Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama habang pasulyap-sulyap sa phone—nagbabakasakali na baka may maligaw na chat. Sh*ts din noh! Ay hab por tawsand prends here in pisbok pero ni isa walang nais na magchat sa akin. Gano'n na ba ako karilag at nilalayuan nila? Haba kasi niring short hair ko.
"Ting!" biglang tunog ng messenger at sa kasamaang palad mali 'yong direksyon na nagulungan ko kaya napada ako sa sahig
"Aaaarayyyy!" daing ko dahil sa sobrang sakit. Sure akong napakaepic ng pis ko pagkahulog‚ "mayro'n ngang grasya mayr'on ding disgrasya pero kailangan ba talagang pagsabayin?" pailing-iling kong sabi at umupo sa kama.
Kinuha ko 'yong phone na may ngiti sa labi. Lord‚ thank you sa blessing! Tiningnan ko 'yong messenger ayyy p*takills GC naming mga teacher! Ibabato ko sana 'tong phone(mayaman 'ata 'to, gusto mo bilhan kita ng touchscreen na 3310?) nang bigla na naman itong tumunog.
Oiyyy may nagchat, hehehe. Ito na 'yong blessing— tskkk‚ pambihira naman ito oiyy! Bakit arabo?Mabalahibo pis niya pramis! Pero gwapo ah p'wede na ipakilala kay Inang Mahal. Masabayan nga at ng may maasawa na si ako.
"Hello dear!" chat ni Mr. Arabo Mabalahibo‚ ang gara.
"Hello darling‚" reply ko naman.
"Wow! How do you know my name?" reply niya...may amats ba siya? Wala naman akong binanggit na pangalan ahhh! B*go ka b*go!
"Wat ar u toking abawt?" tanong ko sa kan'ya, galing kong mag-english nohh.
"My name is Darling! I'm so surprise that you know it‚" wow ha‚ manghuhula na pala ako ngayon. Galinggg!(pahingi load Kuya‚ now na!)
"Opkors‚ ebreone knows ur name‚" sabi ko
"Really?" madali pala itong mauto‚ tsk.
"Chat dis girl‚ her name is Reign Reign Go Away and she also knows ur name‚" opkors binigay ko second acc ko HAHAHAHA(evil laugh)maparaan ata si ako.
"Ahhh‚ okay wait dear‚" chat pa nito‚ hala! chinat nga niyang talaga ang second account ko like WAHAHAHAH at dahil mabait ako—nireplyan ko siya('di kaya ako ghoster) pagdaan nang ilang taon 'di joke lang...nang ilang segundo.
"You're right‚ Dear‚ she also knows my name‚" mangha pa nitong chat...gague!
"Opkors I'm right because I'm not in the left‚" reply ko sa kan'ya.
"Huh?" tanong nito...'di ba niya naiintindihan sinasabi ko? Resulta siguro ng lockdown‚ Dong‚ aral ka ulit Dong!
"By the way‚ Filipinos are smart!" sabi niri
"We're not smart‚ we're humans!" ta*nang arabong 'to pinagkamalhan pa naman tayong panghugas‚ tsk.
"Ha?" tanong na naman nito.
"Ha? Hakdog!" reply ko‚ HAHAHA.
Nakatutuwa siya pramis! Iibigin talaga kita‚ Dong basta hintayin mo ako ahh at hihintayin din kita ahhh basta maghintayan tayong dalawa para masaya.
"I don't understand you dear! By the way‚ What are you doing?" chat niya.
"Chatting you‚" yieeee‚ kilig hakdog niya.
"Same here‚ Dear‚" kikiligin na rin ba ako niri?
"Yeii‚ kamahin kita ehh‚" 'di naman niya maiintindihan ehh...enebe!
"Hintayin mo ako‚ Babe, papunta na ako sa bahay n'yo‚" biglang chat nito. WHAT? Kinabahan ako ng mga wantawsanmilyondalars...
Napabalikwas ako sa aking kama habang hinimas-himas ang aking pisngi‚ ang sakit. Sino ba kasi ang walang-hiya na nagsampal sa akin?
