Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 22 - Homecoming: Chapter 11

Chapter 22 - Homecoming: Chapter 11

Kaagad nilapitan ng isang nurse ang bagong dating na babae at lalaking may kalong-kalong na batang nakabalot pa sa blanket. Inihatid sila nito sa isang patient bed at doon inihiga ng lalaki iyong bata na parang hinang-hina at parang wala na ngang malay. May isang resident doctor na lumapit sa grupo at kinausap ang matanda. Binigyan din ng oxygen ng nurse ang bata.

Samantha was still astonished at what she saw, pero hindi pa rin niya napigilan ang sarili na lapitan ang babae.

"Tita Marie?"

The old lady looked at her, pero hindi ito nagsalita.

"Tita Marie, I'm Samantha. Sam... Iyong... iyong kaibigan po ni Kenneth sa high school."

Noon siya parang nakilala ng babae. "Sam?"

"Opo." Natuwa siya sa pag-recognize nito sa kanya.

"Sam!" Natutuwang tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. "Ibang-iba na ang itsura mo."

Samantha smiled. "Uhm..." Napatingin siya sa batang nakahiga sa hospital bed. "May pasyente po kayo?"

"Anak ni Kenneth."

Muli siyang napatingin kay Aling Marie, pero hindi naman siya nakapagsalita.

Si Aling Marie naman ay nagbalik sa panick mode. "Ang taas-taas kasi ng lagnat niya. Tapos nagsusuka pa siya. Pinainom ko na ng Tempra kaya lang sinuka lang din niya."

Tinignan ni Samantha ang bata. The girl looks like Kristine very much. Walang dudang ito ang ina nito.

The girl seems very weak. Hindi nga ito dumidilat man lang ng mata. At kung ano man ang nararamdaman niya sa kanyang natuklasan tungkol kay Kenneth ay natabunan na iyon ng pagiging doktor niya.

"Check her temperature and her pulse. Also get her BP."

Napatulala ang nurse at residente sa kanya. Saka lang niya naalala na hindi naman pala siya doktor doon.

Lumapit naman si Helen sa dalawang hospital staff. "It's okay. This is Dr. Samantha de Vera. She'll be handling this patient."

Helen smiled at her, at isang nagpapasalamat na ngiti ang ibinigay ni Samantha sa hipag.

"Doc, bagong AP po ba siya dito?" tanong ng resident physician. Ang ibig sabihin ng AP ay attending physician.

"No, but she's taking this patient nonetheless," sagot ni Helen sa residente.

"Hindi po siya accredited–"

"She's the sister of Raul," Helen snapped in.

And with that ay tumahimik na ang residente at nabigyan na ng license si Samantha to examine the little girl. Ginawa na rin noong nurse at pati iyong residente iyong mga inutos niya kanina.

"Naging doktor ka pala talaga," ani Aling Marie sa kanya.

Samantha smiled. "Opo."

"Si Kenneth at Ryan, nagawa din nila iyong business na sinasabi nila. Kung narinig mo na iyong Furniture.com, iyon iyon. Sa kanila iyon."

"Narinig ko na nga po... Si... Kristine po? Nagtatrabaho po ba siya?" She assumed Kristine is a working mom kaya wala ito ngayon at si Aling Marie ang nagdala sa anak nila sa ospital.

"Patay na si Kristine."

And Samantha was shocked at what she heard.

"Two years na. Hindi mo pala nabalitaan."

Umiling na lamang siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Napatingin siya sa batang nakahiga ngayon. She looks so sick at wala man lang itong nanay na mag-aalaga sa kanya. Oo nga at nandiyan ang Lola Marie niya, pero iba pa rin ang kalinga ng isang ina.

"Si Kenneth naman nasa Boracay. May kliyente sila doon. Kanina nga lang siya umalis. Ang akala ko nagtatampo lang itong si Darlene kasi hindi makakapunta sa family day niya si Kenneth. Tapos iyan nga, nakita namin ang taas ng lagnat niya."

Darlene pala ang pangalan niya. Beloved. It's a lovely name for a lovely little girl.

"Doc, BP is 95 over 56," ang sabi ng nurse. "Temp is forty degrees Celcius."

"Heart rate is 57 per minute," ang sabi naman ng residente.

Quite lower than the normal vitals. Dinama ni Samantha ang leeg ni Darlene. Her lymph nodes are swelling.

"Kailan pa po siya nilalagnat?"

"Noong Sabado siya nagsimulang lagnatin. Pero nung Sunday ng gabi nawala na. Tapos ngayong umaga nga bumalik," sagot ni Aling Marie.

Napatingin siya sa may leeg ni Darlene. "Ano pa po ang ibang nararamdaman niya?"

"Masakit daw ang kasu-kasuhan tapos masakit ang ulo. Ang tingin ko trangkaso kaya pinainom ko siya ng Tempra. Tapos nagsusuka."

"May skin asthma po ba siya? Allergies?" May rashes kasi siyang nakita sa may leeg ni Darlene. Tinignan niya rin ang kamay nito at itinaas ang suot na pyjama para makita ang binti nito. May mga pantal din ito sa parteng iyon.

"Wala naman akong alam," sagot ni Aling Marie. "May problema ba?"

Ang residente at nurse ang kinausap ni Samantha. "Request for a CBC, typhidot and NS1 antigen or whatever you have here for dengue."

"Dengue?" Lalong nabahala si Aling Marie sa narinig.

"Hindi pa po tayo sigurado, Tita," ani Samantha. "Pero iyong mga symptoms kasi, iyon ang itinuturo."

"Hindi ba delikado iyon?"

"Opo, pero depende pa rin sa severity nung infection. Kaya nga po kailangan natin siyang ipa-test para malaman kung anong stage na siya ng dengue at para mabigyan siya ng gamot bago pa lumala. Ang mabuti pa po sabihan n'yo na si Kenneth."

"Kanina ko pa po siya tinatawagan, Doc," ang sabi nung lalaking kasama nina Aling Marie. "Unattended naman po lagi."

"Alas diyes pa naman iyong flight niya," ani Aling Marie.

"Baka nag-off na po ng cellphone," ang sabi na lamang niya. "Basta subukan n'yo lang po siyang kontakin. Kahit po hindi dengue ang sakit ni Darlene, kailangan pa rin po siyang ma-confine. Sobrang taas po kasi ng lagnat niya at kailangan din siyang obserbahan."

"Sige... Maraming salamat, Sam," ani Aling Marie.

Tumango siya. "Wala pong anuman. Saglit lang po, Tita."

Nilapitan ni Samantha si Helen na nasa workstation area ng mga staff.

"So that's how Dra. Samantha de Vera works," bungad sa kanya ni Helen.

Napangiwi siya. "Masyado bang bossy?"

"Hindi naman. Okay lang," sagot ni Helen. "Actually, it's good. Your dad will be very proud."

She smiled. "Ate, iyon nga palang accreditation–"

"Ano ka ba?" ani Helen. "Isa ka sa mga may-ari nitong hospital and you can do whatever you like! Isa pa, hindi ka naman basta-bastang doktor. You're from Harvard Med School, for God's sake! I'm sure hindi mo naman ipapahiya itong ospital."

"Thanks for the compliment," anya. "And the trust. I promise, hindi ko sisirain iyon."

Hindi talaga. As she looks at Darlene, she vowed to do everything para masigurong gagaling ito. Hindi nga siguro naging maayos ang paghihiwalay nila noon ng parents nito, pero deep in Samantha's heart, they still mean a lot to her. Especially her father who has become a very significant part of her high school life.