𝘈𝘵 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘒𝘦𝘯𝘯𝘦𝘵𝘩 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘩𝘪𝘮 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢-𝘤𝘶𝘵𝘦 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘴𝘰𝘣𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘬𝘢𝘺 𝘚𝘢𝘮. 𝘚𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘪 𝘒𝘦𝘯𝘯𝘦𝘵𝘩, 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘪 𝘙𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘪𝘣𝘢 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢. 𝘚𝘰𝘣𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘤𝘭𝘰𝘴𝘦 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱 𝘴𝘪𝘯𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘨𝘪𝘵𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘱𝘢𝘤𝘦 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘴𝘪𝘯𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘱𝘢.
***************************************
December 25 ang birthday ni Sam. Lagi na lang tuwing kaarawan niya ay may party na inihahanda ang kanyang mga magulang para sa kanya. Noong taong iyon ay naimbitahan niya ako. Siyempre, kaibigan na niya ako. As in, mga kaibigan lang talaga nila ang iniimbitahan ng pamilya. Iyon ngang mga kaklase namin hindi imbitado. Kaming tatlo lang talaga nina Kenneth at Ryan.
Sa mansiyon ng mga de Vera sa Moon Village ginanap ang pagtitipon. First time kong makapasok doon. Oo at marami na akong naririnig tungkol sa subdivision na iyon, pero namangha pa rin ako sa pagiging sosyal ng lugar na iyon. Ibang-iba iyon kaysa sa ibang mga subdivision sa Tarlac na napasukan ko na. Para kang nasa Manila o sa ibang bansa pa nga.
At ang mansiyon ng mga de Vera, super! Nahiya tuloy ako nang ikumpara ko doon iyong bahay namin. Tatlong palapag ang bahay na iyon, at ang unang palapag pa lamang ay mas malaki na kaysa sa buong bakuran namin.
Lunch to dinner ang 'party' ni Sam. Hindi naman talaga siya party. Pinakain lang kami ng lunch, tapos meryenda. At habang naghihintay ng dinner ay tumambay muna kami sa may garden area sa likuran ng mansiyon.
May swimming pool din doon at napakaganda ng mga halaman at bulaklak na nandoon. Ang mommy daw mismo ni Sam ang nagme-maintain noon. Nakilala namin ang mga magulang ni Sam at parang wala silang pag-aaring malaking pribadong ospital kung makitungo sa amin. Ganoon sila ka-down to earth.
Kaya pala ganoon din si Sam. Maging ang mga kapatid niya na sina Kuya Raul at Ate Glory ay mababait din. Pero, tama nga ang nabalitaan ko na malaki ang agwat ng edad nila kay Sam. Ang panganay nga nila na si Kuya Raul ay meron nang anak. Two years old na ang pamangkin ni Sam at ang Ate Glory naman niya ay malapit na ring manganak sa panganay nito.
"The best talaga ang mommy mo sa mga pa-party niya," komento ni Ryan kay Sam.
Nakaupo kaming apat sa mamahaling garden set habang kumakain ng dessert na buko salad at leche flan.
"Hindi naman masyadong obvious na nag-enjoy ka, ano? Pangalawang lyanera mo na ng leche flan iyan, eh," ang sabi naman ni Sam.
"Sugar crush," ang sabi pa ni Ryan bago isubo iyong piraso ng leche flan sa kutsara niya.
"Pero thank you, ha? Kasi nakapunta kayo dito sa birthday ko. Lalo na at Pasko ngayon. Alam ko marami kayong mga reunions na naka-schedule."
"Okay nga iyon, eh. At least nakatakas ako sa boring na family reunion na iyon," ani Ryan sabay simangot.
"Alam mo ikaw lang ang nakilala kong ayaw sa family reunions," ani Sam dito.
"Ito ding si Kenneth, ayaw," ang sabi naman ni Ryan.
"Hindi naman sa ganoon," ang sabi naman ni Kenneth dito. "Okay lang naman sa akin na magpunta sa reunion. Ayaw ko nga lang na hindi nila itinuturing na kabilang sa pamilya si Mama. Hindi kasi tama iyon. Asawa siya ni Papa kaya kabilang din dapat siya sa pamilya."
"Sabagay… Pero at least, pareho pa rin tayong ayaw um-attend sa mga family reunions," ani Ryan.
"Parang hindi ka masyadong masaya sa pamilya mo," ang sabi ko kay Ryan.
