Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 14 - Homecoming: Chapter 3

Chapter 14 - Homecoming: Chapter 3

Hindi na napigilan pa ni Kenneth ang anak nang tumakbo ito palabas ng opisina niya. Nasundan na lamang niya ito ng tingin habang inaangat ang receiver ng kanyang landline phone. Idinial niya ang numero ng security guard sa may lobby ng Furniture.com. Kaagad naman iyong sinagot ng guwardiya.

"Furniture.com main lobby."

"Manong Jose, si Kenneth po."

"Sir!"

"Si Darlene kasi pababa diyan. Pauwi na sa amin. Pakisuyo naman po. Pakitingnan na lang tapos pakitulungan na sa paglipat sa daan." Lilipat pa kasi ng daan si Darlene pauwi sa Our Lady of Lourdes.

"Sige po Sir," sagot naman ni Mang Jose.

"Sige, salamat po."

"Welcome po Sir."

Ibinaba na niya ang telepono. Tiwala naman siya na magiging ligtas ang anak dahil malapit lang naman ang kanilang subdivision sa opisina nila. Ang hindi lang niya kayang i-ignore ay iyong nakita niyang parang naiiyak si Darlene. Mukhang nasermunan ng todo ni Ryan kanina.

Parang kapatid na rin niya si Ryan. Ito na ang naging best friend niya simula nang… Ilang taon na rin. Sobrang malapit sila sa isa't isa kaya ganoon din ito sa anak niyang si Darlene. Parang tunay na pamangkin na rin ang turing nito sa anak niya. Kaya siguro nasaktan ang anak niya dahil hindi naman talaga nagagalit sa kanya ang Ninong Ryan niya kahit kalian. Kanina lang.

Ano naman kaya ang nagawa ni Darlene at nagalit ng ganoon si Ryan? Alam niyang may pagka-makulit ang anak niya. Matagal na rin naman iyong alam ni Ryan at kahit minsan ay hindi pa ito nagalit sa inaanak nito. Kanina lang. Mukhang wala talaga sa mood ang kanyang kumpare.

Ilang sandali pa ay si Ryan naman ang bumungad sa pintuan ng kanyang opisina.

"Where's Darlene?"

"She went home." Nakita niya ang plastic bag na hawak nito.

Dismayadong napatingin din si Ryan sa hawak na plastic.

"Iyan siguro iyong binili niya sa tindahan kanina," aniya sa kaibigan.

Lumapit si Ryan at saka inilapag ang plastic sa mesa niya.

"Nakagalitan mo ba si Darlene kanina?"

"Sorry…"

"Okay lang naman. Medyo makulit nga iyon kapag minsan. Pero… ano bang nangyari?"

"Wala ba siyang sinabi sa'yo?"

Tinignan niya ang kaibigan, na napaiwas naman ng tingin.

"Wala naman. May dapat ba akong malaman?"

Napabuntong-hininga si Ryan. "Nasigawan ko kasi siya. Eh natakot yata. Hindi ko naman kasi siya sinisigawan, 'di ba?"

"You've been very good to her, Ry. Pasensiya ka na at makullit talaga iyon kapag minsan. Mabuti nga nato-tolerate mo siya lagi. Okay lang kung nasigawan mo siya ngayon. Lilipas din iyon at babalik din iyong lambing nun sa'yo."

Ganoon naman si Darlene kapag nagtatampo kay Ryan, kapag hindi nito nabibigay ang gusto niya dahil kahit gaano kabait na ninong ang kaibigan ay hindi naman ito perfect at may pagkukulang din minsan.

Lalo na at medyo demanding kung minsan ang anak niya.

"No, it's… it's not like that, Ken. I think I really need to make it up to her."

"Hayaan mo na," ani Kenneth. "Siguro minsan kailangan din iyong ganoon. Tama lang na mapagsabihan mo siya minsan kasi parang nasi-spoil mo na siya."

"Can I go now and take the day off?" sa halip ay tanong ni Ryan.

"Oo naman," ani Kenneth. "Hindi naman kita tauhan. Partner kita dito at boss ka rin kaya you can do whatever you want. Isa pa, weekend ngayon. Kung wala nga lang masyadong trabaho hindi naman din ako papasok."

"You've been like that since Kristine died."

Natigilan siya sa sinabi nito.

"You've been working like hell since your wife died. Gusto ko ngang magpasalamat na dahil doon, lalong umunlad itong negosyo natin. Pero hindi ko naman gusto na mamatayan ng kaibigan, at virtually ay mawala ang best friend ko dahil sa sobrang pagiging workaholic niya."

