Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 34 - Two Old Friends: Phase 4

Chapter 34 - Two Old Friends: Phase 4

It was Samantha's first time at Furniture.com. Namangha talaga siya sa lugar pagkakita doon. Ang ganda ng showroom building lalo na ang mga furniture na shino-showcase doon. Para tuloy gusto niyang bumili ng living room at dining room set.

Kaagad din siyang nilapitan ng isang salesman na nandoon.

"Good morning, Ma'am! Welcome po sa Furniture.com. Ano pong hanap nila?"

Samantha smiled. "Nope. I'm here for Ryan. Ryan Arcilla."

"Ah, si Sir Ryan po?" Tumingin ang lalaki sa isang counter kung saan naroon ang cashier. "Halina po kayo, Ma'am."

Sumama si Samantha sa lalaki. Kinausap naman ng salesman ang nadatnan nilang staff sa may cashier's counter.

"May naghahanap kay Sir Ryan," anito sabay turo kay Samantha.

Pagkakita kay Samantha ay inangat ng babae ang teleponong nandoon. "Ano pong pangalan nila, Madame?"

"Samantha. De Vera."

Nag-dial ang babae at ilang sandali pa ay may kausap na ito sa kanilang linya. Nang matapos ito ay muli nitong hinarap si Samantha.

"Akyat na po kayo, Ma'am. Third floor po."

"Thanks," Samantha said with a smile.

Itinuro nung lalaking salesman kay Samantha ang elevator. Mag-isa siyang sumakay doon at nagpunta sa may third floor ng gusaling iyon.

Sa may third floor ang opisina ng Furniture.com. Bumungad kay Samantha ang mga cubicles ng mga staff na naroon. Isang receptionist naman ang kanyang nakita at napagtanungan.

"Hi Miss! I'm looking for Mr. Ryan Arcilla."

"Ma'am Samantha de Vera?" tanong ng babaeng receptionist.

"Yes." Samantha smiled.

"Diretso lang po kayo Ma'am. Yung office po ni Sir Ryan, sa may dulo tapos kaliwa."

Tumango si Samantha. "Okay. Thank you."

"You're welcome, Ma'am," sabi din ng receptionist.

Tinungo na ni Samantha ang itinuro nitong direksyon. Kaagad naman niya nakita ang opisina ni Ryan. Pero bago siya pumasok ay may sumalubong muna sa kanyang isang babae.

"Yes, Ma'am?" tanong nito sa kanya.

"I'm here to see Ryan. I'm Samantha de Vera."

"Ah, opo. Dito po tayo Ma'am."

Sinamahan siya ng babae sa may opisina ni Ryan.

"Sir, nandito na po si Ms. Samantha," anang babae.

"Sam!" Ryan stood up and went to her. Niyakap siya nito bilang pagbati.

"Grabe, ha? Ano ito?"

Iginala ni Samantha ang mata sa buong paligid.

"Katas ng paghihirap namin ni Kenneth. Oh, by the way. Halika sa office niya."

Iginiya siya ni Ryan palabas ng opisina nito. Bago tuluyang pumunta kay Kenneth ay nagbilin muna ito sa secretary.

"Grace, paki-ready naman ng snacks for Ms. de Vera tsaka sa amin na rin ni Kenneth," anito. Pagkatapos ay muli niyang hinarap si Samantha. "Coffee? Tea? What do you like?"

"Whatever you have," ang sabi naman ni Samantha.

Muling humarap si Ryan sa secretary, wari'y magbibilin. Wala naman itong masabi. Nakanganga lang ang bibig nito na parang nag-a-attempt na magsabi pero wala namang masabi.

"Bahala ka na nga!" in the end ay wika nito sa secretary.

Bahagyang natawa si Grace. "Sige po."

Nagtungo sina Samantha at Ryan sa opisina ni Kenneth. Bago tuluyang pumasok ay kinausap muna nila ang secretary ni Kenneth.

"Is Kenneth here?" tanong ni Ryan dito. "By the way, Sam. This is Kenneth's secretary, Grace. As in like my secretary. They are both Grace."

Natawa si Grace sa sinabi nito. "Pwede rin pong Ara, Ma'am."

Napangiti na rin si Samantha. "Hi Grace Ara!"

Grace smiled. "Hello po, Ma'am. Nandiyan po sa loob si Sir Kenneth."

Finally, ay pumasok na sina Samantha at Ryan sa opisina ni Kenneth. Nagulat pa ito nang makita sila ni Ryan sa may pintuan ng opisina nito.

"Surprise!" ani Ryan sa kaibigan.

Napatayo naman si Kenneth. "Sam!"

Pumasok na si Ryan sa loob ng opisina. Sumunod na rin si Samantha sa kanya.

"Hi Kenneth!" bati ni Samantha sa kanya.

"H-Hello…" Medyo shocked pa rin si Kenneth. Ilang sandali rin itong nakatitig lang kay Samantha. "H-Have a seat."

Naupo si Samantha at si Ryan sa magkabilang silya sa harapan ng mesa ni Kenneth. Naupo na rin ito sa executive chair nito pagkatapos.

"Uhm… you want anything?" tanong ni Kenneth kay Samantha.

"Okay na, P're. Nautusan ko na si Grace... Grace ko," ang sabi naman ni Kenneth.

"Hindi ba kayo nalilito? Parehong Grace ang mga sekretarya ninyo?" tanong ni Samantha sa dalawa.

