Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 27 - Homecoming: Chapter 16

Chapter 27 - Homecoming: Chapter 16

Bumaba na naman ang blood count ni Darlene base sa lab exam results na binasa ni Samantha. Nag-aalala na siya sa bata dahil parang imbes na mag-improve ang kalagayan nito ay lalo pa itong lumalala.

"Kung magpapatuloy po ang ganito, lalo pong lalala ang sakit ni Darlene," paliwanag niya kay Aling Marie. "She could develop dengue hemorrhagic fever, or worse, dengue shock syndrome."

"Ano iyong mga iyon?" Lalong nagmukhang stressed out si Aling Marie sa pangalawang araw pa lang na pagkaka-confine ng kanyang apo.

"Dengue hemorrhagic fever, iyon po iyong nagbi-bleed ang mga pasyente. Kapag nangyari po iyon we have to transfuse her with blood lalo na't mababa po ang platelet count niya to stop the bleeding. Iyong dengue shock syndrome naman, it's worse than DHF. More intense bleeding, until the patient suffers circulatory collapse meaning low blood perfusion to tissues resulting in cellular injury and inadequate tissue…"

Itinigil na ni Samantha ang pag-explain. Para kasing may information overload na ang matanda at hindi na nito maintindihan ang sinasabi niya. Lalo pa nga at medically speaking niya ito ine-explain.

"Nakausap n'yo na po ba si Kenneth?" tanong na lamang niya.

"Si Ryan ang nakausap niya. Mahirap daw iyong signal kaya hindi sila nakapag-usap ng maayos. Pero ang sabi daw ni Kenneth gagawa daw ito ng paraan para makauwi kaagad."

"Naisip ko po kasi na baka bumuti ang kalagayan ni Darlene kapag nakasama niya ang daddy niya."

Tumango si Aling Marie. "Lagi nga niyang tinatawag ang daddy niya. Nagkukumbulsiyon na siguro."

Thirty-eight degrees pa rin ang temperature ni Darlene. Mataas pa rin ang lagnat nito.

"Hindi pa naman naging maganda ang pag-uusap nilang mag-ama bago umalis si Kenneth," ani Aling Marie. "Nangako kasi si Kenneth na pupunta sa Family Day nina Darlene. Ngayon nga dapat iyon. Kaso nga iyong kliyente nila sa Boracay… Si Ryan kasi ang dapat na pupunta doon kaya lang nga, naaksidente. Kaya si Kenenth ang nagprisinta. Nagalit si Darlene.

"Alam mo, simula nang mamatay si Kristine, naging malayo na si Kenneth sa anak niya. Ang ibig kong sabihin, lagi siyang wala. Hindi na niya nakakasama si Darlene. Ang sabi ko na lang sa bata, nagpapakasubsob sa trabaho ang daddy niya para makalimutan ang pagkawala ng mommy niya. Pero bata pa si Darlene. Kahit naman tayong matanda na ay napapagod din sa pag-intindi."

Lalo siyang naawa kay Darlene sa narinig. Umupo siya sa tabi nito at saka hinawakan ang kamay nito. Nangingitim na ang braso nito sa katuturok ng karayom dahil lagi nga itong kinukunan ng dugo para matignan sa laboratory. Lalo siyang nalungkot sa nakita.

"Darlene… Please hold on…"

Naaawa si Samantha sa mga batang may sakit na nagiging pasyente niya noong residente pa lamang siya. Ayaw na ayaw niyang nakakakita ng mga batang may sakit dahil nga sobrang weak ng mga ito. Walang kalaban-laban sa sakit. Ginusto nga niyang maging pedia doctor minsan, pero naisip niya na baka masyado siyang ma-attach sa mga pasyente niya kaya ipinagpatuloy na lamang niya ang pangarap niyang maging pathologist.

"Sa tingin ko kailangan niya ng bagong ina."

Napatingin siya kay Aling Marie.

"Kailangan ni Kenneth ng bagong mamahalin para naman maka-move on na siya sa pagkawala ni Kristine. Siguro naman maiintindihan iyon ni Kristine at hindi na siya tututol. Kailangan ni Kenneth ng taong magpapasaya ulit sa kanya. At si Darlene, kailangan niya rin ng ina na mag-aalaga at magga-guide sa kanya. Matanda na ako. Iba na ang mga kabataan ngayon at minsan hindi ko na sila maintindihan at masabayan."

"Siguro po kailangan lang ayusin ni Kenneth ang relasyon nilang dalawa ni Darlene. He just needs to re-focus, I guess. Prioritize the things that really matters. Isa pa, I think he loves Kristine so much he could not ever replace her."

Nakita niya ito maging noong mga bata pa lamang sila. Nagawa nga siyang kalimutan ni Kenneth, maitsepwera sa buhay nito dahil kay Kristine. Samantha admits na hanggang ngayon ay bitter pa rin siya sa usaping iyon. Nawala ang best friend niya dahil inagaw ito ng iba. Pero hindi ibig sabihin noon na galit siya kay Kristine. Wala naman itong kasalanan. Wala ring kasalanan si Kenneth. Maybe, it was her fault. She could have had Kenneth all by herself. But she let go of that chance.

