumalik sa sala‚ deritso lang 'yong sala at kusina ko.
"Sabi mo iyan ha." nakangiting ani nitong sabi at tumabi sa akin.
"Kasama ba ako?" nakangiting ani ni Conrad.
"Sure‚" tugon ni Ading‚ itong babaeng ito'y talagang bida-bida.
"Sige‚ sa linggo." sabi ko na ikinatuwa ni Ading‚ kapag libri talaga'y malaki ngiti nito. What if iindian ko siya? HAHAHA
"Saan pala si Paul?" tanong ni Conrad kay Ading.
"May ginagawa‚" munting tugon nito
"Hindi ba kayo maghahoneymoon trip?" tanong ko.
"Ayaw niya‚ mas mabuti sa bahay na lang daw kami basta't magkasama." kinikilig pa nitong sabi‚ kaderi.