๐๐ถ๐ญ๐ข ๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฑ๐ช๐ต ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐บ ๐๐ข๐ฎ. ๐๐ต ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฌ๐ข๐ช๐ฃ๐ช๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ ๐ด๐ช๐ฏ๐ข ๐๐ฆ๐ฏ๐ฏ๐ฆ๐ต๐ฉ ๐ข๐ต ๐๐บ๐ข๐ฏ, ๐ฏ๐ข๐ฑ๐ช๐ญ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช๐ด๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ ๐ด๐ช๐ญ๐ข. ๐๐ฌ๐ข๐บ ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ. ๐๐ข๐ฉ๐ช๐ต ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข-๐ฃ๐ถ๐ญ๐ญ๐บ ๐ด๐ช ๐๐บ๐ข๐ฏ, ๐ข๐ญ๐ข๐ฎ ๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ช๐ณ๐ฐ ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ฑ๐ข๐ด๐ข๐บ๐ข ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฌ๐ข๐ช๐ฃ๐ช๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐บ๐ข. ๐๐ช ๐๐ฆ๐ฏ๐ฏ๐ฆ๐ต๐ฉ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ, ๐ฏ๐ข๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ณ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ณ๐ช๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช ๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ง๐ช๐ณ๐ด๐ต ๐ฅ๐ข๐บ ๐ฐ๐ง ๐ด๐ค๐ฉ๐ฐ๐ฐ๐ญ.
***************************************************
Minsan ay naging mag-partner kami ni Kenneth sa reporting sa isa naming klase. At kung ako ay naka-move on na doon sa nangyari noong una naming pagkikita, siya ay mukhang hindi pa. Para kasing hindi pa siya komportable na makasama ako ng kaming dalawa lang.
"Ahm... ano... uh... ako na lang muna ang magre-research tapos pumili ka na lang ng topic na gusto mo," aniya nang pinag-uusapan na namin iyong gagawin naming report.
"Kennethโฆ hindi pa rin ba tayo okay?"
"Huh?" Nagulat siya sa tanong ko.
"Kaya ko namang mag-research din ng sarili ko. Isa pa, kailangan magkasama nating gawin ito kasi nga magka-partner tayo."
Napayuko siya. "Naisip ko kasi... ano..."
"Na gagawin mo iyan para makabawi ka doon sa sinabi mo tungkol sa tatay ko?"
Hindi pa rin siya makatingin sa akin.
"Okay na iyon. Ang tagal na no'n, eh. Hindi ka pa rin ba naka-move on?"
"Sorry... hindi ko lang kasi maiwasan."
"Naiintindihan naman kita. Marami naman talagang pulis ngayon ang corrupt. Kunwari tapat nilang ginagampanan ang tungkulin nila. Iyon pala, protektor sila ng kung sino-sinong masasamang tao."
Napatingin siya sa akin. Itinuloy ko naman ang pagkukwento para na rin gumaan ang pakiramdam niya sa presence ko.
"Iyon iyong dahilan kung bakit napaalis kami sa Zambales. May nadiskubre kasi ang tatay ko. Iyon palang hepe nila doon, protektor ng mga gambling lords sa lugar namin. At, kasabwat pala niya iyong mayor namin doon. May kickback yata sila sa mga iyon. Tapos, nang kalaunan pati mga drug lords pinoprotektahan na rin niya. Hanggang sa umanib na rin iyong ibang kasamahan ni Papa sa kaniya. Siyempre nga naman, utos ng mayor namin. Kung ayaw mong sumunod, malalagot ka."
"Mabuti at walang nangyaring masama sa tatay mo? Sa inyo? Ang alam ko, kapag ganyan, gumagawa sila ng paraan para mapatumba iyong kumontra sa kanila."
