Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 37 - Two Old Friends: Phase 7

Chapter 37 - Two Old Friends: Phase 7

Nang bandang hapon ay nagpasya ang lahat na magpunta sa may beach. Hindi na masyadong mainit kaya na-enjoy naman nila ang dagat pati na rin ang sunset sa may Kanluran.

"Now that is awesome," Ryan commented to the setting sun.

"The wonders of the universe," ang sabi naman ni Jenneth.

Biglang tumikhim si Kenneth. Nagkatinginan naman sina Ryan at Jenneth.

"Romantic, ano?" biro pa ni Kenneth.

Napaiwas ng tingin ang dalawa.

"Ah… ipe-prepare ko na iyong dinner. Tutal kayo na kanina," pagpiprisinta ni Jenneth.

Siniko ni Kenneth si Ryan. Na nakuha naman ang ibig sabihin nito.

"Tulungan na kita," ani Ryan kay Jenneth.

"Huh?" Jenneth asked.

"Para naman hindi sabihin ng iba diyan na puro kain lang ako at wala akong naitutulong," ani Ryan.

"Mabuti pa nga," ang sabi naman ni Kenneth. "Sige na, tulungan mo na itong si Jenneth at para ay silbi ka rin."

"Daddy, ako rin po ba walang silbi?" ang tanong naman ni Darlene.

"Ah, hindi naman, Anak," bawi ni Kenneth. "Ang ninong mo lang kasi siya matanda na siya. Ikaw, baby ka pa kaya okay lang na hindi ka tumulong magluto."

"Hindi, dapat kasama si Darlene," ani Ryan. "Anong baby? Sumama ka sa amin, Ling."

"Baka naman uutusan mo lang ng uutusan itong anak ko, ha?" ani Kenneth.

"Hindi," tanggi ni Ryan. "Halina nga kayo."

Pumasok na ang tatlo sa may rest house. Naiwan sina Samantha at Kenneth sa may beach.

"Ang kulit ni Ryan, ano?" ani Samantha.

"Hindi ka na nasanay," ang sabi naman ni Kenneth.

Nang ma-realize nilang dalawa na sila na lang ang naroon ay naging awkward bigla ang paligid. Hindi pa rin kasi maka-get over si Samantha sa nalaman kanina, at si Kenneth naman ay parang may kung anong nararamdaman ngayong silang dalawa na lang ng babaeng una niyang nagustuhan.

"Totoo ba iyong sinabi mo kanina?"

Kenneth looked at Samantha.

"Hmm?"

"Na crush mo ako… noong high school."

Kenneth smiled. "Hindi ka ba naniniwala?"

Samantha turned to face him.

"Kasi… I'm not the type na magugustuhan ng kahit na sino."

"Bakit naman?" Kenneth asked. "Dahil tomboy ka noon?"

"Hindi ako tomboy!" tanggi ni Samantha. "Hindi lang ako… mahilig mag-ayos katulad ng ibang mga babae noon."

"Mas komportable ka sa ganoon kasi iyon ang nakasanayan mo. Dahil sa daddy mo, hindi ba?"

Tumango si Samantha.

"Eh hindi naman kasi iyon ang dahilan kung bakit crush kita."

Si Kenneth naman ang humarap sa kanya.

"Noong una kitang makilala, noong first day of classes tapos nalaman ko na accelerated ka pala, naging interested na ako sa iyo. Nakakabilib naman talaga iyong mga ganoong tao. Tapos nalaman ko pa na instead of one eh two years ang nilaktawan mo. Lalo akong na-amaze sa iyo.

"Gusto ko nang makipagkaibigan sa iyo noon pa man. Kaya lang, nahihiya ako. Kasi bukod sa sobrang talino, sobrang yaman mo rin. Nalaman ko na hindi lang iyong TGH yung pag-aari ng pamilya ninyo. Marami pa kayong negosyo na may kinalaman sa health and wellness. Nakaka-intimidate kaya iyon."

"Kaya pala parang iniiwasan mo ako noon," ani Samantha.

Napangiti si Kenneth. "Alam mo naman na insecure ako sa lahat noon. O tapos, ikaw pa iyong pinaka-mataas sa lahat ng mga kaklase natin. Not just in wealth, pero sa overall personality mo. Kaya naisip ko noon, never kong magiging ka-close ang isang Samantha de Vera. Never kitang magiging friend. Eh kaya lang, masyado kang matapang. Nagawa mo akong ipagtanggol doon sa nambu-bully sa akin."

Natawa si Samantha sa kwento nito.

"Mula noon, naging malapit na tayo at unti-unti kong nakilala kung sino ka talaga. I was amazed kasi ibang-iba ka sa mga mayayamang kakilala ko. More particularly, sa mga kamag-anak ni Daddy. Sila kasi mabait lang sa mga taong mapakikinabangan nila. Yung may silbi sa kanila. Eh ikaw, ano ba naman ang silbi ko sa iyo, 'di ba? Isang hamak na ulila lang naman ako na nakapag-aral lang naman sa CPRU dahil sa scholarship ni Don Sebastian de Vera, who happened to be your father."

