Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 23 - Homecoming: Chapter 12

Chapter 23 - Homecoming: Chapter 12

Positive and naging resulta ng lab exam ni Darlene. May dengue nga siya. Naka-admit na siya sa kulay pink na private room na pang-pedia nang sabihin ni Samantha ang resulta kay Aling Marie.

"May dengue nga po si Darlene. Unfortunately, wala po tayong antibiotic that directly treat dengue. Ang magagawa lang po natin ay i-treat ang mga symptoms and also ensure proper hydration sa patient. We will continue IV infusion until necessary. Bibigyan din po natin siya ng paracetamol for her fever and headache."

"Doc, hindi po ba natin siya kailangang salinan ng dugo?" tanong nung lalaking kasama ni Aling Marie na nagdala kay Darlene sa ospital. Nakilala ito kanina ni Samantha. Dino ang pangalan nito at houseboy daw ito ng mga Oliveros. "Iyon po kasi ang napapanood ko sa t.v."

"Kailangan lang natin siyang salinan ng dugo kapag nasa critical level na ang platelet count niya. At this point nasa normal range pa naman iyon, though nasa mababang level na. We will continue monitoring her platelet count, so expect for blood extraction every three hours."

"Sana naman huwag lumala ng ganoon," ani Aling Marie na sobrang stressed na sa kalagayan ng apo.

Nilapitan ni Samantha ang lola at hinawakan niya ito sa balikat. "Don't worry, Tita. I will personally monitor Darlene. Gagawin po natin ang lahat para gumaling siya."

"Maraming salamat, Sam. Alam kong hindi mo pababayaan si Darlene."

Samantha smiled. "Uhm, na-contact n'yo na po ba si Kenneth?"

"Hindi pa Doc," sagot naman ni Dino. "Out of coverage area daw po."

"Baka walang signal doon sa isla na pinuntahan niya," ani Samantha kay Dino.

"Susubukan ko pa rin po mamaya," ani Dino.

Samantha smiled at him. "Sige." Natutuwa siya na may katulong si Aling Marie sa pag-aalaga kay Darlene.

"Darlene, Apo," ani Aling Marie habang hinahaplos ang kamay ng natutulog na si Darlene. "Pagaling ka kaagad, ha? Andito lang kami para sa iyo. Huwag kang mag-alala. Hindi ka namin pababayaan."

Hindi pa nakakausap ni Samantha si Darlene dahil magbuhat kanina ay halos nanghihina ito at ngayon nga ay tulog na. Ganoon pa man, parang napalapit na sa puso niya ang bata. Siguro ay dahil mga kaibigan niya ang mga magulang nito. Mga kaibigan na mayroong napakalaking bahagi sa buhay niya noon na hanggang ngayon ay napakahirap kalimutan. Kaya naman naipangako niya sa sarili na gagawin ang lahat ng makakaya niya para lamang mapagaling ang batang nasa harapan niya ngayon.

**************************************************

Dahil sa hamstring injury niya ay nahihirapan pa ring maglakad si Ryan. Ganunpaman ay hindi pa rin ito naging hadlang para makapunta siya sa TGH at makadalaw sa inaanak niyang si Darlene. Pagkarinig pa lamang niya ng balita ay nagmadali na siya sa pagpunta doon.

Nag-aalala talaga siya sa kalagayan ng bata. Sino ba naman ang hindi matatakot sa dengue? Marami siyang nababalitaang casualty sa sakit na iyon. Kaya naman hindi niya maiwasang mag-alala ng husto ngayon.

Bukod sa pag-aalala, nagi-guilty din siya. Pakiramdam niya kasi ay may kasalanan siya kung bakit nagkasakit si Darlene. Gusto tuloy niyang pagalitan ang sarili at kung pwede nga lang na ilipat sa kanya ang sakit ng bata ay gagawin niya makabawi lang sa kasalanang nagawa niya dito.

Sa sobrang pag-iisip ay muntikan pa niyang mabunggo iyong isang matandang padaan. Nakaiwas naman siya, pero naitapak niya iyong paa niyang may injury. Tuloy, sumakit na naman ito at parang tutumba siya kung hindi lang siya nakahawak sa gang chair na naroon.