"Siguro nagkataon na malakas din ang kapit ni Papa sa itaas. Tiwala kasi iyong regional director nila sa kanya, kasi kilala naman talagang isang matapat na pulis si Papa. Naitimbre na niya ang tungkol sa nalaman niya at kung may mangyari mang masama sa kanya o sa amin na pamilya niya, alam na ng regional director kung sino ang may kasalanan. Actually, siya rin ang nagpalipat sa amin dito. For our safety daw. Kasi nga mainit na ang dugo ng hepe at ibang kasamahan ni Papa doon sa Zambales. May mga inireklamo silang hindi naman ginawa ni Papa. Ang nangyari tuloy, na-demote si Papa noong lumipat kami dito. Pero maganda na rin siguro iyon. Sa totoo lang, ilang beses na ring may nakitang aali-aligid sa bahay namin si Mama. Parang may balak na gumawa ng masama."
"Mabuti pala at nakaalis kayo doon."
"Oo. Kung hindi ay baka hindi mo ako kausap ngayon." Ngumiti ako para mapagaan naman ang mood. "Medyo mahirap nga iyong paglipat namin dito. Walang-wala talaga kami. Mabuti nga at may educational plan ako. At least nakapag-aral ako sa magandang school. Mabuti at nahulugan iyon nina Mama noon pa. Nurse kasi si Mama kaya nakakaya nilang gastusan iyong pag-aaral ko. Pero ngayong nakalipat na kami, plain housewife na lang siya. Wala kasi siyang mapasukang trabaho."
"Nurse ang nanay mo?"
"Oo. Eh wala naman siyang mapasukang trabaho dito. Mabuti nga at mag-isa lang akong anak nila. Next year nga gusto kong kumuha ng scholarship. Oo nga at ayos na ang pang-tuition ko, pero iyong mga gastusin sa school, malaki pa rin."
"Bakit hindi mo kausapin si Sam?"
"Huh?"
"Pwede ka niyang tulungan na makakuha ng scholarship kasi isa sa mga benefactor dito ang daddy niya. Isa pa, baka pwede siyang makaiusap sa daddy niya para maipasok sa TGH ang nanay mo."
"Hindi ba parang nakakahiya naman iyon?"
"Walang nakakahiya kay Sam. Basta makakatulong iyon, tutulong iyon. Ang totoo nga niyan, sigurado na ang scholarship ko sa college dahil sa kanya. Kinausap niya ang daddy niya at nangako ito na susuportahan ang pag-aaral ko. Hindi rin naman kasi kami mayaman."
"Scholar ka nga daw ngayon, 'di ba?"
"Oo. Ang totoo, nakapasok ako dito bilang scholar. Nag-open kasi ng scholarship programs ang CPRU para sa mga estudyanteng hindi kayang mag-aral sa ganitong klaseng paaralan. Basta ma-meet nila iyong academic requirements, iyong average grade. Kaya nga pinagsusumikapan kong maging mataas lagi ang grades ko kasi kapag bumaba iyon, hindi mo na rin ako makakausap dito."
Napangiti ako. "Eh magaling ka naman kaya kayang-kaya mo iyon."
"Ginagalingan ko lang para sa mama ko. Siya kasi ang nagtatrabaho para sa amin."
"Eh iyong tatay mo?"
"Patay na siya."
Natigilan ako sa narinig.
"Alam mo, kung hindi namatay si Daddy, siguro hindi ganito ang buhay namin. Abogado kasi siya. Pero, gaya ng tatay mo, matapat din siya sa tungkulin. Siya iyong abogado na talagang pinaglalaban ang katotohanan. Kaya marami din siyang nakakabanggang mga malalaking tao. Isang araw, nabalitaan na lamang namin na may bumaril sa kanya." Lumungkot bigla si Kenneth.
"I'm sorry..." Wala akong masabi sa rebelasyon niya kundi iyon.
"Salamat... Sa Pampanga naman kami noon nakatira. Grade 4 ako nang mangyari iyon. Ang daddy ko, galing sa mayamang pamilya. Ang mama ko naman, simple lang ang pinagmulan, kaya ayaw sa kanya ng angkan ni Daddy. Nung una, hindi ko alam ang tungkol doon. Malapit din kasi ako sa pamilya ni Daddy. Pero nasaksihan ko mismo iyong pagmamalupit nila kay Mama.
