Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 31 - Two Old Friends: Phase 1

Chapter 31 - Two Old Friends: Phase 1

Fifteen years nung huling mag-Pasko si Samantha sa Pilipinas. Fifteen years din mula nung huli siyang mag-celebrate ng birthday dito. Kaya naman excited siya ngayon para sa party niya mamayang gabi.

Simpleng salu-salo lang naman iyon. Hindi nga niya alam kung tama ba itong tawaging party. Apat lang naman kasi ang alam niyang darating niyang bisita. Sina Kenneth, Ryan, at wala man si Kristine, nandoon naman si Darlene. Kamukha naman niya ang ina so parang ganoon na rin ang vibe ng birthday niya. And of course, si Jenneth. She's looking forward to having Jenneth and Ryan together again in the same roof. Ewan, pero sa nalalabing mga araw ng bakasyon niya dito sa Pilipinas, parang gusto niyang gumawa ng paraan para magkabalikan sina Ryan at Jenneth.

Napakunot ang noo ni Samantha nang pagbaba niya sa may sala ay maramdaman niya ang chaos sa paligid. Ano ang ikinakagulo ng mga tao? Sinundan niya ang komosyon at sa garden siya napunta. And there she saw what caused the chaos.

"Ate Helen!" Nilapitan niya ang hipag. "Bakit ang daming tables?"

"Oh! Hi Sam! Actually, parang kulang pa nga iyan."

"Ha?" Apat lang ang bisita niya pero may bente na ang mga mesang nandoon.

"Ang dami kasing gustong maki-party mamayang gabi. Kaya hayan, naghanda ako ng marami para sa kanila. Mukhang kulang pa nga yata iyan."

Wala nang nagawa si Samantha kundi ang mapatingin na lamang sa mga preparasyong ginagawa. Ang simpleng birthday party, naging full blast birthday bash. Gusto man niyang tumutol, hindi niya magawa. Alam kasi niyang kaligayahan iyon ng Ate Helen niya. Nahihiya siyang kumontra at baka lumungkot ito.

Paskong-pasko pa naman din.

Kinagabihan ay napuno ang bakuran nila. Sobrang daming bisita ni Samantha. Hindi na nga niya maalala kung sino ang mga bumabati sa kanya. Basta dumadaan na lang sila sa harapan niya at sa sobrang dami ay parang nahihilo na siya. She needs a breather, and she knows exactly where she will go. Nagpunta siya sa may likurang bahagi ng garden kung saan walang taong nagpupunta. It was quite dark, but she knows the way too well. Sinubdan lang niya ang paved walkway at nakarating kaagad siya sa kanyang destinasyon.

Pero hindi pala bakante ang swing na gusto sana niyang tambayan. Nandoon pala ang pamangkin niyang sina Bryan at Richard, kasama ang mga girlfriend ng mga ito na sina Angel at Alex.

"At dito pala kayo nagtatago!"

Napatayo sina Angel at Alex pagkakita sa kanya.

"Tita..." ani Alex. Si Angel naman ay parang nahihiyang hindi makatingin sa kanya.

"Oy!" aniya sa dalawang pamangkin. "Alam ba ng mga magulang niyang dalawa na nandito kayo?"

"Oo naman, Tita," ani Bryan. Napatayo na rin ito, pati si Richard. "Nagpaalam naman po kami sa kanila."

"At pumayag sila?"

"Basta magkasama itong dalawa, Tita. Payag sila," ang sabi naman ni Richard.

"Hmm, o sige. Maupo na kayo."

Naupo na rin siya sa tabi ni Angel.

"Ikaw Tita, bakit nandito ka?" tanong ni Bryan sa kanya.

"Oo nga, Tita," segundo naman ni Richard. "'Di ba dapat nandoon ka sa party mo? Birthday party mo iyon, eh."

"Hu! Gusto n'yo lang niyan masolo itong dalawa, eh," aniya sa mga pamangkin.

"Hindi naman po sa ganoon," ani Bryan.

