Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 25 - Homecoming: Chapter 14

Chapter 25 - Homecoming: Chapter 14

Safe namang nakalapag ang eroplanong sinasakyan ni Kenneth sa Kalibo, Aklan. Wala na kasi siyang makuhang flight diretsong Caticlan kaya nagtiyaga na lamang siya sa nakuha niyang round trip sa Kalibo Airport. Mula naman doon ay susunduin siya ng service ng kliyente nila papuntang Caticlan Jetty Port.

Paglabas niya ng Departure Area ay nakita niya kaagad ang isang lalaking may dalang karatula kung saan nakasulat ang kanyang pangalan. Nasa early forties ang lalaki at naka-asul na polo barong ito. Nilapitan niya ito at saka siya nagpakilala.

"Kenneth Oliveros po."

"Ay Sir, dito po. Ako na po diyan." Kinuha nito ang dala niyang travelling bag.

Sumunod siya sa lalaki. Inihatid siya nito sa isang van sa may labas ng airport.

"Ako po si Juan. Driver po ako ng Sapphire. Ako po ang sumusundo sa mga customer namin at nagdadala sa kanila sa may Port. Ihahatid ko po kayo doon tapos may yate po na magdadala sa inyo sa may resort."

"Maraming salamat po, Mang Juan. Lahat po ba ng mga customer ninyo sumasakay sa yate?"

"Iyong iba lang po," sagot ni Mang Juan. "Depende po sa inavail nilang service ng resort. Iyong iba kasi sumasakay sila ng mga bangka. Iyon pong mga ferry papuntang Boracay. Tapos nagko-commute na lang po sila papunta sa resort. Kapag po kasi nagpasundo kayo sa amin diretso na iyong yate sa may resort mismo."

"Kasama po iyon sa accommodation namin sa resort?"

"Opo. Bale additional charge po iyon."

Halos dalawang oras ang tinagal ng biyahe nila. Siya lang ang pasahero ni Mang Juan noon. Special trip daw kasi dahil special guest din siya ng resort. Kaya naman nakapagkwentuhan silang dalawa habang nasa biyahe.

Nalaman niya na sa Aklan na pala nakatira si Mang Juan. Doon rin nakatira ang pamilya nito. Dati ay sa isang factory ito nagtatrabaho. Nang makatapos ang panganay nito ay lumipat na ito ng trabaho dahil medyo nahihirapan na ito dahil na rin sa edad. Nag-apply ito sa katatayo pa lamang noon na Sapphire Beach Resort at natanggap naman bilang driver.

"Kayo po Sir? Ang sabi po ng boss ko, supplier daw po kayo ng furniture?"

"Opo," sagot niya sa tanong ng driver. "Bale kami po ang magsu-supply nung mga furniture sa bagong tayong villas ng Sapphire. Taga-Tarlac po ako."

"Ang layo pa pala ng pinanggalingan ninyo. First time n'yo po ba sa Boracay?"

"Nakapunta na po ako dito minsan. Kasama ko iyong wife ko. Three years ago po yata iyon. Sa kabilang resort po kami nag-check in. Medyo puno po kasi iyong mga resort noon. Ang hirap makahanap ng slot."

"Ganoon po talaga kapag summer dito. Kapag ganoon po ang dami naming pasahero. Nakakapagod din kasi ilang beses ka babiyahe. Pero nakakatuwa din po. Iyong iba pong guest may tip pang ibinibigay, lalo na iyong mga foreigners. Dagdag kita din po sa amin."

Napangiti siya sa sinabi nito. At nagpatuloy pa sila sa pagkukwentuhan. Mostly ay tungkol sa Sapphire at sa Boracay na mismo. At pagkatapos nga ng halos dalawang oras ay nakarating na sila sa Caticlan Jetty Port. Isang lalaki namang halos kaedad niya ang sumalubong sa kanya. Naka-polo ito at slacks na parang uniform sa Sapphire Beach Resort.

"Mr. Kenneth Oliveros?"

"Kenneth na lang." Kinamayan niya ito.

