𝘐 𝘨𝘶𝘦𝘴𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘰𝘯𝘧𝘭𝘪𝘤𝘵 𝘴𝘵𝘢𝘳𝘵𝘦𝘥 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘰𝘧 𝘰𝘶𝘳 𝘱𝘳𝘰𝘮. 𝘐𝘵 𝘸𝘢𝘴 𝘮𝘪𝘥-𝘑𝘢𝘯𝘶𝘢𝘳𝘺 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘰𝘶𝘳 𝘵𝘦𝘢𝘤𝘩𝘦𝘳𝘴 𝘵𝘰𝘭𝘥 𝘶𝘴 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘶𝘱𝘤𝘰𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘑𝘶𝘯𝘪𝘰𝘳-𝘚𝘦𝘯𝘪𝘰𝘳 𝘗𝘳𝘰𝘮𝘦𝘯𝘢𝘥𝘦. 𝘕𝘢𝘨𝘳𝘦-𝘳𝘦𝘤𝘳𝘶𝘪𝘵 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘴𝘢𝘺𝘢𝘸 𝘴𝘢 𝘬𝘶𝘵𝘪𝘭𝘺𝘰𝘯. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘹𝘢𝘤𝘵 𝘥𝘢𝘵𝘦 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘮 𝘯𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘢𝘺 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘱𝘳𝘢𝘤𝘵𝘪𝘤𝘦 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘢𝘴𝘢𝘭𝘪 𝘴𝘢 𝘴𝘢𝘺𝘢𝘸.
***************************************************************
Na-excite ako the moment I learned about the prom. Naisip ko, it will be an opportunity for me para mapansin ni Kenneth. Siyempre magpapaganda ako ng husto para mapansin niya ako. At bukod pa doon, gusto kong sumali kami ni Kenneth sa kutilyon at kami ang maging mag-partner.
Ang problema, parang ayaw namang pumunta ni Kenneth sa prom. At nalaman ko rin na hindi pala sila nag-attend last year. Well, at least silang dalawa ni Sam.
"Ewan ko ba dito sa dalawang ito," ani Ryan. "Basta pagka-KJ ang pinag-uusapan, magkasundong-magkasundo."
Nasa may canteen kami noon at kasalukuyang nagla-lunch.
"Bakit nga ba hindi kayo pumunta?" tanong ko sa dalawa, partikular na kay Kenneth.
"Eh wala nga kasi akong isusuot," sagot ni Kenneth. "Wala naman akong pambili o pang-rent ng amerikana."
"Sus! Eh sana sinabi mo sa akin," ang sabi naman ni Ryan. "Eh di sana nagawan natin ng paraan."
"Siyempre nahihiya din ako. Nakakahiyang manghiram. Tsaka hindi naman ako bagay sa ganoong mga pagtitipon," ani Kenneth.
"Eh ikaw naman Sam?" tanong ko sa katabi ko.
"Ayoko lang," diretsang sagot niya. "Hindi rin naman kasi ako mahilig sa mga ganoon. Ayoko ring magsuot ng gown kaya hindi ako nagpunta."
"Dahil lang doon, hindi ka na nagpunta?" Hindi ko naiwasang mainis sa kababawan ng sagot ni Sam.
"Oo," walang-anumang sagot niya.
"O sige, ganito na lang," ang sabi naman ni Ryan. "Kenneth, ako na ang bahala sa isusuot mo. At, huwag kang tumanggi at huwag kang mahihiya kasi hindi naman bago ang ibibigay ko sa'yo. Alam ko namang hindi mo tatanggapin iyon. At, kung ayaw mong ibigay ko sa iyo, hiramin mo na lang. Pati sapatos pahihiramin na rin kita. O ano, okay na ba iyon?"
Lihim akong nagpasalamat sa sinabing iyon ni Ryan. Mabuti at naisip nito iyon dahil wala akong maisip na idahilan kay Kenneth para pilitin siyang pumunta sa prom.
"O, iyon naman pala!" At hindi ko nga naitago ang excitement ko. "Ryan, tulungan mo rin ako, ha? Gusto ko kasing magpagawa ng gown sa Casa Rafaela. Tulungan mo akong makakuha ng discount, ha?"
"Oo naman," ang sabi ni Ryan. "Ikaw din, Sam. Sumama ka na dito kay Tin na magpagawa ng gown sa Casa."
"Huwag na," tanggi ni Sam. "Hindi na lang ulit ako pupunta."
Medyo natuwa ako sa sinabi ni Sam. Tiwala kasi akong masosolo ko si Kenneth sa prom namin dahil wala si Sam. Iyon na ang pagkakataon kong lalo pang mapalapit kay Kenneth. Ang kaso...
"Hindi na lang din ako sasama," biglang anunsiyo ni Kenneth.
"Whaat?" OA na tanong ni Ryan. "Pahihiramin na nga kita ng damit at sapatos, hindi ka pa pupunta?"
"Para huwag ka na ring mamroblema. Hindi na lang ako pupunta para wala ka nang iisipin pang kaibigan na kailangan mong tulungan at bihisan. Isa pa, para may kasama si Sam na hindi pumunta sa prom. At least may kasama siyang hindi makaka-relate sa mga kwentuhan n'yo tungkol sa prom."
At doon na ako nainis ng tuluyan. Muli ay naimpluwensiyahan na naman ni Sam ang desisyon ni Kenneth. At hindi ko na nagugustuhan ang ganoong epekto ni Sam kay Kenneth. Hindi na ako nakatiis na hindi komprontahin si Sam.
Hinintay kong magkasarilinan kami ni Sam para masabi ko sa kanya ang kinikimkim kong sama ng loob.
"Alam mo, hindi na tama iyang ginagawa mo, eh. Masyado mo nang naiimpluwensiyahan si Kenneth."
"Ha?" Halatang nagulat ito sa biglaan kong pagsita sa kanya.
"Okay na sana. Pupunta na siya sa prom pero nalaman niya na magpapakalungkot ka sa kuwarto mo at hindi ka pupunta kaya naisip niyang huwag na ring pumunta. Hindi ka ba naaawa kay Kenneth? Minsan-minsan lang siya magkaroon ng pagkakataon na magpunta sa mga ganoong prom, tapos hindi pa niya mararanasan iyon."
"Hindi naman ganoon ang ibig kong mangyari-"
"Pero ganoon ang nangyari dahil kahit ano pang gawin mo, hindi pa rin maiiwasan ni Kenneth na isaalang-alang lagi ang feelings mo. Gusto niya hindi mo nafi-feel na hindi ka belong. Kaya kahit kayong dalawa lang ang parehas ay nakikiayon pa rin siya sa'yo dahil ayaw ka niyang mag-isa sa kahit na anong bagay."
Umiling si Sam, pero parang hindi nito alam ang isasagot sa mga paratang ko. Kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Siyempre nahihiya siya sa'yo kasi tatay mo ang magpapaaral sa kanya sa college. Actually, isa ang tatay mo sa nagpapaaral sa kanya ngayon dito. Kaya bilang ganti ay lagi siyang nakaalalay sa iyo. Hula ko nga kaya hanggang ngayon ay wala pa siyang girlfriend kasi ikaw hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Ayaw niyang ma-left out ka kaya kahit may gusto na siya, hindi niya maligawan."
Naiisip ko kasi iyong sinabi ni Ryan sa akin. What if nagandahan nga si Kenneth sa akin at na-love at first sight siya? Pero hindi niya ako niligawan kasi laging nandoon si Sam para agawin ang atensiyon niya mula sa akin.
"Huwag mong idamay sa pagiging KJ mo si Kenneth. Huwag mong hayaang hindi niya maranasan ang maraming bagay dahil sa'yo."
I admit, pagkatapos ng ilang araw ay na-realize ko ang kababawan ng ginawa ko at bigla akong na-guilty. Pero bago ako makahingi ng tawad ay in-announce na muna sa amin ni Sam na pupunta na siya sa prom.
"Good!" ani Ryan na tuwang-tuwa sa sinabi nito. "At least magkakasama tayong apat sa prom. Last gig na natin iyon before graduation kaya dapat sulitin na natin. O Kenneth, sumama ka na rin, ha?"
"Oo, sasama iyan," ani Sam. "Kapag hindi iyan sumama hindi natin bati."
Alam kong biro lang iyon ni Sam, pero naisip ko rin na baka sinusubukan niya kung tama iyong sinabi ko sa kanya. At nalungkot siya noong pumayag na ring magpunta si Kenneth sa prom dahil parang patunay iyon noong mga sinabi ko sa kanya noong isang araw.
"Great! O ano? Isasama ko na iyong names natin doon sa magsasayaw, ha?" ani Ryan na lalong nagpa-excite sa akin.
Doon na tumanggi si Sam. "Pupunta lang ako pero hindi ako sasayaw. Hindi ko na kaya pa iyon. Kayong tatlo na lang."
"O sige," ani Ryan. "Pero sumabay ka sa amin kapag nagpasukat na kami sa Casa, ha?"
"Oo sige," sang-ayon naman ni Sam.
Pagkatapos noon ay kinausap ko si Sam. Humingi ako ng tawad sa mga nasabi ko. Pero siyempre hindi ko inamin ang totoong dahilan kung bakit sinabi ko iyon sa kanya.
"Sorry kung napagsalitaan kita ng masama. Naaawa lang kasi ako kay Kenneth."
"Wala iyon. Totoo naman, eh. Parang masyado ko na ngang naiimpluwensiyahan si Kenneth. Ayoko rin ng ganoon... Pero kalimutan mo na iyon. Huwag mo nang isipin at kunwari walang nangyari," ang sabi na lamang ni Sam.
***************************************************************
𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘴𝘢 𝘥𝘢𝘵𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘱𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘤𝘭𝘰𝘴𝘦𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘯𝘪𝘯𝘢 𝘒𝘦𝘯𝘯𝘦𝘵𝘩 𝘢𝘵 𝘚𝘢𝘮. 𝘕𝘢𝘨𝘴𝘪𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘮𝘪𝘴𝘵𝘢𝘯𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘪 𝘚𝘢𝘮 𝘴𝘢 𝘣𝘦𝘴𝘵 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥 𝘯𝘪𝘵𝘰. 𝘈𝘭𝘢𝘮 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯 𝘥𝘪𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘪 𝘒𝘦𝘯𝘯𝘦𝘵𝘩, 𝘣𝘶𝘵 𝘚𝘢𝘮 𝘸𝘢𝘴 𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘨𝘰𝘰𝘥 𝘦𝘹𝘤𝘶𝘴𝘦𝘴 𝘴𝘢 𝘣𝘪𝘨𝘭𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘸𝘢𝘴 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯. 𝘈𝘵 𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘰, 𝘥𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢'𝘵 𝘪𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘩𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢 𝘱𝘢 𝘴𝘪 𝘒𝘦𝘯𝘯𝘦𝘵𝘩 𝘢𝘵 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘯.