Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 12 - Homecoming: Chapter 1

Chapter 12 - Homecoming: Chapter 1

Friday ng hapon nang bigla na lamang pumunta si Darlene sa main office ng Furniture.com. Medyo malapit lang naman iyon sa Our Lady of Lourdes Subdivision kung saan sila nakatira. Kaya naman kahit siya lang mag-isa ay pinapayagan siyang pumunta doon ng kanyang lola na si Aling Marie.

Tiyempo namang si Ryan ang naabutan niya doon. Ang ninong talaga niya ang kanyang pakay dahil sa hapong iyon ay ibibigay niya dito ang sulat ng kanyang ina.

"Hi Darling!" bati nito sa kanya. Iyon ang tawag nito sa kanya pati na rin ng iba pa niyang ka-close na adult.

"Hi Ninong!" Nilapitan niya ito. "Si Daddy?"

"Nasa meeting pa," sagot naman ni Ryan na muling nagbalik sa dino-drawing na bagong disenyo ng furniture.

Tamang-tama pala sa plano niya. "Ganoon po ba? Ah, Ninong, pwede po ba kitang makausap?"

Napatingin sa kanya si Ryan. "Napakaseryoso mo naman yata?" napapangiti nitong tanong.

Imbes na sumagot ay iniabot niya dito ang sulat. Mukha namang nakilala iyon kaagad ni Ryan.

"Why are you giving that to me?" kunot-noong tanong nito.

"Basahin n'yo po, Ninong."

"Sabi ng mommy mo bago siya mamatay, ikaw lang daw ang pwedeng magbasa niyan. Kapag pinilit ko daw buksan ay mumultuhin daw niya ako."

"Eh hindi n'yo naman po pinilit. Kusa ko po iyang binibigay sa inyo," katwiran niya.

"Hmmโ€ฆ May point ka." Kinuha ni Ryan ang sulat at parang interesadong-interesado niya itong tinignan. "I wonder what's in this letter. Alam mo bang kating-kati na ang kamay ko noon na buksan ito at basahin? Sabi ko sa sarili ko, hindi naman siguro tototohanin ni Tin ang banta niya na mumultuhin ako if ever binasa ko itong letter niya."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Para nga pong nai-imagine ko kayo na ganoon, Ninong."

"Pero tinupad ko ang sinabi ng mommy mo," ani Ryan sa kanya. "Itinago ko itong napakakapal na sulat na ito para hindi ako matukso na buksan. Muntikan ko na ngang makalimutan, eh. Pero a day before your mother's 2nd year death anniversary, bigla ko na lang itong nakalkal. Parang nagpapakita talaga siya sa akin."

"Siguro po, si Mommy ang nag-remind sa inyo kaya nakita ninyo iyan."

"Tingin ko nga," sang-ayon ni Ryan sa kanya. "Mukhang tinototoo niya iyong banta niya noon na she'll be watching over us dawโ€ฆ Baka naman magalit siya sa akin kapag binasa ko ito?"

"Hindi po," tanggi niya sa makulit niyang ninong. "Sinabi po niya diyan mismo na ako ang bahala kung ipapabasa ko sa inyo ang sulat. Tsaka meron po akong ipapatulong sa inyo. Mahirap pong i-explain kaya basahin n'yo na lang po iyan."

"At ano naman iyon?"

"Basta po, Ninong. Basahin n'yo na lang po iyan. Tsaka Ninong, secret lang po natin iyan. Kapag sinabi n'yo po kay Daddy mumultuhin kayo ni Mommy," banta niya dito.

"At ako pa talaga ang tinakot mo," ang sabi ni Ryan sa kanya.

Tiyempo namang pumasok si Kenneth sa opisina ni Ryan. Mukhang kadarating lang nito mula sa meeting with the client.

"O, Darling ko!" Nilapitan ni Kenneth ang anak at saka hinalikan sa may noon. Si Darlene naman ay niyakap ang ama.

"Kung magbatian kayo parang ang tagal ninyong hindi nagkita, ah," ani Ryan sa mag-ama. Pasimple nitong itinago ang sulat na ibinigay ni Darlene sa kanya.

"Ganyan talaga," ani Kenneth sa kaibigan. "Mag-asawa ka na rin kasi para magkaanak ka na at alam mo ang feeling na maging daddy. Tsaka para hindi ka na nakiki-darling dito sa darling ko."

"Ay, napaka-selfish naman talaga ni Kenneth Oliveros, o. Ayaw i-share ang anak sa ninong niya."

"Ganoon talaga," ang sabi na lamang ni Kenneth. "Kailan ka ba kasi mag-aasawa?"

"Ako nga hindi pinoproblema iyan, eh. Bakit ikaw concerned na concerned ka diyan?"

Napangiti si Kenneth. "Concerned lang ako sa'yo. Para kasing nagiging matandang binata ka na. Wala ka na nga sa kalendaryo."