"Medyo," aniya. "Hindi rin naman sila masaya sa akin. Sino ba ang masaya na may anak sa labas na nahalo sa pamilya ninyo?"
Nagulat ako sa sinabi ni Ryan. Noon ko lang nalaman na anak pala siya sa labas.
"Nagulat ka ano?" tanong niya sa akin. "Oo, anak ako sa labas ng daddy ko. Nung first year ko nga rin lang nalaman. Kaya pala parang iba ang turing sa akin ni Mommy. Parang ang bigat ng loob niya sa akin. Eh kasi pala, ako ang nagpapaalala sa kanya ng kasalanang nagawa ng daddy ko."
Kunwari ay casual lang na nagkukwento si Ryan, pero dama mo iyong pait na nararamdaman niya. Nalungkot tuloy ako para sa kaibigan namin na kahit minsan ay hindi ko kinakitaan ng senyales ng pagkalungkot. Ngayon lang.
"Gusto ko nga sana doon na sa totoong nanay ko tumira. Pero ayaw ng daddy ko. Nagbanta pa siya na hindi magiging maganda ang resulta kung pagpipilitan kong sumama sa nanay ko. Baka daw pati siya madamay kung magpipilit ako. Kaya hayun, nagtitiis na lang akong makisama sa pamilyang hindi naman talaga ako itinuring na kabilang nila."
"Hindi naman siguro," ang sabi ko sa kanya. "Hindi ka naman nila pinapabayaan, 'di ba?"
"Oo. Pinag-aral nila ako sa isang napakagandang eskwelahan. Pinapakain nila ako ng masasarap. Binibilhan nila ako ng magagandang damit, pero tingin ko, ginagawa lang nila iyon para hindi ako makasira sa image ng pamilya nila.
"Ang totoo niyan, konti pa lang ang nakakaalam ng tungkol sa lihim na iyon. Iyong daddy ni Sam, isa siya sa iilang taga-labas ng pamilya na nakakaalam ng tungkol doon. Siyempre nga naman, ano na lang ang sasabihin ng mga tao kung malaman nilang may anak sa labas ang daddy ko, 'di ba?"
Noon ko lang lubos na nakilala si Ryan. Iyon siguro ang dahilan kung bakit nagrerebelde ito, para mainis sa kanya ang daddy niya at ibigay siya nito sa nanay niya. Hindi nga siguro tama, pero, paano nga ba niya malalaman kung ano ang tamang paraan? We're just teenagers that time. Ang tanging alam lang namin ay ang mag-aral at mamroblema sa mga exams at projects sa school. At, well, sa mga crushes namin.
"Alam mo iyong kabilang ka sa isang pamilya, pero feeling mo mag-isa ka lang? Parang sarili mo lang ang mundo. No one really cares for you. No one understands you. Ganoon ang feeling ko kapag nasa mga family reunions ako. And I don't like that feeling. It sucks. Always."
Saglit kaming natahimik. Wari'y ninanamnam namin ang paglalabas ng sama ng loob ni Ryan sa pamilyang ang tingin ng lahat ay napakaperpekto. Pero hindi naman pala.
"Well, at least you have us," ang sabi ni Sam pagkatapos.
"Uh! Ang sweet mo talaga, Sam," ani Ryan. And again, I wondered kung wala nga ba talaga itong crush kay Sam.
"At ang baduy mo," ang sabi naman ni Sam.
And with that ay nabalik na ulit ang masaya naming vibe kanina bago naging senti si Ryan.
"Ako, baduy? At kailan pa ako naging baduy? Nevah!" ang sabi ulit ni Ryan.
"Kaninang nagdadrama ka, baduy ka," ani Kenneth.
"Pinagtulungan n'yo na naman ako." Sumimangot si Ryan. "Tin, ipagtanggol mo nga ako sa dalawang bully na ito."
"Tama naman sila, eh," pakikisakay ko. "Baduy ka talaga."
"Ugh! I feel so alone right now," ani Ryan, in an exaggerated way that made us all laugh.
Nang biglang makakita ng shooting star si Sam.
"Uy! Shooting star!"
"Mag-wish tayo," ani Ryan.
Tumahimik kaming apat para humiling sa nagdaang bulalakaw.
"Ano'ng winish ninyo?" tanong ni Ryan pagkatapos.
"Bawal sabihin, baka hindi magkatotoo," ang sabi ko dahil nahihiya ako sa winish ko. Tungkol kasi ito kay Kenneth at sa mas lumalalim kong pagtingin sa kanya.