"Kenneth. I'm Eduard, the resort manager. Ako po ang maghahatid sa inyo papunta sa Sapphire. Mang Juan, okay na po. Ako na po ang bahala."

"Sige Sir," ani Mang Juan kay Eduard. Nagpaalam na ito kay Kenneth at saka bumalik na sa van na sinakyan nila kanina.

"Sir, dito na po tayo sa yacht."

Sinundan ni Kenneth si Eduard. Namangha si Kenneth sa kabuuan ng yate. Kumpleto ito sa kagamitan at parang napakasarap mag-stay doon habang nagku-cruise sa napakagandang karagatan.

"Sa paghatid lang ba ng guest ninyo ginagamit itong yate? Parang sobrang ganda naman nito," komento niya.

"Actually, kay Mr. Evans itong yate," ani Eduard.

"Mr. Evans? Iyong owner nung resort?"

"Yup. Personal yacht po niya ito. Ginagamit po niya ito sa pagpunta sa resort at pagbalik sa mainland. Doon kasi siya nakatira," sagot ni Eduard.

"Nakaka-flatter naman na ito pa talaga ang pinagamit sa akin ni Mr. Evans." Feeling tuloy ni Kenneth ay napaka-special niyang guest.

"Ganoon po talaga si Mr. Evans. Mabait tsaka maasikaso lalo na sa mga special guest ng resort."

"Hindi naman ako guest," aniya.

"Special supplier?"

He smiled at Eduard's question.

After ten minutes ay dumaong na ang yate sa baybayin malapit sa Sapphire Resort. Ilang metro mula sa daungan ay hinihintay sila ng isang Amerikanong lalaki na nasa early forties at may natural blond hair. Ipinakilala sila ni Eduard sa isa't isa.

"Kenneth, this is Mr. George Evans, the owner of Sapphire Beach Resort. Sir, this is Mr. Kenneth Oliveros from Furniture.com."

"Welcome to Sapphire, Kenneth." Kinamayan siya ni George. "A very good place to be."

Kenneth smiled. "Thank you, Mr. Evans. That's a very good slogan you have there."

"Ah! I'm glad you liked it. How was your trip?"

"It's pretty good. You have a very beautiful yacht."

"Beatriz. That's her name."

Tumango siya. At may pangalan pa talaga ang yate nito.

"I'm glad you liked it and that you were comfortable. Let's go to the hotel?"

"Sure."

Isang staff ang kumuha ng travelling bag niya. Kasama sina George at Eduard ay tumuloy na siya sa may hotel. Ang Sapphire Beach Resort ay may four storey hotel kung saan nagsi-stay ang mga guests nila. Sa may beach ay may mga bagong tayong villa at iyon ang susuplayan nila ng furniture.

"We have prepared a room for you. You can go there and rest and then after lunch, maybe we could talk?" ani George sa kanya.

"Of course! And, thanks for accommodating me."

"Oh, it's okay. That's what we do here, accommodate the guests or anyone who wants to relax."

"But, I'm not your guest."

"You are! Of course you are a supplier, but I want you to feel the ambience here in the resort – how the guests feels and what they experience – so that you could give us more appropriate furniture for the mood that we want to achieve here in the resort."

May point nga naman ito. Kailangan niyang madama mismo ang ambience ng lugar para maibagay niya doon ang mga furniture na ibibenta niya sa mga ito.

"Eduard will take you to your room. And don't worry. This is an all-expense-paid stay. So, just enjoy!"

Parang naka-jackpot si Kenneth sa isang raffle at free vacation package ang premyong napanalunan niya. Todo asikaso pa ang mga staff sa kanya at inihatid pa siya mismo ng resort manager sa magiging kuwarto niya.

"Here's your room," ani Eduard nang makapasok na sila sa loob ng hotel room ni Kenneth. "And here's your key."

Kinuha ni Kenneth ang key card mula kay Eduard. "Salamat."

"Maiwan ka na muna namin para makapagkahinga ka. Kung may kailangan ka, tawag ka lang sa room service. Alam naman nila ang tungkol sa iyo kaya madali ka nilang maa-assist."