"Hoy‚ Law alas diyes uno na‚ iyong lakad natin uy!" saad nito habang kinuha iyong kumot sa akin.
"Kahit kailan talaga'y epal ka sa aking buhay—lalo na sa aking mga panaginip." pagmamaktol ko sa kaniya‚ napakapanira lang talaga. Malalaman ko na sana kung sino ang arabong iyon.
"Kilos na riyan‚" sabi nito't kinutusan pa ako.
"Gagawin mo lang naman akong videographer sa pagkikita ninyo ni Paul." inirapan ko siya't hinambalus ng unan‚ "ni hindi ako ginaniyan ni Inang‚"
"Dami mong satsat‚ Law‚ sasama ka o sasama ka?" siya pa itong galit ay.
"o‚"
"Sarap mong sabunutan‚" nanggigigil nitong saad.
"Sus‚ nahiya ka pa‚ katayin mo na lang ako." Inirapan ko siya at nagtungo sa batalan.
Nasa kalagitnaan ako ng aking pagligo nang kalabugin ni Madison ang pintuan ng cr. Babaeng talaga ito'y nakapa-ano lang talaga‚ sarap hambalusin ng tabo.
"Kapag nasira iyang pinto o 'di kaya'y luluwag iyang turnilyo‚ nako‚ ikaw talaga ang gagawin kong pako." nanggigigil kong sabi habang kinagat-kagat ang tabo‚ ito na lamang ang paglalabasan ko nang gigil.
"Ang bagal kasi ng bolbol mo‚ ilang oras ka na riyan hindi ka pa rin tapos." Sigaw nito.
"Maghunos-dili ka‚ Ading‚ kapapasok ko nga pa lang. Aba'y napaka-excited mo naman 'ata‚ isa lang ibig sabihin niyan‚ excited ka ring maghiwalay kayo. Congratulations in advance!" sabi ko habang nanghihilod.
"Wala ka lang talagang sinisinta kaya ganiyan ka ka-bitter‚ bawi ka na lang din sa next life." tugon naman nito na wari'y hindi natinag sa aking sinabi.
"Ayyy wala‚ gaya-gaya ka! Wala kang originality kaya disqualified!" sa maiinis lang‚ oo.
Ganito talaga kami ni Ading‚ nagbabardagulan kahit sa daan o sa may maraming tao‚ kahit nga sa faculty room kaya minsa'y napagkakamalhan kaming mga alikabok lang sa gilid. Minsan nga'y kami ang laman ng mga tsismis dito sa amin‚ pero may pake ba kami? Wala‚ bahala silang pumutak at tuluyang malagutan ng hininga—makikikape na lang kami sa gilid.
"Basta‚ bilisan mo na riyan." sabi nito't tumahimik na.
Tinapos ko na nang mabilis 'yong aking pagliligo‚ 'cause why not? Naabutan kong nag-aayos si Ading‚ ayos na ayos naman ito no'ng dumating kanina ah.
"Anong nais mo‚ heavy make up? Nahiya ka pa‚ mag-gown ka na rin‚ suotin mo 'yong sa debut mo noon. " pang-iinis ko sa kaniya.
"Bagay ba?" tanong pa nito
"Ikaw bahala‚ tutal gurang ka na naman. Alam mo na ang tama't mali‚ pormal at impormal; marunong ka ng magdesisyon‚ oo. So‚ bakit mo pa ako tatanungin‚ 'di ba?" tanong ko sa kaniya habang nagbibihis.
"Dami mong satsat‚ bilisan mo na‚" naiinis nitong sabi.
Wala‚ ngiting tagumpay ang siyang naging tugon ko.
Pagkalabas namin sa gate ay kita ko ang napakalapad na ngiting namumutawi sa labi ni Ading‚ happy iyan?
"Nga pala‚ kotse mo ba ang gagamitin natin o 'yong sa akin?" Tanong ko habang cheneck 'yong aking phone sa sling bag.
"Magco-commute lang tayo‚ Law." Nakangiti pa rin ito habang palinga-linga sa palagid—mastiff neck ka sana.
"Saan ba kasi kayo magkikita?" nakangiwi kong tanong sa kaniya.
