Allysa Chloe Hernandez
Nang dumating si Mommy at Daddy sa clinic ay umuwi na kami. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang pauwi. No one wants to start a conversation. Ayoko din namang magsalita dahil baka magtalo pa ang Mommy at Daddy.
Bumaba ako sa kotse ng makarating sa bahay. Inalalayan ako ni ate Helen papasok sa loob. My brother looked so worried. Nilapitan niya ako at tinanong kung okey na ba ako? Sinabi ko naman sa kanya na okey na 'ko at huwag na siyang magalala. Alam ko na sobrang mapang-asar si kuya Allen sa lahat ng oras but he's really cared for me.
Pinahatid ako ni Mommy kay ate Helen sa taas para makapagpahinga at sinabing dadalhan na lang ako ng launch para hindi na ako bumaba. Pumayag naman ako. Nang makarating ako sa aking kwarto ay agad akong nagpalit ng damit pangbahay. Naupo ako sa gilid ng aking kama at kinuha ang aking cellphone. Nagbabrowse ako ng mga ig stories ng mga friend ko ng madaanan ko ang ig story ni Kent Liam. Isang stolen shot na may caption na "Happy yan kasi nag community service pala yung crush niya kanina."
It was an ig story of her friend na inescreenshot niya at nilagay niya sa story niya. So he's already have a crush? Nang mabasa ko yun ay parang nabadtrip ako. Pero hindi na 'ko magtataka dahil nakakaagaw naman talaga ng pansin ang kacutetan niya. Siguro andaming nagkakacrush sa kanya sa kanilang department tsaka mukhang mabait naman. Teka saang department nga ba siya? Nakakainis naman hindi ko man lang naitanong sa kanya kanina.
Habang iniisip ko ang bagay na yun may kumatok sa pintuan ng aking kwarto.
"Come in."
Saad ko.
Pumasok si ate Helen na may dalang tray ng pagkain.
"Bakit parang andami naman nito ate Helen?"
Nagtataka kong tanong sa kanya. Usually kasi 2 putahe lang ng ulam ang niluluto ng mga kasambahay pero ngayon ay 4 na. Tapos andami pang slice ng apples, watermelon at avocado. Paano ko ba kakainin 'to?
"Nako ang Mommy mo ang nagrequest niyan Allysa. Hayaan mo na at bumabawi ang Mommy mo sayo."
Paliwanag niya sa akin
"Ah ganon ba. Sige ate Helen salamat po."
Pagkatapos ay umalis na ito.
Pagkatapos kumain ay nagpahinga na ako. My body need some rest yun ang sabi ng nurse kanina. Natulog ako saglit dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.
Mga 5:00 pm naisipan kong bumaba dahil nagugutom ako. Ayaw ko namang tawagin si ate Helen kaya naisipan ko na lang na ako na ang kukuha ng kakainin ko.
Nang mapadaan ako sa office ni Daddy ay may narinig akong nagtatalo. I'm sure si Mommy at Daddy na naman yun. Hindi ba sila pwedeng mag-usap na hindi nagagalit sa isa't- isa kaya naman madalas silang hindi magkaintindihan eh. Lumapit ako sa pintuan at pinakinggan ang pinagtatalunan nilang dalawa.
"Bakit ba nagcommunity service si Allysa? What's the reason? Napahamak tuloy yung bata Alliya."
Boses yun ni Daddy mula sa loob.
"You know what Cole nakita lang naman ang nawawalang answer key ni Ma'am Joy sa bag ni Allysa before the exam. Kaya pinatawag ako ni dean sa opisina kanina. Nakakahiya yung ginawa ng anak mo. They want a 1 week suspension pero nakiusap ako that's the reason kung bakit nagkaroon ng community service which I agree. Hindi ko naman alam na mangyayari 'to. I just want to teach her a lesson na lahat ng actions na ginagawa niya mayroong consequences."
Paliwanag ni Mommy.
"You agree with that community service? Alam mo namang hindi sanay si Allysa sa mga ganoong gawain. Ni hindi mo man lang tinanong yung anak mo kung totoo ba yung accusations na yun. Pinapahamak mo yung bata.
Paano kung mas malala pa doon yung nangyari?"
Galit na tanong ni Dad.
"Sinisisi mo 'ko? Yan ang hirap sayo palagi mo na lang kinakampihan yang mga anak mo kaya nagiging spoiled brat."
"Hindi naman sa kinakampihan ko si Allysa. Ang akin lang sana inalam mo muna kung ano ba talaga ang totoong nangyari bago ka pumayag na mag community service yung bata."
"Yun na nga ang problema Cole, itinatanggi niya na wala siyang kinalaman sa nangyari. Na hindi niya alam kung bakit napunta yung answer key na yun sa loob ng bag niya."
"Baka naman wala talaga siyang alam sa nangyari. Let's hear what's her explanation first. Hindi yung nagdedecide ka without knowing what really happened. Minsan pakinggan mo din ang anak mo."
"Fine. Ikaw na ang bahalang kumausap diyan sa anak mo. Mukhang hindi na nakikinig sa akin eh."
"Okey I'll be the one to talk to her. Nasa kwarto siya diba?"
"Oo pinagpapahinga ko. Sige na puntahan mo na at ng matapos na ang issue na 'to."
Agad akong umalis sa tapat ng pintuan ng opisina ni Dad at dali-daling bumalik sa aking kwarto. Nahiga ako sa kama habang nakaharap sa bintana at yakap ang isang unan. Maya maya pa ay may narinig ako papalapit sa aking pintuan. Siguro ay si Daddy na yun.
Kumatok siya habang tinatawag ang pangalan ko.
"Allysa anak? Can I come in?"
"Yes Dad."
Nang makapasok si Daddy ay naupo siya sa gilid ng aking kama. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng saglit na halik sa noo.
"Are you okey hija?"
Nag aalalang tanong niya.
"Yeah. I'm fine."
Nakangiting sagot ko sa kanya. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama.
"Gusto ko lang itanong anak kung ano ba talaga ang nangyari?"
Tanong niya sa akin habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. I know my Dad na kapag ginawa niya yun he want a honest answer.
"I'm sorry Dad pinag-alala pa kita. Pero ang totoo, wala po talaga akong kinalaman sa nangyari. Before po kami mag-exam nagpunta po ako sa comfort room to pee. Tapos pagbalik ko po nagkakaingay na yung mga classmates ko kasi nawawala po yung answer key sa exam ni Ma'am Joy. Kaya ang ginawa po ni Ma'am Joy pina open lahat ng bags namin. I'm really shocked when they opened my bag kasi nandoon yung answer key. Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko kasi hindi ko alam kung bakit napunta yung answer key na yun sa bag ko. My classmates accused me na ako yung nagsteal ng answer key which is hindi ko naman po talaga ginawa. After that, pinatawag po ako sa dean's office at tinawagan din nila si Mommy. They want me to have a 1 week suspension. Pero nakiusap si Mommy kaya pinagcommunity service na lang ako. Ayoko po sanang pumayag dahil alam ko sa sarili ko na wala akong ginawa but Mom already agreed. Kaya wala na po akong nagawa kundi ang sundin siya."
Mahabang paliwanag ko kay Daddy
"Yun naman pala eh don't worry anak. Kakausapin ko si dean para masettle na 'tong issue na 'to.
Alam ko din naman na hindi mo yun gagawin diba?"
"Yes po."
"Sige na, magpahinga ka na. I love you anak."
Ngiting sambit niya pagkatapos ay niyakap niya ako.
"I love you too Dad."
Ang naging sagot ko sa kanya.
Pagkatapos ay tumayo na siya at naglakad palabas ng aking kwarto.
I know my Dad really loves me and also my Mom. Na kahit na napapagalitan nila ako minsan. I know that I'm lucky to have a parents like them.