Samantha stayed at Darlene's side even after itong mag-settle down sa magiging room nito. Kasama niya si Aling Marie at iyong houseboy naman na si Dino ay sumaglit muna sa bahay nila upang kumuha ng pagkain at mga kailangan ng maglola sa confinement na iyon ni Darlene.
"Sam, pwede bang maiwan na muna kita dito?" tanong ni Aling Marie. "Ang totoo niyan kasi ay hindi pa ako nakakakain magbuhat kanina. Nang malaman kong may sakit si Darlene ay hindi na ako nakapag-almusal sa sobrang pag-aalala ko. Hanggang sa isugod na nga namin siya dito sa ospital."
"Ay, sige po Tita. Bumili na po muna kayo. Ang alam ko marami na ring concessionaire diyan sa baba."
"Oo nga. Bibili na muna ako, ha? May gusto ka bang ipabili?"
Umiling siya. "Wala po."
"O sige. Saglit lang ako."
Lumabas na ng silid si Aling Marie. Naiwan si Sam sa loob kasama ang natutulog pa ring si Darlene.
Pinagmasdan ni Samantha ang kanyang pasyente. She's still weak and sleeping. Gusto sana niyang makausap na ito, malaman ang nararamdaman nito para mas mabigyan niya ito ng lunas. Bukod pa doon, gusto niyang makakwentuhan ito. The little girl looks like an angel. No wonder, kamukha kasi nito ang nanay niya. Kristine is the most beautiful woman that Samantha has ever met. Too bad, she died very young.
Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang bumukas ang pintuan ng hospital room ni Darlene. Napatingin siya doon, at kaagad nagtama ang paningin niya at ng lalaking unang pumasok sa loob ng silid. Saglit silang nagtitigan, wari'y pareho nilang hindi inaasahang makita ang isa't isa. Though halatang mas nagulat iyong lalaking kapapasok pa lamang.
Samantha smiled. "You're gaping at me."
"Sam?" Sobrang shocked yata ang lalaki at iyon lamang ang kaya nitong sabihin.
"Hey... Ryan…"
Ryan smiled. Parang teary eyed pa nga ito nang lumapit ito sa kanya at bigla na lamang siya nitong yakapin. "Sam..."
"Hey... I'm glad to see you, too." She smiled at him.
"You're back!"
"For a vacation," pagtatama niya. Akala yata nito for life na siya dito.
"Well, at least you're back." Ryan looked relieved.
Tumango si Samantha. Saka nito napansin iyong babaeng kasunod na dumating ni Ryan. Nginitian siya nito, at pilit niyang inalala kung sino nga ba ang babaeng iyon.
"Hindi mo na yata ako natatandaan," said the smiling woman.
Samantha smiled, too, as she remembers who the woman is. "Of course, I do. Jenneth!" Nilapitan niya ito at niyakap.
"Nice to see you again, Ma'am Sam."
"Hey! Sam na lang," aniya. "Hindi na kita trainee, ano. Matagal na ang COCC na iyan. Pantay na lang tayo ngayon."
Jenneth smiled. "Idol pa rin kita."
"Grabe, ha? Super flattering naman iyan." Bigla siyang may naalala. "Wait, magkasama ba kayong dalawa?"
"Nagkita lang kami doon sa lobby," ani Ryan.
Samantha looked at Jenneth teasingly. The latter blushed and it made Samantha giggled.
"You look great, Girl," aniya dito. "Ryan, ang ganda ni Jhing, 'di ba?"
Ryan seems to be caught off guard with what she said. Si Jenneth naman ay lalo yatang namula dahil doon.
"Idol ka daw niya, eh," ang sabi naman ni Ryan.
"You could have just said yes," aniya.
Ryan scowled, and it made her laugh.
"Kumusta na si Darlene?" tanong na lamang ni Jenneth.
"Actually, hindi ko pa siya nakakausap," sagot niya. Medical doctor mode on. "I just diagnosed her based on the symptoms that she had and tests we did to her."
"Dengue daw? How low is her platelet count?" tanong ulit ni Jenneth.
"Not too low. It's 148. So far wala pa namang bleeding. She just has the usual influenza symptoms."
"She seems weak," ang sabi pa ni Jenneth na nakatingin sa natutulog na si Darlene.
