Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 49 - This Time, Maybe: Fin

Chapter 49 - This Time, Maybe: Fin

Kinabukasan ay naging bisita nina Kenneth ang mga magulang ni Kristine.

Dahil solong anak ng mga Mallari si Kristine, nang mamatay ito ay muli silang nagbalik sa Zambales. Hindi na nagbalik sa pagpupulis ang tatay ni Kristine dahil na rin sa edad nito. Nagnegosyo na lamang sila ng maliit na grocery at iyon ang pinagkukunan nila ng panggastos sa araw-araw, maliban pa sa pension ni Mr. Mallari bilang isang dating pulis.

Minsan-minsan ay dumadalaw ang mga ito kay Darlene. Minsan din ay sina Kenneth ang dumadalaw sa mga ito. Maliban kay Darlene ay kinukumusta din ng mag-asawa si Kenneth dahil anak na rin talaga ang turing ng mga ito sa kanya. After all, solong anak si Kristine kaya nung ikasal sila ay parang naging tunay na anak na rin nila si Kenneth.

Pagkatapos magtanghalian ay kinausap ni Mr. Mallari si Kenneth sa may veranda. Simpleng pangunugmusta lang naman iyon kagaya ng dati nilang ginagawa kapag nagkikita silang dalawa.

"Mabuti na lang at naging mabilis ang paggaling ni Darlene doon sa dengue niya," ang sabi ng matandang lalaki.

Tumango si Kenneth. "Kaya nga po. Nagpapasalamat ako sa Diyos na ganoon lang ang nangyari."

"Talagang binabantayan ni Kristine ang kanyang anak."

Muli'y tumango lamang si Kenneth.

"Ikaw ba, kumusta ka na?"

"Mabuti naman po ako, 'Tay."

Matamang tinitigan ni Mr. Mallari si Kenneth. Parang hindi ito naniniwala sa sinabi nito.

"Maraming trabaho pero awa ng Diyos, hindi naman po ako nagkakasakit," ang sabi pa ni Kenneth.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin," anang matandang lalaki.

May konting hinala si Kenneth sa ibig sabihin ng kanyan biyenan, pero ayaw niyang tuluyang mag-conclude. Hinintay na lamang niyang ito mismo ang magsabi noon.

"Hindi ka ba napapaisip na mag-asawa ulit?"

Hayun na nga. Tama ang hinala ni Kenneth.

"Kailangan pa po ba? Okay na po ako, 'Tay. Masaya naman po ako na kami lang ni Darlene at ni Nanay dito sa bahay."

"Bata ka pa, Kenneth. Alam kong masaya ka sa buhay mo pero pwede ka pang maging mas masaya."

"Hindi lang naman po bagong asawa ang makakapagpasaya sa akin."

"Siguro nga," anang Mr. Mallari. "Naisip lang naming mag-asawa, sana hindi si Kristine ang pumipigil sa iyong makahanap ng bagong magpapasaya sa iyo. Alam namin na mahal na mahal ninyo ni Kristine ang isa't isa, pero wala na siya. At deserve mo naman na maging masaya kahit hindi dahil sa kanya."

Natigilan si Kenneth sa sinabi nito. Nagpatuloy naman ang matandang lalaki sa pagsasalita.

"Noong magkasakit si Darlene, nakita namin ang hirap mo bilang ama niya. Ikaw lang mag-isa ang nag-aasikaso sa kanya. Oo nga at nandiyan ang nanay mo, pero matanda na rin siya. Naiintindihan namin kung nahihirapan din siya na alagaan si Darlene kasi halos kasing-edad namin siya."

Bahagyang natawa ang matanda sa sinabi nito. Saka ito nagpatuloy.

"Hindi naman sa pinapanalangin natin, pero darating ang araw at hindi mo na rin maaasahan ang nanay mo sa ganyang bagay. At bukod kay Darlene, sino naman ang mag-aalaga sa iyo? Naku, Kenneth. Huwag mong sabihin na kaya mong alagaan ang sarili mo. Iba pa rin iyong may isang taong nag-aalala at nag-iisip ng kalagayan mo sa lahat ng oras. Iba pa rin iyong may taong nagmamahal sa iyo."

Kenneth actually feels weird na sa tatay ni Kristine nanggagaling ang mga salitang iyon. Hindi ba masakit para sa magulang na makitang mapalitan ang anak mo sa puso ng dati nitong asawa? Pero iba ang mga Mallari. Mabuti silang tao at kaligayahan ng iba ang lagi nilang iniisip. Alam niyang hindi madali para sa mga ito ang sabihin iyon sa kanya, pero ginagawa pa rin nila dahil alam nilang kahit na anong gawin nila ay hindi na nila maibabalik pa ang buhay ng kanilang anak na si Kristine.

Hapon na nung umalis ang mga magulang ni Kristine. Sinundo sila ng kanilang pamangkin pauwi sa Zambales. Sina Kenneth at Darlene ang naghatid sa mga ito sa may pintuan at tumanaw hanggang sa makaalis na ang mga ito.

"Lene…"

Napatingin si Darlene sa ama.

Kenneth smiled at her. "Gusto mo ba talagang makita si Tita Sam?"

Napuno ng galak si Darlene. Ngumiti ito at kumislap ang mga mata.

