Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 6 - The Letter: Part 4

Chapter 6 - The Letter: Part 4

𝘈𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘰 𝘢𝘺 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘱𝘢 𝘴𝘢 𝘥𝘢𝘵𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘒𝘦𝘯𝘯𝘦𝘵𝘩. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘕𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨-𝘢𝘣𝘴𝘦𝘯𝘵 𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘺 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘬𝘰 – 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘬𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘵 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘪𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯. 𝘛𝘢𝘱𝘰𝘴, 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘮𝘦𝘴 𝘵𝘩𝘳𝘦𝘦 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘨𝘸𝘢𝘱𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯. 𝘗𝘢𝘬𝘪𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮 𝘬𝘰 𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢𝘭𝘪𝘸 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰.

***************************************

Kinabukasan pagpasok ko ay nagpatuloy ang nararamdaman ko para sa kanya. Tunog pa lamang ng boses niya ay kumakabog na ang dibdib ko. Kakaibang excitement ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. At hinahanap-hanap ko ang presence niya kapag hindi ko siya kasama. And at that moment, I realized that I developed a crush on him.

Nagawan ko naman ng paraan para maitago iyon, lalo na iyong selos na nararamdaman ko kapag namamalas ko ang closeness nila ni Sam. Siyempre hindi ako pwedeng magpahalata, kahit pa nga inggit na inggit ako kapag nagbibiruan ang dalawang mag-best friends.

Minsan nga ay sinubukan kong magpakita ng sweetness kay Kenneth. Binili ko siya ng paborito nitong ensaymada at soft drink.

"Wow! Bakit si Kenneth lang?" tanong ni Ryan sa akin.

"Pa-thank you ko iyan sa kanya sa pagtuturo niya sa akin ng Math kahapon." Tsaka ko nginitian ng matamis si Kenneth.

"Wow! Bakit sa akin walang nagbibigay ng ganyan?" muli'y tanong ni Ryan.

"Kasi wala kang tinuturuan ng Math," sagot naman dito ni Sam. "Ikaw pa nga ang nagpapaturo sa amin ni Kenneth. Uy! Dapat pala bilhan mo rin kami ng meryenda."

"Ayoko nga! Meron ka namang pambili, eh. Magpapabili ka pa sa akin. At itong si Kenneth, meron nang nagbigay sa kanya. Masyado naman siyang sinuswerte kung bibilhan ko pa siya," ang sabi naman ni Ryan.

"Napakakuripot mo talaga," komento ni Sam dito.

Natawa na lang kami ni Kenneth sa biruan ng dalawa.

"Salamat, Tin," ani Kenneth na nagpakilig sa akin ng husto. "Pero, sa susunod huwag ka nang mag-abala. Okay lang naman sa akin na turuan ka. Magkaibigan tayo, 'di ba?"

"Okay lang iyon," sagot ko at hindi ko napigilang magpa-cute dito. "Ano ka ba! Nakakahiya nga kasi nitong huli lagi mo akong tinuturuan. Hindi lang sa Math, kundi sa iba ring subjects."

"Madali ka namang turuan. Madali ka kasing maka-pick up."

At kinilig na naman ako sa sinabi niya.

"Hindi tulad nitong isa dito," ani Sam. "Ang hirap-hirap turuan! Paano ka ba napunta sa first section?"

"Oy, magaling ako!" ang sabi naman ni Ryan. "Sa Math at Science lang talaga ako mahina."

Sa totoo lang ay nagsimula na akong mainis sa dalawang kasama namin ni Kenneth. Imbes kasi na makapag-moment kami ay nanggugulo iyong dalawa. Tuloy, hindi ko masolo si Kenneth.

Lalo na noong alukin ni Kenneth ng ensaymada si Sam.

"Sa'yo na lang iyan para naman tumaba ka," tanggi ni Sam. "Masyado mo kasing ginagaya si Fox Mulder na lanky."

"At ikaw naman si Dana Scully," ani Kenneth.

"Siyempre, ang galing kaya niyang FBI agent. Ang ganda pa."

