Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 36 - Two Old Friends: Phase 6

Chapter 36 - Two Old Friends: Phase 6

January 2 nang magpasyang magpunta ng Subic sina Kenneth. Sasakyan niya ang gagamitin kaya naman nagpunta na lamang si Ryan sa bahay nila at iniwan na lang doon ang sarili nitong sasakyan. Sumama na rin sa kanila si Darlene.

Pagkatapos ay sinundo nila si Samantha. Kasama na nito si Jenneth sa bahay nila sa Moonville. Tuwang-tuwa naman si Darlene nang makita ito.

"Tita Jhing!" anito sabay yakap sa babae. Pagkatapos nito ay nagmano ito sa kanya.

"Mukhang excited ang Darling namin, ah," ang sabi naman ni Samantha.

"Siyempre naman po!" ani Darlene. Niyakap at nagmano din ito dito.

"O paano? Let's go!" yaya ni Samantha sa lahat.

Tinulungan nina Ryan at Kenneth sina Samantha at Jenneth na isakay ang mga gamit ng mga ito sa sasakyan ni Kenneth. Ang tatlong girls naman ay pumasok na sa sasakyan. Nagulat na lamang si Ryan nang nasa passenger seat na si Samantha.

"Hey! That's my place," ani Ryan dito.

"Since ako ang nakakaalam ng pupuntahan natin, tama lang naman siguro na ako ang maupo dito," ani Samantha. "Doon ka na lang sa may backseat."

Tututol sana si Ryan, pero hindi na siya nakatanggi pa sa gusto ni Samantha. "Ken! Ako muna magda-drive."

"This is my car, so I'll drive," ang sabi naman ni Kenneth.

"Ang arte!" reklamo ni Ryan, pero wala pa rin siyang nagawa kaya tumungo na lamang siya sa may backseat. Iyong nga lang, ayaw umalis ni Darlene sa inuupuan nito.

"Ninong, gusto ko dito sa tabi ng bintana. Gusto kong makita iyong dadaanan natin," ani Darlene.

"Ililipat na lang kita kapag nasa Subic na tayo," ani Ryan. "Sige na, doon ka na sa gitna umupo."

"Ayoko Ninong!"

Kung pwede lang batukan ang batang ito, kanina pa ginawa ni Ryan. Napatinign siya kay Jenneth na tahimik lang na nagmamasid sa kanila.

"Huy P're! Anong petsa na!" ang sabi ni Kenneth kay Ryan.

Wala na ngang nagawa pa si Ryan kundi ang umikot papunta sa may gawi ni Jenneth. Hindi naman nagdalawang-isip si Jenneth na lumipat sa may gita ng backseat upang makaupo si Ryan.

"Finally!" ani Kenneth bago i-start ang makina.

Habang daan ay patuloy ang pakikipagkwentuhan nina Kenneth at Samantha.

"Mabuti naman at pumayad ang Ninong mo," Kenneth said.

Samantha smiled. "Malakas ako doon, eh."

"So wala talagang nakatira doon?"

"Wala. Merong nagme-maintain pero hindi sila doon nakatira. Nagpupunta lang once a week para maglinis, o kaya kapag may pupunta doon para magbakasyon. Tulad natin."

"Hindi niya pinaparenta iyon?"

Umiling si Samantha. "Eh kasi nga, halos lahat naman ng nagpupunta doon mga kaibigan o iyon ngang mga kinukuha siyang ninong sa kasal. Madalang lang iyong mga ibang tao na nagrerenta. Kapag ganoon, pinapabayad naman niya."

Si Ryan naman ang pinansin ni Kenneth. "Nananahimik ka yata diyan, P're?"

Ryan looked at the rear-view mirror sharply, but he did not answer. Natawa na lamang si Kenneth sa reaksiyon nito. Sina Darlene at Jenneth naman ay abala sa pagkukwentuhan tungkol sa mga nadadaanan nila.

After two hours ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Namangha ang apat sa nakitang two-story rest house.

"Tita Sam, wala pong nakatira dito?" tanong ni Darlene.

"Wala, Lene," sagot ni Samantha. "Solo natin ito for four days."

"Ang ganda dito," komento ni Jenneth.

"Wait till you see the beach," ani Samantha.

"Meron pong dagat?" tanong ni Darlene.

Natawa sila sa tanong ng bata.

"Let's go," Samantha said.

Nagtungo ang lahat sa may beach area. Bago iyon ay nadaanan nila ang malawak na bakuran ng rest house kung saan naroon ang malawak na infinity pool.

"Ang ganda nitong property ng Ninong mo," ani Ryan.

Tumango si Samantha.

"Pwede na po ba akong mag-beach?" excited na tanong ni Darlene.

"Mamaya na," ani Kenneth sa anak. "Kumain na muna tayo."

