"We're about to deport! Please fasten you seatbelts for safety‚ thank you!" ani ng flight stewardess niring salipawpaw na kinalulunanan ko.
"Ready to embrace your tight hug‚ Inang at Amang." bulong ko sa aking sarili. Yes‚ Inang at Amang ang tawag ko sa aking nga magulang. I was born poor‚ my parents were farmers before and that's how we called our parents in the mountainous place.
Pagkalipas nang ilang minuto'y pagala-gala na ako sa naturang airport‚ hindi ko mahagilap sina Inang at Apang. Palinga-linga ako sa paligid nang may bilang kumalabit sa akin—istorbo eh noh?
"Bakit ba?" naiinis kong tanong‚ nang mapagtanong sina Inang at napakamot ako.
"Hambalusin kaya kita ng maleta?" nakakunot-noong wika ni Inang—sa kaniya talaga ako nagmana.
Sinunggaban ko siya ng yakap at hinalikan ang kaniyang pisngi‚ namiss kong talaga ang ina kong iri. Her warm hug really hits different—comforting ey.
"Si Amang po?" sabi ko habang hila-hila yaong maleta.
"Nasa bahay‚ nagluluto ng paborito mo." sabi nito at kumindat pa.
"Natatakam na ako ah‚" sa totoo lamang ay kanina pa ako nagugutom‚ umalis akong hindi kumain o nagkape man lang.
Nagpahatid kami ng taxi papunta sa subdivision na kung saan nakatira ang mga magulang ko. Naipundar ko ang bahay na iyon‚ balak ko talagang rito na tumira ngunit mahal ko pa ang aking propesyon—hindi ko kayang iwan ang mga batang iyon. Isang yaong magsasaka lamang sa bukid ang mga magulang ko‚ dahil sa tiyaga't kasipagan nakabili nang isang ektaryang lupaing sakahan ang aking mga magulang; nakapagtapos ako at naging isang ganap na guro—salamat na rin sa Poong Maykapal.
Pagkalabas ko palang sa taxi‚ nanunuot na 'yong lamig. Ang ganda lamang tingnan 'yong yaong natatabunan ng nyebe ngunit may iba't ibang kulay na kumukutitap sa mga daan at bahay—nakabibighani lang talaga. May mga snowman‚ mga taong nagska-skating‚ throwing snowballs to each other—laugther is genuine.
"Bolagaaa!" wari lumukso sa ibang planeta yaong puso ko. Grabe ang bungad ni Amang sa akin.
"Sana po ayos lang kayo‚" sabi ko sa kaniya habang kapa-kapa ang aking dibdib—magulatin talaga akong nilalang ngunit marilag naman.
"How are you my daughter?" sana all englishness.
"Spokening dollars ka na pala ngayon‚ Amang?"tanong ko sa kaniya habang natatawa.
"What? I don't understand anything you've said." sige‚ ayaw ko na sa ert.
"One dot‚ Inang‚ sasapakin ko si Amang niring maleta." hindi ako nagbibiro‚ oo.
"Biro lang‚ 'nak! 'Di ka naman mabiro‚" napakamot pa ito sa ulo. Hula ko'y magpamilya itong sina Amang‚ Ading at Paul sa nakaraang buhay eh noh?
Inirapan ko lang siya‚ "hindi mo ako namiss‚ Amang? Nakatatampo ah‚" may bahid pa konong pagtatampo sa aking boses‚ sa mascam lang.
Bigla-bigla'y yinapos ako nito nang maalab na yakap‚ yes‚ I miss him too—so much!‚ "sa karikitan mong iyan? Hindi kita mami-miss?" napangiwi ako‚
"Cringe mo‚ Amang‚ nahawa ka rin?" nakangiwi kong tanong sa kaniya.
"Tama na iyang daldalan ninyong dalawa. Kumain na tayo't para naman makapagpahinga ang isang ito 'pagkat mahaba-haba pa naman ang biyahe niya." sabi ni Inang‚ wari ko'y nag-rap ang iri.
