Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 29 - Homecoming: Chapter 18

Chapter 29 - Homecoming: Chapter 18

Lampas alas-singko ng hapon nang balikan ni Samantha si Darlene. Hindi niya malaman kung excited ba siya, o kinakabahan. Muli niya kasing makikita si Kenneth, at hindi niya alam kung ano ang mararamdaman na naman niya sa sandaling kaharap niya ito.

Bago siya pumunta sa silid ng pasyente ay binasa muna niya ang mga lab results ng kanyang pasyente. Natuwa naman siya dahil mas gumanda ang resulta nito kumpara doon sa nakaraan niyang blood test. Sa ganoon siya nadatnan ni Jenneth.

"Hi Doc!"

She smiled at her.

"How's our patient?" tanong ni Jenneth.

"Platelet is back to 148. RBC is 4 and WBC is 4.3."

"Mabuti naman at tumaas na," ani Jenneth.

"Oo nga. The fact that Kenneth's there really helped a lot."

"Nandiyan na si Kenneth?"

Tumango siya. "I think he just arrived this morning."

"Mabuti naman. Siya lang talaga yata ang kailangan ni Darlene. You're right. You really are a good doctor."

Ngumiti na lamang siya as she went to Darlene's room. Kasama niya si Jenneth at kasunod naman nila iyong lalaking nurse na karelyebo nung Nurse Dinah ni Darlene.

Naabutan nila sa loob si Kenneth, as expected, at nandoon din si Ryan. Though kumabog na naman ang dibdib ni Samantha pagkakita kay Kenneth, mas napansin niya ang pasyenteng si Darlene na nakaupo na at pinapakain pa nga ng lugaw ng kanyang ama.

"I guess our patient is already up." Hindi niya maitago ang galak sa nakita.

"Uhm... Oo… Nagugutom na nga, eh," ani Kenneth na napatayo mula sa kama ni Darlene.

"That's a good sign," aniya. "Hi Ryan."

"So, nagkita na pala kayo?" He looked at her teasingly.

Pero meron siyang panlaban sa planong panunukso nito. "Yeah, just this morning. I brought Jhing along."

Hindi niya alam kung ano ang meron, pero aware siyang uneasy si Ryan sa presence ni Jenneth. At ipinagtataka niya iyon dahil hindi naman ito ganoon noong high school sila.

Si Jenneth naman ay napangiti lang. "Hi Kenneth," bati nito bago lumapit kay Darlene. "Hi Darlene. Remember me?"

"Tita Jhing…"

Jenneth smiled. "I'm glad you remember. Did Ninong Ryan give your bracelet back to you?"

"Oo naman!" Ryan snapped in.

Napangiti si Jenneth. "Is that true?" tanong niya kay Darlene.

"Bakit parang hindi ka naniniwala sa akin?" reklamo naman ni Ryan, na muli ay hindi pinansin ni Jenneth.

"Opo. Binigay na po niya sa akin," sagot naman ni Darlene.

"Good." Jenneth smiled at Darlene.

Natutuwa si Samantha sa nakikita. Para kasing nagkabaligtad sina Ryan at Jenneth. Kung dati ay si Jenneth ang natataranta sa presence ni Ryan at ang lalaki ang confident and cool, ngayon ay ito ang nagkukumahog sa presensiya ni Jenneth at ang dalaga naman ang cool na deadma pa nga sa lalaki.

Nilapitan ni Samantha si Darlene. "Darlene, I am Samantha, and I am your doctor."

"Tita Sam…"

She smiled. "Mukhang nasabihan ka na nila. Chicheck up lang kita, okay?"

Tumango si Darlene.

Nagsimula na siyang suriin ito. Ilalagay na sana niya ang BP apparatus cuff nang makita niya ang nangingitim nitong braso.

"Doon na lang sa kabila." Lumipat siya sa kabilang side ng kama at sa kabilang braso ni Darlene niya inilagay ang BP cuff.

Hinawakan naman ni Jenneth iyong nangingitim na braso ni Darlene. "Bago siguro ang gumawa nito."

"Lagi kasi siyang kinukunan ng dugo," ani Kenneth.

"Kasalanan ni Sam," ani Ryan.

"Kailangan kasing i-monitor ang blood count niya every three hours. Okay naman ang BP niya," paliwanag naman ni Samantha.

"Dito yata nila siya laging kinukunan," ani Jenneth.

"Baka kasi mas madaling hanapin iyong ugat niya diyan," aniya kay Jenneth.

Sunod niyang kinuha ang heart rate ni Darlene. Okay na rin naman iyon kagaya ng BP ni Darlene. Pati ang temperature nito ay bumaba na rin.

"Darlene, hinga ka ng malalin, okay?" Itinutok niya ang dalang stethoscope sa may upper left lung nito. At saka nito iyon inulit sa tatlo pang side ng lungs ni Darlene. "Masakit pa rin ba ang ulo mo?"

Umiling si Darlene. Saka niya hinawakan ang sikmura nito.

