Jenneth is doing her paperwork when Samantha and Darlene arrived at lab. Nagulat pa ito nang makita ang dalawa na papasok sa kanyang opisina.
"Sam…" ang tanging nasabi nito.
"Hi!" bati ni Samantha dito. "Nakikibisita."
"Hello, Tita Jhing!" ang sabi naman ni Darlene sabay lapit dito. Nagmano ito pagkatapos.
"Hi!" Jenneth smiled. "Mabuti naman at nadalaw kayo dito."
"Darlene wanted to see the Lab, as you promised her," Samantha said.
"Pwede po ba, Tita Jhing?" tanong ni Darlene. "Hindi naman po ako gagalaw. Titingin lang po ako."
"Of course," Jhing said.
Inilibot ni Jenneth ang dalawa sa buong laboratory ng TGH. Pinahiram pa niya ang mga ito ng lab gown at slippers at binigyan ng face mask. Naaliw naman si Darlene sa mga nakita, at medyo nandiri na rin nang makita ang ilang mga specimen na sinusuri nila sa laboratoryo.
Pagkatapos maglibot ay sinamahan naman ni Jenneth ang dalawa sa opisina ng chief pathologist nila na si Dr. Victor de Villa.
"Lene, this is my Ninong, si Dr. Victor de Villa," pakilala ni Samantha sa matandang pathologist.
"Good morning po, Doc," bati ni Darlene dito. Nagmano din siya dito kagaya kanina.
"Aba! Ang bait naman ng batang ito," ani Dr. de Villa na naaliw kay Darlene.
"Anak po siya ng kaibigan namin ni Jhing," ani Samantha. "Na-curious daw po kung ano ang laboratory, kaya nilibot namin siya kanina."
"Ah! At nagustuhan mo ba ang mga nakita mo?" tanong ni Dr. de Villa kay Darlene.
"Opo," sagot nito. "Ang ganda po pala dito. Tapos nakita ko po iyong mga dugo na tine-test nila. Para pong iyong kinuha sa akin noong na-dengue ako."
"Na-dengue ka?" tanong ni Dr. de Villa.
"Opo," sagot ni Darlene. "Tapos kinuhanan po ako ng maraming dugo kasi daw para malaman nila kung gumagaling ako."
Napangiti si Dr. de Villa. Natutuwa naman si Samantha na naaaliw ang kanyang ninong kay Darlene.
"O, pero magaling ka na ngayon," ani Dr. de Villa.
"Ginamot po ako ni Tita Sam," ani Darlene.
"Ah, oo! Magaling nga iyang si Sam. Alam mo ba na sa Harvard siya nag-aral ng Medicine?"
"Saan po iyong Harvard?"
"Sa America iyon," sagot ni Dr. de Villa kay Darlene. "Magandang school iyon. Maraming gustong pumasok doon kaya lang hindi makapasok kasi mahirap. Puro kasi magagaling lang ang nakakapasok doon. Itong Tita Sam mo, scholar siya doon."
"Oo nga daw po, Lolo," ani Darlene. "Ay! Pwede ko po ba kayong tawaging 'Lolo'?"
Natawa si Dr. de Villa. "Oh, eh matanda naman na ako kaya sige, tawagin mo na lang akong Lolo."
"Alam mo Lene, maraming chocolates iyang si Ninong dito sa office niya," ang sabi naman ni Samantha.
"Talaga po?" Nagningning ang mga mata ni Darlene sa narinig.
"Oo, pero bawal daw sa na-dengue iyong chocolates," biro naman ni Dr. de Villa dito.
"Ay…" Napasimangot tuloy si Darlene.
Na ikinatuwa naman ng matandang pathologist.
"Joke lang iyon ni Ninong," natatawang wika ni Samantha.
Binuksan naman ni Dr. de Villa ang drawer niya at kumuha ng tsokolate. Ibinigay niya iyon kay Darlene.
"Thank you po!" Tuwang-tuwang binuksan ni Darlene ang tsokolate. "Gusto n'yo po, Tita Jhing, Tita Sam?"
"I'm good," tanggi ni Samantha.
"Sa'yo na lang iyan, Lene," ang sabi naman ni Jenneth.
"Siya nga pala, Ninong. Free po ba yung rest house ninyo sa may Subic?" tanong ni Samantha kay Dr. de Villa.
"Kailan ba?" ganting tanong ni Dr. de Villa.
"After New Year po."
