Damang-dama ko 'yong moment habang binabagtas ang daan patungo sa aking classroom kahit mainit keri lang‚ basta ang mahalaga'y marilag ako. Papaliko na ako nang akma akong matapilok buti na lang at napakapit ako sa sanga ng langka‚ lumingon ako sa may likuran‚ may batong nakausli—akala mo ah.
"Tatanga-tanga kasi‚" rinig ko sa batang dumaan sa aking tabi‚ batang 'yon masyadong maraming nalalaman.
"Madapa ka nawa." mahina kong sabi. Hinatid ko ng tingin ang batang pandak(kabuteng maihahalintulad) kanina ngunit sa kasamaang-palad hindi ito nadapa—sayang‚ tatawa sana ako 'pag nagkataon.
Tinuloy ko na lang ang aking paglalakbay este paglalakad. Nasa ikalawang silid pa lang ako ay rinig ko na ang mga estudyante kong nagsisigawan sa dahilan na hindi ko alam. Humanda sa akin ang mga batang iyon, pasimple akong sumilip mula sa durungawan ng aking classroom ng may biglang dumapong wari ko'y tubig sa aking mukha. Hinawakan ko ito't inamoy‚ 'lang-'ya laway—amoy kubeta.
Tumingin ako sa loob, kita ko si Abner na siyang may sala‚ wari ito'y gulat at naistatwa sa kinatatayuan habang nakataas ang kanang kamay na may dalang walis. Madali kong kinapa ang wipes sa loob ng aking bag at maiging ipinunas sa aking mukha. Pumasok na ako sa loob ng silid habang nag-iingay pa rin ang mga estudyante‚ hindi ba nila pansin ang marilag kong wangis na nagtataglay ng kakaibang alindog?
"Good afternoon‚ class. My apologies for being late." panimula ko. Huminto rin naman ang mga ito't nagsiupo na ngunit kita ko pa rin si Abner na nakatayo.
"Abner‚ you may take your seat now. Hindi uso ang statue of liberty rito." Sabi ko at pakamot-kamot pa ito sa batok.
"Nasaan ang good afternoon ko?" nakatatampo ah.
"Good afternoon, Ma'am!" bati naman ng mga ito.
"Napilitan lang talaga kami, Ma'am‚" sabat naman ni Fundador.
"Sige lang‚ sanay na naman ako. Sino ba naman ako‚ 'di ba? Sana ipinutok na lang ako sa mukha." emo-emo 'pag may time.
"Sana sa kubeta na lang‚ Ma'am‚" ani naman ni Berting.
"Sa kanal talaga‚" sabat naman ni Berhelya.
"Dami ninyong nalalaman‚ dapat na kayong ipatumbaaaa!" sigaw naman ni Eming. I like his mind.
"Crush mo lang talaga si Ma'am‚ kaya ka ganiyan." dumadagundong ang kantiyawan sa buong silid. Mga batang 'to, wala pa ngang mga bolbol may crush-crush nang nalalaman.
"Ma'am‚ may pag-asa ba si Eming sa iyo?" tanong naman ni Estong.
"Kailan ang kasalan‚ Ma'am? Flower girl ako‚ Ma'am pero kung makakaya eh abay na lang para masaya." nakangising ani ni Larya.
"Huwag ako‚ tandaan ninyo grade 3 palang kayo ha‚ grade 3!" sabi ko sa kanila na nakapameywang.
"Izza prankkk!" sabat naman ni Berto habang tumatawa‚ kita ko ngalangala niya.
Nagtawanan naman ang mga bata‚ happy pill ko sila‚ oo. Lakas ng trip ng mga ito‚ gaya ko‚ mana sa akin. Mga anak ko siguro ang mga ito noong nakaraan kong buhay—siguro baboy ako no'n.
"Okay enough‚ settle down now." Utos ko sa kanila habang humikab.
"Inaantok ka po‚ Ma'am?" mausisang tanong ni Berta sa akin.
Tango lang ang naging tugon ko't binuksan ang laptop.
"Halika po‚ Ma'am‚ aawitan kita ng lullaby para maging maayos ang iyong tulog." Pinaningkitan ko lamang si Abner at napakamot na lang ito. May kuto siguro ang batang ito eh.
"Natapos na natin ang lahat ng aralin at nakapag-review na rin para sa darating na pangkalahatang pagsusulit sa susunod na linggo‚ kaya naman‚ ang gagawin natin ngayon ay magkakaroon tayo nang munting aktibidad para naman hindi kayo malulundo ano." mahaba-haba kong mungkahi sa kanila't nakinig naman ang mga ito—plus points.
"Anong klaseng aktibidad ba iyan‚ Ma'am?" tanong ni Marites na nangungulangot.
"Dugtungan ng tula‚ ang paksa ay tungkol sa magkasintahang pandak at ang dyanra ay romcom‚ ngunit tagalog na medyum ang ating gagamitin." nakangiti kong sabi‚ inspired talaga ito sa batang babaeng sinabihan akong tanga kanina. Nais ko lang makaganti‚ oo.
Maalam naman sa wikang tagalog ang mga estudyante kong ito kaya't ayos lamang.
"Magsisimula kay Marikit at patapos kay Abner‚"
"Mukhang masaya ito ah‚" excited na tugon ni Marites.
"Simulan mo na‚ Marikit." Ani ko't umupo.
"Sandali lang‚ Ma'am mag-iisip muna ako‚" sabi niri't nag-iisip.
"May isip ka pala‚ Marikit?" walang-hiya talaga itong si Berting.
Napalingon naman si Marikit kay Berting na may malapad na ngiti‚ wari ba'y nabiyayaan ng kung ano‚ "ngayon mo lang knows? Ikaw ang palaging iniisip nito. Kiligin ka pleaseeeee‚ sana machoose." ipinagdikit pa nito ang dalawang hintuturo't nag-puppy eyes.
"Ikaw naman ang tinitibok nitong puso ko‚ Marikit." ani ni Berting at nagflying kiss pa.
"Akala ko'y ako lang‚ Berting?" tanong ni Berta na may hinanakit.
"Nagtaksil ka sa akin‚ Mahal?" mangiyak-ngiyak ding sabat ni Berto.
"Mas pinili mo pala siya‚ Berto?" may bahid na galit sa tinig ni Larya.
"Larya‚ siya pala ang sabi mong iyong tinatangi?" may hinanakit na maaapuhap sa tinig ni Fundador.
"Tara‚ Fundador‚ laklakan! Dadamayan kita hanggang awangan." smooth din itong si Berhelya.
"Sabi kasi ni Ma'am‚ magdugtungan ng tula hindi iyang cringe-cringe ninyong sinasabi." nakahalukip-kip na sabi ni Abner‚" kanina pa ako naghihintay dini‚ tapos iyan lang ang maririnig ko?"
"Ang bitter mo lang talaga‚ Abner‚ sabagay wala ka kasing tinatangi‚" sabat naman ni Marites.
"Mas mahal ko kasi ang aking sarili‚" sabi naman nito. Ewan‚ basta nasisiyahan ako sa nangyayari ngayon—Fight! Fight! Fight!
"Ayon‚ self love—nakamamatay iyan‚" tugon naman ni Fundador.
"Scam‚ iyang katangahan ninyo sa pag-ibig ang nakamamatay‚ bawi na lang kayo next life." napahagalpak ako nang tawa sa ani ni Abner.
"Sana ayos lang kayo noh‚" tumatawa kong sabi sa kanila.
"Mabilaukan ka sana‚ Ma'am. Pinagtatawanan mo kami not knowing na nagdadalamhati na kami rito." malungkot na sabi ni Marikit.
"Mga batang 'to‚ sige na‚ class dismiss. Ginagawa ninyong akong kontrabida sa mga pagmamahalan ninyong walang patutunguhan."
Nagtawanan na naman ang mga tamod na iri‚ sana ipinutok na lang sila sa bibig.
"Goodbye‚ class!" yes‚ nagwalk-out ako 'cause why not‚ "charrr‚ joke lang. So ganito na lang‚ imbes na dugtungan ay debate na lamang. Impormal lamang sapagkat‚ hindi naman kayo gaanong maalam at wala kayong pagkukunan ng karagdagang impormasyon to support your claim." mahaba-haba kong pahayag sa kanila.
"Naintindihan n'yo ba ang nais kong ipahiwatig?"
"Super yes‚ Ma'am—" mataray na ani ni Berhelya.
"Mega star yes‚ Ma'am!" ito talagang si Marikit ay ayaw magpatalo.
"So‚ let's start. Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo‚ group 1 ay 'yong nasa left side while group 2 ay sa right side."
"Tara na‚ dami ninyong satsat‚" nakairap na sabi ni Larya.
"Excited much‚ Lars?" tanong naman ni Berhelya.
"Select na kayo ng representative ninyo‚ o baka may nais mag-volunteer?" sabat ko sa kanila.
"Cring‚ cring‚ cring!" wala na‚ finish na.
"It looks like wala na tayong oras‚ so sa uulitin na lamang." sabi ko sa kanila't iniligpit ang aking mga gamit.
"Sayang‚" ani ni Fundador.
"Dami n'yo kasing satsat‚" reklamo naman ni Abner.
"Sige na‚ sa susunod na lamang. Goodbye‚ class!" pamamaalam ko sa kanila.
"Goodbye rin‚ Ma'am"
Nakangiti kong inilapag ang aking mga gamit sa aking mesa rito sa faculty room. Masaya akong nagsco-scroll‚ oo‚ isa ako sa mga tao rito sa mundo na walang kachat na ikinagagalak ko naman nang lubusan‚ kasi bukod sa tamad ako mag-type ay hindi rin nasasayang 'yong oras ko sa mga walang katuturang bagay.
"Hoy!" epal talaga kahit kailan itong si Madison. Namumuhay ako rito nang tahimik pero ginugulo iyong buhay ko.
"Bakit na naman?" naiirita kong tanong sa kaniya.
"May pangiti-ngiti pang nalalaman‚ may kachat ka na siguro noh? Himala kung nagkataon‚" pang-aasar nito sa akin.
"Che! Puwede namang may nakita lang akong post na nakatutuwa noh?" inirapan ko lamang siya at itinuong muli ang aking atensyon sa pagsco-scroll.
"Hoy‚ Lawww!" kinikilig pa nitong sapak sa akin.
"Ano na naman?"
"May jowa na ako‚ naalala mo iyong kaklase natin noong high school na si Paul? Oo‚ kami na." para pa itong hinihele sa alapaap.
"Jowa-jowa‚ maghihiwalay lang din naman. Advance Happy Breakup sa inyo!" sabi ko sa kaniya‚ "paki-inform na lang ako sa date ah? Ako na bahala sa tissue at magpa-practice mo na ako nang magarang tawa."
"Ang bitter mo talaga‚ ipinanganak ka ba sa sama ng loob?" nakangiwing tanong nito sa akin.
"Let me rephrase that‚ ipinanganak ako na puno nang kariligan at ka-hottan." nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Hanggang ngayon din‚ mahangin ka pa rin." Palingu-lingo pa nitong sabi at pumunta sa sarili nitong mesa.
"Para kang just now‚" Nakatawa kong sabi sa kaniya.
"Nga pala‚ sabay tayong umuwi ah?" sabi nito
"Sure thing‚" tugon ko sa kaniya.