"Dito, masakit?"

Muling umiling si Darlene.

"Iyong legs and arms mo, masakit pa rin?"

Muli ay umiling si Darlene.

"That's good." Tsaka niya tinignan si Kenneth. "Her tests results improved from the last time na nagpunta ako dito. Kung magtutuloy-tuloy ito, kaagad siyang gagaling."

"Salamat naman." Mukhang nakahinga ng maluwag-luwag si Kenneth sa narinig.

"Kailangan lang niyang maamoy ang daddy niya," ang sabi naman ni Ryan. "Ngayong nandito na si Kenneth, siguradong gagaling na iyang darling natin."

"Mukha nga," aniya.

"Tsaka magaling daw kasi ang doctor niya," dagdag pa ni Ryan.

"Sabi po ni Daddy, galing daw po kayo ng America," ani Darlene kay Samantha.

"Oo. Sa America ako nakatira. Bumalik lang ako dito para magbakasyon," ang sabi niya dito.

"Kapag gumaling ka daw, magba-bonding daw kayo," ani Ryan kay Darlene.

"Oo ba!" aniya. "Kaya pagaling ka kaagad, ha?" aniya kay Darlene.

Ngumiti lamang ang bata.

"Matutuwa niyan si Kenneth."

Kenneth looked sharply at Ryan. The latter smiled at him teasingly.

"Na gumaling agad si Darlene. 'Di ba gusto mo naman iyon?"

Kenneth just scowled at him. Si Samantha naman ay hindi na nag-react pa. Mabuti na lang at dumating iyong medical technologist na kukuha ng dugo ni Darlene.

"Extract lang po ng dugo," anito.

Mukhang alam na ni Darlene ang gagawin sa kanya. "Dad…"

"Easy lang, Darling. Narinig mo iyong sinabin ni Tita Sam? They need to get your blood para mamonitor iyong sakit mo."

"Masakit…"

"Konting sakit lang Darling. Tiisin mo na lang," ang sabi pa ni Kenneth sa anak. Lumapit na ito dito at saka hinawakan ang kamay nito.

"Ako na lang ang mag-eextract sa'yo," ang sabi naman ni Jenneth.

Walang nagawa iyong medical technologist nang kunin ni Jenneth iyong lalagyan ng mga injection at Vacutainer.

"I told you, she's the boss," bulong ni Samantha kay Ryan. Tumabi siya dito nang dumating iyong med tech.

"'Di ba you're curious about my work?" tanong ni Jenneth kay Darlene.

Tumango naman ang bata. Halata pa rin ang takot pero mas at ease na ito ngayon kaysa kaninang makita ang paparating na medical technologist.

"Okay. This is an alcohol swab." Kinuha ni Jenneth ang tinutukoy. "It's a cotton pad with alcohol. I'll clean my hand muna so that it's clean when I extract your blood."

"Let me see your arm." Iyong kamay na walang turok ang hinawakan ni Jenneth. "Close your fist like this." Ipinakita niya ang pagkuyom ng kamay niya kay Darlene na ginaya naman nito. "Very good."

Sinuri ni Jenneth ang braso ni Darlene. "Mukhang hirap nga dito iyong ugat mo." Marahan nitong pinitik iyong braso ni Darlene upang mapalabas iyong ugat.

"Kaya siguro doon sa kabila nila siya laging kinukuhanan," ang sabi naman ni Samantha.

Nakakita naman ng ugat si Jenneth. Diniinan pa niya ang kamay ni Darlene upang lalong lumitaw iyong ugat. "See that vein, Darlene?"

Tumango si Darlene.

"Now we will disinfect it." Pinunasan ni Jenneth ng alcohol swab iyong area na tuturukan niya ng karayom. Pagkatapos ay may kinuha siyang isang asul na rubbery strip. "This is a tourniquet." Itinali niya ito sa sa itaas ng kukuhanan ng dugo.

"Ready?" Jenneth asked with a smile. Tumango lamang ang natatakot pa ring si Darlene. "Okay. Hinga lang ng malalim."

Paghinga ni Darlene ay itinusok na ni Jenneth ang karayom sa braso nito.

"Do you love Blueberry Scone?" tanong ni Jenneth habang pinupuno ng dugo ang syringe base sa kailangang sukat.

"Yes…" sagot ni Darlene.

Jenneth smiled. "I love it, too." Saka na niya binunot iyong injection. "And, we're done! See? Hindi naman masakit, 'di ba?"

Tumango lamang si Darlene. Isang cotton ball na may alcohol ang inilagay ni Jenneth sa pinagturukan ng injection kay Darlene at saka niya iyon nilagyan ng plaster.

"There you go."

Inilipat naman ng medical technologist ang dugo sa isang Vacutainer. Pinagmasdan iyon ni Darlene.

"That's my blood?"

"Yup," sagot ni Jenneth. "That's a Vacutainer. Tapos ilalagay iyan sa machine para bilangin iyong cells sa blood mo. Para malaman natin kung gumagaling ka na."