Oo, kasalanan niya lahat iyon.

"Sige po, Tita. Babalik na lang po ako ulit mamaya."

Tumango si Aling Marie. "Salamat, Sam."

She smiled. "Wala pong anuman."

Lumabas na siya ng silid at dumiretso sa nursing station upang itala ang resulta ng ginawa niyang check-up kanina sa kanyang pasyente.

**********************************************************

Lampas alas-diyes ng umaga nang makarating sa Tarlac si Kenneth. Magdamag siyang nagbiyahe gamit ang yate ni Mr. George Evans. Sampung oras silang naglayag tapos ay anim na oras siyang nagbiyahe mula Batangas hanggang Tarlac. Pagkarating sa Tarlac ay dumiretso na siya sa Tarlac General Hospital.

Sa sobrang pagmamadali ay hindi niya naitanong kay Ryan ang kwarto ng anak. Naisip na lamang niya iyon nang makapasok na siya sa lobby ng ospital at hindi niya malaman kung saan siya pupunta. Dumiretso siya sa may information.

"Miss, tanong ko lang kung saan naka-admit iyong anak ko."

"Ano pong pangalan, Sir?"

"Darlene Oliveros."

Nag-search sa may computer ang babaeng receptionist. "Ano pong middle name?"

"Mallari."

"Ilang taon na po?"

"Eight."

"Kailan po ang birthday?"

"Huh?" Parang biglang nablangko si Kenneth.

"Kailangan lang po naming masiguro na kilala ninyo talaga ang pasyente. Safety protocol lang po."

Hindi malaman ni Kenneth kung dala lang ng pagod o ng pag-aalala sa anak kaya medyo nainis siya sa sinabi ng receptionist.

"June 10, 2006. Sa Our Lady of Lourdes Subdivision nakatira. Mother is Kristine Mallari Oliveros and father is Kenneth Oliveros. Gusto mo pati mga lolo at lola niya, sabihin ko pa?"

Nanatili namang kalmado ang receptionist. "I apologize, Sir. Again, protocol lang po kasi namin na masiguro na kakilala talaga ng dalaw ang pasyente. Sa may Room 205 po si Darlene Oliveros."

Nagpasalamat na lamang si Kenneth sa babae at saka na siya umakyat sa second floor. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang silid ng anak dahil marami namang mga karatula ang magtuturo kung nasaan ang hinahanap mong kwarto.

Pagdating sa Room 205 ay hindi na siya kumatok pa. Binuksan na lamang niya ang pintuan at saka dumungaw doon.

"Darlene?"

Natigilan siya sa nakita. Nakahiga ang anak niya sa may kama, maputla at halatang hinang-hina. Parang dinudurog ang puso niya sa kanyang nakikita.

"Kenneth?"

Napatingin siya sa ina. "Ma." Nilapitan niya ito at niyakap.

"Anak, si Darlene."

Shocked siya na lumapit sa anak.

Umupo siya sa may tabi ng anak.

"Darlene…" he said softly as he caressed her face. Maputla ito at may mga pantal sa may leeg. Napansin din niya ang kamay nitong halos nangingitim na at may isa pang bulak na naka-tape doon. "Darlene…"

Inulit niya ang ginawa kanina. This time ay dumilat na ang mga mata nito.

"Dad…"

"Darling, how are you feeling?" Para siyang maiiyak.

"Dad…" Muli itong pumikit.

Huminga siya ng malalim para mapigilan ang pag-iyak niya. "Daddy's here na, Darling. And I will stay by your side hanggang gumaling ka. Kaya magpagaling ka na, ha? I'll take care of you, I promise."

"Hmm…" Marahang tumango si Darlene bago muling nagmulat ng mata.

Kenneth smiled as he touched her face again. "Ano pong sabi ng doktor, Ma?"

"Ang sabi niya lalo daw lumalala ang kalagayan niya. Siguro daw makakabuti na nandito ka kasi parang ikaw iyong hinahanap ni Darlene."

"Mabuti nga po at mabait iyong kliyente ko. Hindi po nawala iyong deal namin. Naintindihan po niya ang kalagayan ko at pinayagan niya akong makauwi ulit. Siya pa nga po ang tumulong sa akin. Pinagamit po niya iyong yate niya para maihatid ako hanggang sa Batanggas port. Tapos mula doon tumuloy na ako dito."

"Magdamag ka pa yatang nagbiyahe?"

"Opo. Alalang-alala ako dito kay Darlene kaya hindi rin ako nakatulog."

"Ganoon ba? Ang mabuti pa siguro ay umuwi ka kaagad para makapagpahinga ka–"

"No, Ma! I will not leave Darlene's side. I promised her that."

Ngumiti si Aling Marie. "Naiintindihan ko. Dito ka na lang mahiga." May watcher's bed naman na pwedeng tulugan ng bantay ng pasyente.

"Siguro nga po. Pero maliligo muna po ako."

"Mamaya ka na lang maligo. Magpahinga ka muna at baka mapasma ka't ikaw naman ang magkasakit."

Tumango na lamang siya bilang pagsang-ayon. Saka niya muling binalikan ang anak. Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan. He promised not to let go of her hand and stay at her side and make up on all the times that he wasted.