"Oo nga," ani Samantha. "Malapit na rin mag-lunch. Pumasok muna tayo at magluto ng food."

"Kayo po ang magluluto, Tita Sam?" tanong ni Darlene.

"Oo, bah! Halika. Ate Helen packed a lot of good food for us."

Magkasamang pumasok sa may bahay sina Samantha, Kenneth at Darlene. Nakatingin naman sa kanilang tatlo sina Ryan at Jenneth.

"Beautiful…" Ryan murmured.

Napatingin si Jenneth dito. Para namang naramdaman ni Ryan na nakatingin ito sa kanya. He also looked at her, na binawi rin naman niya kaagad.

"Lunch," he said as he indicated the way to the rest house. Nauna na rin siyang bumalik sa bahay.

Sumunod na rin naman si Jenneth dito. Ilang sandali pa ay masaya nang pinagsasaluhan ng lima ang nilutong pagkain ni Samantha.

*************************************

Pagkatapos kumain ay nagtungo na sa may pool area ang lahat. Hindi naman mapigilan ni Darlene ang excitement kaya hinayaan na rin siya ni Kenneth na maligo sa pool. Nagprisinta na lang si Jenneth na siya na ang magbantay sa kanya. Tuloy ay nakiligo na rin ito sa infinity pool ng rest house. Hindi naman masyadong mainit dahil na rin sa shaded naman ang pool bukod pa sa mga puno na nakatanim doon.

Ang tatlong magkakaibigan naman ay nasa may mga lounge seats sa may gilid ng pool. Ready na rin naman silang maligo pero nagpapahinga lang sila saglit dahil nga sa kakakain lang nila halos ng lunch.

"Ang bait talaga ni Jenneth, ano?" ani Kenneth.

Napasimangot naman si Ryan. "Nao-OP lang yan kaya siya nagprisinta na bantayan si Darlene."

"Ang sama mo talaga, ano?" ani Kenneth kay Ryan. "Nagmagandang loob na nga iyong tao."

"Defensive lang iyan," ang sabi naman ni Samantha na ang tinutukoy ay si Ryan. "Ayaw lang niyang malaman natin na sobrang impressed din siya kay Jhing. For sure hindi na iyan magkandaugaga na mag-isip ng strategy para magbalikan sila ulit ni Jhing."

"Ayaw n'yo talaga akong tigilan na dalawa, ano?" ani Ryan sa dalawa.

"Lapitan mo na kasi," ani Kenneth. "Walang mangyayari sa iyo kung hindi ka magsisimula."

"Eh hindi ko nga alam kung ano ang sasabihin ko," ani Ryan.

"Kahit ano lang," ani Kenneth. "Para namang hindi ka marunong manligaw niyan."

"Aba! Nagsalita ang isa lang ang naging girlfriend," ani Ryan na ang tinutukoy ay si Kenneth.

"Kaya nga. Ikaw ang dami mo nang naging girlfriend. Dapat expert ka na diyan," ani Kenneth sa kaibigan.

Ryan looked at Jenneth. "Iba naman kasi ngayon."

"Bakit hindi mo gamitin si Darlene?" suhestiyon naman ni Samantha. "Tutal naman parang close na close na yung dalawa, oh. Kunwari you wanna hang out with them."

"Oo nga," sang-ayon ni Kenneth.

Huminga ng malalim si Ryan. "Okay, here goes nothing."

Naghubad na ito ng t-shirt at pagkatapos ay lumusong na sa tubig. Lumapit ito kina Darlene at Jenneth. Nanatili namang nakamasid sina Kenneth at Samantha.

"Nakakatuwa si Ryan, ano?" ani Samantha. "Halatang in love pa rin siya kay Jenneth."

"Luko-luko naman kasi iyan, eh," ani Kenneth. "Ang ayos-ayos nilang dalawa tapos biglang nagloko."

"Baka naman may dahilan?" tanong ni Samantha. "Kasi di ba? Kaya naman naging bully iyan noong mga bata tayo ay dahil sa family problem niya. Hindi kaya iyon yung dahilan noon?"

"Wala naman siyang nabanggit noon, eh," sagot ni Kenneth. "Close na kami noon. Parang magkapatid na nga. Lahat ng problema nasasabi niya sa akin. Pero never siyang nagbanggit ng tungkol sa family o kung may problem man siya. Basta bigla na lang may dine-date siyang ibang babae habang silang dalawa pa ni Jenneth."

"There has to be a reason," Samantha said as she fell into a deep thought.

"Whatever that is, he refused to let others know. Sinarili niya. Gusto ko rin silang tulungan noon pero wala naman din akong magawa," ani Kenneth.

Saglit nilang pinanood ang tatlo. That time ay mukhang nagiging okay na sina Ryan at Jenneth. Nag-uusap na ang dalawa at mukhang okay naman ang tinatakbo ng lahat.