"Salamat, Eduard."

"You're welcome. Sige."

Iniwan na siya ni Eduard pati na rin iyong staff na nagdala ng bag niya kanina. Saka lang niya napagmasdan ang magiging silid niya sa dalawang araw niyang pananatili doon. Napangiti siya sa kanyang nakita. Napaka-cozy and relaxing ng dating ng earth tones themed hotel room. May mga fresh birds of paradise pa sa isang vase sa may mesa sa isang sulok ng silid.

Pumunta siya sa may balkonahe kung saan matatanaw ang magandang beach ng resort. Nasa third floor ang room niya pero maganda pa rin ang view na nakikita niya. Bigla niyang naalala ang kanyang anak na si Darlene. Nangako siya na dadalhin niya dito ang anak kapag nagkaroon sila ng pagkakataon. Probably, this coming summer?

Speaking of anak, naalala niyang bigla ang cellphone niya. Gusto kasi niya sanang tumawag sa bahay pero drained pala ang battery ng kanyang cellphone. Kinuha niya ang telepono niya mula sa backpack na dala bukod pa sa travelling bag niya. Saka niya kinuha ang charger.

Sa may paanang bahagi ng kama ay may t.v. set at doon ay may available plug para sa gadget na gustong i-charge. Doon niya isinaksak ang charger ng cellphone niya. Sa sobrang drain ng kanyang space grey iPhone 6 ay isang pulang linya lang ang lumitaw sa battery nito. Iniwan muna niya ito sa tabi ng t.v.

Muli niyang tinignan ang buong silid niya. Pumasok din siya sa may banyo at tinignan din ito. Pagkatapos ay nagpalit siya ng damit at nagpasyang maglibot-libot sa buong resort. Gusto niyang makita ang kabuuan ng resort para malaman niya kung paano niya ipe-present ang mga produktong kanyang ibibenta kay Mr. Evans. Meron na silang nakahandang presentation, pero may oras pa naman para i-edit iyon at iakma iyon sa buong ambience at image ng Sapphire.

Sobrang nagandahan siya sa nakita. The beach is perfect. The sea is beautifully blue, probably the reason why they named the resort Sapphire. Pagtanaw sa hotel mula sa beach ay makikita ang mga puno sa background nito. Alam niyang may mga swimming pools din sa likuran ng hotel at iyon ang sinunod niyang puntahan.

Doon niya nakita si Eduard.

"Hi Kenneth! Naglilibot ka na?" tanong nito sa kanya.

"Oo. Gusto kong makita ang buong resort para naman maiakma ko iyong peresentation ko mamaya sa image ng Sapphire."

"Ang sabi nga ng boss namin, it's a very good place to be."

Napangiti siya. "Oo nga. Ang ganda nga dito. Parang gusto ko ngang dalhin dito iyong anak ko minsan."

"Bakit hindi? I'm sure magugustuhan niya dito. Marami kaming amenities dito na siguradong magugustuhan niya. Pati na rin iyong wife mo."

"Actually, my wife died two years ago."

Natigilan si Eduard sa sinabi niya.

"Cancer."

"I'm sorry…"

"No, it's okay. Two years na rin iyon, so somehow naka-move on na kami. Ganoon talaga…"

Saglit silang natahimik.

"So, pwede ko rin bang i-avail iyong mga amenities na sinabi mo?" tanong niya.

"Oo naman. Just inform me kung ano ang gusto mong subukan."

"I'll remember that."

"Sige, Kenneth. Maiwan na muna kita."

"Okay."

Iniwan na siya ni Eduard. Nang mag-isa na siya ay parang bigla siyang nakaramdam ng loneliness. Dahil ba iyon sa biglang pagkaka-brought up ng asawa niya kanina? Tuloy, naalala na naman niya iyong pagkawala ng babaeng pinakamamahal niya. Bigla tuloy siyang nalungkot. Bigla niyang na-miss ang anak niya. Naisipan niyang bumalik na sa kanyang hotel room at matawagan saglit ang anak niyang si Darlene.