"X-files na naman ang pinag-uusapan ninyong dalawa," ang sabi naman ni Ryan na medyo nauumay na yata sa ganoong usapan ng dalawa. Kasi naman, talagang nakakaumay na rin dahil laging iyon na lang ang pinag-uusapan ng mag-best friend.

"Manood ka rin kasi," ani Sam. "Meron akong mga VHS sa bahay. Hiramin mo na lang kapag may time ka."

"O kaya sumama ka sa amin kapag nagma-marathon kami nitong si Sam," ani Kenneth.

"Hindi! Dapat mapanood muna niya iyong umpisa para maintindihan niya iyong takbo ng kuwento," ang sabi naman ni Sam.

"Sabagay, tama nga iyon," sang-ayon ni Kenneth dito.

"Huwag na lang, ano! Ang daming season na kaya nun. Babalikan ko ulit lahat?" tanggi naman ni Ryan.

"Bahala ka," ani Sam. Tsaka ito muling humarap kay Kenneth. "Sa Sabado nga pala maaga kang dumating para marami tayong mapanaood, ha?"

"Oo sige. Excited na nga akong maituloy iyong pinapanood natin," ang sabi naman ni Kenneth.

"Ano na nga ba tayong episode?"

At iyon na. Nalunod na naman sa usapan nilang dalawa sina Kenneth at Sam. Parang silang dalawa na lang na naman ang magkasama. Parang wala kami ni Ryan doon. Pati iyong ensaymada ko at soft drink ay nakalimutan na rin ni Kenneth. Ganoon sila lagi ni Sam kapag naumpisahan na nila ang kuwentuhan.

***************************************

Pero hindi ko inasahan na malalaman ni Ryan ang tungkol sa lihim ko. Minsan kasi ay kaming dalawa lang ang magkasama dahil nagre-review sina Sam at Kenneth. Sila kasi ang representative ng CPRU sa gaganaping inter-school Science quiz bee sa buong distrito. Doon namin napag-usapan ang nararamdaman ko tungkol kay Kenneth.

"Nakasimangot ka na naman," pansin niya sa akin. "Porke hindi mo kasama si Kenneth."

Napatingin ako sa kanya. "Ano na namang sinasabi mo diyan?"

"Huwag ka nang magkaila. Alam ko naman, eh. May crush ka kay Kenneth, 'di ba?"

Napaiwas ako ng tingin. "Ano na namang pinagsasasabi mo?" tanggi ko, kahit pa nga nagsimula na akong kabahan.

"Huwag ka nang magkaila sabi, eh. Alam kong crush mo si Kenneth. Okay lang naman, eh. Bully nga ako, oo, pero hindi naman ako tsismoso. Kaya safe ang secret mo sa akin."

Hindi ako sumagot. Sabi ko titigilan din ako nito kapag hindi ko siya sinagot. Pero nagpatuloy pa rin ang resident bully namin.

"Obvious naman iyong pagpapa-cute mo sa kanya. Tapos napadalas iyong pagbibigay mo sa kanya ng paborito niyang ensaymada. Ganoon ka ba magpa-pansin? Para ka namang sugar mommy."

"Tigilan mo ako Ryan, ha? Hindi na ako natutuwa."

"Okay, fine." Isinangga pa nito ang kamay mula sa akin. "Ayaw mo kasing magsalita. Sabi ko naman sa iyo, walang makakaalam ng sikreto mo."

Hindi pa rin ako sumagot. At tumigil na rin si Ryan sa pambu-bully niya sa akin.

Pero akala ko lang pala iyon.

"Alam ko rin naiinis ka kay Sam. Nagseselos ka, 'di ba? Obvious naman iyong pambabara at pagsusungit mo sa kanya minsan. Pero alam mo, wala namang kasalanan si Sam. Kaibigan na niya si Kenneth bago ka pa dumating sa buhay nila."

"Ang sakit mo namang magsalita."

"Totoo naman, eh. Pero, I assure you, magkaibigan lang talaga sina Kenneth at Sam. As in. Siguro, super close best friends sila. Pero hanggang doon lang."

Saka ito biglang tumahimik. Parang may iniisip ito, pero hindi ko maarok kung ano. Pinabayaan ko na lang siya sa pananahimik niya.