"Ang KJ naman nito," ani Ryan.
"Totoo naman iyong sinabi ni Tin," ani Sam. "Huwag mong pakialaman ang wish namin at baka hindi matupad. Kung gusto mo, ikaw iyong magsabi nung wish mo."
"Oo nga," sang-ayon ni Kenneth. "Ano bang winish mo, Ry?"
"Na sana, maging forever tayong ganito," ani Ryan. "Lagin tayong okay, magkakasama na masaya. Sana huwag tayong magkahiwa-hiwalay kahit na tumanda tayo. Mind you, last year na natin ito sa high school. Next year iba-iba na ang papasukan nating kurso. Hindi na tayo magiging magkaklase."
"Nakakalungkot naman iyang sinabi mo," ani Sam. "Ang corny mo talaga, ano?"
"Hinding-hindi tayo maghihiwalay," ani Kenneth. "Lagi tayong mananatili para sa isa't isa. Ako masaya ako sa barkadahang ito. Para akong nagkaroon ng ikalawang pamilya nang maging kaibigan ko kayo."
"O, iyan ang corny," ani Ryan sa sinabi ni Kenneth.
"Tama naman si Kenneth, eh," ang sabi ko para magpasikat kay Kenneth. Na umubra naman dahil nginitian niya ako. At kinilig naman daw ako. "Ako rin grateful sa friendship na ito. Kahit na kalilipat ko lang dito hindi ako nahirapan nang dahil sa inyo. Kaagad ninyo akong kinaibigan at inalagaan."
"O, corny ba kami, Sam?" tanong ni Ryan.
Sam looked at Ryan intently. "We will always have each other."
"Hu! Sinabi mo lang iyan kasi walang sumasang-ayon sa'yo. Talo ka na!" tukso ni Ryan dito.
"I will always tolerate you even if you're very annoying, Ryan Arcilla. I know how it is to be alone. Having your own world because your classmates are afraid that they might not understand you. I don't wanna go back there. I have you now… And I feel so happy even if it sucks that you're making me cry on my very own birthday!"
"Ha! Haha!" ani Ryan.
"I hate you, Mr. Ryan Arcilla, for being such a bully," ang sabi pa ni Sam, pero hindi naman galit ang expression nito.
"Balang araw pasasalamatan mo rin ang bully na ito."
Sam smiled. "Very well, then. You won't get any more leche flan or buko salad because I think the sugar is working on your system already. You're getting hyped again." Inilayo pa nito ang leche flan at buko salad mula kay Ryan.
"Hoy! Huwag namang ganyan!"
At nag-agawan sina Sam at Ryan ng dessert. Si Kenneth naman ay ginagatungan pa ang pag-aagawan ng dalawa.
Sa totoo lang, masaya naman ang hapong iyon, na umabot na ng gabi. Looking at Sam, she was wearing just a simple t-shirt and jumper shorts. Para ngang hindi ito ang may birthday sa ayos nito. Actually, kung hindi nga lang sa pagsasalita nito ay hindi mo malalaman na sobrang yaman ng batang iyon. Sobrang simple kasi nitong manamit at makitungo sa iba, though I admit there's this certain class and elegance that she has na hindi man explicit ay hindi mo pa rin mai-ignore.
***************************************
𝘕𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘧𝘰𝘳𝘦𝘷𝘦𝘳. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘵𝘰𝘵𝘰𝘰 𝘯𝘨𝘢 𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘰 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪 𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘴𝘩 𝘮𝘰 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘪𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘵𝘶𝘵𝘶𝘱𝘢𝘥. 𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘴𝘩 𝘯𝘪 𝘙𝘺𝘢𝘯. 𝘞𝘦 𝘥𝘪𝘥𝘯'𝘵 𝘣𝘦𝘤𝘰𝘮𝘦 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘧𝘰𝘳𝘦𝘷𝘦𝘳. 𝘕𝘰𝘸 𝘐 𝘢𝘮 𝘴𝘪𝘤𝘬, 𝘢𝘯𝘥 𝘦𝘷𝘦𝘯𝘵𝘶𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘭𝘦𝘢𝘷𝘦 𝘵𝘩𝘦𝘮 𝘧𝘰𝘳𝘦𝘷𝘦𝘳. 𝘈𝘯𝘥 𝘚𝘢𝘮…
𝘚𝘩𝘦 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘢𝘸𝘢𝘺.