Allysa Chloe Hernandez
Kinabukasan
Saturday ngayon at maaga akong nagising dahil kailangan kong pumunta ng school, 6:00-10:00 am ang community service ko. Ayaw ko sanang gawin 'to dahil alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan pero pumayag na si Mommy and I can't say no to her. Ayaw ko din naman siyang ipahiya kay dean kahapon at lalo lang akong mapapagalitan. Alam ko na medyo matigas ang ulo ko pero inilulugar ko naman iyon at dinedepende sa sitwasyong kinalalagyan ko.
Inayos ko ang bag na aking dadalhin. Nagdala ako ng extrang t-shirt, towel at jogging pants. Nagbitbit din ako ng tumbler na may cold water at sandwich habang palabas ng bahay. Nang makita ko si Manong Jose ay nagpahatid ako papunta sa school.
Nang makarating ako sa school ay wala pang masyadong tao maliban sa security guard na nakabantay sa gate ng aming university.
Bago pumasok ay nagtanong ako sa security guard.
"Kuya ako lang ba ang naka schedule na mag cocommunity service ngayong araw?"
"Sa mga regular students, oo ikaw lang pero madaming scholars at volunteers ang naglilinis ngayon. Sino ba ang class instructor mo?"
Tanong nito sa akin.
"Si ma'am Joy po."
"Ah ikaw pala yung sinasabi niya. Oh eto pinabibigay niya."
Sabay abot sa akin ng mga plastic bags na hindi ko alam kung ano ang laman.
"Salamat po."
Nang makuha ko ang mga plastic bags ay puro gardening tools ang laman nito. Akala ko pa naman ay magwawalis lang ng garden pero bakit may paganito pa. Hindi pa naman ako sana'y sa ganitong gawain. Haysst mukhang mapapasubok ako nito.
Nang makarating ako sa assigned garden na nakasulat sa aking time card ay nagsimula na akong gawin ang mga dapat kong gawin. Ang una kong ginawa ay ang pagbubunot ng maliliit na damo sa gardren. Inabot ako ng mahigit isang oras dahil malaki laki din ang garden na naka assigned sa akin. Pagkatapos kong magbunot ng damo ay nagwalis naman ako ng mga tuyong dahon sa paligid. At ang pinakahuli kong ginawa ay ang pagdidilig ng mga halaman. Habang hawak ko ang hose na ginagamit sa pagdidilig ng halaman ay nakaramdam ako ng hilo siguro ay dahil sa init ng panahon idagdag mo pa na medyo masakit talaga ang ulo ko kanina pang umaga pagkagising 'ko. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse ng may mga kamay na umalalay sa akin.
"Miss are you okey?"
Nag-aalalang tanong ng lalaking kanina lang ay nakikita kong naglilinis sa kabilang garden.
"Medyo nahihilo lang ako. Salamat."
Sagot ko naman sa kanya dahil pakiramdam ko talaga ay matutumba na ako.
"Samahan kita sa clinic. Namumutla ka na oh."
Dagdag pa niya.
"Yes pleasee."
Pakiusap ko sa kanya. Dahil wala na rin namang akong choice dahil pakiramdam ko ay matutumba na talaga ako.
Pagkatapos ay inalalayan niya ako papunta sa clinic. Hindi pa kami nakararating sa clinic ay bumigay na ang talukap ng aking mata. At ang mga sunod na nangyari ay hindi ko na maalala.
Nagising na lang ako habang nakahiga sa hospital bed sa clinic ng aming school. Nakabantay ang lalaking tumulong sa akin kanina. Nang mapansin niyang gising na ako ay lumapit siya sa akin pagkatapos ay lumabas ito saglit at pagbalik ay may kasamang nurse. Matapos akong iexamine ng nurse ay sinabi nitong ayos na ako at pwede ng makauwi mamayang alas dose.
Kailangan ko lang daw pahinga.
Nang makaalis na ang nurse ay lumapit siya at kinausap ako habang nakaupo sa upuan na nasa gilid ng aking kama.
"Kamusta na ang pakiramdam mo? Yung mga gamit mo dinala ko na din dito kanina. Ayun oh"
Sabay turo niya sa bag na nasa upuan.
"Ayos na ako. Salamat nga pala."
Nakangiting sagot.
"I'm Kent Liam by the way."
Sabay lahad ng kanyang kamay.
"Allysa Chloe Hernandez."
Nakangiting sagot ko sa kanya sabay abot sa kanyang kamay. Grabe ang soft ng hands niya.
Maya-maya pa ay nagulat ako ng bumukas ang kurtina na tumatakip sa aking kwarto at pumasok si ate Helen.
"Nako ano bang nangyari sayong bata ka?"
Nag-aalalang tanong nito habang lumalapit sa akin.
"Nawalan lang po ako ng malay kanina pero ayos na po ako ate Helen. Huwag na po kayong mag-alala."
Sagot ko sa kanya.
"Bakit ba kasi nag community service ka pa eh hindi ka naman sana'y sa mga ganoong gawain? Pinag-alala mo ang Mommy at Daddy. Alam mo pinauna lang nila ako dito pero susunod na daw agad sila."
"Kailangan po eh at isa pa. Mom agree to that kaya wala po akong ibang choice kundi ang gawin yun."
"Nako ganoon ba. Teka sino 'tong kasama mo hija?"
Sabay turo sa lalaking nakaupo sa gilid ng aking kama.
"Si Kent Liam po ate Helen siya po yung tumulong sa akin kanina."
"Ah ganoon ba. Salamat hijo ha. Mabuti na lang talaga at tinulungan mo itong alaga ko. Salamat ha."
Sabay lapit nito kay Liam at niyakap ito.
"Wala pong anuman."
Magalang na sagot nito kay Ate Helen.
Maya-maya ay nagpaalam na si Kent Liam dahil may gawain pa daw siyang kailangang tapusin. Nagpasalamat ulit si ate Helen sa kaniya at hinatid pa sa labas ng clinic.
Nang maiwan kami sa loob ay nakangiti siyang sumulyap sa akin.
"Why are you smiling ate Helen?"
Nagtatakang tanong ko dito habang nakaupo sa kama.
"Eh kasi naman Allysa ang cute ng savior mo ha tsaka ang galang na bata pa. Bagay kayo."
Nang-aasar na sambit nito sa akin habang nakangiti.
"Ate Helen."
Saway ko kanya.
Pero infairness ang cute talaga ni Kent Liam kanina nga ay hindi ko mawala ang tingin sa kanya. Buti na lang at hindi niya 'ko nahahalata na tinitingnan ko siya.
Those beady eyes framed with thick lashes are really cute for me. Kahit na nakasalamin ay kitang kita ko kung gaano kaganda ang kanyang mga mata. Na parang bang nagsasabing tingnan ko siya.
Ipinaabot ko ang aking bag kay ate Helen at kinuha ang aking cellphone. Curious talaga ako sa kanya. I tried to search him on facebook pero walang lumalabas.
Nagtry din ako sa instagram and luckily I found his account. Kaso naka private naman. Tinap ko ang follow button to send a follow request, well I want to be friends with him. Ang cute ng instagram icon niya. Graduation photo niya siguro yun when he was a child. After 3 minutes inaccept na niya at finollow back niya ako. Napangiti naman ako. Dito pala siya active sa ig. Brinowse ko ang mga photos niya iilan lang ang pictures na nakapost sa account niya. Sa lahat ng pictures niya ang kanyang mata talaga ang nakakaagaw ng pansin. He's eyes are really expressive.