"Sa Coffee Shop ni An-An‚"
"Do'n? Tapos nais mo na mag-commute lang tayo? Ang layo no'n‚ Ading‚ kung maglalakad lang tayo'y aabot na tayo roon ng mga ala una ng hapon—9:35 na. Sana ayos ka lang‚ noh? Kulang ka lang siguro sa tulog sa kakaisip mo ni Paul tapos maghihiwalay lang din naman kayo‚ edi ikaw ang lugi." mahabang litanya ko sa kaniya.
"Ayan ka na naman‚ Law‚ naiinis na ako baka masapak kita nitong bag ko‚" gigil sa ani niri‚ rawrrr HAHAHAH.
"Sus‚ ayan ka na naman din sa banta-banta mong iyan‚ hindi mo naman ginagawa. Masyado mo lang talaga akong mahal kaya hindi mo iyan magawa sa akin." kinindatan ko siya't tumawa‚ "pero alam mo‚ mas mabuti na iyong maagap‚ Ading para hindi ka maiwang luhaan‚" dagdag kong sabi.
Bumuntong-hininga lang ito‚ "magco-commute na tayo‚ Law‚ maganda ka naman eh."
"Matagal ko ng alam kasi inborn 'yong aking karilagan‚ kaya sa ayaw at sa gusto mo magko-kotse tayo." Sabi ko sa kaniya at pumasok ulit sa loob‚ "paki-bukas na lang 'yong gate."
Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe‚ biglang tumunog ang phone nito't napangiti nang malapad. Nababaliw na siguro ang iri.
"Anong ningiti-ngiti mo riyan?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.
"Tingnan mo oh." Sabi niya't ipinakita yaon niyang phone. Convo pala ng dalawa‚ sinabihan siyang mag-ingat—tanong ko lang‚ anong nakakikilig do'n? Kurutin ko kaya ang singit ng babaeng iri?
"'Yon lang? Tapos kung mag-aano ka riyan parang uod na binudburan ng asin‚" maghunos-dili ka uy‚ "kilig now‚ hinagpis later‚"
"Isa na lang talaga‚ Law at—"
"at ano?" putol ko sa kaniyang sasabihin.
"Ipapakulam kita!" rawrrr‚
"Paanong kulam daw? Thanks for sharing tho!" tumatawa kong sabi sa kaniya.
"Ang sama mo talaga sa akin‚" nalulungkot kunong sabi nito.
"Lungkot iyan? Tae mo‚ Ading." tumawa naman ang baliw‚ kahit kailan talaga'y nagda-drama ang iri eh hindi naman bagay.
"Malapit na ba tayo?" tanong nito at pasilip-siljp sa labas.
"Yes‚ actually nandito na tayo. Layo naman ng paningin mo." napakamot lamang ito‚ kamag-anak 'ata silang dalawa ni Abner.
"Hala uy‚ kinakabahan ako Law. Ano bang dapat gawin?" problemado nitong sabi habang pinapawisan. Makamandag talaga ang hotness ko at pinapawisan pa si Ading.
"Dapat gawin? Umuwi tayo't gumawa ng lesson plan‚ beysik." ani ko sa kaniya.
"Ewan ko sa iyo‚" at nauna pang pumasok ito sa naturang coffee shop.
Nakasunod lamang ako sa kaniya habang palinga-linga upang maghanap ng bakanteng mesa. Ayaw kong maki-share sa table nila noh baka akalain pa ng mga tao na third wheel ako; madudungisan ang aking reputasyon kung gano'n. Habang naghahanap ay namataan ko ang dalawang nagyayakapan‚ tsk kadorti. Lumapit ako sa kanilang gawi‚
"Lubusin na ninyo iyan kasi mamamatay na kayo bukas." sabi ko sa kanilang dalawa kaya't kumalas ang mga ito. Good‚ "nawa'y maging maayos ang usapan ninyo 'pagkat huli na iyan kasi nga mamamatay na kayo bukas."
"Panira ka talaga kahit kailan‚ Law." pinandilatan pa ako ni Ading. Lumuwa nawa ang kaniyang mga mata.