"Nagulat talaga ako nung nalaman kong meron pala silang past," ani Samantha. "Imagine? I was just teasing Jenneth back then about her crush with Ryan. Tapos nagkaroon naman pala ng katuparan iyong admiration na iyon."

"So crush talaga ni Jhing si Ryan?" tanong ni Kenneth.

Samantha giggled. "Alam mo iyong during training? COCC. Iyong hiwalay na magka-camp iyong girls ang boys tapos may bonfire."

Kenneth smiled. "Tapos isisigaw mo iyong crush mo."

Tuluyan nang natawa si Samantha. "Si Ryan iyong isinigaw ni Jenneth."

"Ah…" Tumango-tango si Kenneth, as if learning a very valuable piece of information.

"Kaya nga ginawa ko siyang assistant noon," Samantha said. "Aside from the fact that I saw potential in her, I want her to excel, for her to impress Ryan."

"Mukha namang nag-work iyong plano mo na iyon kasi siya yung pumalit sa posisyon mo, hindi ba? She almost got the Colonel position, pero mas magaling lang talaga sa kanya si James."

"And he's your pet," Samantha said.

Kenneth shrugged. "We have favorites."

Samantha smiled. "Yeah, right."

"Ikaw? Sino iyong sinigaw mo na crush mo noon?"

Samantha grinned. "You know who my crush was at that time."

"Don't tell me it was Mulder?" Kenneth asked.

Samantha laughed.

"Grabe! Hindi nga?" hindi makapaniwalang tanong ni Kenneth.

"Uy! Ang dami naman talagang may crush noon kay David Duchovny dahil nga doon sa role niya sa X-Files," Samantha explained. "Well, I guess I really am just a geek that time."

"You are still a geek," ani Kenneth. "Ni wala ka ngang social media account. Parang may sarili kang mundo. Daig ka pa nga ng nanay ko. At least may Facebook account naman siya kahit papaano."

"I don't have time for that," Samantha said. "I would rather meet a patient for consultation or read or watch something about updates on Medicine and Medical Technology."

"And you're not a geek, huh?"

Samantha laughed. "No, I'm not."

"How about communication? At least people know what is happening to you."

"I have great communication with my family."

"How about your friends?"

Hindi nakasagot si Samantha. It took a while bago siya makapagsalita ulit.

"How about you? Who was your crush?"

They looked at each other, and Kenneth gazed at her in a way that made Samantha knew the answer to her question. Siya ang unang bumitaw.

"There were a lot of great girls na pwede mong maging crush noon."

"Sometimes the heart chooses not the great ones," Kenneth said. "Kapag tinamaan ka, wala ka nang magagawa kasehodang iyong babae eh iyong mahilig magsuot ng jumper at panlalaki ang gupit ng buhok."

"Oy, hindi naman!" tanggi ni Samantha.

"O hindi ba? Iyong buhok mo noon pang-boyband member iyong gupit."

"Ang sama nito!"

Natampal ni Samantha sa may braso si Kenneth. Pareho silang natawa sa biruan nila.

"But… seriously?" Samantha asked.

Again, Kenneth gazed at her. It's that kind of gaze that makes her feel uncomfortable… in a good way. Parang sobrang saya ng feeling niya na crush din pala siya ng lalaking gustong-gusto niya noon. Hindi niya mapigilang mapangiti.

To hide that, nagyaya na lang siyang mag-swimming.

"Maligo na nga lang tayo," Samantha said as he stood up and walked towards the pool. Lulusong na sana siya nang biglang may bumuhat sa kanya.

Napatili na lang si Samantha nang mag-dive siya sa pool habang yakap-yakap ni Kenneth. Nagsitilamsik ang tubig hanggang kina Ryan.

"Ano ba?" reklamo ni Ryan. "Ang haharot, eh."

Natawa na lamang si Kenneth sa sinabi ni Ryan. Si Samantha naman ay napaubo dahil yata sa nainom na tubig.

"Are you okay?" tanong ni Kenneth sa kanya.

She splashed water towards him. "You even asked."

"Sorry na…" Kenneth said.

Muli lamang sinabuyan ng tubig ni Samantha si Kenneth.

"Parang mga bata," Ryan quipped.

Sinabuyan ng tubig ni Kenneth si Ryan.

"Ano ba?" Ryan shouted.

Pero nagpatuloy pa rin sa pagsaboy si Kenneth. Nakisali na rin sina Samantha at Darlene. Maging si Jenneth ay nakisaboy na rin.

"Ah ganoon, ha? Pinagkakaisahan ninyo ako?" Ryan asked.

Lumayo ng kaunti si Ryan sa grupo at sinabuyan silang lahat. Hanggang ang Ryan against everyone ay naging free for all. At that moment ay parang naging kasing edad na lang ni Darlene ang apat at nakilaro na rin sa magarang infinity pool sa rest house ni Dr. de Villa.