Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 9 - The Letter: Part 7

Chapter 9 - The Letter: Part 7

๐˜•๐˜ข-๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ท๐˜ช๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ช ๐˜’๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ญ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ. ๐˜•๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ฐ, ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ด๐˜ช ๐˜š๐˜ข๐˜ฎ. ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช ๐˜š๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ด๐˜ช ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ธ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜™๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข-๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜’๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฉ.

***************************************************************

Nang mga sumunod na araw ay naging abala kami sa paghahanda para sa aming JS prom. At dahil sa practice namin sa sayaw, lagi kaming magkasama ni Kenneth. Hinahatid pa nga niya ako pauwi sa amin, at dahil doon ay nakilala na rin niya ang mga magulang ko.

"Nanliligaw ba iyong Kenneth na iyon sa iyo?" minsa'y tanong ni Papa sa akin. Nagkataon kasi na nasa bahay ito minsang hinatid ako pauwi ni Kenneth.

Kinilig naman daw ako sa tanong na iyon ng tatay ko, pero siyempre, hindi ako nagpahalata. "Kaibigan ko lang po siya, Pa."

"Mukha namang mabait si Kenneth," ang sabi naman ni Mama na ilang ulit nang nakausap si Kenneth.

"Mukha nga," ang sabi ni Papa.

Hindi ko na napigilan pa ang mapangiti dahil sa sinabi ni Papa.

"Bakit parang kinikilig ka diyan?" tanong niya nang mapansin ang malapad kong ngiti.

"Hindi ah!" tanggi ko naman.

"Bawal ka pang magka-boyfriend. Tsaka kailangan ko munang makilala ng mabuti iyang Kenneth na iyan bago ako pumayag," ang sabi ni Papa.

"Hindi nga nanliligaw sa akin," ang sabi ko na lang.

"Siya ba ang escort mo sa prom ninyo?" tanong ulit ni Papa.

Iyon nga sana ang gusto ko, pero siyempre, hindi. "Kaming magkakaibigan po ang magkakasama. Susunduin daw po ako dito ng mga kaklase ko."

"Mabuti na rin at nang makilala ko sila," ani Papa.

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

And true to his word, tinulungan nga kami ni Ryan na magpagawa ng gowns sa Casa Rafaela. Sabay-sabay din kaming apat na nagpunta doon. Pati si Kenneth ay isinama na rin namin dahil ipapa-repair din nila iyong ipinahiram na amerikana sa kanya ni Ryan para mas lalong gumanda ang fit nito sa kanya.

Napakabilis ng mga araw dahil ilang linggo lang mula noon ay dumating na rin ang gabing pinakahihintay ko. Kumuha pa talaga sina mama ng mag-aayos sa akin para maging maganda ako sa gabing iyon. Supportive naman ang mga magulang ko sa mga ganoon.

Simple lang ang gown na pinagawa ko sa Casa Rafaela. Burgundy ang color ng stretchy polyester spandex spaghetti strap maxi dress na may squared neckline. Ang tanging design nito ay ang hand painted floral pattern sa front at middle back vent na may pull over styling.

Seven P.M. ang umpisa ng prom namin. Ang usapan, six thirty ay magsisimula na si Ryan na sunduin kaming tatlo nina Kenneth at Sam. Six forty-five nang dumating ang black limousine nina Ryan sa may tapat ng bahay namin. Pero imbes na si Ryan, si Kenneth ang lumabas mula sa kotse.

Pakiramdam ko ay pareho kaming natulala nang makita namin ang isa't isa. Napakaguwapo niya sa suot niyang amerikana, kahit na nga alam kong hiram lang iyon at hindi bago. Hindi naman halata, dahil kung dalhin iyon ni Kenneth ay parang galing iyon sa mga respetadong designer sa Maynila.

"M-Magandang gabi po," bati ni Kenneth sa mga magulang ko. Parang kinakabahan ito at nauutal pa.

"Magandang gabi din," ganting bati ni Papa. "Ikaw lang? Akala ko magko-convoy kayong magkakaibigan?"

"Nasaan sila?" tanong ko kay Kenneth.