Siya naman ang umiwas ng tingin dito upang makaiwas sa usapan nilang iyon.

"I want to take Darlene to the mall. Probably buy her some ice cream or something. Just to make it up to her."

Tumango si Kenneth. "Sige, bahala ka. Or maybe, you want to take her to the cinema? Gusto niya kasi talagang panoorin iyong Night at the Museum. Parang hindi ko naman kayang tapusin lahat ng gawain ngayon kaya baka hindi kami matuloy."

"Ken, I'm serious. Please reconsider your working habit."

Kenneth looked at him. "Puntahan mo na iyong inaanak mo."

"Okay."

The next moment, Ryan was gone. Muli ay mag-isa na lamang siya sa opisina. He looked at his laptop and on the Powerpoint file on the screen. Maybe, Ryan is right. Maybe he really is working too hard. He needs a break. Parang pati anak niya ay napapabayaan na rin niya. He really needs to fix his working habit.

He went back to his laptop and finished all he has to do for today.

**********************************************

Pagbaba ni Darlen ng hagdan ay nabungaran niya si Ryan na nakaupo sa L-shaped sofa nila. Napatayo ito pagkakita sa kanya.

"I came here to… apologize…" Napangiwi si Ryan.

Natawa siya sa mukha ni Ryan.

"So, I guess… I'm forgiven?"

"Hindi naman po ako galit sa inyo, Ninong. Natakot lang po ako kasi sinigawan ninyo ako kanina."

"And I'm sorry. Come on, let me make it up to you. Isa pa, meron akong gustong pag-usapan nating dalawa."

"Hindi po ba kayo busy, Ninong?" Baka iyon ang dahilan kung bakit nagalit ito sa kanya kanina.

"I have all the time in the world for you, Darling." Ryan smiled his usual sweet smile for her.

"Paano po iyong dine-design ninyo?" Hindi niya iyon natapos dahil sa sulat na ibinigay niya kagabi.

"Okay lang iyon. Your dad will understand. Come! Let's go to UrbanShop, grab something to eat at The Coffee Club and then go see Night at the Museum in Tarlac Downtown."

Na-excite siya bigla nang marinig ang pelikulang gustong-gusto niyang panoorin. Mukha ngang may time ang ninong niya para i-treat siya ngayon.

"Sige po."

Nagpaalam na sila sa kanyang Lola Marie. Pagkatapos noon ay dumiretso na sila sa UrbanShop. Isa itong malaking shopping center sa may tabi ng Tarlac Downtown Cinema. Meron ding The Coffee Club doon at doon sila unang pumunta ng Ninong Ryan niya. Strawberries & Creme Frappuccino at Blueberry Scone ang binili nito sa para kanya, at Caffe Latte naman ang inorder ni Ryan para sa sarili nito.

"Sorry kung nasigawan kita kanina. I got out of hand, I admit."

"Hindi ko po naiintindihan iyong ibang sinabi ninyo kanina. Siguro nga po, masyado pa akong bata. Pero, hindi naman po ibibigay sa akin ni Mommy iyong sulat kung alam niyang hindi ko magagawa iyong wish niya. At ang alam po niya tutulungan ninyo ako."

Tumango si Ryan. Mukha namang naintindihan siya ng ninong niya.

"The last time that I saw Sam, it was on his father's funeral. Nagpunta ako sa burol ni Tito Baste, tapos sa libing niya. That was… four years ago…"

"Sam was… She's different than what she was fifteen years ago," pagpapatuloy ni Ryan. "Ibang-iba na siya, in a good way. Hindi na siya iyong Aaron-Carter-look-a-like kagaya nung sinabi ng mommy mo. She has grown into a beautiful woman."

"Nakita po ba siya ni Daddy?"

Umiling si Ryan. "That time your mom and dad were on a vacation. Second honeymoon. Gusto mo daw kasing magkaroon ng kapatid, 'di ba?"

Muling nalungkot si Darlene. "Kasalanan ko pala kung bakit hindi sila nagkita ni Dad."

"Hey, don't say that! Actually, ang daddy mo ang nagplano ng bakasyon na iyon. Kaya siya ang may kasalanan."

Darlene smiled at his joke, at nginitian din siya ni Ryan.

