Chereads / Every Rose Has Its Thorn / Chapter 1 - Chapter One

Every Rose Has Its Thorn

🇵🇭miauthenticself
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter One

Nilibot ko ang aking paningin sa mga matatayog at nagga-gandahang istraktura habang tangan ang isang bote ng bino—kay sarap‚ sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakatikim ng ganito katakam na alak. Ang makukulay na ilaw ay wari mga tala na malayang kumikislap-kislap—medyo umiikot na rin ang aking paningin 'pagkat pangatlo ko na itong bote. Unang gabi ko rito sa Roma—kahit sobrang nakapapagod iyong biyahe ngunit biglang nawala nang makatuntong ako rito.

May namataan akong dilaw na kotse at wari iyon ay p'wede kong sakyan papunta sa hotel na inaukupahan ko. Binuksan ko ang passenger seat nito at umupo sa loob.

"Pahatid po ako—

Hindi ko na matapos ang aking sasabihin nang marinig kong nagmura ang driver.

"What the h—What are you doing inside my car?" nahihimigan ko ang galit nitong boses‚ "And I don't understand even a single word you've said‚" naaaninagan ko ang kaniyang mukha—nakakunot ang noo nito habang nagkasalubong yaong kilay niya.

"I said‚ take me to the Five-star hotel‚" tugon ko sa kaniya—wala‚ hilong-hilo na ako.

"This is not a cab! Now‚ get out!" galit na galit nitong sigaw sa akin ngunit wala akong pakialam.

"Pleaseee! I can't handle myself on goin' to the hotel alone and besides‚ I'm wondering‚ what if someone will raped me and have me salvage? May your conscience strike upon you!." ayaw mo ha‚ sinadya ko talaga siyang pa konsencyahin 'cause why not 'di ba?Hinawakan ko ang kaniyang mukha—ramdam kong may mumunting balbas na tumutubo niri.

Paano kaya kung ilalapat niya sa aking leeg iyan? Wala lang‚ parang maiihi ako kung gano'n.

"Hmmm..." rinig kong halinghing nito.

"I will...and you owe me for this!" Napansin kong napatiim-bagang ito at napa-smirk‚ rawrrr‚ gigil ka beng?

"Let's settle that after you drive me to the hotel‚"

Umayos ito ng upo't sinimulang paandarin ang kotse‚ "Buckle up‚" rinig kong sabi niya—kahit hilong-hilo'y nagawa ko rin naman.

Maayos lang ang pagmamaneho niya habang ako'y tinunga-tunga ang alak (paano pa kaya kung ibang maneho?)‚ pansin ko ang mga pasimpleng lingon niya sa akin at mapapatiim-bagang pagkatapos—may crush na siguro ang iri sa akin o baka nama'y ito rin ang magsasalvage sa akin at iniisip pang mabuti kung paano niya gagawin kaya't palagi itong nakalingon. Lord‚ huwag naman sana. Ilang minuto ang dumaa'y naihatid niya ako at nag-abala pang samahan ako sa kuwartong aking inaukupahan.

"Thank you so much‚ Mr‚" pagpasasalamat ko sa kaniya nang makarating sa naturang silid.

"Mind if I'll—?" Sumenyas ito kung maaari bang pumasok. Sus‚ the moves! Papunta ka pa lang‚ pabalik na ako.

"Oh‚ I won't mind at all‚" kita ko na naman ang pagtiim-bagang niring lalaki—hindi ko maikakailang may angking alindog din ang lalaking ito—gaya ko‚ kaya compatible kaming dalawa; maskulado't kay linis kung tingnan—higit sa lahat ay napakabango't nanunuot talaga sa buo kong kaibuturan. Samyuin mo rin ako‚ Ginoo‚ na wari isang rosas na kababago pa lamang sumibol‚ sana machoose.