"Si Ryan nakay Sam daw," sagot ni Kenneth. "Iyong driver lang ang sumundo sa akin, eh. Ang sabi, nag-stay daw doon si Ryan kasi parang ayaw sumama ni Sam sa kanya."

Ano na naman kaya ang problema ni Sam? Imposibleng ayaw nitong pumunta sa prom, eh kasama namin siyang nagpasukat at kumuha ng gown mula sa Casa Rafaela.

"Mauna na daw tayo sa hotel," pagpapatuloy ni Kenneth. "Susunod na lang daw sila ni Sam doon."

Pabor naman sa akin iyon, lalo na at parang hindi masyadong nababahala si Kenneth sa sitwasyon. Mukhang panandaliang nawala si Sam sa isipan nito.

"Sa'yo na ito." Ibinigay niya sa akin ang purselas na gawa sa fresh na white roses. Ang alam ko, kay Sam dapat niya ibibigay iyon. Pero 'di bale na, kahit na parang 'rebound' lang ako ng bracelet. At least, galing iyon kay Kenneth at siya pa ang nagsuot noon sa akin.

"At sa'yo na rin ito." Inilagay ko rin sa dibdib niya ang corsage na may white roses din, kasabay ang malakas na kaba ng dibdib ko.

Ilang saglit kaming nagtitigan at parang kaming dalawa lang ang tao sa mundo. Si Papa ang bumasag ng moment namin ni Kenneth.

"Hindi pa ba kayo aalis at baka mahuli na kayo?"

"Ahmโ€ฆ mauna na po kami," paalam ni Kenneth sa mga magulang ko.

"Sige, enjoy kayo, ha?" bilin naman ni Mama.

"Sige po." Nginitian ito ni Kenneth.

"Mag-iingat kayo."

Muli'y kinakabahang tinignan ni Kenneth si Papa. Para kasing napaka-tapang ng pagkakasabi nito sa mga katagang iyon. Para tuloy itong nagbabanta na ewan.

"Sige na Pa," paalam ko dito bago lumabas na ng bahay. Sumunod naman sa akin si Kenneth hanggang sa makasakay na kami ng sasakyan nina Ryan.

That was the longest ride that I had in my life. The limo that Ryan sent with Kenneth was very exquisite. The gown I'm wearing was gorgeous, and the person I'm sitting next to is the one I adore so much I could not even look at him. He was so good looking, so handsome that it just makes me breathless.

And I'm guessing he's feeling the same way. Or maybe, that's what I wanted to believe. Siguro gusto kong maniwala na pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa, lalo na't parang tensed din siya sa tabi ko.

To ease the tension, I started a conversation.

"Hindi ba natin susunduin sina Ryan at Sam?"

"Ang sabi niya, sasakay na lang daw sila sa kotse nina Sam. Diretso na lang daw tayo sa hotel at baka ma-late pa tayo."

And that was it. A moment of silence again.

"Ano kayang problema kay Sam?" Kenneth suddenly asked.

I wanted him to talk, but that was not the topic that I wanted to talk about.

"Gusto mo bang puntahan natin sila?" ang sabi ko na lamang.

Akala ko kakagatin niya ang alok ko. Surprisingly, he refused.

"Huwag na. Siguro nahihiya lang siya dahil sa gown niya."

"Bakit naman siya mahihiya? Ang ganda kaya nung gown niya."

Sam's gown was a black polyester sleeveless maxi dress. Strapless ang tube cut dress na may maliit na black stripe beading sa may bodice. It was very beautiful and elegant and, well, more expensive than mine. Of course, she's the hospital empire princess.

"Hindi kasi siya mahilig magsuot ng mga gano'n. Hindi ko pa nga siya nakitang magsuot ng ganoon," ani Kenneth.

"Akala ko nga tomboy siya. Yun iyong first impression ko sa kanya nung una ko siyang makilala."

"Malapit kasi siya sa daddy niya. Tinuruan nga siya nito ng basketball. Ang galing nga niya, eh. Nakita mo na ba siyang maglaro? Mas magaling pa nga yata siya sa akin. Iyong kuya niya magaling din maglaro. Nakalaro ko na sila one time, pati iyong daddy nila."