"Sorry, Hijo," anang matanda sa kanya.

"Okay lang po. Okay lang po, Nay," ang sabi naman ni Ryan.

Nang masigurong okay siya ay iniwan na siya ng matanda. Noon naman siya nakita ng taong pinaka-ayaw sana niyang makita doon.

"Ryan?"

Napatingin siya kay Jenneth. Muli ay hindi na naman siya nakapagsalita. Hanggang sa makalapit ito sa kanya.

"Are you okay?" Nakatingin si Jenneth sa paa niyang may benda.

"Oo, okay lang ako." Pinilit ni Ryan na makatayo ng maayos kahit na nga medyo nahihirapan siya.

"What happened to you?" Halata ang pag-aalala sa mukha ni Jenneth.

"Uhm... Hamstring daw. Nag-basketball kasi kami ni Kenneth. Doon ko nakuha."

"Gosh, ang sakit niyan... Mag-isa ka lang? Hindi ka ba nahihirapan? Dapat nagpasama ka kay Kenneth."

Ryan gazed at Jenneth. Iniisip ba nito na iyon ang dahilan kung bakit siya naroon?

Para namang nailang si Jenneth sa pagtitig niya. Napaiwas tuloy ito ng tingin.

"Actually, I'm here because of Darlene. Iyong anak ni Kenneth?" Siguro naman natatandaan pa niya ito.

"Si Darlene? What happened to her?"

"Dengue. Na-admit siya this morning lang."

"Oh my God..." At nag-alala na rin si Jenneth para kay Darlene.

Lalo namang nalungkot si Ryan dahil doon, at lalo din siyang na-guilty.

"This is all my fault." Muli ay naramdaman na naman niya iyong bigat ng guilt niya sa nangyari kay Darlene.

"Hindi mo naman siguro ginustong magka-dengue siya, 'di ba?" ang sabi naman ni Jenneth.

"Gusto niyang pumunta dito sa TGH. Nagpapatulong siya sa akin, pero hindi ako pumayag."

"Bakit naman?"

"Gusto ka niyang makita."

Napaiwas ng tingin si Jenneth. Tingin ni Ryan ay dapat siyang magpaliwanag sa sinabi niya, pero ayaw naman niyang gawin iyon. At dahil sa sumasakit na ang paa niya ay napaupo siya sa may gang chair na naroon.

"Dahil sa akin kaya ayaw mo siyang tulungan?" tanong ni Jenneth.

"Dahil sa'yo kaya gusto niyang pumunta dito."

"Kaya nga ayaw mo siyang tulungan."

"If you'll just nag at me about that, then I guess I'll just leave and go to Darlene now." Dahan-dahang tumayo si Ryan.

Medyo okay na naman ang paa ni Ryan kaysa noong nakaraang mga araw, pero sumasakit pa rin ito. Kaya pagtayo niya ay medyo kumirot ito at na-out of balance siya. Mabuti na lang at nandoon si Jenneth. Inalalayan siya nito.

"Ingat lang," ang sabi pa ni Jenneth.

"Salamat." Bumitaw siya dito at nag-move palayo.

"Sasamahan na kita."

Ryan looked at her, and Jenneth seems determined.

"Gusto ko rin namang makita si Darlene."

Gusto sana niyang tumutol, pero bakit naman siya tututol? Hindi naman niya anak si Darlene, at hindi rin naman siya mismo ang dadalawin nito. Kaya pumayag na lamang siya sa gusto ni Jenneth.

"O sige."

"Wait." Kinuha ni Jenneth ang cellphone sa bulsa nito at saka nag-dial doon. Ilang saglit pa ay may kausap na ito sa kabilang linya. "Hello Ces... May pupuntahan lang akong pasyente saglit... Sige, bye." Muli itong tumingin kay Ryan. "Let's go?"

Tumango si Ryan. At hindi na siya tumutol pa nang alalayan siya ni Jenneth papunta sa may elevator. Sinikap na lang niyang pigilan ang puso niya dahil parang tatalon na ito palabas ng dibdib niya.