Samantha smiled. Alam naman niyang hindi ganoon ang mga pamangkin. O, hindi nga ba?

"Grabe, ang tanda ko na talaga. Dati three years old ka lang, eh!" aniya kay Bryan. Pagkatapos ay si Richard naman ang hinarap nito.

"At ikaw, iyong mommy mo lang ang gusto mo noon. Ayaw mo pang sumama sa akin kapag kakargahin kita."

"Tita naman, eh!" Nahihiyang napakamot sa batok si Richard.

"Ngayon si Alex na iyong gusto mo laging kasama."

"Hindi naman sa ganoon." Parang batang napagalitan si Richard.

Samantha sighed. "Ang tanda ko na talaga."

"Hindi naman halata, Tita," ani Bryan. "Parang twenty years old ka lang."

Si Angel naman ang hinarap ni Samantha. "Huwag kang masyadong magpapaniwala diyan sa boyfriend mo. Bolero iyan."

"Nagsasabi kaya ako ng totoo," ani Bryan. "'Di ba?" ang sabi pa niya sa girlfriend.

"Opo, Tita. Para nga pong hindi kayo tita nina Bryan," ang sabi naman ni Angel.

"Oo nga, Tita," sang-ayon naman ni Alex. "Parang ate lang po nila kayo, eh."

"Wow! Magagaling talagang pumili ng girlfriend itong mga pamangkin ko."

Natuwa naman ang magkapatid sa sinabi ni Samantha.

"Pero since birthday ko naman, pwede bang hayaan n'yo muna ako dito sa swing? Feeling ko kasi masu-suffocate ako sa dami ng tao."

"Sige po Tita," ani Bryan.

Sumegunda naman si Richard. "Dahil favorite tita kita, pagbibigyan kita sa wish mo."

"Isusumbong kita kay Ate Helen," ani Samantha sa pamangkin.

"Si Tita Helen, favorite tita-in-law," ani Richard.

Napangiti na lamang si Samantha.

Ilang sandali pa ay umalis na ang apat at mag-isa na lamang si Samantha sa may swing. Saka siya parang nakahinga ng maluwag. Ah! Mas gusto talaga niyang mag-stay dito kaysa sa maraming tao sa kanilang garden. Hindi na talaga siya nasanay sa malalaking pagtitipon na ganoon. Kaya nga apat lang talaga ang inimbita niya, at apat na bisita lang talaga ang inaasahan niya.

Speaking of the four invited guests, naunang dumating sa kanila si Ryan. Kaagad niyang hinanap si Samantha, pero hindi niya iyon nakita. Ang napakaraming bisita ang tumambad sa kanya pagpasok sa malaking garden ng mga de Vera.

"So where is Sam?" tanong niya sa sarili. He looked around and saw a lot of familiar faces. Halos lahat yata ng mayayaman sa Tarlac ay nandoon na. But none of them is Sam.

Nagpunta na lamang si Ryan sa isang sulok kung saan hindi siya masyadong mapapansin ng mga bisita, pero siya naman ay lihim siyang makakapag-observe sa mga nangyayari. Though he liked the anonymity, ayaw naman niyang tumunganga doon na hindi alam ang gagawin.

"Nasaan na ba kasi si Sam?" Medyo naiinis na siya sa tanong na iyon.

After ten minutes ay dumating na sina Kenneth at Darlene. Katulad ni Ryan ay nagpalinga-linga ang dalawa, obviously looking for Samantha. Nilapitan sila ni Ryan.

"Bro!" Ryan said to Kenneth. Tsaka niya niyakap si Darlene na yumakap din naman sa kanya.

"Nasaan si Sam?" tanong ni Kenneth.

"Iyon din ang tanong ko," ani Ryan.

"Akala ko ba tayo lang ang bisita niya?" tanong pa ni Kenneth.

"Iyon din ang tanong ko," ulit ni Ryan sa sinabi niya kanina.

"Eh Ninong, si Tita Jhing po?" tanong naman ni Darlene.

