Chereads / Moonville Series 2: Maybe This Time / Chapter 10 - The Letter: Part 8

Chapter 10 - The Letter: Part 8

𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨-𝘪𝘣𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘯𝘪 𝘒𝘦𝘯𝘯𝘦𝘵𝘩. 𝘓𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘤𝘭𝘰𝘴𝘦 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢'𝘵 𝘪𝘴𝘢. 𝘒𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘦𝘯𝘴𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝘛𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘨-𝘸𝘰𝘳𝘬 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘶𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘤 𝘮𝘦𝘳𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘮 𝘯𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯. 𝘗𝘢𝘬𝘪𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘢𝘺 𝘶𝘯𝘵𝘪-𝘶𝘯𝘵𝘪 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘤𝘳𝘶𝘴𝘩 𝘬𝘰.

***************************************************************

Katulad ng inaasahan ay hindi naging masaya ang lahat sa nangyayari. Si Sam, halata ang pagkadismaya niya sa nangyayari. Although hindi niya ako inaaway, pakiramdam ko andoon na iyong feeling na hindi niya na ako gusto. Hindi na rin siya ganoon kabait sa akin katulad noong mga nagdaang buwan ng pagkakaibigan namin.

Minsan nga ay nakatambay kami sa may student lounge sa CPRU. Kaming tatlo lang noon, at nakaupo kami sa malapit sa bakod ng school. May dumating na nagtitinda ng fishball at kung anu-ano pang street food sa labas ng CPRU. Naengganyo akong bumili.

"Bili tayong fishball," yaya ko sa dalawa.

Kaagad namang sumang-ayon ang katabi kong si Kenneth. "Sige."

"Teka! 'Di ba, marumi iyan?" tanggi naman ni Sam.

"Hindi naman," sagot ko.

"Pwede tayong makakuha ng Hepa kapag kumain tayo niyan," ang sabi pa niya.

"Grabe ka naman! Minsan-minsan lang naman, tsaka parang malinis naman iyong tinda ni Manong," ang sabi ko.

"Iyong minsan pwede na iyong pagsimulan ng sakit. Malay natin kung malinis ba ang pinagmulan niyang tinda niya."

"O sige. Kung ayaw mo, huwag ka na lang sumama sa amin," ang sabi ko na lang para tumigil na ang usapan.

"Ikaw na lang ang bumili," ani Sam. "Huwag mo nang isama itong si Kenneth."

"Bakit naman? Gusto rin naman niyang sumama, ah." Medyo nainis na ako sa pagkikialam na naman ni Sam kay Kenneth.

"'Di ba hindi ka naman kumakain niyan?" tanong ni Sam kay Kenneth.

"Kumakain naman," sagot naman ni Kenneth.

Feeling ko ay nagwagi ako sa beauty contest dahil sa sinabi ni Kenneth. "O, iyon naman pala, eh! Halika na at baka maubusan pa tayo ng fishball."

At iyon na nga. Lumabas kami ng CPRU at bumili ng fishball sa labas. Feeling ko nga nagde-date kaming dalawa noon ni Kenneth, lalo na't nilibre pa niya ako ng fishball. Alam ko namang hirap din siya sa allowance, pero inilibre pa rin niya ako. Kinilig akong talaga sa sweetness na iyon ni Kenneth.

And then, the moment that we have to take our college entrance exam came. Sabay-sabay kaming nag-fill up ng application para sa exam, at sa form na iyon nakalagay kung anong kurso ang kukunin mo. Architecture ang kukuhaning kurso ni Ryan. Si Kenneth naman ay business course. Ako naman, gusto ko talagang maging teacher, pero dahil gusto kong mapalapit pa ng husto kay Kenneth ay gumaya na rin lang ako ng course niya. Naisip ko na mag-MBA na lang para makapagturo ako in the future.

Si Sam naman, decided na rin na medical technology ang kukunin. Pre-med kasi niya iyon dahil gusto niyang maging isang Pathologist, although parang nagdalawang isip siya bigla at gusto na ring kumuha ng business course.

"Para kasing mas gusto ko iyong maging manager ng buong hospital. Parang si Daddy. Hindi naman siya doctor pero siya ang administrator ng hospital. Siya ang in-assign ng mga kapwa niya BODs."