"Si Ara, Ara naman talaga ang tawag namin sa kanya," sagot ni Kenneth. "Si Ryan lang naman ang tumatawag na Grace doon."

"It's because my mom's name is Grace. I mean, my real mother," ang sabi naman ni Ryan.

Hindi na nakasagot pa ang dalawa. Alam naman nila kung gaano kasensitibo ang usaping iyon tungkol sa pamilya ni Ryan.

"So… napadalaw ka?" tanong ni Kenneth kay Samantha.

"Actually, our friend here asked me to visit," sagot ni Samantha sabay tingin kay Ryan.

"Well, I've been thinking… about me and Jhing…" Ryan said.

Nagliwanag ang mukha nina Kenneth at Samantha.

"You want her back," pagtatapos ni Kenneth sa sasabihin sana ni Ryan.

Tumango naman ang lalaki. "And you said you'll help me."

"Of course!" ani Kenneth na tuwang-tuwa sa narinig. "Anything you need, P're."

Kay Samantha naman tumingin si Ryan.

"I told you, I'm in," ang sabi naman ni Samantha.

Parang nakahinga ng maluwag si Ryan. "Oh! Thank you. Mga totoong kaibigan talaga kayo."

"You finally came to your sense, huh?" Kenneth said to Ryan, teasing him.

"Oo na! Huwag mo nang masyadong anuhin at nahihiya na nga ako," ang sabi naman ni Ryan.

"Nahihiya ka sa feelings mo for Jhing?" tanong naman ni Samantha.

"Hindi naman sa ganoon," Ryan answered. "Nahihiya lang ako kasi I messed up before, tapos heto ako ngayon, babalik-balik sa kanya. Ang kapal lang ng mukha, hindi ba?"

"Okay lang iyan, P're," ani Kenneth. "At least aminado ka na nagkamali ka noon."

"But, do you think she will accept me again?" tanong ni Ryan kay Kenneth. "Ang gago ko kasi, eh."

"Baka naman pwede pa," ani Samantha. "Just explain to her your side. Mabait naman si Jhing. Makikinig iyon sa iyo, for sure. Hindi ko nga lang sigurado kung patatawarin ka niya kasi hindi ko naman alam kung ano yung ginawa mo noon sa kanya."

"Huwag na nating pag-usapan," ani Ryan. "But I think just the thought of us talking is already a turn off for her. Malamang hindi iyon pumayag na kausapin ako ng ganun-ganoon lang."

"Hindi mo pa naman sinubukan," ani Kenneth. "Malay mo naman pumayag."

"I wish we could be in a place na hindi siya pwedeng makaalis na lang kaagad-agad," ani Ryan. "Alam mo iyon? Iyong wala siyang choice kundi ang kausapin ako, or at least makinig sa akin."

"What are you saying?" tanong ni Samantha. "Like, put her in an island na kayong dalawa lang ang tao?"

"Well, pwede rin," sang-ayon in Ryan.

"Then, I've got the perfect place," Samantha said.

Napatingin sa kanya ang dalawa.

"Ako na ang bahala. Ako na rin ang magko-convince kay Jhing na sumama," ang sabi pa ni Samantha.

"O, iyon naman pala," ani Kenneth. "Wala ka naman palang dapat alalahanin pa."

"Akala ko ba tutulungan mo rin ako?" tanong naman ni Ryan kay Kenneth.

"Moral support," ang sabi naman ni Kenneth.

Natawa si Samantha sa biruan ng dalawa.

"Wow! Bakit bigla akong kinabahan?" ani Ryan.

Tinapik ni Kenneth ang balikat niya. "Kaya mo iyan, P're. Ang importante, magkabalikan kayo ni Jhing. Hindi ka naman namin pababayaan."

"Tama iyon," ani Samantha.

"Thanks, Sam. You really are a true friend. Hindi tulad ng isa dito," ani Ryan.

"Grabe ka naman! Ako na nga ang magko-cover sa iyo dito sa office," ani Kenneth.

"No! Hindi pwede, Ken. Dapat andun ka rin. Moral support nga, 'di ba?" ani Ryan.

"Eh paano nga kayo magkakasarilinan ni Jhing?"

"Basta! Dapat andun ka… kayo ni Sam. Baka mamaya mamatay ako sa nerbiyos."

"Tama si Ryan," ang sabi naman ni Samantha. "Naisip ko kasi, kasama tayo para kunwari treat ko iyon sa mga high school friends ko. Pero Ryan, babayaran mo ako, ha?"

"Ang yaman-yaman mong tao, ang kuripot mo," ang sabi ni Ryan.

"O sige na, ako na ang bahala sa gastos para naman hindi mo sabihin na wala akong silbi," ani Kenneth.

"Talaga?" tanong ni Ryan dito.

"Oo na nga. Huwag mo nang pagdudahan ang friendship natin," ani Kenneth.

Sa halip na magsalita ay pinuntahan ni Ryan si Kenneth saka niyakap ito.

"O! Huwag nang mangyayakap!" Pilit lumayo si Kenneth kay Ryan.

"Thankful lang ako," ani Ryan. "Don't worry. After nito, babawi ako sa inyo. Kahit anong maging resulta nito, basta babawi ako."

"You still owe me lots of storytelling," ang sabi naman ni Samantha.

"Ilista mo muna," ang sabi naman ni Ryan. "Magsa-strategize muna ako."

Samantha smiled. Saka niya sinimulang ilahad sa dalawa ang magiging plano nila para kay Ryan at Jenneth.