It was not the conversation that I want to have, but I guess it's better than us being quiet and tensed the whole ride.

"Nakakainggit naman iyong closeness ninyo." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

"Siguro kasi siya lang ang high school friend ko dati. Iyon bang nagsisimula ka sa bagong chapter ng buhay mo, tapos wala lahat. Blangko. Siya iyong isa sa mga bagong detalyeng nasulat doon. At matagal bago nadagdag si Ryan kaya ganoon kami ka-close ni Sam."

At ako ay isang tauhan lang sa kwento ng buhay ni Kenneth. At kahit kalian ay hindi magiging kasing-laki ng role ni Sam ang role ko sa buhay niya.

"Tapos ngayon, nandiyan ka na rin. Lalong gumanda ang kuwento."

I don't know what he meant by that, so I looked at him to know. Siya naman ang umiwas ng tingin.

"Ang ibig kong sabihinโ€ฆ anoโ€ฆ ahmโ€ฆ al-alam mo naman, 'di ba?"

"Ang alin?"

Akala ko hindi niya sasabihin, pero sinabi niya ang ibig niyang iparating at sobrang saya ko sa sinabi niya.

"N-Na maganda kaโ€ฆ"

Hindi ko napigilang mapangiti.

"Salamatโ€ฆ"

"Baka hindi ako makasayaw ng maayos mamaya," natatawa niyang wika.

Natawa rin ako. "Okay lang. Pareho lang tayo."

And suddenly, the mood changed. Kung kanina ay parang hindi kami magkakilala, ngayon naman ay parang mga karakter kami sa isang pelikula. Sa isang pelikulang romantiko. Alam kong hindi mo pa masyadong maintindihan, Lene. Though, I know na-experience mo na ang magka-crush at kiligin. I'm sure medyo may idea ka na kung ano ang tinutukoy ko.

Going back, we arrived at the hotel before the prom starts. At simula noon ay hindi na namin napag-usapan pa ang tungkol kay Sam o kay Ryan, o sa kung anumang ibang bagay. Tungkol sa aming dalawa lang ang napag-usapan namin. At sa mga sandaling iyon, alam kong nagkaroon kami ng kakaibang connection na tingin ko'y maging si Sam ay hindi nagawa. At that moment, I knew we were becoming more than friends.

The night was magical. The music was so sweet. And I'm with the person that I like. Sumayaw kami ng kutilyon and it was fun. Contrary to what we talked about, nagawa naming magsayaw ni Kenneth ng maayos at mahusay. Hindi kami nagkamali at na-enjoy namin iyon ng husto.

Pagkatapos ng sayaw ay in-announce na ang Prom King and Queen, at sobrang saya ko nang kaming dalawa ni Kenneth ang makakuha ng titulong iyon. Bilang hari at reyna, binigyan kami ng pagkakataong makasayaw sa dance floor sa saliw ng King and Queen of Hearts. And the night became much more romantic.

Habang nagsasayaw kami, napatingin ako sa may bandang entrance ng venue. At doon, nakita ko with her beautiful black gown, si Sam. She was staring at us, at alam ko kung ano ang tinging iyon sa kanyang mga mata. I could feel her pain, at napagtanto kong sa mga sandaling iyon, natuklasan na niya ang totoong halaga ni Kenneth sa buhay niya. At hindi na ako nagtaka noong bigla siyang tumalikod at nagmamadaling umalis sa lugar na niyon.

I saw Ryan follow her. Alam kong dapat ay ipinaalam ko ang nakita ko kay Kenneth, but at that moment, ayokong masira ang kung anumang meron kaming dalawa. I know I've been selfish that time, but what choice do I have? I have to hang on to that moment because that's the only one that I have.

So I held onto it. At buong gabi, kaming dalawa lang ni Kenneth ang magkasama.

***************************************************************

๐˜ˆ๐˜ง๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต, ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜’๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฉ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ง๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต, ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ต ๐˜š๐˜ข๐˜ฎ ๐˜ข๐˜ญ๐˜ด๐˜ฐ ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ฅ.