"Hindi ko na nasabi sa kanila kasi parang ang pangit naman. They were in Japan at that time, having a wonderful time tapos sasabihan ko ng ganoong bagay, 'di ba? Ang pangit naman no'n. So, ako na lang ang nagpunta sa burol. I saw her, si Sam. Umuwi siya galing America. We talked, we talked a lot.

"That time, tapos na siya sa pag-aaral niya at doktor na siya, though meron pa siyang additional na inaaral. I think para sa specialization niya as a pathologist. Pero, doktor na rin siya at pwede nang manggamot."

"Natupad po pala iyong pangarap niya." Natuwa siya sa narinig.

"Oo. Lahat kami, natupad ang mga pangarap… That time, she has a boyfriend."

Ryan became silent. Maging si Darlene ay natahimik din sa sinabi nito.

"Pwede rin namang naghiwalay na sila within the four-year-period after that meeting… Pwede rin namang ikinasal na sila. I didn't meet the guy. Hindi raw nakauwi. Sa States din daw siya nagtatrabaho, pero ang alam ko Pinoy din."

Paano kung nagpakasal na pala iyong Samantha de Vera na iyon? Wala nang chance para mangyari iyong wish ng mommy niya. "Sayang…"

"Lene, listen… There are a lot of reasons why I don't want to agree with what your mom wants us to do. Una, wala na talaga kaming communication ni Sam. After that funeral, hindi ko na siya nakita ulit. Ang sabi niya noon, kaagad siyang babalik sa States after that. At sabi ko nga, hindi naman kami ganoon ka-close ng mga kapatid ni Sam. We barely saw each other nung high school. Nasa Manila na kasi sila noon naka-base - iyong Kuya Raul niya, tapos nag-abroad pa iyong Ate Glory niya. Kaya hindi tayo pwedeng pumunta na lang basta-basta sa Moonville at makiusap na gusto nating makita si Sam. That would be… weird.

"Isa pa, gaya ng sabi ko, Sam might be married doon sa boyfriend niya before. That was four years ago, Lene. A lot of things have happened. Namatay na nga ang mommy mo, 'di ba?"

Naintindihan naman ni Darlene ang lahat ng sinabi ni Ryan. She might be just eight years old, but she's a smart girl. Isa pa, mahilig din siyang manood ng mga teleserye at mga pelikula kasama ang kanyang Lola Marie. At dahil doon, bigla siyang may naisip.

"Ninong, naniniwala po ba kayo sa destiny?"

"Ha?"

"Bakit po ngayon ipinabigay sa inyo ni Mommy iyong sulat? Siguro, naramdaman niya na after two years, magkikita ulit sina Sam at si Daddy at pwede silang ma-in love sa isa't isa."

"I think, ginawa iyon ni Kristine kasi two years is enough time para mag-grieve ang daddy mo. Iyong iba nga, one year after pa lang nag-aasawa na ulit. Pero dahil alam ng mommy mo na mahal na mahal siya ng daddy mo, nagbigay pa siya ng allowance para if ever na mangyari nga iyong wish niya, maging totally ready emotionally and mentally ang daddy mo na makipagrelasyon ulit… That is something that is quite hard for you to grasp, I know. Don't force yourself to understand. Basta, it's not about destiny. It's about giving enough time."

Hindi nga niya iyon masyadong naintindihan. Ganoon ba talaga katagal bago makalimot ang mga matatanda sa pagkawala ng mahal nila? Sabagay, iyong ibang napapanood niya, matagal talaga bago sila maka-move on sa pagkawala ng mahal nila.

"Lene, kung magkaroon man ng chance ang daddy mo na ma-in love ulit, it would be God's choice when and to whom. It could be with Samantha de Vera, or to someone else. Pero kahit na ano pang gawin natin, mangyayari lang iyon kung mangyayari talaga. Sabi mo nga, destiny."

Iyon naintindihan ni Darlene. Nakakalungkot pa rin dahil parang wala nang pag-asa iyong pagtupad ng wish ng mommy niya, pero ano nga ba ang gagawin iya? Tumango na lamang siya bilang pagsang-ayon kay Ryan.

"Ganito na lang… Nood na lang tayo ng sine after nito?"

Napangiti si Darlene. Ryan smiled at her, too.

"O sige. Bilisan mo na iyang pagkain mo at magsisimula na iyong pelikula."

Tinignan ni Ryan ang kanyang black G-Shock wristwatch upang i-check ang oras. Nasa ganoon itong posisyon nang may lumapit sa kanilang babae.

"Ryan…"

Napaangat ng tingin si Ryan, and he literally gaped at the woman in front of him.