"Pinilit nila akong ilayo sa kanya. Pag-aaralin daw nila ako sa America, pero hindi nila sinabi sa akin na hindi na nila ako ipapakita sa mama ko kapag pumayag ako sa gusto nila. Mabuti na lang at nalaman ko ang tungkol doon, at nalaman ko rin ang pagmamaltrato nila kay Mama. Kaya nung nagpasyang umalis si Mama sa Pampanga, sumama ako sa kanya.
"Ang sabi ng pamilya ni Daddy, hindi na daw ako makakakuha ng kahit na ano mula sa kanila. Hindi na rin daw nila susuportahan ang pag-aaral ko. Ang lahat ng mga naiwan ni Daddy, nagawa nilang kamkamin. Kaya wala talagang natira sa amin ni Mama."
Nalungkot ako sa kuwento ni Kenneth. Napakabigat pala ng pinagdaanan nito sa napakamurang edad.
"Kaya alam ko iyong pakiramdam na manganib ang buhay ng tatay mo pati na ang pamilya ninyo. Naranasan din namin ni Mama iyong may nagmamatiyag sa labas ng bahay. Humingi pa nga ng protection sa police si Daddy noon. Pero namatay din siya."
"Napakarami na talagang masasamang tao sa mundo."
"Tama ka doon. Mabuti ka nga, may educational plan ka. Eh ako, pati iyon kinuha sa amin noong pamilya ni Daddy. Mabuti na lang at nagawan ni Sam ng paraan kaya makakapag-college pa ako."
"Mukhang super close talaga kayo ni Sam, ano?"
Napangiti si Kenneth. "Kasalanan niya iyon. Masyado siyang clingy."
Natawa ako sa sinabi niya. "Clingy talaga?"
"Oo," sagot ng natatawa na ring si Kenneth. "Hindi siya basta-bastang bumibitaw sa mga taong mahahalaga sa kanya. Kaya nga ang sarap niyang maging kaibigan. Hindi kasi siya nang-iiwan sa ere."
Halata ang fondness sa mga mata ni Kenneth para sa kaibigan niya. Na-curious tuloy ako sa friendship nilang dalawa.
"Paano ba kayo naging magkaibigan ni Sam?"
"Kasalanan iyon ni Ryan." Muli nang napangiti si Kenneth.
"Si Ryan?"
"Si Ryan kasi, rich boy iyan. Alam mo naman, 'di ba? Iyong grandparents niya ang may-ari ng pinakamalaking patahian dito sa Tarlac. Ang totoo, basta garments industry dito sa Tarlac, ang mga Arcilla ang nagdo-dominate. Kaya naman itong si Ryan, may natural angst sa katawan. Inborn."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Eh siyempre ako naman as a scholar, kailangan kong magpakitang-gilas. Eh nainis yata siya sa akin."
"Na-insecure?" natatawa kong tanong.
"Meron kasing question noon sa recitation namin na hindi niya masagutan. Pinasagot sa akin nung teacher namin. Iyon... Mula noon, lagi na niya akong binu-bully. To the rescue naman itong si Samantha de Vera... Ang mga kaklase namin noon, may kanya-kanyang grupo. Kasi siyempre mayayaman. Kilala nila ang isa't isa. Pero si Sam, loner din. Hindi naman kasi namin siya dapat na kaklase. Dapat, grade five pa lang siya at hindi first year high school."
"Accelerated siya?"
"Oo. Ganoon siya kagaling."
Lalo akong humanga kay Sam. Alam kong isa siya sa mga magagaling sa klase namin. Unang linggo ko pa lang sa CPRU ay nalaman ko na ang tungkol doon. Pero hindi ko naisip na ganoon siya kagaling para ma-accelerate ng dalawang taon.
"Kaya lagi rin siyang nag-iisa noon. Siyempre, hindi naman niya ka-batch iyong mga kaklase namin. Pero kilala naman niya ang mga iyon kasi nga, ang mga mayayaman sila-sila rin ang magkakakilala. Kaya noong binully ako ni Ryan, pinagtanggol niya ako."
"At si Sam pa talaga ang nagtanggol sa iyo?" Hindi ko maiwasang matawa.
