Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 44 - Two Old Friends: Phase 14

Chapter 44 - Two Old Friends: Phase 14

Sinamahan ni Kenneth si Darlene sa silid nito pagkatapos itong tulungang magbanlaw at magbihis ni Samantha. Si Ryan naman ay galit pa rin dahil sa nangyari. Pilit naman siyang pinapakalma ni Samantha.

"Yung boyfriend mo kasi akala niya alam niya ang lahat. Akala mo kung sinong magaling," ani Ryan.

"Hindi naman niya sinasadya," ani Samantha.

"Eh mas importante pa iyong tawag niya sa telepono kesa dito kay Darlene. Palibhasa kanina lang niya nakilala kaya wala siyang paki," ang sabi pa ni Ryan.

"Don't you think you're being unfair with Allan? You're prejudicing him," ani Samantha.

"At pinagtatanggol mo siya kasi boyfriend mo siya. Bakit, mahal mo ba iyon?"

Hindi nakasagot si Samantha sa tanong ni Ryan. Nagulat siya sa biglaang pagtatanong nito sa damdamin niya tungkol kay Allan. Ngayon pa na medyo naguguluhan ang damdamin niya.

"Ryan!" saway ni Kenneth sa kaibigan.

"Tinatanong ko lang naman, ah. Tignan mo hindi siya makasagot–"

"I love him."

Napatingin si Ryan kay Samantha.

"I love… Allan."

Si Ryan naman ang hindi makasagot. Samantha seems hurt and seems to tear up. She suddenly walked away.

"Sam!" tawag ni Ryan dito.

"Bakit mo pa kasi sinabi iyon?" tanong ni Kenneth kay Ryan.

Ryan looked at Kenneth.

"We're too old to be insensitive, Ry." Kenneth looked at him.

Huminga na lamang ng malalim si Ryan bago lumabas ng silid upang sundan si Samantha.

"Sorry po, Daddy," ani Darlene. "Dahil sa akin, nagagalit si Ninong tapos malungkot si Tita Sam."

"It's not your fault, Darling." Kenneth caressed her head.

"Pero wala naman pong kasalanan si Tito Allan. Kailangan lang po talaga niyang sagutin yung call kasi work iyon. Di ba ganun din po kayo kapag may tawag from the office?"

Tumango si Kenneth na nakaramdam ng guilt. Kung tutuusin, siya ang unang umalis dahil sa natanggap na tawag mula sa trabaho. Sa totoo lang kasi, ayaw niyang makasama si Allan kasi nga nasasaktan siya kapag naiisip na iyon ang lalaking mahal ng babaeng mahal din niya. Kung tutuusin ay siya ang dapat na nadoon sa tabi ni Darlene dahil siya ang tatay nito. Pero mas inuna niya ang sarili at nang makahanap ng dahilan para makalayo ay kaagad niyang kinuha iyon.

Tatlong katok sa pintuan ang narinig nila bago ito bumukas. Sumilip mula doon si Jenneth.

"Hello," bati nito sabay ngiti. Pumasok ito sa loob ng silid. "How are you, Lene?"

"Okay na po, Tita Jhing," ani Darlene sabay ngiti.

"That's good. May gusto sanang kumausap sa iyo kung pwede." Jenneth looked at Kenneth.

Allan went inside the room.

"Hi…" he said, quite embarrassed.

"Oo naman po," ani Darlene.

"Kenneth," ani Allan sabay tingin dito.

Tumango si Kenneth. At dahil hindi nga niya kayang makita pa ito ay lumabas na lamang ito ng silid. Sumunod naman si Jenneth.

Lumapit naman si Allan kay Darlene at umupo ito sa may gilid ng kama.

"Hi… Little Miss…"

"Hello po, Tito," Darlene said with a smile.

Napangiti na rin si Allan. "I'm really sorry. I didn't know that you're afraid of the dark."

"Okay lang po iyon," ani Darlene. "Wala po kayong kasalanan. Hindi n'yo naman po alam. Tsaka alam n'yo po, Tito, tinry ko po gawin yung tinuro ninyo sa akin kanina. Kaya lang natakot lang po talaga ako kasi madilim. Pero medyo marunong na po akong mag-swim."

Allan smiled. "I'm glad to hear that. Though, I never will be glad about what happened."

Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ni Allan.

"Are you really okay now? I think we should take you to the hospital to make sure you're okay."

"Okay na po ako," sagot ni Darlene. "Chineck na po ako ni Tita Sam kanina."

"Right. Why do you need a hospital when you've got the best doctor in town?"

"Yes po. Magaling po talaga si Tita Sam. Siya nga po iyong nagpagaling sa akin nung na-dengue ako."

"Dengue?"

"Opo. Last month po, nung bago mag-Pasko. Pinagaling po niya ako. Magaling po kasi siya tsaka mabait pa."

