Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 26 - Homecoming: Chapter 15

Chapter 26 - Homecoming: Chapter 15

One hundred twenty-one platelets per microliter. Thee point eight million red blood cells per microliter. Three point seven white blood cells per microliter.

Samantha sighed as she read Darlene's new complete blood count result. Bumaba pa lalo ang mga iyon. Pangalawang test pa lang iyong mula kaninang ma-admit ito at bumaba na kaagad ang bilang ng kanyang mga blood cells. Hindi magandang indikasyon iyon.

Kasama ang nurse ni Darlene ay nagpunta siya sa kwarto nito. Naabutan niya doon si Aling Marie at nandoon pa rin si Ryan.

"Nandito na pala ang maganda naming doktora," komento ni Ryan pagpasok niya.

Ngumiti lamang si Samantha. Dumiretso na siya sa pagsuri kay Darlene. Kinuhanan niya ito ng BP pati na rin ng heart rate. Katulad pa rin kanina. Pagkatapos ay chineck niya ang tulo ng dextrose nito at kinausap niya si Nurse Dinah tungkol sa medication ni Darlene.

"Kumusta na siya, Sam?" tanong sa kanya ni Aling Marie pagkatapos.

"Still not okay. Bumaba po ang platelet count niya, pati na rin ang red at white blood cell count. Hindi pa naman po critical, pero hindi po maganda kung patuloy itong bababa. Medyo bumaba na po ang temperature niya – 38 degrees – pero may possibility pa rin po na bumalik iyon lalo na't hindi pa rin po nawawala ang virus sa katawan niya."

"Saan ba kasi niya nakuha iyang dengue na iyan?" naiinis na tanong ni Ryan. "Eh wala naman iyang pinpuntahang iba. Sa bahay at school lang naman iyan lagi. Sa office, pumupunta siya, pero kung doon niya nakuha iyon eh di sana pati iyong mga empleyado namin na-infect na rin?"

"Kinausap ko na si Stan," ani Samantha. "COO na pala siya sa CPRU ngayon. Sabi niya titignan daw niya at baka doon nga nakuha ni Darlene iyong dengue."

"Sana naman masolusyunan iyan," ani Aling Marie. "Baka pati ibang estudyante magka-dengue din."

"Sana nga po."

Napatingin siya kay Darlene. She still seems weak. Katulad kanina ay natutulog pa rin ito.

"Nakausap n'yo na po si Kenneth?"

"Hindi pa nga," sagot ni Ryan. "Sinusubukan ko siyang tawagan, pero out of reach palagi. Naka-off siguro ang cellphone nun."

"Or baka walang signal," ani Samantha. Saka siya tumingin kay Aling Marie. "Alam po ba niya na may sakit si Darlene?"

"Ang alam niya, natanggal na kahapon," sagot ni Aling Marie. "Itong pagkakasakit niya ngayon hindi ko pa nasasabi kasi nga hindi namin siya ma-contact."

"Imposibleng wala pa siya sa resort. One hour lang ang flight papunta doon, kaya dapat naka-on na ang cellphone nun," ang sabi naman ni Ryan.

"Baka nga walang signal," ang sabi ulit ni Samantha.

"Hay! Bakit ba kasi ngayon pa nangyari ito?" Frustrated na naupo si Ryan sa visitor's chair.

"Hindi pa naman naging maganda ang paghihiwalay nila ni Darlene," ani Aling Marie. "Nagtatampo pa naman itong bata sa kanya. Wala naman kasi sa timing itong biyahe niya."

"Kasalanan kasi ng paa ko ito," ani Ryan na lalong nainis.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo," ani Aling Marie kay Ryan. "Hindi mo naman kasalanan. Ang totoo, medyo nagtatampo na talaga itong si Darlene sa daddy niya dahil puro trabaho na nga lang ang inatupag ni Kenneth. Ewan ko ba sa batang iyon. Mula noong mamatay si Kristine ay masyado nang workaholic. Iyong anak niya, napapabayaan na niya."

Hindi maiwasang maawa ni Samantha kay Darlene. Para kasing ito ang pinaka-nag-suffer sa pagkawala ng nanay nito. Nawalan na ito ng nanay, virtually ay parang nawalan na rin ito ng tatay. Laging wala si Kenneth at busy sa trabaho. Hindi tuloy nito maasikaso ang anak.

Pero hindi rin niya maiwasang maawa kay Kenneth. Alam niya kung bakit nagpapaka-subsob ito sa trabaho. It must have been very hard for him to lose Kristine. He loves her so much. It must have been devastating.

"I think she needs Kenneth," aniya na ang tinutukoy ay si Darlene. "Hangga't hindi niya nakikita si Kenneth, tingin ko hindi bubuti ang kalagayan niya."

"Sa makalawa pa ang flight ni Kenneth pabalik," ang sabi naman ni Ryan.

"Then I guess I have to keep her alive until then."

Dahil sa sinabi niya ay nag-alala sina Aling Marie at Ryan. Pero ano nga ba ang sasabihin niya? Darlene's lab exams are dropping by the minute. Kung magtutuloy-tuloy ito, she might be at her worst after two days. Baka sobrang hinang-hina na ito pagdating ni Kenneth.

Pero hindi papayag si Samantha doon. She did not graduate from Harvard Med School with flying colors for nothing. Gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para mapagaling si Darlene, kahit pa nga wala ang nag-iisang taong kailangan nito upang gumaling ito.