"Excuse me! Para sabihin ko sa'yo, Mr. Oliveros, 32 years old is just okay for an eligible bachelor like me to get married."

"Thirty-two? O paano kapag 33 ka na? Alalahanin mo, malapit nang matapos ang taon at tatanda ka na naman ng isang taon," ang sabi naman ni Kenneth.

"It doesn't matter, because I'm like a fine wine, Ken. The older I get, the better."

Natawa si Kenneth sa sinabi ng kaibigan. "Bahala ka na nga! Hindi talaga ako mananalo sa iyo, Ryan Arcilla. Halika na nga, Lene. Iwanan na natin iyang ninong mo at nang matapos na niya iyang dine-design niyang furniture."

Kinindatan muna ni Darlene si Ryan bago nagpaanod sa tatay niya palabas ng opisina ng ninong niya.

***************************************************************

Excited na gumising si Darlene kinabukasan. Kagabi nga ay hindi siya nakatulog kaagad dahil sa kaiisip ng bago niyang mission. Nabasa na kaya ng ninong niya ang sulat? Siguro naman. O baka naman tinapos nito iyong bagong design na tinatapos nito, kaya hindi na nito nabasa iyong sulat ng mommy niya?

Sana ay iyon ang inuna niya dahil mas importante naman iyon kaysa sa furniture na ginagawa nito. Isa pa ay magaling naman na designer ang ninong niya kaya madali niyang matatapos kung ano man ang ginagawa niyang design. Kaya pwedeng-pwede niya munang i-set aside iyon at asikasuhin iyong sulat.

Pagbaba niya sa may kusina ay nadatnan niyang nag-aalmusal ang kanyang daddy kasama ang Lola Marie niya. Nakabihis ang kanyang ama at parang may lakad itong pupuntahan.

"Good morning, Daddy!" Nilapitan niya ito at niyakap.

"Good morning darling ko!" Hinalikan naman ni Kenneth ang anak.

"Good morning, Lola!" Niyakap din niya ang matanda.

"O, umupo ka na at nang makakain ka na rin diyan," ang sabi naman ng fifty-six years old na nanay ni Kenneth.

Umupo na siya sa puwesto niya sa mesa. Ang daddy niya ay sa kabisera nakaupo at siya naman ay nasa kaliwa nito. Ang lola niya na abala sa paghahanda sa mesa kasama ng katulong nilang si Aling Lita ay sa kanan ng daddy niya ang puwesto.

"Aalis po kayo, Daddy?" tanong niya sa ama.

"Sa Furniture lang," ani Kenneth na ang tinutukoy ay ang kanilang kumpanya.

"Papasok po kayo?"

"May tatapusin lang akong presentation para sa business meeting ko next week."

"Hindi ba pwedeng sa Lunes mo na lang tapusin iyang mga iyan?" ang sabi naman ng Lola Marie niya na nakaupo na rin sa may kanan ng kanyang daddy.

"Sa Monday na iyong meeting namin, Ma. Kailangan ko na talagang magawa ito ngayon," sagot ni Kenneth sa nanay nito.

Medyo nalungkot si Darlene sa narinig. Paano kasi ay inuna na naman ng kanyang daddy ang trabaho kaysa sa bonding moment nilang dalawa.

"Ang sabi n'yo po manonood tayo ng Night at the Museum ngayon." Hindi na niya naitago pa ang pagsimangot niya.

Na-guilty naman si Kenneth sa sinabi ng anak, lalo na noong lumungkot ang mukha nito.

"Sorry, Leneโ€ฆ"

Wala namang magagawa si Darlene kung busy man ang daddy niya. Alam naman niyang para rin sa kanya ang ginagawa nitong pagtatrabaho ng mabuti. Pero nakakalungkot din kasi iyong parang hindi na niya nakakasama ang daddy niya. Nagsimula ang pagiging sobrang busy nito noong namatay ang mommy niya.

๐˜’๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช ๐˜”๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜บโ€ฆ

"Ganito na lang. Kapag natapos ako kaagad, manonood tayo ng sine."

Napatingin siya sa daddy niya. "Talaga po?"

"Oo," ani Kenneth. "Kung gusto mo, samahan mo pa ako sa opisina para makita mo kaagad kung tapos na ako sa ginagawa ko."

"Sige po!"

Natuwa naman si Darlene sa sinabi ng ama. Okay lang naman kung sa Furniture.com muna siya tumambay. Meron naman siyang iPad na mapaglilibangan. May WiFi din sa Furniture.com kaya pwede siyang mag-surf sa internet kung nagsawa na siya sa kaka-games.

Napangiti na rin si Kenneth. "O sige. Kumain na tayo at nang makaligo ka na at makapagbihis na rin."

"Yey! Lead ko po iyong prayer," pagpiprisinta pa ni Darlene. "In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spiritโ€ฆ"

Nagdasal na ang tatlo at saka na sila nagsimula sa pagkain.