"So, you're that patient that she talked about back then. I'm glad to hear that you're healed. Hindi ka naman siguro sasama dito ngayon kung hindi ka pa magaling."

Darlene smiled. "Oo naman po. Magaling na magaling na po ako."

"You really like Sam, huh?"

"Oo naman po. Ang bait po kaya niya. Kaya nga po best friend sila ni Daddy nung bata po sila."

Natigilan si Allan sa narinig. "Best friends?"

"Opo. Super best friends po sina Tita Sam at si Daddy nung high school. Tapos naging friend din po nila si Ninong Ryan."

Biglang may naalala si Allan. There was that time when he is talking to Samantha back then nung hindi pa sila magkarelasyon.

"𝘏𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘮𝘺 𝘣𝘦𝘴𝘵 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥… 𝘊𝘭𝘪𝘤𝘩é, 𝘳𝘪𝘨𝘩𝘵? 𝘉𝘶𝘵 𝘺𝘦𝘢𝘩, 𝘐 𝘥𝘪𝘥 𝘧𝘢𝘭𝘭 𝘪𝘯 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘮𝘺 𝘣𝘦𝘴𝘵 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥. 𝘏𝘦 𝘸𝘢𝘴 𝘮𝘺 𝘧𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘭𝘰𝘷𝘦, 𝘮𝘺 𝘧𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵𝘣𝘳𝘦𝘢𝘬. 𝘐 𝘤𝘢𝘯'𝘵 𝘣𝘭𝘢𝘮𝘦 𝘩𝘪𝘮. 𝘛𝘩𝘦 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘩𝘦 𝘤𝘩𝘰𝘴𝘦 𝘪𝘴 𝘳𝘦𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘴𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭. 𝘛𝘩𝘢𝘵'𝘴 𝘸𝘩𝘺 𝘐 𝘥𝘦𝘤𝘪𝘥𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘭𝘦𝘢𝘷𝘦."

Gustong balewalain ni Allan ang ala-alang iyon, pero hind niya magawang tanggalin sa isipan niya ang rebelasyong iyon ni Samantha. All he knows is that Samantha has been in love with her high school best friend. That guy was the reason she wasn't able to move on and fall in love again for so long.

He was the reason why it took so long for him to have her and be her boyfriend.

"Tapos si Mama naging friend nila nung matagal na silang mag-friends."

At kung anuman ang doubt na nararamdaman niya ay nawala na dahil sa sinabi ni Darlene. Allan confirmed that Samantha's first love is Kenneth. He suddenly spaced out.

"Gusto ko nga pong maging tulad ni Tita Sam. Gusto ko rin pong maging doctor."

Allan smiled. "That's good." He tried to concentrate but could not. "Uhm… is it okay if I leave you now?"

"Opo," ani Darlene. "Meron na po akong cellphone kapag nag-brown out."

"That's good. I… I need to go now…"

Hindi na hinintay pa ni Allan ang sasabihin ni Darlene. Lumabas na siya ng silid dahil parang hindi siya makahinga. He went out to breathe some air. Pero hindi yata talaga siya titigilan ng tadhana because Kenneth was there when he went out.

Bahagyang nagulat si Kenneth nang makita si Allan.

"Hi…" Allan said coldly.

Kenneth frowned. Kahit naman kasi hindi sila super close ni Allan ay hindi naman ito nagpakita ng coldness sa kanya, maliban na lang ngayon.

"Okay na kayo ni Darlene?" tanong niya dito.

"Yeah," Allan answered, still with that cold demeanor that he has.

Tumango si Kenneth upang i-acknowledge ang sinabi nito. Aalis na sana siya nang bigla itong magsalita.

"Darlene told me that you and Samantha are best friends," Allan said.

Tumango si Kenneth. "Nung high school."

"High school lang?"

Talagang nawiwirduhan si Kenneth sa ipinapakita ni Allan. Hindi na lamang siya nagpahalata.

"Well, after nung first year namin sa college, she left. We had no communication after that, so I don't know if we are still the same… I mean, if we are still best friends."

Tumango si Allan. "I see."

"Can I go back to Darlene now?"

"Yeah," sagot ni Allan. "Actually, I don't know why you had to go out. Like, you're avoiding me or something."

Nagulat si Kenneth sa sinabi nito.

"It's a joke, of course. I mean, why would you do that? You're Sam's friend… make that best friend. Right? Why would you avoid the person that your best friend loves?"

Okay… may something na nga itong sinasabi ni Allan. Ramdam na ni Kenneth na hindi lang ito isang simpleng conversation lang sa pagitan nilang dalawa.

"Your best friend. Right? Just best friends…"

"Yeah," Kenneth answered, quite breathy. Pakiramdam niya ay parang nahihirapan siyang huminga bigla. "I'll go back to Darlene now."

Hindi na niya hinintay pa na magsalita itong muli. Iniwan na niya ito at binalikan na niya si Darlene sa kuwarto nito.