Maging si Kenneth ay natuwa sa naging reaksyon nito. Oo, siguro nga kailangan niya ng isang taong magmamahal at mag-aalaga sa kanya.

****************************************

Nakatulala si Samantha sa salamin. This might be the most beautiful she has been since she was born. Her dress is wonderful, her makeup is on point, her hair is just perfect. Even her shoes are every girl's dream shoes. But still, something is missing. Something is off. Something is not right.

Maybe it's her eyes? Hindi nagawang itago ng eye shadow at mascara ang kawalan ng ningning ng kanyang mga mata. Kailangan bang dagdagan ang dalawang layer na yatang mascara sa kanyang pilik mata? O baka kailangan nga niya ng false eyelashes. The makeup artist did not bother using false lashes because hers are already full.

Or maybe, a little more eyeliner could help?

Maybe not. Hindi naman kasi ang makeup ang may problema. Ang mga mata niya mismo. Hindi nito kayang itago ang totoong nararamdman ng mga sandaling iyon. Which is something she could not understand. Hindi ba't siya ang may gusto nito? She chose to choose that option. Pero bakit hindi siya masaya ngayon?

Tatlong katok ang narinig niya mula sa pintuan saka ito bumukas. Pumasok mula doon ang Ate Helen niya. Kaagad itong namangha nang makita siya.

"Wow! You really are the most beautiful!" papuri nito habang palapit sa kanya.

Pinilit ngumiti ni Samantha.

"Your parents will really be very happy. They know you are marrying one of the greatest men on earth."

Tumango si Samantha. Still, she could not get herself talk and respond.

Niyakap ni Helen si Samantha. "I'm so happy that you're finally getting married. I know you'll be happy. Allan is such a great man… Ulit-ulit na lang sinasabi ko, right?"

Bahagyang natawa si Samantha. Maging si Helen ay natawa na rin sa sinabi nito.

Muling may kumatok sa pintuan. This time, it was Allan. He peeped in and the two ladies saw him.

"Hey! Bawal mong makita si Sam before the party… Oh well, engagement party pa lang naman so I guess it's okay."

Tuluyan nang pumasok si Allan.

"O siya, maiwan ko na muna kayo," ani Helen.

Nang silang dalawa na lang ay saka lumapit si Allan kay Samantha. Nakaupo sa may vanity si Sam at si Allan naman ay kumuha ng upuan at umupo malapit dito.

"You're so beautiful…"

Samantha smiled.

"But you're also very unhappy…"

Natigilan si Samantha.

Allan held her hands. "I know what you're feeling. You don't wanna do this. You don't have too. You don't have to force yourself just because this is what's expected by other people for you to do. You can still stop this from happening."

Hinablot ni Samantha ang mga kamay niya. "Don't, Allan. Don't!" aniyang umiiling.

"Sam, let's do what's right. Let's call off–"

"No!"

Nagulat si Allan sa pagsigaw nito. Humihingal namang tumingin si Samantha sa kanya.

"I chose you, remember? I chose you! I chose to do this, and I'm doing this. This is what I wanna do. You don't know how I feel because you're not me. I'm not calling off this engagement. We're pushing this through."

"But you don't love me…"

"I love you, Allan! How dare you say that when you don't know what's inside my heart?"

"But you don't love me enough to make yourself forget him."

Hindi nakasagot si Samantha.

"I am giving you a chance, Sam. I am giving you a chance until I still can. It's hard, it pains me… But I love you so much I'm willing to let you go just for you to be totally happy."

"You're giving up on me? You're giving up on me just like that?" Umiiyak na si Samantha.

"Because giving you up… is the hardest but most right option." Maging si Allan ay napaiyak na rin. "Please, Sam. Choose to do the right thing."

"You're just saying that kasi hindi mo ako kayang ipaglaban. You don't want to fight for me that's why you want me to take the blame. Gusto mo sa akin lahat ng guilt. Kaya gusto mo, ako yung sumuko. You always want the easy way out, Allan. But life is not about programs and codes and scripts that you can manipulate on your computer to get the result that you want!"

Allan stared at her. So, it already has reached that point. Napabuga ito ng hangin at saka tumayo na.

"I did not say you do it. I just wanted you to say it, then I'll do the dirty works. But, you're Samantha de Vera, the ever-stubborn Samantha de Vera. You choose that, then fine. You're stuck with me for a lifetime because I won't give you a divorce or annulment even if you beg me to!"

Lumabas na ng silid si Allan. Walang nagawa si Samantha kundi ang umiyak ng umiyak. Kasalanan rin naman niya. Ilang beses na siyang kinausap ni Allan, making her change her mind and call off the engagement. Pero nagpumilit pa rin siya because to her, that's the right thing to do. Hahayaan ba niyang magulo ang puso at buong buhay niya dahil lang sa ilang linggong pagkikita nila ni Kenneth?

Pero hindi ba ganoon ang nangyari? Kahit na ilang taon na niyang minamahal si Allan ay nagawa pa ring guluhin ni Kenneth ang puso niya. Ang buong pagkatao niya. At ngayon ay sobra siyang nasasaktan dahil doon.

Muli siyang napatingin sa salamin. Mabuti na lang at waterproof ang makeup na nilagay sa kanya. Hindi niya kasi kayang pigilan ang mga luhang tuloy-tuloy ang pagdaloy sa kanyang mga pisngi.