Hanggang sa magsalita siya ulit. "Alam mo ba kung bakit ganoon ang mga nasabi ni Kenneth noong una mo siyang makilala?"

"Huh?"

"Iyong tungkol sa tatay mo."

Naalala ko na ang ibig nitong sabihin.

"Na-rattle nga kasi siya noong makita ka niya. He was gotten by your beautiful face. Kaya nablangko ang utak niya."

Nagulat ako sa rebelasyon niya. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng pag-i-interrogate niya sa akin ay magsasabi siya ng ganoon. At sa kabila noon ay talagang natuwa ako sa sinabi niya.

"Ganoon siya na-attract sa iyo noon. Kaya nga lagi ko na siyang binu-bully sa iyo mula noon. Hindi mo nga lang napapansin, I suppose."

"Ibig mo bang sabihin, agree ka sa aming dalawa ni Kenneth?"

"Not really. Ang sarap lang kasing asarin ni Kenneth. Alam mo iyon? Kahit kasi ilang beses ko siyang i-bully ay hindi siya nagagalit sa akin. O, siguro naiinis din siya. Pero pinapalagpas niya lang iyon lagi. At dahil iyon kay Sam."

"Parang puring-puri mo si Sam, ah. Hindi naman kaya, may crush ka kay Sam?"

"Hindi ah! Wala akong crush sa kanya."

Now it's time for me to bully the bully. "Gusto mong magkatuluyan kami ni Kenneth para magkaroon ka ng chance kay Sam. Ganoon iyon, 'di ba?"

Natawa lang siya sa sinabi ko. "You should have been that creative when it comes to showing Kenneth how you really feel for him."

Medyo na-frustrate ako doon. Hindi pala talaga ako uubra kay Ryan. At ang matinde, parang inamin ko na rin sa kanya ang feelings ko kay Kenneth. Anyway, mukha namang alam na niya talaga. So, no use in hiding.

"May gusto ka lang kasi kay Sam."

"Huwag mo akong itulad sa iyo."

I gave him a stern look.

But he just smiled. Mockingly, actually. "Kaibigan lang ang turing ko kay Sam. Ganoon din kay Kenneth. Though, sometimes I can't help but feel OP when I'm with them. But I understand na mahirap buwagin iyong friendship na nagsimula pa noong first year sila."

"So nagseselos ka nga, in some way."

"Nope. Huwag mo nang ipilit kasi hindi talaga. Gusto lang kitang i-bully. At least may alam na akong sekreto mo."

Inirapan ko siya. "Anong nangyari doon sa pagiging bully na hindi tsismoso?"

"Let's just say, I keep all my cards in case I'll need them."

Wala na akong nasabi pa.

"You know, sabi ko nga attracted naman sa iyo si Kenneth. Ipagpatuloy mo lang iyang pagpapa-cute mo sa kanya. Malay mo kalaunan umepekto rin iyan sa kanya. Hindi naman masyadong obvious, eh. Just don't mess up with Sam. Or their friendship."

***************************************

𝘐 𝘥𝘪𝘥𝘯'𝘵 𝘶𝘯𝘥𝘦𝘳𝘴𝘵𝘢𝘯𝘥 𝘸𝘩𝘺 𝘙𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘢𝘪𝘥 𝘵𝘩𝘢𝘵. 𝘞𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘭𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘢𝘸𝘢𝘺𝘪𝘯 𝘴𝘪 𝘚𝘢𝘮. 𝘛𝘢𝘱𝘰𝘴, 𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘱𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢 𝘚𝘢𝘮 𝘢𝘵 𝘒𝘦𝘯𝘯𝘦𝘵𝘩. 𝘚𝘰 𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘣𝘭𝘦𝘮𝘢 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘺 𝘚𝘢𝘮? 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘯𝘨𝘢. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘱𝘢. 𝘈𝘯𝘥 𝘐 𝘧𝘦𝘭𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘯𝘦𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘭𝘦𝘵 𝘪𝘵 𝘨𝘰. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪 𝘙𝘺𝘢𝘯 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘪𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘯𝘰𝘰𝘯.