Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 43 - Two Old Friends: Phase 13

Chapter 43 - Two Old Friends: Phase 13

Si Jason Ignacio ang tumawag kay Kenneth. Ito ang may-ari ng BluPrint Construction. Ang Furniture.com ang gumagawa ng mga built-in cabinets ng mga kliyente ng BluPrint.

"I'm sorry for messing up with your vacation, Ken. I just thought I should tell you about it," anito sa kabilang linya.

"It's okay, Jay. I actually appreciate that you called me immediately. At least alam ko na ang aasahan pagbalik ko, and I could talk to our staff to do something about it."

"O sige, usap na lang tayo when you got back here in Tarlac?"

"Sure."

"Bye."

"Bye."

Ibinaba na ni Kenneth ang telepono. Pagkatapos noon ay tinext niya ang sekretaryang si Ara upang asikasuhin ang itinawag ni Jason. Nasa ganoon siyang posisyon nang maabutan siya ni Samantha mula sa kusina.

"Work?"

Gulat na napaangat ng tingin si Kenneth.

"Uh… Yeah…"

Samantha smiled. "You're on vacation, Mr. Oliveros."

"May… kailangan lang asikasuhin."

Tumango na lamang si Samantha. Napatingin naman si Kenneth sa sandwich na hawak nito.

"Allan is such a lucky man."

Hindi malaman ni Samantha ang itutugon. Napatingin na rin lamang siya sa sandwich na hawak.

"I didn't know… You didn't tell us."

"You didn't ask."

Oo nga naman. Masakit mang isipin ay hindi rin maikakaila ni Kenneth ang bagay na iyon. Kaya lang…

"How can I think about it, when I'm so consumed with my feelings for you?"

Napaiwas ng tingin si Samantha.

"Hindi naman kita pipilitin, pero sana huwag mong isipin o sabihin na hindi totoo ang nararamdaman ko para sa iyo. Just because you can't love me doesn't mean that my feelings for you are not real."

"If you have known about Allan, could you have told me about how you feel?"

Samantha gave him that inquisitive look. Si Kenneth naman ang hindi nakatagal.

"Hindi mo man lang ako ipaglalaban? Hindi mo man lang pipilitin na makuha ang puso ko?"

"Ayokong mang-agaw dahil alam kong hindi iyon tama."

"Eh paano pala magiging tama iyong ipaglalaban mo yung taong mahal mo?"

"Ibang laban naman iyon, Sam."

"Hindi, Ken. Hindi iba iyon. Ngayon na nalaman mo na na may boyfriend ako, hindi mo na ipipilit iyong sinabi mong pagmamahal mo sa akin. Titigil ka na, hahayaan mo na ako kasi… kasi may boyfriend na ako at hindi na tayo pwede."

Tuluyan nang napaiyak si Samantha. It's not just about Kenneth and him surrendering. It's also about the pain of realizing that yes, they may be in love with each other, but they just cannot be together. As what she said, it will not be right.

It will never be right to be happy while another person suffers. It will not be right for Allan to suffer just because of her.

"I'm sorry…"

Samantha looked at him. He's not crying like her, but there are tears in his eyes.

"I guess I'm 15 years late. I guess I fell in love too late."

Masakit mang aminin, pero theirs was a love story too late. Wala na silang magagawa pa doon. Mahirap man ay kailangan nilang piliting kalimutan na lamang kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa.

******************************************

Samantala, patuloy naman ang pagtuturo ni Allan ng paglangoy kay Darlene. Enjoy si Darlene sa pagtu-tutor ni Allan sa kanya. Sinisigurado naman ng huli na magiging ligtas ito at maayos ang swimming lesson nila.

"Ang saya po pala ng swimming lesson," ani Darlene.

"That is right. Also, you learn while you enjoy."

"Excited na po akong matutong mag-swimming. Salamat po Tito Allan."

"You're welcome."

"Alam n'yo po, para po kayong prince charming."

"Huh?" Nagulat si Allan sa sinabing iyon ni Darlene.

"Para po kayong prince charming doon sa mga napapanood kong fairytale movies. Gwapo na po kayo tapos mabait pa."

Natawa si Allan. "I guess that's too much already, but thank you."

Isang tawag sa cellphone ang natanggap ni Allan. Pinuntahan niya ito sa may bench malapit sa pool. Si Darlene naman ay kumapit muna sa may salbabida.

"Hello?" Allan frowned. "Jessie?" He looked at Darlene. "Jessie, I can't hear you. The signal is off…"

Saglit na nakinig muna si Allan.

"Okay… wait…" Saka nito kinausap si Darlene. "I have to take this call. It's very important. Are you gonna be okay?"

"Opo, sige po."

Allan nodded. "I'll be just nearby."

Umahon na ito ng pool at iniwan si Darlene.

"Ang mga matatanda talaga, masyadong busy."

Napasimangot na lamang si Darlene. She stayed at the pool, patiently waiting for Allan. Nang biglang nagdilim ang paligid.

"Huh?"

Power blackout. Darlene suddenly became worried. Hindi lang sa hindi siya marunong lumangoy, takot din siya sa dilim.

"… Tito Allan?"

Nagsimula na siyang mag-panic. Nagpalinga-linga siya pero puro kadiliman lamang ang nakikita niya.