Dumiretso ito sa may balkonahe niring silid habang ako'y kumuha ng tulwaya't nagtungo sa banyo. Hinubad ko ang aking saplot at dahan-dahang inilublub ang aking sarili sa bathtub na hinanda ko pa kanina. Ipinikit ko ang aking mga mata—hmmm...kay sarap sa pakiramdam. Di-kalauna'y ramdam kong may nakatingin sa akin kaya marahan kong iminulat ang aking mata. Biglang kumabog nang sobrang lakas niring puso ko nang masilayan ang dalawang pares ng berdeng matang matamang nakatingin sa akin. Lunurin mo ako pleaseee‚ lunurin mo ako sa iyong pagmamahal at lulunurin kita sa bathtub na iri.

"W-What a-are you doing?" nauutal kong sabi sa kaniya. Charrr‚ nauutal iyan.

"Hmmm...I told you‚ you owe me." Bumaba ang tingin sa aking mga labi.

"I want to bite your lips‚ mind if I?" tanong nito at napakagat na lang ako sa sarili kong labi. Kahit lunukin mo pa‚ oo.

Ngumiti ito nang nakaloloko at kinabig ang aking batok...wari ako'y nasa paligsahan 'pagkat ang lakas ng kabog niring aking puso nang maglapat ang aming mga labi. Banayad lamang ang ginagawa nitong galaw(sus‚ nahiya pa‚ alam kung mapusok ka‚ beng) na tila'y tumatagos ang kiliti papunta sa aking talampakan. Hindi ko alam kung paano niya ginawa iyon ngunit nang magmulat ako'y hubo't hubad na rin siya't nasa akin ng harapan.

Lumapit pa siya sa akin at ramdam ko ang pagtama ng kaniyang pagkalalaki sa aking pusod—napaigtad ako ng maramdaman iyon; napakatigas niri—pereng tebe ehe. Ang halik niya'y gumapang papunta sa aking leeg habang ang kaniyang kamay malayang menamasahe ang aking dalawang umbok na mas lalong nakapagbibigyan ng kakaibang sensasyong ngayon ko lang naramdaman. 'Cause for the first time in forever~ kaso walang forever eh.

"Hmmm...hmmm—" halinghing ko dahil sa kaniyang ginawa. Naiihi talaga ako‚ bahala na ang mapusok na iri.

Mas lalo akong napaigtad nang isinubo niya ang utong ko. Ano ba ang ginawa niya't kay kakaiba nitong aking nararamdaman? Bigla-bigla'y binuhat niya ako't inilapag sa kama...ako'y medyo naiilang 'pagkat ito ang unang pagkakataon na ginawa ko iri—at sa isang estranghero pa. Napalunok ako nang makita ang kahabaan na nasa gitnang bahagi ng kaniyang hita. Wari ko'y handa na itong sumulong ng giyera sa loob ng kuweba't magpaputok. Kill me‚ please‚ kill me!

"You look so beautiful‚ Love." Hinalikan nito ang aking binti papuntang hita. Cringe naman ng lalaking ito—turn-off‚ pero sige lang‚ ituloy mo kasi sayang.

Napalunok ako nang huminto siya sa pagitan ng aking hita't tumingin sa akin‚ "Can I dive in, Love? Let me seek ye until to the bottom of your purity." Napakagat-labi ako dahil sa sinabi niyang iyon. Sana all englishness‚ magpapaseminar este magpapatutor ako nito. May englishness is English‚ but good is not present. Sige isipin mo‚ mag-overthink ka kung bakit ka ghinost‚ sineen‚ at nilast chat.

Hindi ko inaasahan ang kakaibang sensasyong bumabalot sa buo kong kaibuturan nang dahan-dahan niyang dinilaan ang aking pagkababae. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin—ramdam kong may kung anong inilapag sa aking tiyan‚  bumuhos papunta sa aking puson na dumaloy pababa sa aking pagkababae. Iyon ay ang alak na dala-dala ko kanina—napakapit ako sa kaniyang buhok ng dahil sa kaniyang ginawa...wari siya'y isang manlalakbay na uhaw na uhaw...