"Wala namang naka-schedule, so far," ani Dr. de Villa. "Wala pa namang nagpapakasal sa ngayon."
Samantha smiled. "Iyon pa rin ba ang regalo ninyo sa mga inaanakan ninyo sa kasal?"
"Sa tingin ko naman, iyon lang ang dahilan nila kaya nila ako kinukuhang ninong sa kasal," ani Dr. de Villa.
Natawa si Samantha sa sinabi nito.
"Alam mo ba na pambansang ninong sa kasal dito sa hospital si Ninong?" tanong ni Samantha kay Jenneth.
Umiling si Jenneth.
"Bago ka pa kasi," ani Samantha. "Lahat ng mga nagpapakasal dito na kilala ni Ninong, kinukuha siyang magninong sa kasal. Tapos yung laging gift ni Ninong, free accommodation sa rest house nila sa Subic."
"Kahit ilang araw?" tanong ni Jenneth.
"Oo, walang limit. 'Di ba, Nong?"
"Sky is the limit," ani Dr. de Villa. "Bakit, magpapakasal ka na?"
Samantha was caught off guard. "Hindi! Hindi po!"
Halos mag-panic siya sa pagsagot. Bigla tuloy siyang nahiya na parang OA naman iyong pag-arte niya. Maging sina Jenneth at Darlene ay napatingin sa kanya. Defensive nga naman kasi masyado iyong reaction niya.
"Akala ko kailangan ko nang mag-ready ng americana," ani Dr. de Villa.
"Ninong kayo?" tanong ni Samantha.
"Aba siyempre! Hindi mo ako kukunin?"
Napangiti si Samantha. "Siyempre kukunin. Pero, that's not the reason why I want to borrow your rest house. Gusto ko kasing i-treat yung mga friends ko kasi nung birthday ko, hindi ko man lang sila masyadong nakasama."
"Ang dami kasing tao doon sa birthday mo," ani Dr. de Villa. "Si Helen talaga, kapag naghahanda gusto pakainin ang buong ospital."
Natawa silang lahat sa sinabi ni Dr. de Villa, maliban kay Darlene na bukod sa abala sa pagkain ng tsokolate ay hindi naman talaga nakikiusyoso sa usapan ng mga matatanda.
"Kaya nga, Nong. After New Year sana," ani Samantha.
"Sige. Ilang araw ba?"
"Mga four days sana."
"Sige. Basta sabihan mo ako para mabigay ko iyong susi. Alam mo pa naman kung paano magpunta doon, di ba?"
Napangiwi si Samantha. "It's in Waze, right?"
"Bigyan kita ng mapa," ang sabi naman ni Dr. de Villa.
"Sama ka Jhing, ha?" ani Samantha dito.
"Ha?" Hindi malaman ni Jenneth ang sasabihin.
"Friend din naman kita. Tsaka sina Kenneth lang naman ang kasama. Itong si Darlene, kasama din."
Hindi pa rin makasagot si Jenneth. Alam naman ni Samantha kung ano ang inaalala nito.
"Ryan will also come, pero okay lang naman, di ba? Past is past…"
Wala nang nagawa si Jenneth kundi ang tanggapin ang paanyaya ni Samantha. Nahihiya rin kasi siya lalo na at nandoon si Dr. de Villa.
"Sige…"
Samantha smiled. "Don't worry. Mag-eenjoy ka doon for sure."
"Maganda iyong beach doon," ani Dr. de Villa.
"Yeah," sang-ayon naman ni Samantha. "Beach front yung house, tapos meron ding swimming pool. Ang laki nga nung property n'yo dun, Ninong."
"Gusto mo iyon?"
Hindi makasagot si Samantha. Alam niya kasi kung saan patungo ang tanong na iyon ng matandang doktor.
"Regalo ko na lang sa'yo iyon kapag kinasal ka."
"Ninong…" Parang matutunaw ang puso ni Samantha sa sinabi nito.
"Kaya lang kapag may manghihiram noon para sa honeymoon, kailangan available."
Natawa si Samantha sa sinabi nito. Maging si Dr. de Villa ay napangiti rin.
"Thanks, Ninong. But for now, four days lang po ang hinihingi ko."
"Sige," ani Dr. de Villa.
And it's settled. Kailangan na lang i-finalize ni Samantha ang araw na pupunta sila doon. She looked at Darlene na enjoy pa rin sa tsokolate. Paghatid niya dito ay kakausapin niya ang tatay at ninong nito para maplantsa na nila ang plano.