Natawa rin naman si Kenneth. "Oo. Siyempre ako, scholar lang na napasama sa mga mayayamang estudyante. Kumbaga, dayo lang ako sa mundo nila. Kaya naman talagang umiiwas ako sa gulo, lalo na't baka manganib iyong scholarship ko. Pero kung wala lang akong iniisip na ganoon, malamang na pumutok na iyong ilong ni Ryan dahil sa suntok ko."
Lalo akong natawa sa sinabi niya. "Parang gusto kong makita iyon."
"Huwag na. Okay na kami ni Ryan ngayon. Hindi na niya ako binu-bully. Ang sabi noon ni Sam, basta didikit lang ako sa kanya, hindi na ako tutuksuhin ni Ryan Arcilla o kung sino mang bully sa CPRU. Ang daddy niya kasi ay isa sa mga BODs nitong school. Kaya kung sino man daw ang mang-aapi sa kanya o sa mga kaibigan niya, mananagot sa school board."
Naalala ko iyong sinabi ni Sam sa akin noong first day of school. Mukhang totoo nga ang mga iyon base na rin sa sinabi ni Kenneth.
"So hindi ka na na-bully ni Ryan mula noon?"
"Hindi na. Natatakot yata siya kay Sam."
"Paano n'yo siya naging kaibigan?"
"COCC training. Alam mo iyon?"
Cadet Officer Candidate Course. Pamilyar nga siya doon. "Oo naman. Kasali nga din ako doon sa school namin dati. Kaya lang, hindi ako naging officer kasi nga umalis kami. Parang nasayang lang iyong training ko."
"Oo nga ano?"
"So, anong nangyari? Bumait si Ryan dahil sa mga officers?"
"Pwede nating sabihin na ganoon. One time, pinalinis sa kanya iyong lahat ng CR sa high school dept. Parusa ba. Marami nga kasing naiinis sa kanya dahil sa pagka-bully niya. Eh nakakaawa naman kasi obvious na pinag-iinitan lang siya ng mga officers namin. Kaya tinulungan ko na lang siya."
"Wow! Ang bait mo naman."
"Eh naisip ko, kung may mangyaring masama man ay nandiyan naman si Sam para magsumbong sa daddy niya. Kaya hayun, bumait na rin sa akin si Ryan. At tuluyan na talaga siyang bumait. Hindi na siya gaanong nambu-bully ngayon. Biro-biruan na lang iyong pambu-bully niya."
"Wow! Ang saya naman. Happy ending."
"Oo nga, eh. At salamat kay Sam. Dahil sa kanya, hindi ako inaalipin ni Ryan."
Napangiti ako. Mukhang napakalalim talaga ng pagkakaibigan nitong si Kenneth at ni Sam. Nakakainggit, actually. Sana makakita rin ako ng ganoong klaseng kaibigan.
"Napakuwento na tuloy tayo," ani Kenneth. "Iyong report natin wala pang nangyayari."
"Oo nga," sang-ayon ko. "Pero at least, ngayon komportable ka na sa presence ko."
He smiled shyly. "Oo nga. Salamat, ha? Tsaka sorry ulit."
"Kalimutan na nga natin iyon."
"Mabuti pa nga."
"O sige, gawin na natin itong report natin. Hati na lang tayo."
"Sige, ganito na lang nating hatiin."
***************************************************
๐๐ช๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ, ๐ฏ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ข๐บ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฌ๐ช๐ฌ๐ช๐ต๐ถ๐ฏ๐จ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ฏ๐ฏ๐ฆ๐ต๐ฉ ๐ด๐ข ๐ช๐ด๐ข'๐ต ๐ช๐ด๐ข. ๐๐ข๐ญ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ. ๐๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ช๐ฃ๐ช๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ต๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ข ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช. ๐๐ฆ๐ณ๐ฐ ๐ข๐ญ๐ข๐ฎ ๐ฌ๐ฐ, ๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฑ๐ข ๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ ๐ฌ๐ถ๐ฎ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ช๐ฃ๐ช๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ธ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ฎ ๐ฏ๐ข ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ณ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ต๐ช๐ฏ๐ข๐จ๐ข๐ญ ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐ฌ๐ข๐ณ๐ข๐ฎ๐ช ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ.