Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 15 - Homecoming: Chapter 4

Chapter 15 - Homecoming: Chapter 4

The lady in black smiled at Ryan as Darlene looked back and forth on the two adults.

"Wow! Ikaw nga," the woman said to Ryan.

Natameme si Ryan sa babaeng nasa harapan niya. Para itong nakakita ng multo habang nakatingin sa magandang babaeng naka-black sleeveless dress.

"Baka pasukan ng langaw iyang bibig mo, ha?" biro nito kay Ryan.

Ryan instantly closed his mouth, and that made the woman giggle. Noon naman parang natauhan si Ryan.

"Jenneth."

The woman stopped giggling. "I thought you forgot."

"Forgot you? How could I forget you? I would never do that."

Natigilan ang babae, at napalitan ng awkwardness iyong amusement nito kanina sa pagkakakita kay Ryan. Napatingin ito kay Darlene.

"Is this your… your daughter?"

Napatingin si Ryan kay Darlene. "Nope. She is Darlene. Anak nina Kenneth at Kristine."

Nginitian siya ni Darlene bilang pagsang-ayon sa sinabi ng ninong niya. "Hello po!"

"Oh! Hi there, Darlene! I'm Jenneth. You can call me Tita Jhing."

Inilahad ni Jenneth and kamay niya na tinanggap naman ni Darlene.

"Now I can see that you resemble your mom very much. You're both beautiful." Pagkatapos ay si Ryan naman ang hinarap ni Jenneth. "Ikaw, ha? Pabata yata ng pabata ang taste mo sa babae." She smirked at him.

"What? No way! Si Darlene, she's my goddaughter. I'm just treating her for some frappe and scone."

Jenneth giggled. "Joke lang. Masyado ka namang defensive."

"It's not funny." Tumingin si Ryan sa paligid. May ilang mga customer ang napatingin sa kanila. Ang akala siguro ng mga ito ay pedopilya ito at pumapatol sa babaeng parang anak na rin nito.

"Kumusta na nga pala sina Kenneth at Kristine? Siguro marami na silang anak kaya ikaw na nagbe-baby sit ng panganay nila, ano?"

"Darlene is their only child. Kristine died two years ago. Kenneth is in the office… working…"

Sa unang pagkakataon ay natahimik si Jenneth. Napatingin ito kay Darlene.

Nginitian naman siya ni Darlene. "Si Ninong Ryan po ang nagti-treat sa akin kapag sobrang busy ni Daddy sa work."

"I'm sorry." Tinabihan ni Jenneth si Darlene saka niyakap ito. "You're a very beautiful girl. Sabi ko nga, kamukhang-kamukha mo ang mommy mo. Except the eyes. You got Kenneth's eyes."

"Friend po ba kayo nina Mommy at Daddy?"

Tumango si Jenneth. "High school. One year silang ahead sa akin. Sila nitong Ninong Ryan mo."

"Ngayon ko lang po kayo nakilala."

"Hindi ba ako kinukwento ni Ninong Ryan mo sa iyo?"

Napatingin si Darlene kay Ryan. Napasimangot naman ang binata.

Jenneth smiled. "I'm not surprised. Sa Manila ako nakatira. Doon ako nag-work. I'm a Medical Technologist. Alam mo ba iyon?"

Umiling si Darlene.

Ipinaliwanag naman ni Jenneth ang kanyang trabaho kay Darlene. "'Di ba sa hospital, kapag may sakit ka, minsan kukunan ka ng dugo o kaya naman ihi. Tapos ite-test nila iyon. Titignan kung ano ang cause nung sakit mo. Ganoon ang ginagawa ko. Ako iyong nagte-test ng mga dugo o kahit anong specimen na galing sa pasyente para malaman kung ano yung sanhi nung sakit nila."

"Pati po iyong ihi?"

Napangiti si Jenneth sa tanong ni Darlene. "Minsan pa nga iyong poo poo, eh."

"Ewww…" Hindi naitago ni Darlene ang pandidiri.

Natawa naman si Jenneth sa sinabi nito.

"Bakit po ganoon iyong gusto ninyong trabaho? Hindi po ba kayo nandidiri?"

"Hindi naman. Ewan ko ba. Impluwensiya yata nung idol ko nung high school, si Sam de Vera."

"Sam de Vera po?" It sounded like music to her ears.

Tumango si Jenneth. "Hmm-hmm… Oo nga pala. Best friend siya ng daddy mo, ano? Siguro naikwento na siya sa iyo ni Kenneth."

"Kilala n'yo po si Sam de Vera? Nakakausap n'yo po ba siya?" Bigla na namang na-excite si Darlene.

"Jhing, so, you're having a vacation? Dito sa Tarlac?" bigla namang tanong ni Ryan.

"Nope. I'm actually staying here for good."

"For… good?"

Tumango si Jenneth. "Hmm… Dito na ako titira ulit. Actually, I got a new job in TGH."

"Tarlac General Hospital po?" Muli ay parang nagliwanag ang lahat kay Darlene.

Napatingin si Jenneth sa kanya. "Oo. Doon ako nagti-test ng mga dugo at poo-poo."

"Hindi po ba iyon iyong hospital nina Sam de Vera?"

"Yup!" Naaaliw si Jenneth sa pagiging bibo ni Darlene.

"Uhm… Jhing, sorry pero we have to go," ang sabi naman ni Ryan na parang nababahala sa usapan nila. "Manonood pa kasi kami ng sine. Lene, halika na. Magsisimula na iyong movie."

"Well, I guess, I'll just see you around then?" ani Jenneth sa dalawa.

"Ninong, mamaya na lang po tayo manood," apila naman ni Darlene kay Ryan. Gusto pa niyang marinig ang mga kwento ni Jenneth tungkol kay Samantha de Vera. Baka meron pa itong ibang alam tungkol sa nasabing babae.

"Hindi pwede kasi sabi ko sa daddy mo sabay kayong magla-lunch kaya dapat kaagad tayong makauwi sa inyo."

"Eh di huwag na lang po tayong manood," ang sabi pa ni Darlene. Gusto talaga niyang makausap pa si Jenneth.

"Eh di ba gusto mong mapanood iyong Night at the Museum? Kung hindi tayo manonood ngayon baka alisin na iyon sa TDC. Kaya dapat mapanood na natin iyon ngayon. Ikaw na nga itong inaalala ko kasi 'di ba ang tagal mo nang nangungulit na gusto mong panoorin iyon? Tapos ngayon bigla kang magba-back out. Ano ba talagang gusto mo?"

Natameme namang muli si Darlene sa sunod-sunod na pagsasalita ni Ryan. Si Jenneth na rin ang nagpaubaya.

"Sige, next time na lang siguro, Darlene. Tutal naman, maliit lang ang Tarlac. Siguro naman magkikita pa tayo ulit. Please say 'hi' to your dad for me."

Tumango lamang si Darlene. Though, hindi talaga niya gustong magtapos na lang sa ganoon ang usapan nila ni Jenneth. Kailangan niya itong makita ulit, makausap. Kailangan siyang makaisip ng paraan.

"Well, nice to see you again, Ry," ani Jenneth. "It's been a long time."

"Nine years… I mean, I guess it's nine years. I'm not counting, so, I'm not quite sure about that."

Jenneth smiled. "You're right. Nine years."

Ano kaya ang gagawin ni Darlene para mapigilan sa pag-alis si Jenneth? Bigla siyang napatingin sa bangle na nasa kamay niya. Kung hindi niya mapipigilang umalis si Jenneth, maybe she can do something to see Jenneth again.

"So I guess I'll just see you around then." Kinuha na ni Jenneth ang dalang white Coach handbag. "Bye Darlene."

"Bye po Tita." Darlene smiled at her, tsaka pasimpleng tumingin sa handbag ni Jenneth.

"Ryan."

Ryan just nodded. And then, Jenneth was gone. Muli ay sina Darlene at Ryan na lang ulit ang magkasama sa The Coffee Club.

"Ninong, iyon na po yung sign."

Napatingin si Ryan kay Darlene.

"Huh?"

"Si Tita Jhing. Baka siya na iyong makakatulong sa atin para makausap si Sam de Vera. 'Di ba sa TGH siya nagtatrabaho?"

"Forget about Jhing. She will not help us."

"Pero Ninong, mukha namang–n"

"I said, she'll not help us. Hindi nga natin alam kung makikita pa natin iyon ulit."

"Makikita pa natin siya, Ninong." Na-excite siyang sabihin dito ang ginawa niyang paraan para makita nila ulit si Jenneth.

"Darlene, please. I don't want to talk about Jenneth. Let's just go to TDC at baka ma-late na tayo doon sa Night at the Museum."

Medyo nag-iba na naman ang tono ni Ryan. Mukhang gusto na naman nitong huwag na nilang pag-usapan ang isang bagay na may kinalaman sa sulat ng mommy niya. Walang nagawa si Darlene kundi ang sumang-ayon na lamang dito. "Sige po."