"Her BP is 95 over 56, heart rate is 57 per minute. Her RBC is 4 and WBC is 4.2."
"Nag-positive siya sa NS1?"
"Yes. We also did typhidot and fortunately naman negative siya doon."
"Wait lang! Sandali, ha? Saglit lang," ani Ryan sa dalawa. "Alam ko kayong dalawa nagkakaintindihan. Huwag n'yo naman sanang kalimutan na nandito ako at medyo nahihilo na ako sa mga pinagsasasabi ninyong dalawa."
"Oh yeah, sorry," ani Samantha sa kaibigan. "What I meant is that Darlene has very low vitals. Vital stats."
"Vital statistics as in 36, 24, 36?"
"I'm referring to the vital signs. Loko-loko ka talaga! Ginawa mo pang beauty pageant."
"Sorry, ha? Arkitekto ako, hindi medical staff."
Oo nga naman. Mukhang masyado siyang nakampante kay Jenneth. "Okay, fine. Darlene's vital signs are weak. She has low BP than normal, slower heart rate. Her white blood and red blood cells count are low. Iyong platelets din niya which is what's critical to dengue. That's why she's very weak right now."
"Kawawa naman ang darling ko." Ryan looked at Darlene fondly.
Samantha's heart warmed at the sight of Ryan. Nabanggit na ni Aling Marie sa kanya na malapit nga daw si Ryan kay Darlene. Just like how she had imagined the three of them years ago. Samantha imagined that when they have their own families at may mga anak na sila, magiging malapit din ang mga ito sa kanilang magkakaibigan.
"Sana naman gumaling siya kaagad," ani Jenneth.
"'Di ba iyong dengue kailangang salinan ng dugo?" tanong ni Ryan.
"Kung may bleeding o nag-critical ang level ng platelet niya," sagot niya. "Siyempre ayaw naman nating umabot sa puntong iyon. Pero Jhing, I hope may stock tayo ng blood and platelet sa Lab if ever that happens. Darlene's type B+."
"Alam mong sa Lab ako nagtatrabaho?" Jenneth was surprised.
"Dr. De Villa is my Ninong, remember? At close kaming dalawa kagaya nitong si Darlene at Ryan. Pero, don't worry. Hindi rin niya alam na uuwi ako ngayon. Surprise kasi ito."
"Sino naman si Dr. De Villa?" tanong ni Ryan.
"Chief Pathologist sa lab," sagot ni Jenneth.
"Chief, so boss mo? Sa kanya ka nagpaalam kanina?"
Umiling si Jenneth. "Doon sa kasama ko na med tech."
"Ang bait ng boss mo," komento ni Ryan.
"He's not her boss," ani Samantha kay Ryan. "Iyong mga pathologist, hindi sila employees ng hospital. They are just there to read the lab results that the med techs examine. Chief kasi marami iyang mga iyan, at si Ninong ang pinaka-head nila. Technically, Jhing's boss is my brother... I think you're not aware that Jhing is the hospital's chief med tech?"
Ryan scowled. "Whatever that means..."
"It means that Jhing is the boss." Natutuwa si Samantha na ibida si Jenneth kay Ryan. Gusto niya kasing bigyan ng chance ang dating COCC trainee niya sa high shool crush nito.
Ryan seems impressed with what she said, pero hindi ito nagsalita pa.
"I'll check what we have at the Lab," ang sabi naman ni Jenneth. "If wala o magkulang, pwede naman tayong mag-request sa Red Cross. Mabuti na lang hindi na dengue season ngayon so wala na tayong gaanong pasyente na kailangan ng blood."
"Saan kaya nakuha ni Darlene iyon dengue?" tanong ni Ryan.
"Kailangan sigurong masabihan ang school nila. I'll talk to Stan Fontanilla about this para naman ma-check nila ang CPRU," ani Samantha.
That moment ay nagising na si Darlene. Si Ryan ang nabungaran nito.
"Hey..." Ryan smiled gently at her.
"N-Ninong..."
"Yes Darling. How are you feeling?"
"Daddy..."
Saglit na natigilan si Ryan. Lalo namang naawa si Samantha kay Darlene.
"We're calling him na, Ling. As soon as makuha niya ang messages namin tatawag din siya kaagad. Tsaka kaagad naman siyang uuwi kaya huwag mo na muna siyang alalahanin. Ang importante pagaling ka, ha? Siya nga pala. You remember Tita Jhing?"
Ryan looked at Jenneth and the latter moved closer to him.
"Hi Darlene," bati ni Jenneth sa pasyente.
Darlene just blinked at her. Maybe she's still too weak to even smile.
"And, Darlene, remember that friend that we talked about some time ago? Iyong friend namin ng daddy mo noong high school? Here she is now and she's your doctor."
Si Samantha naman ang lumapit kay Darlene. Like what she did to Jenneth, Darlene just blinked at her.
"Hi Darlene! I'm Dr. Sam. You can call me Tita Sam na lang," aniya. "I will be your doctor and I promise to take care of you."
Muli ay tinitigan lang siya ni Darlene. Pagkatapos noon ay muling pumikit ang bata at natulog ulit.
"She's not like that," nag-aalalang wika ni Ryan.
"She's still weak," ang sabi naman niya.
Hinawakan ni Jenneth ang kamay ni Darlene. "Ang taas pa rin ng lagnat niya."
"We're still monitoring her. After one hour ay kukunan ulit siya ng dugo at titignan nung nurse yung temp niya."
"Sana gumaling na siya," ani Ryan. "I miss our Darling already."
Samantha smiled. Nakakatuwa ang concern na ipinapakita ni Ryan sa inaanak. Nakakalungkot nga lang na sa ganoon sitwasyon niya ito namamalas.
"Kailangan ko nang umalis," bigla'y paalam ni Jenneth. "Babalik na lang ako ulit."
"Sasabay na ako sa'yo," aniya. "May kailangan pa akong gawin sa nursing station. Ryan?"
"Sige. Hintayin ko si Tita Marie."
Tumango si Samantha. Magkasabay silang lumabas ng hospital room ni Jenneth.
"I'm glad we met again, Jhing. Natuwa nga ako nang marinig ko from Ninong that you're the new chief med tech."
"The feeling is mutual," ang sabi naman ni Jenneth.
"You actually gave me that I-miss-high-school feeling. I think we should hang out more."
Jenneth smiled. "I-reminisce natin kung paano mo ako pinahirapan noong COCC traning ko?"
"Hoy, mabait ako sa'yo noon, ha!" Natawa siya sa biro nito.
"Oo nga. Ikaw ang isa sa mga iilang mababait na officers. Of course, si Colonel."
"Yeah..." She fondly remembered Kenneth as their batch's COCC colonel.
"And, well, Ryan."
She looked at Jenneth, and she had that impression that Jenneth was a bit shy at what she said.
"Kaya nga crush mo siya, 'di ba?" she teased. She can't help herself but bring that up.
"Noon iyon," Jenneth answered.
"How about now?" Bully mode on.
"I guess we're too old for crushes," Jenneth answered. "A lot has changed. Look at you now. Ibang-iba ka na doon sa Sam na nakilala ko 16 years ago. Ang tagal na, ano?"
Tumango siya. "Yeah... Sixteen years."
Nakarating na sila sa may nursing station.
"Paano? I guess I'll just see you around?" tanong ni Jenneth sa kanya.
"Yup. See you around."
Pumunta na sa may elevator si Jenneth at bumaba na pabalik sa Lab. Siya naman ay lumapit sa may nursing station.
"Excuse me. I'm Dr. Samantha de Vera."
Naguguluhang tinignan siya nung nurse na nandoon. Siguro kasi ay hindi naman siya nagpa-practice doon. First time nga kasi.
Mabuti na lang at nandoon iyong nurse ni Darlene.
"Doc, heto po iyong records ni Darlene." Ibinigay nito sa kanya ang isang metal plate kung saan nakaipit ang mga papeles ng pasyente nila. "Si Dr. de Vera iyan," ang sabi pa nito sa kasama.
Samantha smiled at the other nurse.
"Doc, dito na lang po kayo da loob magsulat," ang sabi pa nung nurse.
"Thanks." Tinignan niya ang pangalan nito. "Dinah."
Dinah smiled at her. Saka siya nito in-assist sa pag-fill up ng records ni Darlene.