"Maghanda na kayo‚ the bride arrive na." anunsyo ni Sir Gilbert na siyang nagmanage for the entourage.
Nagsipaghanda na ang lahat with the assistance sa mga kasamahan ni Sir Gilbert‚ "Law‚ ang ganda mo ngayon—you look stunning." ani nito sa kaniya na ikinatawa lang niya.
"Inborn iyan." Gilbert is ahead of us‚ mga two years siguro. Kaibigan din nila ito no'ng high school and college days.
"True‚" ani nito.
Nagpaalam na ito 'pagkat magsisimula na ang pagrampa sa red carpet charrr. Si Conrad ang best man tapos ako 'yong maid of honor kaya magkasama kaming naglakad papunta sa may altar kasi kami mag-aassist sa ikakasal.
"You look wonderful today." ani nito sa akin nang malapit na kami sa altar.
"And so do you‚" nakita ko sa peripheral vision ko ang pagngiti nito.
Pagkaraan ay nagsimula na ang misa‚ everyone's excited. Kita ko kung gaano kasaya ang dalawa no'ng naglakad na papunta sa altar si Ading—she cried while smiling‚ I bet she's so happy right now.
"We are gathered here today to witness the unity of their love." ani ng pari. "Ikaw babae‚ tinatanggap mo ba ang lalaking ito na maging kaagapay mo sa hirap man o ginhawa?" tanong ni Father kay Ading.
"Sobra pa sa oo‚ Father." sagot ni Ading umiiyak an ikinatawa namin. Gaging babae ito!
"Ikaw lalaki‚ tinatanggap mo ba ang babaeng ito na maging kabiyak mo magpahanggang awangan‚ in sickness and in health?" tanong naman ni Father kay Paul.
"Sobra rin po sa oo." sagot ni Paul na nakangiti‚ namula pa itong si Ading nako.
Then there goes ang suotan ng singsing‚ "Take this ring" panimula ni Paul‚ "as a sign of my undeniable and unending love for you. I wholeheartedly welcome you in my life as my wedded wife and soon to be the mother of my child—I commit myself to you as your husband." Lumuluhang sabi ni Paul at isinuot kay Ading ang singsing‚ napahagulhul naman sa saya si Ading.
"Take this ring‚ as the embodiment of my commitment in you. I wholeheartedly welcome you as fruit of the risk that I've taken—from the wrath of my father." ani ni Ading na ikinatawa ng lahat at nagpeace sign pa ito sa ama na nakatawang tumatango-tango lamang. "I commit myself to you‚ my chosen one." dagdag ni Ading at isinuot kay Paul ang singsing.
"I may now pronounce you as husband and wife!" The priest declared‚ "you may now kiss the bride."
Nakangiting binuksan ni Paul ang veil ni Ading at jusko 'yong pagmumukha ni Ading ay parang pinahiran ng uling. Ba't kasi hindi waterproof ang inilagay na eye-liner at maskara. Natawa na lang nang malakas si Paul at hinalikan ang kabiyak nito na asawa na. Hindi ko muna paiiralin ang pagiging bitter ko‚ ayaw ko siyang inisin 'cause it's her big day!
Pagkatapos ng matrimony ay pumunta na kami sa bahay nila Ading kasi roon ang reception. Exactly 11:55 kami nakarating sa bahay nila at naglunch na rin.
"Mind if I'll sit here?" tanong ni Conrad habang dala-dala ang kaniyang platong puno ng pagkain‚ malakas siguro kumain ang lalaking ito parang ako.
"Oh I don't mind at all." sabi ko't sumubo ng pagkain. Sarap ng hinanda nila eh kaya dadanas-danasin ko na rin ito.
"Look at them‚" turo nito nina Paul at Ading na nagsusubuan.
"Subuan now‚ talo later." natawa na lang ito sa sinabi ko.
"Why are you like that to your friend?" nakatawa nitong tanong.
"Nah‚ Madison knows that I'm anti-romantic and she's used to it." tugon ko sa tanong niya.
"Oh‚ so the great Law is an anti-romantic!" gulat na pahayag nito.
"Inborn‚" ani ko.
"So you don't believe about love at all?" curious nitong tanong sa akin at inilapag ang kubyertos nito.
"Finished already?" tanong nito sa akin.
"No‚ curious lang ako kaya nailapag ko." rason nito.
"Why are you curious anyway?" tanong ko sa kaniya at sumubo ng adobo.
"Wala‚ I just can't believe na you're an anti-romantic." ani nito habang ngumunguya.
"Hoy!" p*ta! Sino ba ang walang-hiyang nagtulak sa akin at muntikan na akong masungalngal ng kutsara.
"Kayo ha‚ ba't kayo magkasama?" nanunudyong ani ni Ading.
"Kung hindi mo lang kasal ngayon‚ ibinato na kita ng plato." sabi ko sa kaniya.
"Nakiupo lang ako‚" sagot ni Conrad kay Ading.
"Yow‚ bro!" bati ni Paul kay Conrad at nag-apir ang dalawa.
"Anyway‚ congratulations sa inyong dalawa!" Bati ko at niyakap sila pero itong Conrad nakiyakap din‚ gaya-gaya ang iri.
The event went well‚ I had a lot of fun lalo no'ng sa hagisan ng bouquet. Laugh trip si Eris kasi nabuwal sa kakaagawan nila no'ng bouquet. Then there goes the giving of speech‚ of course kasama ako.
"Good afternoon everyone! I think everyone's having a good day‚ right?" panimula ko‚ "To Ading and Paul‚ I don't know how your story started maybe way back highschool days? Anyway‚ I'm just hoping that you'll have a prosperous life together—na through rough ride ay hawak-kamay n'yong lalaban. I sounded cringe‚ right?" tanong naikinatawa na lamang nila habang si Ading ay nakabungisngis.
"Put God as the center of your relationship. So‚ ayon lang kasi I hate long messages. Thank you!" nakatawang ani ko.
Then susunod ng nagbibigayan ng speeches from families and close friends. Nagkakantahan at nag-iinuman na lamang ang mga tao nang gumabi na. Nagpahinga na rin ang newlyweds‚ of course magpupulot gata ang dalawa—ano kaya hitsura ni Ading noh? HAHAHA Nagpaalam na rin ako kasi inaantok na rin si Law n'yo.
Magkapitbahay lang talaga kami ni Ading kaya madali lang akong nakauwi sa bahay. I was about to go inside nang biglang may tumawag sa akin. Nilingon ko si Conrad‚ well familiar na ako sa boses niya.
"Going to sleep?" Hanggang beywang lang niya ang mini-gate ko‚ walang problema kasi nasa subdivision namin kami and maayos 'yong security. Magkahawig sila ni Paul pero mas maganda ang built in niya.
"Yeah‚" sagot ko sa kaniya.
"Okay‚ good night." ani nito sa akin.
"Likewise." tugon ko't pumasok na.
Hindi ko na siya inalok na pumasok sa loob‚ I don't like sperms wandering around my house.
Dumiretso na ako sa batalan and have a quick shower para mas maganda ang tulog ko. Bumaba ako papuntang kusina at nagtimpla ng gatas—ganito ako kapag patungo matulog. I am browsing through my phone when something disturbing caught my attention. It was screenshots of a conversation between sa pinsang babae at kaniyang teacher—the content is masyadong malaswa at dinumog iyon ng mga netizens. God! What have she done! Puwede lang naman isettle nila privately plus pareho silang may mali‚ just making it worst!