Habang naghahapunan ay masaya pa rin kaming nag-uusap‚ ganito talaga kami; nagkukumustahan pa rin at nag-uusap sa buhay namin noon. It's a great relief and achievement ang nakamtan naming buhay ngayon—sino ba kasi ang mag-aakalang iyong dating inaalipusta't inaapi-api'y makaaabot nang ganitong kakomportableng buhay; masaya't kontento kami. Basta't may sikap at tiwala lamang sa isa't-isa‚ makakamtan at makakamtan n'yo talaga ang inyong nais—gawin lamang inspirasyon ang lahat ng mga masasakit na katagang binabato nila at tiyak na balang araw‚ babalik ito sa kanila't sila ang matatamaan‚ ngunit mananatiling mapagkumbaba at mapagbigay higit sa lahat ay buo 'yong pananampalataya sa itaas.
I was scrolling up and down kasi naabot ko na 'yong finish line ni facebook nang biglang tumunog 'yong phone ko‚ panira may binabasa sana ako. Si Ading pala‚ nais makipag-vc—
"Pilitin mo akong sagutin yaong tawag mo‚ Ading." chat ko sa kaniya.
"*Pinilit; sagutin mo‚ may importante akong sasabihin sa iyo!😠😡" kahit kailan talaga'y jejemon ang babaeng iri.
No choice ako kaya sinagot ko‚ baka may hatid itong balita sa akin.
"Yow‚ wazzupppp!" bungad ko sa kaniya.
Bigla-bigla naman itong nagtitili't naglulumpasay sa kama niya—nababaliw na siguro ang babaeng iri‚ "hoy‚ Ading bilisan mo kasi may gagawin pa ako! Para kang putol na buntot ng butiki sa lagay mong iyan‚ ano ba ang nais mong sabihin?" kunot-noo kong tanong sa kaniya.
Kumalma naman ito‚ "ito kasi iyon‚ Law‚" ipinakita nito ang kamay niyang may singsing‚ "engaged na ako‚ oo." masaya nitong ani.
"Wow ha! Hindi pa nga kayo umabot ng isang buwan—magpapakasal na kayo?" gulat kong tanong sa kaniya; mangra-rap ako ngayon.
"Ganito kasi iyon‚" simula niya‚ "tinotoo ni Paul 'yong sinabi niyang haharapin niya si Papa. Nangingig ang lalaki‚ para bang nakakita ng dragon HAHAHAH. Kita ko palang sa ekspresyon ni Papa na ayaw niya kay Paul pero bo*ng na lalaki‚ sinabihan niya si Papa na buntis daw ako at handa niyang pananagutan ang kami HAHAHAHA eh hindi naman iyon totoo‚ kaya ayon‚ engaged kami agad-agad. Kinompronta ko siya‚ sabi niya‚ wala na siyang ibang choice kaya gano'n." mahaba-haba niyang kuwento.
"Hala kayo! HAHAHAHAH" napahagalpak ako ng tawa‚ mga baliw na tao‚ "sinimulan n'yo na ba ang pagkayod?" biro kong tanong sa kaniya.
"Siyempre—hindi. Sa honeymoon na iyon uy‚ excited ka 'ata maging ninang‚ Law?" tanong nito—
"Handa ako kahit isang dosena pa iyan‚" tumawa lang ito‚ "hindi kita pinag-ooverthink ah‚ pero paano kung baog si Paul o ikaw? Anong gagawin ninyo sa Papa mo?"
Bigla naman itong tumahimik at napakamot‚ "bakit ko hindi naisip iyon? o ni Paul?" namomobleman nitong tanong.
"Pero sure naman siguro na hindi baog si Paul‚ 'di ba? Hindi naman siguro niya idadahilan na buntis ka kung baog siya‚ pero paano kung‚ oo?" tanong ko sa kaniya.
"Napakasaya ko kanina‚ pero dahil sa sinabi mo nagugulumihan ako."
"I'm just stating the possibilities‚ Ading‚ pero huwag mo na lang gaanong isipin uy‚ kabag lang talaga ito." natatawa kong sabi.
"Hatid na kita‚" ani nito na ikinakunot ng noo ko.
"Saan?"
"Sa mental, saang ward ka ba?" natatawa nitong tanong sa akin, lakas din ng trip nito‚ "by the way‚ gotta go. Ingat kayo riyan."
"Nawa kayo rin‚" nakangiti kong sabi't ini-end ang call.
Pabagsak akong napahiga sa kama at bumuntong-hininga‚ gagala ako bukas 'cause why not 'di ba? Lulubusin ko na iri habang nandito ako‚ ngunit ang lamig naman kung gano'n—malamigin pa naman ako. Punta kaya ako sa sauna? O bar? Ay ewan, bahala na si Batman bukas. Basta ang nais ko lamang ay ang magsaya.