Chereads / The Marriage Arrangement / Chapter 1 - Prologue

The Marriage Arrangement

🇵🇭Angbabaingsuplada
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 6.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

"Why did you do that Allysa Chloe? You ruined the reputation that we had. Ano na lang ang sasabihin ng Daddy mo kapag nalaman ito?"

Galit na tanong ni Mommy ng makarating kami sa loob ng bahay.

"As I said Mom I really don't know kung bakit napunta yung answer key na yun sa bag ko."

Paliwanag ko sa kanya habang nakaupo sa couch.

"Pati ba naman ako pagsisinungalingan mo? Kung kanina napaniwala mo yung mga faculty members na wala kang kinalaman sa nangyari. Pwes ako hindi at isa pa kailan ka ba titigil dyan sa pagsisinungaling na ginagawa mo?"

"But I'm just telling the truth. Yung mga sinabi nila kanina that's a false accusation Mom. Wala talaga akong kinalaman sa nangyari at isa pa bakit ko naman gagawin yun? Mukha ba akong uhaw sa academic validation? You know me Mom, hindi ako ganoong klaseng tao. Simula ng mag-aral ako lahat ng achievements na nakukuha ko sa school pinaghihirapan ko yun Mom, kaya bakit ko naman gagawin yung bagay na makasisira sa akin?"

Mahabang paliwanag ko sa kanya.

"You should explained it to your Dad Allysa Chloe and be ready for the consequences. We can't solve this problem kung hindi mo sasabihin yung totoong nangyari. Sige na umakyat ka na at magpahinga. Maaga pa ang pasok mo bukas dahil may community service pang naghihintay sayo."

"But that's the truth Mom, kung ayaw niyo 'kong paniwalaan. Fine hindi ko kayo pipilitin."

Pagkatapos ay umakyat na ako sa taas. Well, I have no choice kundi ang sundin siya, she's my Mom afterall.

Pagkatapos magshower ay nagpalit na ako ng damit pantulog. Grabe nakakastress ang araw na ito. I never expected this to happen.

Habang gumagawa ako ng school works ay biglang tumawag si Bea-ang bestfriend ko.

"Hello Allysa, ano kamusta? Sorry hindi na kita napuntahan kanina hindi kasi kami pinalabas ni Ma'am Joy eh."

Sambit nito sa kanilang linya.

"Ayos lang ako huwag mo 'ko alalahanin. Ang mahalaga alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang kasalanan."

Sagot ko sa kanya.

"Oo alam ko naman yun at isa pa alam ko naman na hinding-hindi mo gagawin yun. So paano mag cocommunity service ka daw? Kasi kadalasan yun naman ang pinapagawa nila sa mga estudyante kapag may mga ganyang situation diba?"

Tanong nito.

"Oo yun kasi ang napag-usapan sa faculty kanina at pumayag naman si Mommy dahil wala pang final decision ang dean about the incident."

"Ah ganoon ba. Huwag mo nang paka isipin yun dahil wala ka naman talagang kasalanan, okey? Sige na magpahinga ka na. Good night."

"Sige, good night. Thank you Bea for always checking on me."

"Of course naman what are the bestfriends for? Sige na matulog ka na. Magpapahinga na rin ako. Bye."

Saad niya sa kabilang linya.

"Bye."

Pagkatapos ay inend ko na ang call.

Nang matapos ko ang school works na aking ginagawa ay bumaba ako para kumain ng dinner. Wala pa si Mommy sa dining table siguro ay may tinatapos pang trabaho. Nagtext naman si Dad that he will be late for dinner. I don't know his reasons pero okey lang sana'y na naman ako. That's their routine almost everyday kaya hindi na bago sa akin yun. I'm used to it, ang kumain mag-isa mapabreakfast man yan, launch or even dinner. As far as I remember, never pa kaming kumain ng sabay-sabay unless there is an important thing that we need to discuss.

Pagkatapos kumain ay nagpunta ako sa rooftop. Ang paborito kong lugar sa bahay bukod sa napaka aliwalas ng paligid ay wala masyadong nakapapansin kung may tao man o wala sa taas. Naupo ako sa gilid, ipinatong ko ang aking mukha sa aking mga tuhod habang mahigpit na yakap ang aking mga binti. Doon ko ibinuhos ang luhang kanina ko pang pinipigilan. Pakiramdam ko sa nangyari kanina, ako pa rin yung mali kahit na sinasabi kong wala naman talaga akong kasalanan. Mahirap bang intindihin yun o sadyang hindi nila ako naiintindihan. I used to be a strong person, I used to hide my emotions para hindi sila mag-alala pero ngayon ay hindi ko kaya, they accused me for things na hindi ko naman ginawa and the worst part is yung mga taong akala ko ipagtatanggol ako ay hindi pinaniniwalaan yung mga bagay na sinasabi ko.