"Malay ko dun," sagot ni Ryan. "Bakit sa akin mo siya hinahanap?"

Kenneth smirked. "Eh kanino niya pa hahanapin?"

"Malay ko! Sa akin ba talaga dapat?"

"Eh ikaw kasi ang nauna dito. Bakit ba masyado kang defensive?" muli'y tukso ni Kenneth sa kaibigan.

Sumimangot na lamang si Ryan.

"Daddy, paano po iyan? Wala si Tita Sam," tanong ni Darlene kay Kenneth.

Muling ginalugad ng tingin ni Kenneth ang buong paligid.

"I don't know, Anak. I don't know."

Saan nga ba kasi naroon si Sam? May pa-surprise entrance ba ito kaya wala pa ito hanggang ngayon?

"Pare, tanungin mo kaya iyong kuya niya? Hayun, oh!" Inginuso pa ni Ryan ang tinutukoy.

Napatingin na rin si Kenneth kay Raul. May mga kausap ito at parang nakakaalangan na abalahin.

"Nakakahiya. Parang may kausap siya na importante."

"Ano namang pag-uusapan nila na importante? Nasa party nga tayo, 'di ba?" ang sabi naman ni Ryan.

Alanganin pa rin si Kenneth. Nang bigla siyang may naisip.

"Ry, remember that swing?" Kenneth asked.

"Ay oo! Baka nga nandoon siya," sang-ayon ni Ryan kay Kenneth.

"Ano pong swing iyon?" tanong ni Darlene sa dalawang magkaibigan.

"There was this swing," sagot ni Ryan kay Darlene. "Sa may dulo ng garden. We used to hang out on that spot before."

"Baka nandoon siya," ani Kenneth.

"Baka wala naman," ani Ryan.

"Gusto ko pong makita!" Bakas ang excitement sa buong pagkatao ni Darlene.

"Ang mabuti pa, ang daddy mo muna ang pumunta," ani Ryan sabay kindat kay Darlene. "Tutal siya naman and nakaisip noon."

Gumanti naman si Kenneth. "Hu! Ang sabihin mo, gusto mo lang abangan si Jenneth."

"Darlene, huwag mong sasamahan iyang tatay mo doon sa swing, ha?"

Natawa si Kenneth sa inasal ng kaibigan. Ang hindi niya alam, this is all part of the plan.

"Sige po," sagot ni Darlene kay Ryan.

"What? Siya ang kakampihan mo, Ling?" tanong ni Kenneth sa anak.

"Eh kasi binu-bully mo ako," ani Ryan kay Kenneth.

"Sige na po, Daddy. Sasamahan ko na lang po si Ninong dito," ang sabi pa ni Darlene.

Nagtatakang napatingin si Kenneth kay Ryan. The latter just shrugged.

"Ano na namang binabalak ninyong mag-ninong?" tanong ni Kenneth sa dalawa.

"Wala!" patay-malisyang sagot ni Ryan.

"Baka po kasi nandito lang talaga si Tita Sam," ani Darlene. "Hahanapin po namin ni Ninong. Tsaka gutom na po ako, eh."

Muli nang natawa si Kenneth sa sinabi ng anak.

"O sige na. Nakakahiya naman sa iyo," ani Kenneth sabay patong ng kamay sa ulo ng anak. "Tsaka, mabuti ngang nandito ka at baka maligalig na naman iyang ninong mo dahil sa Tita Jhing mo."

"Umalis ka na nga lang!" pagtataboy sa kanya ni Ryan.

Natatawang nagpunta na lamang si Kenneth sa swing. Nang silang dalawa na lang ay saka pinag-usapan ng magninong ang nangyari.

"Mabuti na lang at na-gets mo iyong plano," ani Ryan kay Darlene.

"Eh naalala ko po kasi iyong sinabi ninyo na kapag may chance, kailangan maging alone si Daddy at Tita Sam."

"Good girl ka talaga," ani Ryan sa inaanak.