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Samantha nang marinig ang tungkol sa mga kamag-anak ni Kenneth sa ama. Alam niya kasi ang paghihirap nilang mag-ina dahil sa mga ito.

"Pero hayun ka pa rin. Sobrang bait mo sa akin. Hanggang sa iyon na nga. Nasanay na rin akong kinukulit mo at nasanay na rin ako na nandiyan ka sa tabi ko kahit hindi kita kailangan. Alam mo kasi, Sam, ikaw yung tao na walang pakialam kung sino pa iyan. Basta gusto mong kaibiganin, gusto mong tulungan. It doesn't matter if it's right for you to befriend or help that person. Ang mahalaga sa iyo, makatulong at makapagpasaya. Iyon ang nagustuhan ko sa iyo. Iyon ang hinangaan ko sa iyo. And maybe, also the fact that you think like Einstein, and you slay all our lessons."

Samantha smiled. "Actually, I found it convenient na maging kaibigan ka. That time, I felt I was alone kasi nga naiwanan ko iyong mga kaibigan ko. All my life I have been friends with Stan Fontanilla. Tapos bigla nauna ako sa kanya. And then, I saw you. I know you're smart. Alam kong magkakasundo tayo, lalo na at nalaman ko rin na mabait ka. You refuse to fight Ryan because you know it will be nonsense na sabayan ang pambu-bully niya."

"So ako pala ang ginamit mo noon."

Natawa si Samantha sa sinabi nito.

"Well, at least I found out na crush mo ako dati."

"Ah! At naging proud ka pa pala sa sarili mo ngayon, ha?"

"But of course! I was your crush without even trying. Diyos ko! Alam ko naman iyong itsura ko noon, ano! Alam mo ba? Sa sobrang inis ni Ryan noon sa akin, sabi niya lalaki daw talaga ako na nagpapanggap na babae. Ang sagwa ko daw kapag naka-uniform na palda. Kung hindi lang talaga malakas ang self-control ko noon, naging pasyente na namin iyang si Ryan sa TGH."

Si Kenneth naman ang natawa sa sinabi niya.

"Tapos hindi pa basta-basta yung nagka-crush sa akin. Kenneth Oliveros. COCC Colonel Oliveros. Top 2 sa klase… Well, pasensiya na kasi kaklase mo ako."

Natawa silang dalawa.

"Star player ng high school basketball team. Officer sa halos lahat ng club sa school. Tapos, cute pa at matangkad. Ang dami kayang nagkaka-crush sa iyo noon."

"Si David Duchovny ba talaga yung crush mo noon…"

Hindi makasagot si Samantha.

"O ako?"

Tuluyan nang natameme si Samantha.

"Ano? Crush mo ako noon, ano?"

"H-Ha?" Tinalikuran ito ni Samantha saka ito naglakad palayo. "Alam mo, kung anu-ano na ang pinag-sasasabi mo. Ang mabuti pa buma–"

Napatili si Samantha nang bigla siyang hilahin ni Kenneth. Naiharap ito ni Kenneth sa sarili.

"Kenneth?"

"Ano? Crush mo ako noon, ano? Di ba?" Kenneth was teasing her.

"Ano ka ba Kenneth!" Pilit itong nagpumiglas mula sa kanya.

"Bakit hindi ka makasagot?"

"Basta!" Natawa na rin ito sa pagbibiruan nila.

"Ah, hindi ka talaga sasagot? Eh kung kilitiin kaya kita para lumabas iyong totoo?"

"No!"

At nagharutan na nga silang dalawa. Hindi na nagawang magpumiglas ni Samantha sa pagkakayakap sa kanya ni Kenneth. Kaya naman malaya siya nitong nakiliti. Tawanan silang dalawa.

Pero dahil pilit ngang nagpupumiglas si Samantha ay bigla silang natumba ni Kenneth. Natigilan silang dalawa nang mapagtanto ang ayos nila. Kenneth was on top of Samantha, and their faces are almost touching. Sobrang lapit ng mga labi nila, at parang napako ang mga mata nila sa isa't isa.

Napalunok si Samantha dahil parang nanuyo ang lalamunan niya. Dahil doon ay lalong napatingin sa mga labi niya si Kenneth. Lalong bumilis ang tibok ng kanilang mga puso at unti-unting bumababa ang mukha ni Kenneth until his lips almost brushed hers. He was really ready to kiss her, and Samantha is ready to accept his lips.

Until the water surged over them.

Natawa na lang ang dalawa na basang-basa dahil sa alon. Naupo na rin si Kenneth sa tabi ni Samantha, at inalalayan na lamang niya itong maupo rin.

"Pasaway na alon," ani Kenneth.

Samantha giggled.

"Oh well, I guess we need to head back inside?"

Tumango na lamang si Samantha.

Tumayo na si Kenneth at pagkatapos ay inalalayan niya si Samantha. They looked at each other and smiled. They headed back to the rest house holding hands. Kenneth did not let go of Samantha's hand, and she did not pull her hand away. Why would she? She liked being held by the guy who first made her feel that she is a girl who can love unconditionally.