************************************************

Pagkatapos mag-lunch ay inumpisahan kaagad ni Kenneth ang pagpi-present kay Mr. George Evans ng kanilang mga produkto. Kasama nila ang resort manager na si Eduard sa meeting nila sa conference room ng resort. Bukod sa powerpoint presentation ay meron din siyang ibinigay na catalogue sa dalawang lalaki para pagpilian nila.

"I like all your designs," ang sabi ni Mr. Evans. "There are some that I think would look good in the villas. I actually picked some already, if I could show you."

"Oh sure." Lumapit siya kay Mr. Evans upang makita ang catalogue na hawak nito. Nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito upang i-silent sana. Pero napakunot ang noo niya nang mabasa ang message preview mula kay Ryan.

Ken call me as soon as you see this.

At sunod-sunod ang dating ng messages at missed call notification mula kay Ryan, sa nanay niya at maging sa kanilang mga kasambahay. Kinabahan siyang bigla.

"Uhm, can I excuse myself for a while?"

"Sure," ani Mr. Evans. "You need to call someone?"

"Yeah… They want me to call back home. I just received the messages. Your signal here is kind of weak."

"It sucks, actually," ani Mr. Evans. "It comes and goes. I asked the telco companies to fix it but still, it fails most of the time. Kind of need to get a good timing with it. Go ahead, do your thing."

"Thanks, George."

Lumabas ng conference room si Kenneth. Luckily ay maayos naman ang signal kaya naka-connect siya ng tawag. Kay Ryan siya tumawag. Kung may emergency man sa bahay ay baka maatake ang nanay niya sa pagkukwento pa lang. Bigla niyang naalala ang anak at lalo siyang kinabahan.

"Hello…" Medyo mahina ang dating ng boses ni Ryan, pero pwede na rin.

"Ryan! What's up?"

"Ken, si Darlene."

At iyon na nga iyong kaba niya. Nag-triple pa yata iyon pagkarinig pa lamang ng pangalan ng anak.

"What happened?"

"She has dengue."

Napasandal siya sa pader sa may likuran niya. Nagpaliwanag si Ryan pero naging choppy na ang linya nito.

"She's at… pital. Na-ad… kani… aga…"

"I can't understand you, Ry. The line's choppy."

"She's…"

Hindi na niya maintindihan pa ang sinasabi ni Ryan. Bukod sa mahinang signal ay dahil din yata iyon sa kabang nararamdaman niya. Sobrang nag-aalala siya sa kalagayan ng anak.

"Ry! Ry, listen! I'll find a way to go back as soon as possible. Just… take care of Darlene."

"I will."

Pinatay na niya ang linya. Para siyang maiiyak dahil sa sobrang pag-aalala. Dengue? Ang alam niya ay napaka-delikadong sakit noon. Napakaraming casualties ang nababalitaan niya sa mga balita sa t.v. dahil sa sakit na iyon. At ngayon ay may ganoong sakit ang anak niya.

Dali-dali siyang bumalik sa loob ng conference room. Kailangan niyang makauwi sa anak niya even if it means losing this account. Mas mahalaga pa rin ang buhay ng anak niya kaysa sa kung anumang klliyente.

"Mr. Evans, I'm sorry but I have to go home now."

"Is something wrong?" tanong ng Amerikano.

"My daughter is very sick. She has dengue."

Maging ang dalawang lalaki ay nabahala sa narinig.

"My friend said… Well, I think he kind of said because the line is choppy. He said she needs me, and I need to see her. I'm really very sorry. I know we've rescheduled this meeting a lot of times. I understand if you want to cancel our deal. I know we have been very unprofessional."

"You know, I also kind of got a hard time with the permits for the villas. It's not just your fault that everything was delayed."

Natigilan siya sa narinig.

"I understand your concerns. I also have a son. He's living with his mother in California. We are divorced. It's a long story. Maybe we could talk about it next time, on our next meeting." Mr. Evans smiled.

"Thank you George." Sobrang nakahinga siya ng maluwag sa narinig.

"We're not cancelling our deal. There are a lot of your items that I liked. And I like you, too. So easy to talk to. So I'll just send you the designs and maybe we could communicate through emails."

"Yes, of course. And, maybe if you'll like, you could go to our shop so that you could personally see the samples of the furniture you picked."

"That is a good idea. I will definitely consider that."

"Thank you again, George." Kahit yata paulit-ulit siyang magpasalamat dito ay gagawin niya dahil sa kabaitan ng Amerikanong ito.

"It's okay. When your daughter has recovered, maybe you could take her here. She'll definitely love it here."

"I'm actually thinking of doing that."

"Kenneth, but how could you go back home?" tanong naman ni Eduard. "Your flight is still on the day after tomorrow."

Oo nga naman. Ang flight na kinuha niya ay iyong na-cancel lang na flight ni Ryan dahil nga hindi na ito makakaalis. Wala na rin kasing bakanteng flight dahil nga peak season din noon.

"I have a yacht."

Napatingin siya kay George.

"But of course, it would take you longer. Ten hours to Batangas port. And I guess you have to travel more by land to get to Tarlac."

"I think it's six hours," ani Eduard. "But it's better than just waiting for two more days."

"Thank you." Maging kay Eduard ay nagpasalamat siya.

"You're welcome, Kenneth. Eduard, call the captain so that they could prepare the yacht."

"I'm on it, Sir." Tinawagan na nga ni Eduard ang kapitan ng yate para maihanda na ito.

"And Kenneth, maybe you want to wrap things up here so that you could get your stuff and prepare for your trip back home."

"Yes." Inayos na ni Kenneth ang ilang mga detalye at tinapos na ang kanilang meeting sa araw na iyon.