"Ughhh...sh*t hmmm..." ungol ko habang napapaigtad—hindi ko alam ngunit kay sarap sa pakiramdam...may kung anong likidong lumabas sa akin.

"You taste so sweet‚ Love‚" batang 'to‚ masyadong honest‚ ene be. Ike-keep na kita‚ Dong‚ isisilid kita sa isang treasure chest.

Kinuha nito ang bote ng alak sa aking tiyan at gumapang ito. Marahan niyang hinalikan ang aking dibdib at nag-iwan ng mga marka roon—mapangahas niya muling inangkin ang aking mga labi at marahas itong kinagat— o 'di ba't tama ako‚ mapusok ang iri. Kakaiba ang mga haplos na kaniyang alay—nagdudulot ng pagtindig niring aking mga balahibo. Multo siguro ito noh? Hindi ako nag-ooverthink ha.

"Let me come in to your cave and savor your delicate flower." may halong pagsusumamo ang boses nito‚ ayaw ko‚ pilitin mo ako‚ oo. At dahil mabait ako‚ isang simpleng tango ang itinugon ko sa kaniya. Grasya na 'yong lumapit‚ so why not grab it?

Maingat siyang pumiwesto sa aking gitna at dahan-dahang ipinasok ang kaniyang kahabaan sa akin—napakagat ako sa labi dahil sa sakit na dulot niri. May kung anong kislap naman ang namutawi sa kaniyang balintataw nang tumingin sa akin.

"I'll take it slow‚" at gano'n nga ang ginawa niya hanggang maipasok na niya ang kaniyang kabuoan.

Maingat siyang gumalaw sa aking itaas habang magkasanib ang aming mga labi hanggang sa hindi ko na maramdam ang sakit at napalitan ng kung anong nakakikiliti—naging mabilis din ang ginawang pagbayo nito. Wari kami'y sumasayaw sa isang musikang kami lang ang nakaririnig.

Kagat ko ang aking labi habang kamay nakakapit sa kaniyang buhok—ungol lang naming dalawa ang pumuno niring panulukan habang kakaibang sensasyon ang bumabalot sa aming dalawa habang inaabot ang sukdulan.

"Law‚ Lawww!" isang nakaririnding boses ang nagpamulat sa akin‚ panira ang babaeng ito. May inaabot pa nga ako sa aking panaginip tapos winakasan na niya agad. Baka ang babaitang ito'y isang kontrabida sa nakaraan kong buhay? Well, hindi ako nag-ooverthink.

"Panira kang babae ka!" madiing sabi ko sa kaniya.

"Galit ka?" takang tanong nito.

"Hindi, masaya akong tunay, oo." pilosopo kong tugon sa kaniya.

"Aba'y dapat lang‚ pasalamat ka nga na ginising kita. Hoy‚ Law‚ ala una y medya na. Iyong mga estudyante mo paniguradong nakatunganga ang mga iyon." nabilaukan ako ng wala sa oras‚ ayan Law‚ ungol pa sa panaginip.

"Ano pa ang tinunga-tunganga mo riyan? Puntahan mo na ang mga iyon,"

Kung hindi ko lang colleague slash kaibigan ang babaitang 'to‚ sinakal ko na‚ hinambalus ko pa ito ng lesson plan. Dala-dala ko na ang aking mga gamit at akmang aalis nang bigla niya akong pinigilan habang naniningkit ang mga mata.

"Narinig kong umungol ka kanina‚ masarap siguro 'yong panaginip mo noh?" mapang-usisang tanong nito sa akin.

"Bata‚ masama iyang nagbibintang ng kung anu-ano‚ sadyang masarap lang talaga ang tulog ko." pagdadahilan ko.

"Kunsabagay‚ humihilik ka pa nga naman."

Kahit kailan talaga'y uto-uto ang babaitang iri. Hindi nga maikakailang palagi itong naiiwang luhaan kasi tanga rin. Double kill! Pero same naman kami na tanga‚ pero hindi sa pag-ibig.