Nagpaalam na iyong medical technologist dala ang dugong in-extract mula kay Darlene. Sumunod na rin sa kanya iyong nurse na kasama naman ni Samantha kanina.

"Pwede ko po bang makita?"

"Well, I guess I could take you to the lab one time," ani Jenneth. "Alam mo bang itong Tita Sam mo is also a medical technologist before she became a doctor?"

"Talaga po?" Na-amaze naman si Darlene sa narinig.

"Yes, but I'm not used to getting blood samples anymore. Hindi katulad nitong si Tita Jhing. Mukhang expert sa pag-eextract lalo na sa mga bata."

"Noong una akong ma-hire sa Manila, laging ako ang ipinapadala kapag pedia ang kukunan ng dugo. Kaya hayun, nasanay na ako," paliwanag ni Jenneth.

"I guess it's like an initiation rite?" ani Samantha. "Ganoon din ako nung una akong maging residente. Puro mga bata ang ibinibigay sa akin."

"Ang saya po sigurong maging doctor," bigla'y wika ni Darlene.

"Nakow, Pare. Hayan na. Mukhang natagpuan na ni Darlene ang purpose in life niya," ani Ryan sa kaibigan.

"Well, as long as kaya ko siyang papag-aralin. Kung iyon ang gusto niya, why not?" Kenneth smiled at Darlene and kissed her in the forehead.

Samantha's heart warmed at the sight of Kenneth and Darlene. Naalala niya tuloy ang daddy niya. Bigla niya tuloy itong na-miss. Naramdaman na lamang niya ang kag-akbay sa kanya ni Ryan.

"Lovely…" he said.

Hinamig niya ang sarili. "Ikaw? Kailan ka mag-aasawa?"

"Bakit napunta na naman sa akin ang usapan?" ani Ryan.

"Wala lang. Para hindi ka na nakiki-darling sa darling ng iba," aniya.

"Ah, tandaan ninyo iyan. Kapag nagkaanak ako, Honey ang ipapangalan ko sa kanya at walang pwedeng tumawag sa kanya ng ganoon kundi ako lang," ani Ryan.

"Eh ano ang itatawag namin sa kanya?" tanong naman niya.

Napaisipi si Ryan. "Eh di bibigyan ko siya ng second name. Parang… Parang Honey Shereen. Iyon!"

Saka ito biglang natigilan.

"Honey Shereen. Not bad," ani Samantha. "Cute name."

"Parang alam ko kung saan nanggaling iyon," ang sabi naman ni Kenneth.

"Shereen means sweet," ani Ryan.

"Dahil mahilig sa sweets si Jenneth." Kenneth smirked.

Napatingin siya kay Kenneth. Mukha namang nakuha nito ang ibig niyang sabihin.

"Hindi mo pa yata nalalaman. Naging sila noon. Mga limang taon?" ani Kenneth.

"Really?" Napatingin siya kay Ryan. Nakasimangot ito at parang naiinis na napunta bigla sa kanya ang atensiyon.

Nang tignan naman niya si Jenneth ay nakayuko ito at parang nahihiya. Parang nabalik iyong mahiyaing Jenneth na nakilala niya noong high school sila.

"I remember noong minsang nagbibiruan kami," ani Kenneth. "Si Jenneth sobra kumain ng cake yata iyon. Tapos sabi nitong si Ryan kapag daw nagkaanak sila papangalanan niya daw ng Shereen kasi it means sweet daw."

"That was a very long time ago," ani Ryan.

"Yeah…" Jenneth murmured.

Muling tinignan ni Samantha ang dalawa. Na-curious tuloy siya sa kwento nila. Hindi naman siya makapagtanong ng basta-basta. Para kasing any moment ay babangasan siya ni Ryan kapag nagtanong pa siya tungkol sa kanila ni Jenneth.

Dumating naman ang mga kaklase ni Darlene. Katatapos lang daw ng Family Day nila kaya noon lang sila nakadalaw. Nagpaalam na si Samantha at Jenneth at lumabas na sila ng silid ni Darlene. Hindi naman makatiis si Samantha na hindi kulitin si Jenneth sa naging relasyon nito at ni Ryan.

"Naging kayo pala ni Ryan noon?"

Gulat na napatingin ito sa kanya. Samantha smiled, but Jenneth blushed nonetheless.

"It was… during college and a few years after…"

Tinignan ni Samantha si Jenneth. Mukhang hindi pa rin ito komportableng magkwento, kahit pa nga parang gusto din naman nito.

"If you want to talk to someone about it, I'm just here."

Jenneth looked at her. Samantha smiled.

"Thanks, Sam." Ngumiti na si Jenneth.

"You're welcome."

"Sige, next time maybe I can tell you about it."

Tumango siya. "Dito na ako." She indicated the nursing station.

Tumango si Jenneth. "Sige."

Pumasok na sa elevator si Jenneth pababa sa first floor. Siya naman ay nagpunta na sa nursing station upang i-fill up ang records ni Darlene.