"Tito… Da… Daddy…"

Dahil sa takot ay ginusto niyang umalis sa pool. Kumaway-kaway siya habang naka-salbabida, pero nahirapan siya lalo na at medyo bulky ang pabilog na lifesaver. Bukod pa doon ay talagang nagpa-panic na siya.

"Daddy… Daddy!"

Dahil sa paggalaw ay nabitawan niya ang hawak sa salbabida. Nadulas tuloy siya at lumubog sa pool. She tried to swim upward, trying to remember what Allan taught her a while back. Pero dahil sa takot at sa panic ay hindi niya magawang makapag-focus.

******************************************

Akala ni Kenneth, nagdilim ang paligid dahil sa masamang pakiramdam na nararamdaman niya dahil sa nangyayari sa kanila ni Samantha. Tumingin siya sa paligid at bahagyang nagulat nang makitang black out ang buong paligid.

Bigla siyang nakaramdam ng pag-alala. Kapag kasi madilim, natatakot ng husto si Darlene.

"Are you sure… you're really in love?" Samantha asked.

Napaangat siya ng tingin. Oo nga pala. Kasama pa niya si Samantha at nag-uusap pa sila. Pero hindi niya magawang mag-concentrate kasi bigla niyang naisip ang anak. Bigla siyang kinabahan.

At lalo pa iyong lumala nang makita niya sina Jenneth at Ryan na nag-uusap sa isang bahagi ng garden, though medyo madilim kaya hindi niya masyadong makita ang mga itsura ng dalawa.

"Ryan!" tawag niya para makasiguro.

Napatingin ang tinawag niya.

"Ken…" Ryan said. Nagulat ito pagkakita sa kanya.

Maging si Jenneth ay parang nagulat din nang makita sina Kenneth at Samantha.

"Si Darlene?" tanong ni Kenneth. Tuluyan na nga siyang kinabahan.

"Nasa pool," sagot ni Ryan.

Dali-daling tumakbo si Kenneth pabalik sa may pool area. Sumunod naman ang tatlo.

"She's with Allan," ang sabi naman ni Jenneth.

Nang malapit na sa pool ay nakasalubong nila si Allan.

"Allan?" tanong ni Jenneth.

"Si Darlene?" tanong ni Kenneth kay Allan.

"I left her at the pool. I got a call–"

Hindi na pinatapos pa ni Kenneth ang sasabihin ni Allan. Tumakbo na siya papunta sa may pool at mas binilisan pa nito ang pagtakbo. Sumunod naman ang apat sa kanya.

Nang makarating si Kenneth sa pool ay kaagad itong nag-dive at sinagip ang nalulunod na si Darlene. Mabuti na lang at kaagad itong dumating. Kung nahuli pa ito ng kaunti ay malamang na tuluyan nang nalunod ang bata.

"Darlene!" sigaw naman ni Ryan na napasugod na rin sa may pool. Magkatulong sila ni Kenneth na iahon si Darlene.

Si Samantha naman ay kaagad na dinaluhan ang nalunod na bata. Nakainom ito ng kaunting tubig, pero bukod doon ay naging maayos na rin ito.

"I'm really sorry… I didn't know…" ang sabi naman ni Allan.

"Bakit mo kasi siya iniwan!" sigaw ni Ryan sa kanya.

"I got an important call," sagot ni Allan. Natataranta na siya dahil guilty siya sa nangyari.

"Alam mo bang takot siya sa dilim? Nag-panic siya kaya muntikan na siyang malunod!"

"Ryan!" Jenneth exclaimed.

Nanahimik naman si Ryan.

"I'm sorry, I wasn't aware of that. I thought she's okay to be left alone. I just needed to get a better signal," paliwanag naman ni Allan. "Kenneth, I'm sorry…"

Tinitigan lamang ni Kenneth si Allan. Hindi niya mawari kung ano ang madarama dito. Oo nga at iniwan niya si Darlene kaya ito nalunod, pero alam din niya na hindi nito alam ang fear of darkness ng anak. Sigurado naman siya na kung alam nito iyon ay hindi niya ito iiwan.

But still, hindi niya kayang makipagmabutihan dito sa mga oras na iyon. So he scooped Darlene onto his arms and took her inside the rest house. Sumunod sa kanila si Ryan.

"Sam…" Allan said.

Pero maging si Samantha ay hindi magawang kausapin si Allan. Not just because of Darlene, but also because of her conversation with Kenneth earlier. Pakiramdam kasi niya ay may nagawa na naman siyang kasalanan sa nobyo. Guilty siya at alam niyang kung anumang sasabihin o gagawin niya ay siguradong magiging defensive siya. So she decided to come with Kenneth and Darlene and Ryan.

Si Jenneth ang natira kay Allan. She touched his arm to console him.

"I'm sorry…" Allan said.

"It's not your fault," Jenneth said.

"I shouldn't have left her."

"You didn't know… Pero hindi rin naman natin sila masisisi. They were really worried about Darlene."

"I messed up again."

"Don't say that," ani Jenneth.

"And Darlene… she's mad at me."

"Mukha namang hindi," ani Jenneth. "Darlene is a great kid. For sure naiintindihan naman niya iyon. But if you want, I'll help you talk to her later."

Tumango si Allan. "Thanks, Jenneth. You've been very good to me."

Jenneth looked at him. Parang may gusto itong sabihin, but in the end, she just pushed the thought away and smiled at Allan.

"You're welcome," ang sabi na lamang niya.