"Sige na. Dalhin mo na lang iyang kinakain mo at ubusin mo sa daan, o kaya sa sinehan. Let's go."

Magkasabay na lumabas ng The Coffee Club sina Ryan at Darlene.

******************************************************

Lampas ala-una ng tanghali nang ihatid ni Ryan sa bahay nila si Darlene. Galing sila noon sa Tarlac Downtown Cinema at nanuod ng sine. Nadatnan na nila doon si Kenneth, pero hindi na bumaba ng sasakyan si Ryan kaya hindi na sila nagkausap pa.

"Kumusta ang movie date ninyong mag-ninong?" tanong ni Kenneth sa anak.

"Okay naman po. Ang ganda po nung Night at the Museum."

"Na-enjoy mo talaga iyon, huh?"

"Opo!"

Natutuwa naman si Kenneth na naging maganda ang lakad ni Darlene kasama ang ninong nitong is Ryan.

"Mabuti naman nag-enjoy ka."

"Sana nga po next time kayo naman ang makasama ko, Dad."

Natigilan si Kenneth. Mukhang hindi na mapigilan ng anak na magdamdam sa pagiging super workaholic niya.

"Pasensiya ka na, ha? Promise, kapag nakaluwag-luwag ako sa schedule, magba-bonding tayo."

Darlene smiled. "Nood din po tayo ng sine, ha?"

"Oo naman," ani Kenneth. "Tapos kakain muna tayo sa restaurant. Saan mo ba gusto?"

"Daddy, ngayon na po tayo pumunta sa restaurant. Tutal, 'di ka pa po nagla-lunch, 'di ba?"

"Uhm, hindi pwede darling, eh. May tinatapos pa kasi akong mga kontrata. Pero next time, promise. Promise talaga."

Nag-promise si Kenneth hindi lamang sa anak niya, kundi maging sa sarili niya. Promise niya na gagawa na talaga siya ng paraan para naman makabawi sa anak niya.

"Sige po." Halatang nadismaya si Darlene, pero pinilit pa rin nitong ngumiti at itago ang pagkalungkot sa ama.

"Halika na nga. Nagugutom na ako, eh. Buti pa ikaw pinakain ka ng ninong mo. Saan ba kayo nagpunta?"

"Sa The Coffee Club po. Ay Daddy! Meron pala kaming nakita. Natatandaan n'yo po si Tita Jhing?"

"Jhing?" Pilit ni-retrieve ni Kenneth sa memory bank ng kanyang utak ang pangalang iyon.

"Opo. Jhing… Jenneth po. Kaibigan n'yo daw po siya nina Mommy at Ninong. High school daw po, ahead kayo ng one year sa kanya."

At naalala na nga ni Kenneth ang sinasabi ng anak. "Ah! Si Jenneth! Talaga?" Hindi siya makapaniwala sa narinig.

"Opo! Ang ganda-ganda po niya tsaka ang bait-bait pa."

"Nakita ni Ryan si Jenneth?" Noon lang parang nag-sink in kay Kenneth ang sinabi ng anak.

"Opo."

"Kumusta naman iyong ninong mo?" Wala pa man ay natatawa na si Kenneth.

"Parang ayaw po niyang makasama si Tita Jhing."

Kenneth chuckled. "I knew it. Mabuti at hindi siya nataranta?"

"Ano po bang meron, Daddy?"

"Jenneth was your Ninong Ryan's ex-girlfriend. At hindi naging maganda ang paghihiwalay nila. Eh ito naman kasing si Ninong mo. He had the best girlfriend for him, but he let her go."

"Ganoon po ba?"

Hindi pa rin maialis ni Kenneth ang malapad na ngiti. "I bet he swore he will do everything para hindi na sila magkita ulit."

Nag-aalalang napatingin si Darlene sa ama. "Paano po kung magkita sila ulit?"

"Hindi naman siguro," ani Kenneth. "Alam ko sa Manila na nagtatrabaho si Jenneth."

"Dito na daw po siya sa Tarlac. Sa TGH po. Iyong sa mga dugo at sa mga poo-poo."

Natawa siya sa sinabi ng anak. "Medtech."

"Opo. Ganun."

"Well, malaki rin naman ang Tarlac. Baka hindi rin sila magkita na dalawa." He shrugged. "Hayaan mo na. Buti nga kung magkita sila ulit. Baka sakaling magka-girlfriend na ulit ang ninong mo... Ang mabuti pa, kumain na tayo at babalik pa ako sa opisina."

Nagpatianod na si Darlene sa tatay niya papunta sa kanilang kusina.