"You have a good point there," sang-ayon naman ni Ryan. "Iba pa rin kasi iyong may managerial skills ka. Kagaya ni Tito Baste."

"Ikaw Kenneth, ano'ng tingin mo?" tanong ni Sam sa best friend.

"Maganda nga iyon, pero iyon ba ang talagang gusto mo?"

Medyo natamaan ako doon sa sinabi ni Kenneth, pero hindi na lang ako nagsalita. Nahiya na rin ako na pallitan iyong course ko doon sa application form dahil baka ano pa ang sabihin nila sa akin.

"Sige, med tech na lang kukunin ko."

Halatang nalungkot si Sam doon sa desisyon niya, pero ginawa pa rin niya ang sa tingin niya ay tama. Nakonsensiya naman akong bigla.

"Sayang. Mas masaya sana kung kaklase ka rin namin," ang sabi ko sa kanya para mapagaan ang loob niya.

"Talaga?" Ryan asked sarcastically.

Napatingin ako sa kanya, and I know he knows that's not what I really wanted.

"Okay nga iyon, eh. Sam gets what she really wanted."

Hindi ko masagot si Ryan. Iba kasi ang tingin niya sa akin, iyong parang may alam siya tungkol sa akin na ayaw kong marinig ng iba. Natameme akong bigla.

"Sabi mo kanina, magandang may managerial skills ako," ang sabi naman ni Sam kay Ryan.

"Oo, pero pwede ka namang mag-MBA na lang after. Ang mahalaga maging masaya ka sa kukunin mong kurso, hindi iyong kukunin mo iyon just because you want to be with your friends."

Obvious na nga na ako ang pinapatamaan ni Ryan. Mabuti na lang at parang oblivious ang dalawa sa nangyayari. But even so, kinausap ko pa rin si Ryan tungkol doon. I just wanted to clear the air between us, at para na rin walang ilangan o ano pa mang issue.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Nag-uusap na tayo, 'di ba?" sagot naman niya, still full of sarcasm.

"Ryan, alam kong alam mo na iyong tungkol sa amin ni Kenneth."

"Yeah, yeah, yeah! I know this is what you wanted, and you're finally getting it. So, I'm happy for you." He even gave me a fake smile.

"Kung masaya ka para sa akin, bakit ganyan ang tono mo? Tapos iyang ngiti mo ngiting-aso pa."

"Because I told you to never mess up with Sam and Kenneth's friendship. But that's what's happening right now."

"Hindi ko naman ginusto iyon."

"Oo, alam ko naman iyon. Hindi mo ito sinadya. Hindi mo naman sinadyang magkagusto kay Kenneth, at alam kong hindi mo rin sinadyang magustuhan ka rin niya. But I'm sorry. I can't be nice to you right now because I'm really pissed off with what's happening."

Wala naman akong masabi na makakapagpagaan ng loob ni Ryan, kaya hinayaan ko na lang siyang umalis. Pero bago tuluyang makalayo ay muli siyang humarap sa akin.

"You know what? I'm pissed off because this friendship is messed up. But Kenneth is my friend, and it seems that he has started to like you. I guess I could live with that. Just stop hurting Sam." At tuluyan na nga siyang umalis.

***************************************************************

𝘍𝘰𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘧𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘵𝘪𝘮𝘦, 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘨𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘵𝘸𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘢𝘯𝘰 𝘯𝘨𝘢 𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘬𝘰? 𝘚𝘢 𝘢𝘳𝘢𝘸-𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘪 𝘒𝘦𝘯𝘯𝘦𝘵𝘩, 𝘭𝘢𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘩𝘶𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢. 𝘓𝘢𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘭𝘢𝘭𝘪𝘮 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘸𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘱𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘰. 𝘈𝘵 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘶𝘭𝘰 𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘸𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥𝘴𝘩𝘪𝘱 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘢 𝘚𝘢𝘮 𝘢𝘵 𝘒𝘦𝘯𝘯𝘦𝘵𝘩, 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘮𝘪𝘸𝘢𝘴 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘬𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘬𝘰 𝘱𝘢 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯.